Homepage/Love In Lust Series #1: Aivan Warren Flair/
CHAPTER 42
AMETHYST'S POV
Tatlo gabi na ang nakakaraan simula no'ng binalita sa akin ni Crystal na may tutulong na sa amin.
Pero ngayon pa lang ako magri-research tungkol sa grupong sinabi ni Crystal.
Pagkatapos kong maghilamos ay umakyat na ako sa taas ng kama ko.
Nilingon ko naman si Bella at mahimbing na itong natutulog.
Maaga pa kasi ang pasok n'ya bukas, hindi na naman kami sabay.
Kinuha ko ang phone ko sa itaas ng side table kasama ng earphones ko.
Pagkakonekta ko ng earphone ko sa phone ko ay agad ko iyong sinuot sa dalawang tainga ko.
Let's see what this L. i. L band have.
Biro lang.
Pero hindi pa rin ako makapaniwala sa pangalan ng banda nila.
Wala na kayang tiyansa na palitan nila 'yon or balak man lang?
Binuksan ko na ang phone ko at si-nearch ang bandang Love In Lust daw.
Natapos ko na panoorin ang limang video nila na kumakanta at masasabi kong magaling nga sila. Lalaking-lalaki ang mga boses nila lalo na 'yong Isaac na sinasabi ni Crystal, well given na s'ya ang lead vocalist. Siguro if maging fan na nila ako ay s'ya 'yong magiging bias ko.
Pero may pinagtataka lang ako. Sa lahat ng performance nila na pinanood ko ay laging may something na nakaharang sa mga mukha nila.
Pero kahit na may nakatakip sa mga mukha nila ay para lang silang gumwapo lalo at umastig. Lumakas lang lalo ang dating nila.
Nag-search naman ako ng mga pictures ng mga ito pero lahat iyon ay may takip pa rin talaga sila sa mga mukha nila.
Hindi naman buong nakatakip ang mga mukha nila. Minsan kita mo ang labi nila, o kaya ang isang mata o kaya 'yong dalawang mga mata nila.
Ma-edit ko man 'to ay hindi ko pa rin makikita ang buong mukha nila dahil lagi namang nakatakip ang mga ilong nila.
Pero isa lang din ang masasabi ko, ang gaganda ng mga brown nilang mga mata. Alam kong matitigan ka lang ng mga no'n sa personal ay baka mapa'no ka na sa kilig.
Kinuha ko pa ang mga pangalan nila at nilagay ang mga 'yon sa notes ko.
Si Isaac Wesley ang main vocalist nila.
Draco naman ang name ng drummer. Ito siguro ang bias ni Crystal. S'ya lang naman ang letter D ang simula ng pangalan sa banda nila, eh.
Ang rhythm guitarist naman nila ay nagngangalang Kent.
Tapos ang bassist nila ay Onyx ang pangalan.
And last, Tim naman ang name ng keyboardist nila or pianist.
Narinig ko na ang lahat ng mga boses nila dahil minsan ay nagse-second voice sila kay Isaac or may mini solo part.
Nag-search naman ako ng mga interviews nila pero wala akong nahanap na s'yang pinagtaka ko.
Given na sikat na sila, bakit kaya wala pa silang interview?
Halos ten million na ang mga subscribers nila. Grabe ang ten million para sa bandang kakasimula lang halos, three months pa lang sila to be exact--- ayon kay Crystal na sinuportahan naman ng ginagawa kong research about sa kanila.
Well, siguro hindi na dapat ako magtaka dahil given ang mga boses at karisma nila, eh.
Maya maya pa ay may kahibangan na pumasok sa isip ko.
Tinipa ko iyon sa phone ko pero hindi ko mapindot-pindot ang search button.
Curious lang talaga ako. Pero parang grabe naman ako.
Well, magsi-search lang naman ako ng mga topless pics nila.
Curios lang talaga ako promise. Ano ba.
Hindi ko alam saan ako nakakuha ng lakas ng loob at napindot ko nga ang search button.
Napalaki na lang ang mga mata ko at sunod-sunod ang paglunok na nagawa ko dahil may lumabas nga na mga sexy photos nila.
May papandesal lahat sila! Eight lahat sila! Walang umaangat ang bilang o mas mababa! Lahat sila ay nalalatagan ng walong pandesal sa may tiyan nila!
Tatlong buwan pa lang n'yan sila, ah?
Paano pa kaya kapag mas nakilala pa sila?
Posible kaya nilang makuha ang one hundred million followers in the future?
Isa rin siguro sa pogi points nila ay ang mga kinakanta nila. Pop-Rock kasi ang genre nila, kaya medyo pang-teen ang dating. Given na mahilig na ngayon sa internet ang mga kabataan kaya ganito na lang karami ang mga subscribers nila.
Pati nga ilang artista ay iniidolo sila.
Siguro tama na muna itong mga nalaman ko.
Pinatay ko na ang phone ko at inalis ko na rin ang headphones ko sa mga tainga ko.
Nilagay ko na ang mga iyon sa side table ko at saka na ako nag-ayos ng higa.
Hindi ko na tinawagan ngayon sina mama dahil tinawagan ko rin naman na sila kaninang umaga at isa pa ay sure ako na mahimbing na rin ang pagtulog ni Crystal ngayon.
Excited na akong makauwi at ako naman ang mag-aalaga kay mama. Mabuti na lang at pumayag ang handler namin na i-cancel ko na ang extension ng contract ko.
Gusto ko rin na pagkauwi ko ay ma-meet ko sa personal si Isaac Wesley para makapagpasalamat ako nang maayos sa kan'ya--- at makahingi na rin ng autograph mula sa kan'ya at sa banda n'ya kung puwede.
---
"Excited na akong makauwi, bal" hagikgik ko habang palapit na kami nang palapit sa eroplanong sasakyan namin.
"Ako rin!" Hinawakan pa nito ang kamay ko at bahagyang pinisil.
Kasama na rin naming uuwi si Trev.
Masaya ako para sa kanila at hanggang ngayon ay sila pa rin.
Sa katunayan nga ay engaged na ang dalawang ito at balak nang magpakasal next year.
Nang makapasok na kami sa loob ng eroplano ay ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko habang palapit ako sa uupuan namin.
Excited na excited na kasi ako!
Hindi na ako makapaghintay na makasama na ulit ang pamilya ko!
Bumuntong na lang ako ng hininga bago ngumiti nang tuluyan na kaming makaupo.
"This is it," mahinang usal ko na lang.
---
"Ate, dito!" Gano'n na lang ang excitement na naramdaman ko nang mabosesan ang tinig na iyon.
Nilingon ko ang kanan ko at doon na lumaki ang ngiti ko nang makita si Crystal na nagwi-wave pa ng kamay sa akin.
Lakad-takbo ang ginawa ko para agad na makalapit sa mga ito habang kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi ko.
Nang tuluyan na akong makalapit kina Crystal ay agad n'ya akong niyakap na s'ya namang ginantihan ko.
Pagkalas namin sa yakap ay hinarap ko si tito Arnaldo at saka ako nagmano rito.
Sila lang dalawa ang sumundo sa akin.
Pinilit ko na lang ngumiti dahil wala si mama ngayon. Sayang at hindi s'ya kasama ngayon sa pagsundo sa akin. Nakahiga kasi ito ngayon sa hospital bed at nagpapagaling.
Nagpaalam muna ako kina Bella at Trev at maayos din kaming nag-usap-usap bago tuluyang naghiwa-hiwalay muna.
Kahit na gusto ko nang dumiretso sa hospital ay kailangan ko munang magpahinga kahit saglit at ayusin kahit papaano ang mga gamit ko.
Kaya ang ending ay sa bahay na muna kami.
Ilang oras lang na pahinga ang gagawin ko tapos pupuntahan ko na si mama.
May balak din akong kausapin si Isaac mamaya kahit na sa phone lang--- kung puwede.
Sa huling tatlong buwan ko kasi sa France ay naging busy ako kaya hindi ko sila nakakausap at si Crystal lang ang nakakausap ng mga ito.
Hindi kasi si Isaac mismo ang nakakausap ni Crystal at hindi n'ya pa ito nakausap kahit minsan, kahit nakita sa personal ay hindi pa rin.
Laging personal assistant lang ni Isaac ang nakakausap ni Crystal, minsan 'yong lawyer o kaya ay doctor ni Isaac na tumutulong din sa pagmo-monitor kay mama.
Sana mapilit ko si Isaac na makapagpasalamat ako nang personal sa kan'ya.
---
Nang makita ako ni mama ay pilit itong bumabangon kaya agad na lang namin itong nilapitan.
Paglapit ko rito at agad n'ya akong niyakap na s'ya namang ginantihan ko.
Yumuyugyog ang mga balikat ni mama habang nakayakap ito sa akin.
"N-na-miss kita, anak. Na-miss kita," sabi ni mama sa gitna ng pagyakap nito sa akin.
"Na-miss ko rin po kayo," hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagpiyok.
Inabot ni mama ang uluhan ko at saka hinalikan ito.
Kumalas na kami sa yakap pero agad din hinawakan ni mama ang mukha ko.
"Salamat, anak, salamat at nandito ka na," umiiyak pero may mga ngiti sa labi na sabi agad ni mama.
Ginantihan ko na lang ito ng ngiti habang tumatango-tango.
Wala na sa isang isolated na kuwarto si mama, last month pa raw s'ya nilipat dito sa bagong kuwarto n'ya rito sa hospital.
Sa totoo lang ay by next two weeks ay lalabas na ito.
Maliban sa check ups ay tuloy-tuloy dapat ang chemo ni mama kaya babalik-balik pa rin kami rito sa hospital at least two to three times a week.
Excited na akong tuluyang gumaling si mama nang makapag-outing na kami.
---
"Ano, 'te, ikaw na lang ang kakausap?" tanong sa akin ni Crystal habang nakalahad ang phone nito sa akin.
Gusto ko kasing makausap si Isaac para makipagkita rito. Sana lang ay pumayag s'ya kahit na busy sila.
"Oo, ako na lang." Kinuha ko ang phone ay Crystal.
"Pero mag-expect na tayo, te." Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito.
"Saan? Na hindi papayag si Isaac?" Umiling naman ito sa sinabi ko.
"Maliban do'n. Baka ang makausap mo lang n'yan ay ang assistant n'ya." Lumukot pa ang mukha nito.
"Never mo pa talagang nakakausap si Isaac?" takang tanong ko rito.
Umiling-iling naman ito at inikot pa ang bilog ng mga mata n'ya.
Napailing-iling na lang din ako dahil dito.
"Oksi na 'yon, basta ang importante mayaya ko." Pinindot ko na ang call button sa phone ni Crystal.
Pag-ring nito ay agad ko na itong ni-loud speaker.
"Yes, hello?" Agad na nalukot ang mukha ni Crystal nang magsalita ang nasa kabilang linya.
Mukhang alam ko na ang dahilan.
"H-hi, hello po! Ako po si Amethyst, Amethyst Ashe Martinez po. Anak din po ako ni Jona Martinez po," kinakabahang sabi ko rito.
"Oh, okay. Anong matutulong ko?" tanong nito sa kalmadong boses kaya napakalma na rin ako.
Marahan muna akong nagbuga ng hangin bago nagtanong.
"N-nand'yan po ba si Isaac?"
"Ay, sayang, wala pa sila, eh. Nasa loob pa sila ng studio, nagpi-pictorial," sagot naman nito.
Sabi na, eh. Kaya nalukot ang mukha ni Crystal kanina ay itong assistant ni Isaac ang kausap ko ngayon.
Tumango-tango naman ako kahit hindi kita nitong kausap ko.
"Bakit pala?" tanong naman nito pagkakuwan.
"G-gusto ko po sanang makipagkita sa kan'ya. Gusto ko po sanang personal na pasalamatan s'ya."
Hindi ko alam saan ako nakakuha ng lakas ng loob para masabi ito.
Given na busy at sikat 'yong tao ay nakuha ko pa rin itong yayain.
"Hindi ako sure, eh. I'll ask him. Full kasi ang schedule nila for the next two weeks." Humaba naman ang nguso ni Crystal sa narinig.
"A-ah, gano'n po ba? S-sige po salamat po," buong galang na sabi ko na lang.
"Don't worry, sasabihin ko na lang ito sa kan'ya mamaya. I'll just call you na lang kung ano man ang magiging desisyon n'ya," sabi na lang ng lalaki.
Bigla namang nabuhayan ng loob itong si Crystal. Mas excited pa s'ya kaysa sa akin.
"Ay, salamat po! Salamat po!"
"No worries. I'm sorry but I gotta go. Need na ako ro'n,"
"Sige po. Thank you po ulit!"
"Bye,"
"Bye po!" sabi ko na lang at s'ya na ang nagpatay ng tawag.
---
Kinagabihan ay kumakain kami ng ubas ni Crystal sa tabi ni mama nang biglang nag-ring ang phone nito.
Aligaga naman n'ya iyong tiningnan at mabilis pang pinagpapalo ang balikat ko pagkatingin n'ya sa screen ng phone n'ya.
"Oh, sino ba 'yan?" nakakunot ang noo kong tanong dito.
Nilunok muna nito ang kinakain na ubas bago sumagot sa akin. "Iyong assistant ni Isaac!"
"Baka sabihin na hindi raw s'ya puwede," pangunguna ko na kaya nalukot na lang ang mukha ng kapatid ko.
Si mama naman ay nakangiting nakatingin lang sa akin.
Sinagot na lang nito ang tawag at saka ni-loud speak bago tinutok sa akin.
"Hello po?" agad na bati ko rito.
"Hello. Nasabi ko na kay Sir Isaac." Hindi na muna kami nag-react sa sinabing iyon ng lalaki na si Mr. John.
"Ay, gano'n po ba? Ano po sabi n'ya?" kinakabahang tanong ko.
"Payag daw s'ya." Parang gusto nang magbunyi ni Crystal sa narinig dahil sa pagpapadyak nito na walang tunog. Kunwari kasi ay ako lang ang kausap nitong si Sir John at walang nakakarinig na iba.
"Ang galing naman po! Salamat po! Kailan daw po?" excited na tanong ko.
"Bukas na bukas na raw," sagot nito at tinakpan na lang ni Crystal ang bibig n'ya sa narinig.
"Sige po, sige po. Salamat po!"
"Pero may gustong sabihin si Sir Isaac." Napatahimik kami sa sinabing iyon ng lalaki.
"A-ano po 'yon?"
"Ikaw na lang daw muna ang pumunta. That means, wala kang isasama." Bumagsak na lang ang balikat ni Crystal sa narinig at humaba pa ang nguso nito.
"Baka po puwedeng magsama ako kahit 'yong kapatid ko lang?"
"Mas better if sundin na lang natin ang sinabi ni Sir Isaac." Natutop ko na lang ang bibig ko sa sagot nitong si Sir John.
"N-noted po. Salamat po sa grant ng favor," masiglang sabi ko na lang dito.
"No problem. I'll just text you na lang bukas for the address and what time kayo magkikita. Pero more likely na hapon na since may photo shoot ulit sila bukas,"
"Ah, okay po. Sige po, wait ko na lang po kayo. Salamat po ulit," tumatangong sabi ko na lang dito kahit na hindi n'ya ako nakikita.
"Okay, bye,"
"Bye po." Maya maya pa ay namatay na ang tawag.
Nilingon ko na lang si Crystal na disappointment pa rin ang makikita mo sa mukha n'ya.
Nagkibit na lang ako ng balikat dito nang tumingin s'ya sa akin.
"Wala tayong magagawa, kausapin ko na lang na isama kita sa susunod." Dahan-dahan na lang itong tumango sa sinabi ko habang matulis pa rin ang nguso.
---
Agad akong naligo at nag-ayos nang mag-text na sa amin si Sir John.
Alas kuwarto na ng hapon at alas singko raw ang meet up namin ni Isaac at i-text ko na lang daw ito kapag tapos na ako bago n'ya ibigay ang address.
Sa taranta ko ay hindi ko na naisip ang isusuot ko.
Random na lang ang pagpili ng isusuot ko at buti na lang ay sinusuwerte ako.
Nakakahiya kung mali-late ako.
Dapat ten minutes bago mag-five ay nando'n na ako! Fifteen pa nga kung puwede!
Wool top na white ang suot ko pang-itaas, mini skirt naman na kulay beige ang sa ibaba ko at high knee boots na color beige rin.
Nag-apply na lang ako ng light make up at okay na ako.
Hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko na umaabot sa ilalim ng dibdib ko.
May kulay ang buhok ko mula sa batok ko paibaba na color blonde.
Ang sling bag ko naman ay color light brown.
Sandali may kulang pa.
Taranta na lang akong dumukot sa mga accessories ko.
Tiningnan ko muna kung ano iyon.
Shades?!
Pinasok ko na lang iyon sa sling bag ko. Hindi ko alam kung masusuot ko ba ito o hindi.
Nang-ayos na ako ay lumabas na agad ako sa kuwarto ko.
Nadatnan ko sa Crystal na nakaupo sa sala sa ibaba na lukot ang mukha.
Bihis din ito pero hindi s'ya sasama sa akin.
Sasabay lang ito dahil sa hospital ang punta nito.
"Ang sexy mo, 'te," nakalabing saad nito kaya napatawa na lang ako.
"Salamat! Huwag ka na nga malungkot d'yan! Makikita mo rin ang L.i.L band soon! Hihingi ako kay Isaac ng tulong mamaya," natatawang sabi ko na lang dito.
"Sure ka, ah?"
"Actually, hindi talaga." Nagpapadyak naman ito sa sinabi ko.
"Pero malay natin?" Inirapan na lang n'ya ako sa sinabi ko.
"Tara na nga!" yaya na nito at padabog pa itong nauna sa akin kaya napailing-iling na lang ako.
Nag-taxi na lang kami dahil wala si tito Arnaldo dahil s'ya ang nagbabantay ngayon kay mama.
Ti-next ko na si Sir John at agad naman itong nag-reply sa akin. Binigay ko na kasi ang number ko sa kan'ya kanina.
"Manong, alam n'yo po ba 'to?" tanong ko kay manong driver at saka ko pinakita ang phone ko para mabasa ni manong ang address.
"Opo, alam ko po 'yan." Tumango pa nang dalawang beses si manong.
"Sige po, dito po ako papahatid pagkatapos natin sa hospital,"
"Okay po." Nginitian na lang ako ni manong at tumango na lang ako.
Pag-ayos ko ng upo ay kinalabit ako ni Crystal. "Patingin, 'te."
Pinakita ko naman sa kan'ya ang address at tumango-tango ito.
"Alam mo kung saan 'to?"
"Hindi." Nalukot na lang ang mukha ko sa sagot nito. Akala ko naman alam n'ya.
Pero ano kayang hitsura ni Isaac sa malapitan? Mapapapayag ko kaya s'yang ipakita n'ya sa akin ang buong mukha n'ya?
Sana rin ay magustahan n'ya itong special chocolate cake na ginawa namin ni Crystal kanina.
/W.W/I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (81)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Wow! The story is of good quality. I really like this book.😘
12/06/2022
0highly recommended story to . OMG author hindi ako makatulog sa kakaisip kung kailan ang update sa next episode nang storya nato . mag absent ka muna sa school author para matapos na ang kwentong to 🤣 joke lang author . hehe . willing to wait po ako . sana nga lang hindi matagalan kasi kating kati na mata ko magbasa eh 😍 GOD BLESS po and stay safe 😍😍😍
12/01/2022
0woah! From the title and description itself was already interesting! I can't wait to start reading. welp, the author is also gorgeous. wew send load ’toy HAHAHA
17/12/2021
0Tingnan Lahat