CHAPTER 10

Chapter 10: The Start of The Travel
3rd Person's POV
Hindi makapaniwala ang lahat sa nasagap nilang balita. Lahat sila ay hindi mapakali, at kinakabahan sa pwedeng mga mangyari. Tumuloy sila sa mansion ng mga Dawson pagkatapos nila kumuha ng kani-kanilang gamit.
"Bro, can you please calm down? Nahihilo na kami , kanina kapa palakad-lakad diyan" sabi ni Enzo kay Brix. Simula kasi kanina ay siya na ang pinaka-tuliro sa lahat. Hindi siya mapakali at halos lumipad na siya papuntang CDO para lang mapuntahan ang girlfriend/fiancee.
"How can I calm down? Ni hindi ko alam na may sakit siya. Damn it! I'm so freaking useless!"  punong puno ng sakit na sambit ni Brix.
"Cousin, kaya nga andito tayo ngayon para pag usapan yan diba? So please, calm down!" pag aawat ni Akira sa pinsan niya.
Habang si Shia naman ay hindi mapakali, silang tatlo nina Xandria at Ethan ang may alam sa sakit ni Denise pero mas pinili parin nila itong itago, dahil na rin sa kagustuhan ng dalaga.
"Hindi tayo makaka-kuha ng flight agad agad ngayon. At hindi rin available ang mga choppers namin nina Brix" saad ni Akira, agad naman na-frustrate si Brix.
"Pwede ba nating gawan ng ibang paraan?! I really need to go there as soon as possible. Damn it!" saad ng binat. Naawa ang lahat sa kalagayan niya, dahil alam nilang siya ang mas nasasaktan ngayon.
"Kanina ko pa kinokontak ang mga alin man sa dalawang piloto ng choppers pero wala. Lalo na't sabay sabay lahat ng mga appointments nila Tita sa iba't ibang lugar. " saad ni Akira, hindi na alam ng lahat ang gagawin.
"Here! Baka pwede na 'to. May mga available seats pa para sa'tin." biglang ani ni Kia sa lahat.
Nagtakbuhan naman palapit sa kaniya ang mga kaibigan. Lahat kasi sila ay halos nag-iisip ng paraan para makapunta agad sa CDO. Naiinis naman siyang napasigaw ng halos daganan na siya ng mga kaibigan.
"Can you please stay away for a while?! Pwede namang pakinggan niyo nalang ang sasabihin ko e!" ani nito bago napairap. Umatras naman ang mga kaibigan dito.
"I had this friend na nagta-trabaho as a flight attendant sa Cebu. Nandito siya sa manila ngayon at ayon sa kaniya ay may mga bakante pang seats ang eroplano nila patungong Cebu." pagpapaliwanag ni Kia sa lahat.
"Kia sa Visayas ang Cebu! Ang pupuntahan natin ay CDO!" tila walang naintindihang ani ni Brix dito.
"I know, Duh! Taga CDO ako!" napapairap nitong saad dito. "What I mean is pwede nating gamitin itong opportunity para mas mapalapit sa CDO. We can take some connecting flights diba?" pagpupunto nito sa sinabi.
Napatango naman ang lahat dahil sa sinabi nito. Agad silang nagpabook ng flight patungong Cebu. Ang time schedule ng flight nila ay 8:00 am kaya naman tama lang ang naging desisyon nila na kumuha muna ng mga gamit sa kani-kanilang bahay para sabay sabay nalang ang alis nila.
Pinahanda naman nila Akira at Brix ang dalawang van ng pamilya nila para sa paghahatid sa kanila kinabukasan. Habang si Rye at Farah naman ay kinontak ang kamag-anak nilang nasa Cebu in case na magkaproblema sila. Hindi naman nila hinihiling na magkaroon for them it's just a precaution.
Maaga pa lamang ay gising na ang lahat halos hindi sila nakatulog dahil sa kaba. Habang nagaagahan ay tahimik lamang ang lahat. Napukaw lang ang atensyon nila ng may tumunog na phone. Napatingin ang lahat kay Xandria.
Si Xandria naman ay nagtaka dahil unknown number ang tumatawag. Tumayo si Xandria at lumabas ng dining area.
"Hello?" sagot niya sa telepono habang naglalakad patungong pool side.
"X-xandria.." naiiyak na ani ng dalaga sa kabila. Nagulat naman si Xandria napalingon siya sa paligid upang tingnan kung may sumunod sa kaniya.
"Denise? The hell? How are you?" Sunod sunod na ani nito. "Alam mo bang nag-aalala kaming lahat sa'yo?" saad ni Xandria dito.
"Sorry. Nasabi nga ni Mommy kanina na tinawagan niya si Brix." tugon nito. "Pero hindi niya raw sinabi ang tungkol sa kung saan ang sakit ko" dagdag pa nito.
"Nag-aalala siya sa'yo. Tita said you're dying at ayaw mo daw magpagamot." Xandria said to her. "Kaya nagplano siya at ang grupo para pumunta diyan." dagdag nito.
Nagulat naman si Denise sa narinig. Hindi dapat dumating ang mga kaibigan habang wala pa silang nahahanap na donor.
"Xandria.. can you do me a favor?" seryosong tanong nito sa kabilang linya.
"What favor?" saad naman agad ni Xandria. Pinag-usapan nila ang hinihinging pabor ng dalaga.
Nagtataka naman ang lahat sa tagal ni Xandria. Tumayo na si Akira para hanapin ito ng maunahan siya ni Ethan.
"I'll look for my girlfriend. Magready na kayo para pagdating namin alis na agad tayo." ani nito na nagpatango sa lahat. "Enzo, Rye pakidala naman ng maleta namin oh" pakiusap nito sa mga kaibigan.
"Sure. No worries." mabilis na tugon ni Enzo. Naghiwa-hiwalay na sila upang makapaghanda. Dumeretso naman si Ethan sa nilikuan ng nobya kanina.
Habang naglalakad patungo sa likod bahay ay hindi niya maiwasang mamangha sa laki at ganda ng mansyon. Napatigil naman siya sa paglalakad ng makitang masasalubong niya ang girlfriend.
"Who called you?" tanong ni Ethan sa nobya. Nabuntong hininga ito bago sumagot.
"Let's talk about it on the phone. I'll make a group chat for the three of us." ani nito bago lumapit sa kaniya. Inakbayan naman ito ng lalaki.
"What do you mean 'the three of us'?" nagtatakang tanong ni Ethan sa nobya bago sila nagumpisang maglakad.
"Shia." tipid lang na ani nito bago sumandal sa dibdib niya. Pagkarating naman nila ay kumpleto na ang lahat.
Agad silang sumakay lahat sa van. Patungo na sila ngayon sa NAIA para sa flight nila patungong Mactan-Cebu International Airport. Doon sila kukuha ng available flights patungong Cagayan De Oro.
Pagkarating sa airport ay mabilis silang kumilos upang maayos agad ang lahat. Naglalakad na sila ngayon patungo sa loob ng eroplano. Buong biyahe ay lumilipad ang isip ng lahat kung ano ang maaring kalabasan ng mga pangyayaring ito.
Mabilis lang ang naging biyahe nila. Ngayon naman ay nagpapabook ng flight sina Xandria, Ethan, at Shia ng flight patungong Cagayan De Oro. Habang naghihintay ang lahat ay patuloy lang sila sa pagkontak kay Denise sa number nito at sa lahat ng social media accounts niya.
"Wala pa rin ba?" tanong ni Shasha sa lahat. After Christmas ball ay natapos na ang alitan ng student councils at journalism club. Pero these past few years lang talaga sila pinakanagkasundo.
"Wala pa rin e." nanlulumong ani ni Hanna dito. Kanina pa kasi nitong tinatawagan lahat ng numero ng pamilyang Villafuerte pero puro lamang out of coverage.
"How about her social medias account?" tanong naman ni Farah kina Gail. Nanlulumong napailing sila Gail, Yena, Cali, Dreanna at Sandra.
"We still got nothing..." nawawalang pag-asang ani ni Jia. Nalulungkot siya dahil halos sabay na silang lumaki nila Hanna pero hindi man lang nagawang sabihin ni Denise ang tungkol sa sakit niya.
Lahat sila ay walang idea sa kung anong sakit mayroon si Denise. Iyon ang pagkakaalam nila maliban kina Xandria, Ethan, at Shia dahil alam na alam nila kung ano ito at kung gaano ito kadelikado. Tanging alam lang ng mga kaibigan ay may malalang sakit ito na maaari niyang ikamatay.
"Don't lose hope guys! We need to be strong right?" pagpapalakas loob na ani ni Mia sa lahat. Napatango naman ang iba at pilit na ngumiti dito.
Dumating sina Xandria, Ethan, at Shia na may malungkotna mukha. Kinabahan naman ang bawat isa dahil dito. Sina Akira at Brix naman ay hindi mapakali sa kinauupuan.
"What happened?" si Risa na naglakas loob itanong ang problema. Napabuntong hininga si Shia bago humarap sa mga ito.
"We've got a problem." nanlulumong napatingin ang lahat sa kaniya. "The only flights that available here is on Davao." mahinang ani nito. Napangiti naman sila Hanna, Jia, Jay, at Kia.
"That's okay. After we arrived there we only need to hours roadtrip to CDO." paliwanag ni Jay sa lahat. Sinang-ayunan naman ito nila Jia.
"I thought it's a problem? Shia?" nagtatakang tanong ni Rye dito. Napaiwas naman ng tingin si Shia ng bumaling lahat sa kaniya.
"The next flight will be three days for now." seryosong ani ni Xandria na nagpalaglag sa panga ng lahat.
"Seryoso?!" halos sabay sabay nilang tanong sa mga ito. Pinagtitinginan na sila ng mga tao dahil sa dami at ingay nila.
Napapikit ng mariin si Shia at nakagat ang labi dahil sa hindi alam kung paano sasabihin sa mga kaibigan.
"We don't have any choice but to wait. Nagpabook na din kami kasi baka mamaya mahuli pa tayo lalo tayong magtatagal." mahabang alintanya ni Ethan ng mapansing hindi na alam ng dalawa ang sasabihin.
Walang nagawa ang lahat kung hindi sumang-ayon sa kanila. Si Brix naman ay tahimik lang at mukhang kalmado pa. Tinawagan naman nina Farah at Rye ang sundo nila buti na lamang ay nagbigay na sila ng abiso bago pumunta dito.
Pansamantala naman silang tutuloy sa rest house ng pamilyang Yolo upang magpalipas ng tatlong araw. Pagdating nila dito ay pinaghatian nila ang limang kwarto.
Magkakasama sa unang kwarto ang mga lalaki. Habang sa pangalwa naman ay sina Akira, Shia, Xandria, Risa, at Lea. Sa pangatlo namang kwarto ay sina Jia, Hanna, Sandra, Danna, at Diana. Sa pang-apat naman ay sina Farah, Gail, Yena, Dreanna at Cali Habang sa panghuli naman ay sina Kath, Mia, Kia at Shasha.
Pagkatapos nilang paghatian ang kwarto ay nagluto naman sina Cali, Yena at Dreanna. Ang iba naman ay patuloy pa rin sa pagkontak kay Denise at sa pamilya nito. Sina Kath, Mia, at Shasha naman ang naghanda ng mesa.
"Guys! Let's eat!" sigaw ni Yena kaya naman nagpasukan ang lahat sa dining area. Tahimik lang na kumain ang lahat tila nagpapakiramdaman.
Pagkatapos kumain ay nagpresinta sina Risa, Rye, Lea at Enzo para sa paghuhugas ng pinggan. Nagsi-akyatan naman ang lahat sa kani-kanilang kwarto upang magpahinga. Bago matulog ay nagchat muna si Xandria sa group chat nila nina Ethan at Shia.
Xandria: Nice teamwork.
Napangiti naman ang ng mabasa ang message ng dalaga. Natulog naman agad ang magkakaibigan matapos ang lahat.

Komento sa Aklat (16)

  • avatar
    Lovely Tabalba

    loveeeyaaaa

    18/10/2023

      0
  • avatar
    Tyron Selorio Bucs

    I love it

    03/04/2023

      0
  • avatar
    Romel Calumba

    that's cool

    28/03/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata