CHAPTER 14

Chapter 14: The End-stage of The Travel
3rd Person's POV
Handa na silang lahat papuntang Butuan City. Napagkasunduan nila kahapon na dadaan muna sila sa bahay nila Kia upang tingnan kung nandoon ito.
"If ever na wala siya doon--" hindi na natapos ni Hanna ang sasabihin dahil kay Jia.
"Wag ka ngang nega diyan Hanna! Makikita pa natin uli si Kia, tatarayan niya pa tayo no" nakangiting saad nito sa kaniya.
Alam kasi nilang lahat na hanggang ngayon sinisisi ni Hanna ang sarili. Guilty ito sa ginawang pagsigaw sa kaniya kaya hindi nito maiwasang magisip ng negatibo.
"Tara na? Baka naghihintay na siya sa atin sa kanila. Alam niyo naman 'yon diba? Kunwari ayaw magpahanap o magpasunod pero naghihintay." pagpapagaan ni Jay sa loob ng dalawang kababata.
Sumakay na sila sa mga sasakyan. Sa van ay nandoon sina Xandria, Ethan, Rye, Risa, Lea, Enzo, Akira at Brix. Sa kabilang van naman sakay sina Mia, Kath, Shasha, Dreanna, Danna, Diana, at Erix. Sa SUV naman sakay sina Shia, Jia, Jay, Hanna, at Farah. Habang sa kabilang SUV ay sakay sina Gail, Yena, Sandra, at Cali.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ng lahat. Pangamba. Saya. Lungkot. Kagalakan. Bawat isa sa kanila ay tila hindi maintindihan kung ano ang dapat maramdaman.
Lumiko ang SUV na sinasakyan nila Jay patungo sa isa na namang exclusive subdivision. Hindi naman makapaniwala ang mga kaibigang taga-Manila sa nakikita. Hindi kasi sila madalas mag-usap tungkol sa estado ng pamilya nila. Kaya hindi nila inaakalang mayayaman pala talaga ang mga kaibigang taga-CDO.
"I can't believe this. Sa tagal nating magkakasama ngayon ko lang nalamang mayayaman talaga kayo!" hindi makapaniwalang saad ni Farah.
"Shut up Farah. Para namang hindi din kayo ganito." walang gana na ani ni Shia dito. Napairap naman si Farah sa kaniya.
"Hindi naman kasi kami ang mayaman. Parents lang namin." nahihiyang tugon ni Hanna.
"Exactly! She's right Shia, hindi naman kasi ako-kami ng pinsan ko ang mayaman. Parents lang namin." padedepensa nito sa sarili.
"Even so, kayo-tayo pa rin ang makakakuha sa yaman nila in the future." Shia said lazily at them. Napairap nalang si Farah dito and she mouthed 'whatever' at her.
Hininto na ni Jay ang sasakyan sa harapan ng isang mansion like na bahay. Mas maliit lang ito ng kaonti sa bahay nila Denise. Nagbabaan na rin naman ang mga kaibigan nila.
"Ikaw na magdoorbell Jay para sure na pagbubuksan tayo." walang bisang saad ni Rye na ikina-ikot ng mata ng mga babae.
Walang pasabi namang namang pinindot ni Xandria ang doorbell. Natawa naman ang ilan dahil mukhang naiinip na ito kahit wala pang nangyayari.
"Oh! Kayo pala Jay, Hanna at Jia! And friends? Kung hinahanap niyo si Kia, kakaalis niya lang." bungad ng isang magandang babae na nasa edad 35+ kung titigan.
"Ah gan'on po ba tita? Saan po kaya siya pupunta? Nasabi niya po ba sa inyo?" tanong ni Jia dito. "Good morning po pala Tita!" dagdag nito na ginaya naman ng ibang kaibigan.
"Good morning din sa inyo young ladies and young man. Hindi ko rin alam kung saan siya nagpunta e. Nagulat nalang nga ako kahapon ng dumating siya dito sa bahay at umiiyak. She even said sorry to me many times even before she left the house earlier." naguguluhang saad nito sa kanila.
Napatango naman sila sa ginang. Magtatanong na sana si Hanna dito ng maunahan siya ng ginang magsalita.
"May nagyari ba? May tampuhan ba kayo uli?" nababahalang tanong nito.
"Maliit na hindi pagkakaunawaan lang po Tita. Hindi po kasi din siya nagpaalam sa amin kahapon na uuwi na siya dito kaya nagalala din kami." saad naman ni Jay dito.
"So that's why... Hmm.. As far as I want to invite you all inside pero may lakad pa ako ngayon... But if you want you all can wait for her inside although hindi ko alam kung anong oras ang dating niya." saad naman ng ginang sa mga kaibigan ng anak.
"Ahmm..." halos lahat sila ay hindi mahanap ang tamang sasabihin.
"I'll wait for her here. You guys can go at Butuan now." pinalidad na saad ni Jay sa lahat.
"Are you sure?" takang tanong ni Jia dito. Napangiti naman ang lalaki.
"Oo, ako na bahala. Kakausapin ko nalang din siya para sa lahat. Go. Baka mahuli kayo." saad nito sa lahat.
Napatango ang lahat sa kaniya at nagpasalamat. Humarap naman si Jay sa ina ni Kia. Nginitian siya ng ginang at pinapasok na sa loob.
"You can wait here Jay. Pede ka rin naman sa room niya hindi naman problema sa akin 'yon. Dati pa naman ay tambayan niyo ng lima nila Denise." saad ng ginang. Umiling naman si Jay dito at nginitian ito habang naupo sa sofa.
"Dito nalang po ako Tita. Mukha naman pong hindi magtatagal si Kia sa labas" saad niya dito. Tipid na ngumiti ang ginang sa sinabi nito.
"Ano pala gagawin ng mga kaibigan mo sa Butuan?" nagkukunwaring walang ideyang tanong ng ginang kay Jay.
"Ahh... May bibisitahin lang pong kaibigan..." saad ni Jay na tila nagaalangan. Napatango ang ginang sa kaniya.
"Sinong kaibigan?" tanong nito kahit pa may idea na siya kung sino. Kailan lang din kasi niya nalaman ang tungkol d'on dahil sa anak.
"Ahh.. Ehh... Si... Si Daniela po!" natatarantang saad ni Jay. Hindi niya kasi alam kung dapat niya bang sabihin ang totoo gayong halos ilan lamang silang may alam nito.
"Ahhh... Sana ay makilala ko itong si Daniela" tugon ng ginang na sinuklian niya lang ng tipid na ngiti.
"By the way... I have to go... Hintayin mo nalang si Kia dito at kung mainip ka you can always go to her room." saad ng ginang na nagpakunot sa noo niya.
Napapansin niya kasing tila ba pinipilit siya nitong pumasok sa kwarto ni Kia. Iniisip niya tuloy kung ano ang meron sa loob ng kwarto ni Kia. Tipid siyang ngumiti sa ginang na kinukuha ang bag sa sofa.
"Okay, Tita." saad niya dito. Tumango lang ang ginang bago tumalikod sa kaniya. Hindi naman nakatakas sa mata niya ang lungkot sa mukha ng ginang na ikina-taka niya. Bago pa siya muling magtanong ay naglakad na ito ng mabilis palabas. Napakibit balikat nalang siya.
Hapon na ngunit wala pa ring Kia na dumadating. Nakalimutan naman niya ang telepono sa sasakyan kaya hindi niya makontak ang mga kaibigan upang makibalita.
Naalala niya ang sinabi ng ginang na pwede siya pumasok sa kwarto ni Kia. Papakailaman nalang niya muna ang laptop nito doon para makibalita sa mga kaibigan.
Pagdating sa tapat ng pintuan nito ay nakaramdam siya ng kaba. Hindi alam kung bakit pero kinakabahan siya. Pinihit na niya ang doorknob at tuluyang binuksan ang pinto.
Madilim. Hindi niya talaga alam kung anong trip ng babae sa buhay. Binuhay niya ang ilaw at bumungad sa kaniya ang kwarto na kulay abo at itim. Kung anong kikay nito sa pagaayos ng sarili siya namang kaibahan sa kwarto nito. Napailing ang binata, hindi pa rin talaga nagbabago ang dalaga.
Nakita naman nito ang laptop nito sa study table. Nilapitan niya ito para buhayin pero naka-sleep lamang pala ito. Nagulat ang binata sa bumungad sa kaniya. Nabato siya sa kinatatayuan dahil sa nabasa. Isa itong email of application na kahit kailan ay hindi niya naisip na gagawin nito.
Mabilis niyang pinakailaman ang laptop nito upang tingnan pa ang ibang email. Sa sobrang taranta niya ay nagkamali pa siya kaya naalis niya ang email. Napunta naman siya ngayon sa files.
Bumungad sa kaniya ang nagiisang folder. SORRY- yan ang nakalagay na name sa folder. Dala ng kuryosidad ay pinindot niya ang folder. May laman itong isang video ni Kia na may habang 10 minutes. Makikita dito na sa pwesto niya ngayon na dito din kinuhaan ang video. Pagkapindot niya ng video ay nasa pinakahuli na ito. Mukhang hindi siya ang kauna-unahang nagplay nito.
Magsisimula na sana muli ang video ng bumukas ang pinto. Mabilis pa sa alas kwatro niyang isinara ang laptop at humarap sa pinto.
"I told the maids na tawagan ako kapag pumasok ka na sa loob ng kwarto niya" ani ng ina ni Kia sa kaninya. Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. "What took you so long to come here?" dagdag pa nito na mas nakapagpagulo sa kaniya.
"What do you mean, Tita?" nagtatakang ani niya sa ginang. Mapait itong ngumiti sa kaniya.
"Have you seen the email?" balik nitong tanong. Doon niya napagtanto ang tinutukoy ng ginang.
"Tita... Tunay ba 'yon?" mahinang tanong niya. Mas lumungkot naman ang mata ng ginang.
"Yes, and I've just confirm it a while ago." nanlulumong ani nito. "I've always know that she's a spoiled brat but a strong woman had a strong will. I didn't know she's this strong..." napapaluhang napaupo ito sa kama ng anak.
"Tita..." naaawang saad niya sa ginang. Tiningnan siya nito bago sumilay ang isang malungkot na ngiti.
"She always told me... That if she'll get married she want you as her groom..." kwento nito sa kaniya na nagpipigil ng luha. Napaiwas siya ng tingin dahil maging siya at naiiyak sa nalalaman. Kabaklaan man ito pero naiiyak siya dahil nasasaktan ang ina ng dalaga.
"Then I'll always joked her saying 'Want me to arranged a marriage for convenience for the both of you?'... Then she would say 'Mom if I'll get married with him by that I can't accept it. I want him to marry me because he loves me.'..." saad nito habang nakayuko.
Hindi niya magawang matingnan ang ginang dahil sa awa. Hindi niya akalain na ganito pala kalalim ang pagmamahal ng dalaga sa kaniya. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang mga sinasabi nang ina ni Kia.
"Jay... I know you only see her as a little sister... But can you run after her? Can you please... Please bring my daughter back? I... I can't lose her she's my only treasure after her father died." nagmamakaawang saad nito.
Napalingon si Jay sa ginang kaya nakita niya ang mga luhang puno ng sakit at pait sa nangyayari. Ang lungkot at pighati sa mga mata nito. Ngumiti siya ng pilit dito kahit nasasaktan din siya.
"I won't promise anything Tita... But I'll do my best to stop her and bring her here..." saad niya.
Alam niyang sa naging desisyon ni Kia ay malabo niyang mapigilan pa ito. Hindi niya nga din sigurado kung aabot ba siya gayong ngayong araw ang schedule. Ayaw niyang biguin ang ginang ngunit hindi niya naman hawak ang oras.
"Don't feel pressured Jay... I won't blame you or anyone if you couldn't make it... I respect my daughter's decision even so..." saad nito.
"Tita..." tipid siya nitong nginitian. Tumayo ito at lumapit sa study table ng anak. Kinuha nito ang laptop at inabot sa kaniya.
"Take it. I suggest you must watch it with your friends." saad nito. "Here use my car... Run after her Jay..." saad nito sabay silay ng isang totoong ngiti.
Napatango si Jay at dali daling lumabas ng kwarto. Nagmamadali siyang lumabas ng bahay nila Kia at minaneho ang sasakyan upang puntahan ito.
'Wait for me, Kia. Maybe I realized it too late but my heart can't really afford to lose you...'

Komento sa Aklat (16)

  • avatar
    Lovely Tabalba

    loveeeyaaaa

    18/10/2023

      0
  • avatar
    Tyron Selorio Bucs

    I love it

    03/04/2023

      0
  • avatar
    Romel Calumba

    that's cool

    28/03/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata