CHAPTER 9

Chapter 9: The Engagement
3rd Person's POV
Nagising si Denise sa ingay ng alarm clock sa ulohan niya. Naiinis naman siyang napabangon at pinatay ang kaniyang alarm clock.
Naiinis na tumayo sa kama niya si Denise. Lumabas na siya ng kwarto at nagtungo sa kusina ng kaniyang condo. After 5 years of working on the ICB Entertainment nakabili na siya ng sariling condo.
Naghahanda siya ng almusal nang tumunog ang kaniyang cellphone. Walang lingon niyang sinagot ito dahil busy sa paghahanda ng agahan.
"Hello?" tanong niya sa kabilang linya.
"Good morning din, Baby" mapang-asar na bati sa kaniya nito.
Napakagat ng labi si Denise dahil dito. Hindi niya kasi natingnan ang pangalan ng tumawag.
"Good morning Baby..." mahinang bati niya. Tumawa naman ang lalaki sa kabila kaya ang hiyang naramdaman niya kanina ay napalitan ng inis.
"If I know kagat kagat mo na naman ang labi mo HAHAHA" natatawang ani nito sa kaniya.
"Shut up Brix! Ano ba kasing itinawag mo?!" naiinis niyang tanong. Pinatay na ni Denise ang kalan at ihinada ang mesa.
"I just want to my baby's voice. Can't I do that." malambing nitong sagot. Napangiti naman si Denise.
Nahanda na niya ang agahan. Naprito lang siya ng bacon para palaman. Naalala niya naman ang pangako sa mga magulang na di niya sinunod. Nagpacheck-up lang siya at nanghingi ng gamot na maaaring inomin.
"Is it about our dinner later?" pagiiba niya sa usapan nila ng nobyo. Napangisi naman ang lalaki sa sinabi ng nobya. Ang alam lang kasi ng nobya niya ay magdi-dinner lang sila.
"Oo, don't forget about that. Okay?" masuyong ani niya dito. Tumango ang dalaga na animo'y nakikita ng nobyo.
"Oum. Okay okay" saad nito at nagumpisa nang sumubo ng pagkain.
"Have you eaten your breakfast?" tanong muli ng lalaki. Napangiti ang babae habang nanguya. Lumunok muna siya bago nagsalita.
"I'm still eating it Baby... What about you?" balik niyang tanong dito.
"Oh... Kanina pa ako. Alam mo na baby maaga ang pasok sa office." sagot sa kaniya nito.
Sa kanilang lahat sina Brix at Akira lang ang hindi nagta-trabaho na related sa kanilang tinapos. Wala na kasi itong choice kung hindi ihandle ang sarili nilang kumpanya, ganon din si Akira.
Sina Gail, Sandra, Danna, Diana at Cali ay pinasok ang showbiz and modeling. Sina Xandria, Ethan, Shia at Denise naman ay tinupad ang pangarap maging writer. Sina Rye, Enzo at Jay naman ay naging editor ng isang sikat na news entertainment. Habang sina Farah, Jia, at Risa naman ay anchor na. Sina Dreanna, Hanna at Yena naman ay field reporters. Sila Shasha, Kia, Mia, Erix at Kath ay naging directors at producers sa kani-kanilang entertainment na pinasukan.
"Baby?" nakalimutan na niya na may kausap siya dahil sa mga iniisip.
"H-huh?" nalilitong sagot nito dito. Napabuntong hininga ang nasa kabilang linya.
"You spaced out. May problema ba?" tanong nito sa kaniya.
"Ahmm... I'm just reminiscing the some memories of the group" she said. Napailing ang binata na animo'y nakikita ng kausap sa phone.
"You always reminisce the past. Are you bothered at some point?" nagtatakang ani nito.
"Wala naman. Ano ka ba! Syemre memories 'yon. Btw Baby I need to hang up, I still need to get ready for my work." pagpapaliwanag ng dalaga sa nobyo.
"Okay. Then, take care on your way later. I love you" malambing nitong ani sa nobya.
"Oum sige. I love you too." sagot niya dito bago pinatay ang telepono. Mabilis nitong tinapos ang agahan bago nagtungo sa kwarto upang mag-ayos.
Hininto ni Denise sa parking lot ang sasakyan. Dali dali siyang nagtungo dahil mala-late na siya. Nakatulog uli kasi siya sa bathtub kanina.
Pagkatapak palang ni Denise sa lobby ay nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Napatigil siya halfway malapit sa log-in ng attendance. Nahihirapan na siyang huminga na tila ba ay nauubusan siya ng hangin. Napapaiyak si Denise at napapaupo sa sahig.
"Denise!" tawag sa kaniya ng kung sinoman. Tuluyan na siyang nawalan ng malay. Dalawang kamay ang sumalo sa kaniya bago siya bumagsak sa sahig. Dumating ang mga kaibigan niyang kasama sa trabaho.
"Bring her to the company's clinic Babe!" sigaw ni Xandria na natataranta dahil sa nakita.
"Calm down Xandria!" sigaw ni Shia dito. Mabilis namang binuhat ni Ethan si Denise at itinakbo sa clinic. Sumunod sina Xandria at Shia.
Pagdating sa clinic ay nilapatan agad si Denise ng pang-unang lunas. Pinalabas naman sila pansamantala ng clinic. Hindi mapakali si Xandria buong buhay niya ay ngayon pa lamang siya kinabahan ng ganito. Lakad dito. Lakad doon. Ang dalawang kasama ay nahihilong nakatingin dito.
"Will you please take a sit first?!" hindi na mapigilan ni Shia at sinigawan ng mahina ang kaibigan. Mas gusto tuloy niyang makasama ang kaibigan gaya ng dati na walang emosyon. Binago rin kasi ito ng mga pingdaanan sa loob ng limang taon.
Pabagsak na naupos sa tabi ni Ethan ang babae at sumandal sa balikat nito. Bumuntong hininga ito ng malalim.
"Babe... Calm down..." pagpapaklma ng nobyo dito. Napairap na lamang sa kawalan si Shia dahil sa dalawa.
Bumukas ang pinto ng clinic kaya naman napatayo ang tatlo. Mabilis na nakalapit si Xandria sa doctor na naka-assign sa clinic.
"How is she?" bungad nito. Napangiti naman ang doctor na nakapagpahinga ng maluwag sa tatlo.
"She's fine... For now" ani nito na ikinataka ng mga kaibigan ni Denise. Napalapit na rin si Shia sa mga ito.
"What do you mean by that?" medyo inis nitong saad sa doctor. Hinawakan naman agad siya nila Xandria sa magkabilang kamay. Sa kanilang lahat kasi ay ito ang kakaibang magalit.
"Calm down Shia..." mahinang ani ni Xandria. Nilingon ni Shia ang kaibigan bago pumikit ng mariin at huminga ng malalim. Humarap naman ito muli sa doctor.
"Magbesfriend nga talaga kayo" bulong ni Ethan sa hangin. Napairap si Shia sa narinig.
"I think we should talk about it inside." ani ng doktor bago nauna sa kanila pumasok sa loob. Sumunod naman ang tatlo. Nakita nila si Denise na natutulog.
"Your friend is sick.." ani ng doktor. Napairap muli si Shia. Gwapo nga ang doktor pero nakakainis kasi hindi nito alam ang salitang obvious.
"Obviously Doc" pambabara nito sa doktor. Napatawa ng mahina ang mga kaibigan.
"I mean she have Advanced Heart Failure disease." deretsong ani ng doktor sa kanila. Napakunot naman ang noo ng tatlo.
"Advanced what?" ani ni Xandria. Napabuntong hininga ang doktor.
"Advanced Heart Failure. It's means her heart is getting weaker and weaker. I think you better bring her on the ospital rather than here." mahabang eksplenasyon nito.
Napatanga ang tatlo sa doktor. Hindi sila makapaniwala sa narinig. Napalingon silang tatlo kay Denise ni hindi man lang nito nasabi sa kanila.
"I'll go ahead." tipid na ani ng doktor bago lumabas ng clinic. Naupo si Ethan sa sofa hindi pa rin makapaniwala sa narinig. Samantalang ang dalawang babae ay naupo sa tabi ni Denise.
"Why didn't you tell us about it?" malungkot na tanong ni Shia sa kaibigang si Denise.
"Maybe she had her reasons" seryosong ani ni Xandria kay Shia. Napabuntong hininga naman ang huli.
"We should tell Brix about it right?" tanong ni Ethan sa dalawa habang nilalabas ang cellphone sa bulsa. Bago pa makasagot ang dalawang babae ay may nauna nang nagsalita sa kanila.
"D-don't..." namamaos na ani ni Denise. Napukaw nito ang atensyon ng tatlo. Mabilis ang naging kilos ni Shia at nag-abot ng tubig sa dalaga. Pagkatapos uminom ay tiningnan niya ang mga kaibigan.
"Wala kayong pagsasabihan ng nalaman niyo. Not even on Brix. Naiintindihan niyo?" seryosong ani niya sa mga ito. Nagtatakang napalingon si Shia at Ethan sa kaniya habang si Xandria ay seryoso siyang tiningnan.
"Give us a valid reason to do that" malamig na ani ni Xandria sa kaniya.
"Ayaw kong maging pabigat sa kaniya. Ayaw kong agawin sa bawat isa sa inyo ang mga saya sa mukha niyo dahil lang sa akin. And if ever that will be my last wish before I die" mapait nitong ani sa mga kaibigan na may pekeng ngiti.
"You... I hate you.. You're sick pero kami pa rin iniisip mo? How could you?" nanghihinang saad ni Shia sa kaniya. Napaiwas siya ng tingin ng makitang may takas na luhang pumatak sa mata ng kaibigan.
"I'm sorry" ani niya sa mga ito. Doon sila nanatili hanggang tanghali. Napapayag niya ang tatlo na huwag sabihin kahit kanino ang mga nalaman. Ipinagpaalam naman siya ng mga kaibigan sa boss nila dahil sa nangyari. Magkakasama silang apat at ospital para sa check up ni Denise.
"Miss Villafuerte. It's good that you've back after a week of check up. Samantalang dati once a month ka lang pumupunta dito. What's with the sudden change of decision?" bati sa kaniya ni Doktora Buenaventura. Napangiti na lamang siya dito.
"My friends find out about my condition and they want to hear something about it." natatawang ani niya sa Doktora na ikina-irap ng dalawang kaibigan.
"That's good. At least may iba ka ng pagsasabihan." pilit na ngiting ani nito dito.
"Yeah right." walang gana niyang saad sa Doktora. Napabuntong hininga ang Doktora.
Ikinuwento nama ni Denise dito ang naging dahilan ng pagbalik niya. Taimtim lamang nakikinig ang mga kaibigan.
"Denise please consider having treatments. Hindi na kaya ng gamot lang ang sakit mo. You are nearing at the End-stage of it pag nangyari 'yon the best choice that we had is to do heart transplant. Aren't you scared?" nababahalang saad ng Doktora. Napatulala naman si Denise sa narinig. Habang ang mga kaibigan ay hindi makapaniwala.
Ang akala ni Denise ay handa na siya sa ganiting senaryo. Ang akala niya'y tanggap na niya. Naguunahang tumulo ang luha ni Denise kaya mabilis siyang pinatahan ng mga kaibigan.
"Denise stop crying... It's not good for you.." nagpipigil sa luhang ani ni Shia. Huminga naman ng malalim ang dalaga dahil tama ang mga kaibigan.
Ilang minuto pa silang nanatili doon bago pa naalala ang usapan nila ng nobyo. Napatayo siya sa upuan niya dahil sa naalala.
"I think we should go. I almost forgot the dinner." natatarantang ani ni Denise. Natatawang napatayo ang mga kaibigan. May idea na kasi sila sa mangyayaring dinner ng dalawa.
"Bye Doc. We'll go ahead." ngiting ani ni Shia bago sila tuluyang nag-alisan ng mga kasama.
Pagdating sa condo ay nagmamadaling pumasok si Denise sa kaniyang kwarto. Mabilis niyang inilabas ang mga dress sa kaniyang closet. Habang namimili ay nag-ring ang kaniyang cellphone.
"Hello?" bungad niya sa nasa kabilang linya. Nakapili na naman siya ng susuotin kaya naman agad siyang naghubad. Inilagay naman niya sa loudspeaker ang phone.
"Denise... I've got a bad news.." malungkot na tinig ni Rye sa kabilang linya. Napatigil si Denise sa pagsusuot ng dress niya.
"What do you mean?" nagtatakang tanong niya dito. Tuluyan na nitong nakuha ang atensyon niya kaya minadali nito ang pagsusuot ng dress.
Matapos masuot ang dress ay lumapit siya sa telepono dahil hindi pa nagsasalita ang kaibigan. Inalis nito ang pagkaka-loudspeaker ng cellphone at inipit ito sa tenga at balikat.
"Hello? Rye?" pukaw niya sa kaibigan. Naglalakad na siya patungo sa lagayan ng kaniyang mga sapatos.
"Denise... Naaksidinte si Brix..." nabitawan niya ang cellphone dahil sa gulat. Hindi siya makahinga dahil sa narinig tila ba'y sinusumpong siya ng sakit niya. Nanginginig ang kamay na pinulot niyang muli ang selpon.
"Hello? Hello? Denise? What happened?" tila'y nagaalalang tanong ng kaibigan sa kaniya.
"Nasaan... Nasaan siya?" nahihirapang ani niya dito. Basta nalang siya dumampot ng heels na nasa harapan niya at dali daling nagsuot nito.
"Rye?! Nasaan siya?!" napapasigaw nitong ani dahil sa kaba. Nahihirapan namang magpigil ng tawa ang kaibigan kaya hindi makasagot agad. Binatukan ito ng nobyang katabi dahil sa inis.
"Susunduin ka nalang namin Denise. Antayin mo kami sa baba baka mapahamak ka dahil sa pagkataranta mo" kunwari'y nagaaalala nitong tanong.
"O-osige bababa na ako." saad nito sa kaibigan bago pinatay ang tawag. Nagmamadaling pinatay niya ang ilaw ng condo at ini-lock ito.
Hindi siya mapakali sa tapat ng elevator dahil sa tagal nitong bumukas. Nasa 20th floor pa ang condo unit niya kaya kung magha-hagdan siya ay baka atakihin siya ng sakit niya.
Nang bumukas ang elevator ay sunod sunod niyang pinindot ang lobby. Halos magdasal na siya sa lahat ng santong kilala niya para hindi huminto ang elevator sa kung saang floor. Nadinig naman ang hiling niya ng huminto ito sa mismong lobby na.
Nagmamadaling lumabas siya ng elevator at hinanap ang mga kaibigan. Lumabas na siya tuluyan ng condo ng hindi sila makita sa loob.
"Denise dito!" malakas na sigaw ni Rye. Nagmamadali naman siyang lumapit sa mga ito. Sumakay siya sa backseat kasama niya si Akira na naga-alala din. Sa unahan naman ay si Risa na tahimik lang din kaya naman ramdam ni Denise na seryoso ang nangyari sa boyfriend.
Tahimik lang si Denise sa biyahe. Ikinakalma niya ang sarili upang hindi sumpungin ng sakit. Ayaw niyang dumagdag pa sa alalahanin ng mga kaibigan.
Huminto sila sa highway. Nandito sila ngayon sa highway na madalas pagdalhan sa kaniya ni Brix. Nagtaka naman siya dahil kung naaksidente ang nobyo dapat ay may mga pulis dito. Nagulat si Denise ng may naglagay ng piring sa mga mata niya.
"Anong kalokohan ito?" natataranta niyang tanong sa naglagay ng piring ngunit wala na siyang narinig na kahit ano.
Aalisin na sana ni Denise ang piring ng hilahin ang kamay niya at lagyan ng posas patalikod. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Tinatanong ang sarili kung bakit ngayon pa nila naisipan na pagtripan siya gayong nanganganib ang buhay ng kaniyang nobyo.
"Guys hindi nakakatuwang biro ito! Kailangan ako ng boyfriend ko! Please..." pagsusumamo niya sa mga kaibigan. Naramdaman niyang may umakay sa kaniya maglakad patungo sa kung saan.
Bigla namang may nagplay na music. Hindi niya maintindihan ang trip ng kaibigan. Hindi niya alam kung bakit tila hindi nag-aalala ang mga ito sa nobyo niya.
"105 is the number that comes to my head... When I think of all the years I wanna be with you..." nagtaka siya ng marinig ang boses ng nobyo.
"Brix?" tanong niya ngunit tuloy lamang ang kanta nito. Maya maya pa'y may nag-alis na ng kaniyang posas kinuha naman niyang hudyat 'yon para alisin ang piring sa mata. Hindi pa man nababawi ang paningin ay tanaw na niya ang nobyo na naglalakad at may hawak na bouquet ng bulaklak sa kaliwa at microphone sa kanan.
Dahan-dahan itong naglakad patungo sa kaniya habang patuloy sa kanta. Naiiyak naman niyang inilibot ang tingin sa paligid. Nasa gitna pala siya ng hugis pusong petals ng rosas habang ang mga kaibigan ay nakatalikod sa kanila. Nakaharap sa napakagandang view ng city.
"I'll say, "Will you marry me?" I swear that I will mean it..." kanta nito kasabay ng pagharap ng ilang kaibigan.
Sa pagharap ng mga kaibigan ay nabasa niya ng tuluyan ang mga nasa damit ng mga ito. Lumingon siya sa nobyo at tuluyang naiyak ng makita itong nakaluhod sa harapan niya.
"Like what I've promised to your parents." hinawakan nito ang kaliwang kamay ng dalaga. "I promised that I'll change it with this" binitawan muli nito ang kamay ng dalaga at kinuha ang velvet ring box sa bulsa.
"My Baby, Will you make me the happiest man on Earth? Will you marry me?" puno ng pagmamahal na tanong nito sa kaniya. Pinunasan muna ni Denise ang mga luha dahil hindi siya pwedeng atakihin ng sakit sa harap ng nobyo.
"Y-yes... Yes! Of course!" nagsigawan naman ang nga kaibigan nila. Tumayo na ang lalaki at dahan dahang isinuot ang singsing kasama ng promise ring nila. Bago hinalikan ang nobya sa nga labi.
"SANA ALL!!" sigaw ni Cali kaya napahiwalay ang dalawa. Napuno ng tawanan ng magkakaibigan ang highway ng gabing iyon.
Mapait na napangiti si Jay dahil mukhang kahit anong paghihintay ang gawin niya ay hindi talaga siya magkakaroon ng pagkakataon. Si Kia naman ay malungkot na napangiti kay Jay. Nagkausap man ang dalawa noong Christmas ball hindi pa rin kaya suklian ni Jay ang nararamdaman niya dito.
Magkayakap namang nakaharap sina Rye at Risa sa view ng city. Nilalaro ng lalaki ang kamay ni Risa habang nakayakap dito mula sa likod. Hindi nila pansin ang malungkot na tingin ni Kath sa kanila. Umiwas ito ng tingin dahil hindi na kaya ang bigat na nararamdaman. Dati rati'y nagk-kwento lang si Rye sa kaniya na may babae itong nanakawan ng halik accidentally. Hindi niya akalaing ang babaeng iyon din ang paglalaanan nito ng pag-ibig.
Masayang nagtatawanan naman sina Enzo at Lea sa tabi. Tatlong taon na ang relasyon nila. Oo nga't nagka-aminan sila noong Christmas ball pero hindi 'yon naging dahilan para maging sila agad. Sa sobrang pagi-ingat ni Lea sa sarili taon bago niya ito nasagot. Sa kabilang banda naman ay nakatingin si Mia sa dalawa. Matagal na niyang gusto si Enzo, lagi niya itong nakikita noon na dumadaan sa tapat ng student council hindi naman niyang akalain na ang simpleng crush lang ay lalalim ng ganito. Hindi man niya naamin sa lalaki ang nararamdaman ay pilit siyang nagiging masaya para dito.
Samantalang tahimik lang na nakasandal si Xandria kay Ethan habang nakatinging sa mga kaibigan na pinagkukumpulan sina Denise at Brix. Napalingon siya sa lalaki ng pagsiklopin nito ang kanilang mga kamay. Nilingon din siya nito at nginitian napangiti nalang din ang dalaga.
"Guys! Oo nga pala have you received the email?" tanong ni Yena sa mga ito ng maalala ang email galing sa school.
"Ahh 'yon bang email para sa gaganaping reunion next month?" walang ganang ani ni Gail dito.
"Pupunta ba tayo?" tanong naman ni Farah. Napatingin ang mga kaibigan sa kaniya na para itong alien.
"Of course! Papalampasin ba natin yon?" pabirong tugon ni Dreanna dito.
Inabot pa sila ng ilang oras sa pagtambay doon bago nag-uwian. Hinatid naman siya ni Brix sa kaniyang condo. Inantay niyang maka-alis ang nobyo bago pumasok ngunit hindi pa siya tuluyang nakakapasok ay nawalan na siya ng malay.
Naalimpungatan si Denise na wala siya sa kwarto. Amoy niya ang kakaibang bango ng ospital. Napabuntong hininga siya sa loob ng oxygen mask. Nagtaka naman siya dito kaya tinangka niya itong alisin ngunit may nakahawak sa kamay niya.
"Anak? Gising ka na!" masayang ani ng ina ni Denise. Ito na rin ang nagtanggal ng oxygen mask nito. Nakita njya ang suot ng ina, suot nito ang lab coat nito na nagpakaba sa kaniya.
"Where am I?" tanong niya dito pagka-alis ng oxygen mask. Hindi siya makabangon sa higaan.
"You lied to us. Hindi ka tumanggap ng kahit anong treatment kay Dra. Buenaventura." seryosong ani ng ina. Wala ang ama nito dahil amy naka-schedule na surgery.
"Mom..." umiwaa siya ng tingin dahil hindi alam ang dapat sabihin dito.
"Almost 2 weeks kang walang malay. Hindi rin namin sinabihan ang mga kaibigan mo. Dinala ka namin dito sa ospital natin after a week na hindi ka pa din nagigising. Anak humihina na ang katawan mo. And... you are already at the end-stage of your Advanced Heart Failure" naiiyak na ani ng ina na nagpa-iwas sa kaniya. Hindi na sinabi ng ginang ang ginawa niyang pagsabi sa nobyo ng anak sa nangyari.
"If I just know na hindi mo kami susunduin sana sapilitan nalang kitang isinama pabalik dito. Anak... The better treatment for you is Heart transplant only but we can't find a donor." tuluyan ng tumulo ang luha ng ginang dahil dito. Tahimik naman siyang napaiyak kaya nataranta ang ginang.
Hindi na niya ito narinig dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Komento sa Aklat (16)

  • avatar
    Lovely Tabalba

    loveeeyaaaa

    18/10/2023

      0
  • avatar
    Tyron Selorio Bucs

    I love it

    03/04/2023

      0
  • avatar
    Romel Calumba

    that's cool

    28/03/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata