Homepage/Love In Lust Series #1: Aivan Warren Flair/
CHAPTER 28
AMETHYST'S POV
"Where do you want to go?" tanong sa akin ni Aivan pagkapasok namin dito sa mall. Dito sa Tagaytay ko na lang inaya si Aivan. Ba't walang tao maliban sa mga nagtatrabaho rito? Maaga pa ba? Anong oras ba nagbubukas itong mall? Pasado alas diyes na rin ah?
"Wait lang isip muna ako," sagot ko naman dito.
We are wearing the simplest outfit that we can.
Pang-disguise na rin. Who knows may makakakilala pa rin sa akin dito 'di ba? Or may mga kalaban si Aivan dito.
Tatlo ang kasama namin na mga bata n'ya.
"Tara laro muna tayo sa arcade," yaya ko rito at marahan naman itong tumango.
Kanina pa ako lingon nang lingon sa paligid pero ba't wala talaga akong makitang ibang tao maliban sa mga nagta-trabaho rito?
Hanggang sa makasakay kami ng elevator at pati na rin mismo sa elevator ay kami lang ang nakasakay.
Sana naman hindi tama ang hinala.
Mawiwindang ako kapag totoo 'to.
Hanggang sa makalabas kami ng elevator at marating namin ang 4th floor ay walang tao.
"Aivan ba't walang tao?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtatanong dito.
"I rent the whole mall." Napatampal na lang ako sa noo ko sa sinabi nito.
"Seryoso ka?!" Hindi ako makapaniwalang tanong dito.
"Yes," kalmado naman nitong sagot.
"B-bakit?" Parang nanlalambot ako sa ginawa nito.
"Why not? Ayaw kong pumipila and too crowded places." Nagkibit-balikat lang ito.
"Edi sana hindi na lang tayo tumuloy! Jusme ayaw ko nang itanong magkano mo nirentahan 'to at baka mahimatay na lang ako!" Umiiling kong sabi rito.
"I just rent it for six hours though. Do you want me to rent it for the whole day?" Napakamot na lang ako sa ulo sa sinabi nito.
"First of all dapat hindi mo nirentahan. Anong klaseng rason 'yon! Grabe ka pa sa grabe!" Napabuga na lang ako ng hangin. How can I calm if ganito ang nangyayari sa akin?!
"Hindi mo ba puwedeng i-refund?" tanong ko na lang dito.
"I can't and I won't. Besides, I can't remember when was the last time I've been on a mall." Napasinghap na lang ako.
"Alam mo kahit na anong rason mo, kahit saan tingnan ay kabaliwan ang ginawa mong pagrenta sa BUONG mall!" Buong diin kong sabi rito pero parang wala lang sa kan'ya.
"Edi kapag magra-rides tayo mamaya ay as in tayong dalawa lang ang sasakay? Or pati ang mga bata mo kung sakali?" tanong ko na lang dito.
"Yes," tipid na sagot nito.
"Kahit na kumain sa mga kainan?" Marahan na naman itong tumango sa tanong ko.
"Kahit ang buong sinehan?" Marahan lang ulit itong tumango kaya napabuga na lang ulit ako ng hangin.
"Kaya ba pumayag ka na ganito lang suot natin?"
"Yes, because I know that you won't like it if you will know that I rent the whole mall." Marahan na lang akong napapikit dahil dito.
"Bahala ka na nga! Tara na lang! Mukhang wala naman akong magagawa kahit na pagsabihan kita nang pagsabihan! Grabe ka!" Nauna na lang ako rito sa pagpasok sa arcade.
Sa arcade ay wala ngang ibang tao maliban sa amin at mga ilang nagtatrabaho rito.
Solong-solo namin ang buong arcade.
We played different games there.
I also danced there. Niyayaya ko nga si Aivan kaso ayon hindi pumayag. Baka hindi s'ya marunong.
Pinanood n'ya lang ako sa pagsayaw.
Kumanta rin ako sa private videoke room do'n. Pero just like kanina, ako lang ang nagpakasawa. Mukhang nag-e-enjoy naman itong si Aivan sa panonood sa akin, well mas nag-e-enjoy ako.
Tagal ko na kayang hindi nag-a-arcade!
After arcade ay kumain na muna kami sa isang restaurant dito.
S'yempre, mamahaling restaurant as I expected, tapos kaming lima lang ang nando'n maliban ulit sa mga nagtatrabaho ro'n.
Medyo naparami ang kain ko since napagod ako kanina.
Napapatanong ako kung bakit I can get along with this brutal guy.
Just like what I've said, he's not that intimidating and scary now--- for me.
After namin kumain ay nagpahinga muna kami for 20 minutes.
After that ay niyaya ko itong mag-ice skate at pumayag naman s'ya.
'Yon nga lang 20 minutes lang kami ro'n dahil hindi naman kami marunong.
Mamaya madisgrasya pa kami.
Kaya niyaya ko na lang ito na sumakay sa ferris wheel.
Wala lang, ang ganda lang no'ng nasa taas na kami.
"Tara sine naman," yaya ko rito habang palabas kami sa loob ng ferris wheel.
"Okay," tipid na sagot naman nito nang makababa na kami nang tuluyan.
Nginitian ko naman ito at s'ya na ang unang naglakad sa amin.
"Ano kayang magandang panoorin?" tanong habang namimili na lang kami ng papanoorin.
"Ikaw? May gusto kang panoorin?" Lingon ko rito habang kumakain nang paunti-unti sa popcorn na hawak ko.
"You decide." Bahagya namang napataas ang kaliwang kilay ko sa sagot nito.
Binalik ko na lang ang tingin ko sa mga puwedeng pagpilian na movies.
"Ayun!" sabi ko sabay turo sa isang horror movie.
"Sure ako na maganda 'to!" I really love watching horror movie! Bella and I always do binge watching horror movies way back no'ng high school every walang pasok at walang school works.
"Are you sure?" Nakataas ang isang kilay kong nilingon itong si Aivan.
"Oo naman! Bakit? Ikaw ba natatakot ka?" Tiningnan ko ito mula ulo hanggang tiyan lang habang nakangisi.
"Let's watch it then." Naglakad agad ito papasok sa sinehan.
"Aba't? Hoy sandali!" Hinabol ko ito at pumasok na rin ako sa sinehan.
Nasa entrance pa rin pala ito.
Sabay na kaming umupo sa may gitnang gitna. Ayaw namin sa harap o sa likod eh kaya sa may gitna na lang kami umupo.
The movie started and I am enjoying it!
Pero mas nag-e-enjoy kapag napapaigtad itong si Aivan.
Akalain mo? Ang isang brutal na lalaki ay takot pala sa multo!
"What the?! That's scary!" Palihim akong natawa nang nasa sobrang nakakatakot na part na ang pinapanood namin.
Hindi ako masyadong nakakapanood kasi itong si Aivan ang pinapanood ko. Mas nag-e-enjoy ako sa mga reaksyon n'ya.
Salubong ang mga kilay nitong nanonood habang kumakain ng popcorn tapos napapaigtad na lang kapag nagugulat. Ako naman ay palihim na natatawa. I don't know if alam n'yang s'ya na lang ang pinapanood ko imbes na ang movie.
Given na kami lang dalawa ang nanonood. Sa tinutuluyan namin puro action movies lang ang pinapanood namin eh. Hindi kami nanonood ng romances or tragics. Talagang barilan lang na may kaunting love story gano'n. Pero mas highlight talaga ang barilan.
After the movie ay parang walang nangyari kay Aivan. Tahimik na lang ulit ito pero hindi nakakatakot ang aura.
After the movie ay kumain muna ulit kami.
"Uwi na tayo?" tanong ko rito habang nandito kami sa restaurant at tapos na rin kami kumain.
"You already want?" balik tanong naman nito.
"Oo eh. Halos dalawang oras pa n'yan byahe natin dahil sa traffic," sagot ko naman dito.
"Okay." Tumayo na ito sabay lahad sa akin ng kamay nito.
Nag-angat naman ako ng tingin dito.
Bumuntong hininga na lang muna ako bago ko tinanggap anh kamay nito.
Tahamik lang kami hanggang sa palabas ng restaurant.
"Samahan mo ako," sabi ko rito sa gitna ng paglalakad namin palabas ng mall.
"Where?" tanong naman nito.
"Gusto ko ng chocolate. Nagki-crave ako eh," sagot ko naman dito.
"When we go back there,"
"Thank you!"
UNTIL malapit na nga kami sa hotel.
Pero pinapahinto nitong si Aivan ang sasakyan.
"Bakit?" tanong at lumingon ako sa labas.
"Ahh okay." Tumatango kong sabi dahil nag-stop pala kami sa isang chocolate stall. Ito ang pinakasikat na brand ng chocolate dahil sa sarap at may kamahalan din ito.
S'ya ang unang lumabas at pinagbuksan naman ako ng isa sa mga tauhan nito.
Pagpasok namin sa tindahan ay agad pumunta si Aivan kasama ang dalawang tauhan nito sa cashier.
"Maghintay na lang daw po muna tayo rito, ms. Amy," sabi sa akin ng naiwang tauhan ni Aivan.
"Bakit?"
"Ayaw pong ipasabi ni boss Aivan," sagot naman nito kaya inikot ko na lang ang paningin ko.
"Puwede naman siguro ako magtingin-tingin ng mga chocolates 'no?" Tinuro ko pa ang mga chocolates nandito at tumango naman ito.
Naglakad-lakad na ako at tumingin-tingin sa mga chocolates at nasa likuran ko ang tauhan ni Aivan. Sa totoo lang lahat naman ng mga nandito ay masarap dahil branded.
Kunwari akong napasulyap kina Aivan at nakita ko na umalis sila kasama ng nasa cashier kanina at dumiretso ang mga 'to sa isang pinto malapit doon.
"Anong gagawin ng mga 'yon?" mahinang tanong ko.
"Puwede na akong mamili? Like, kukuha na ba ako ng basket?" Lingon ko rito.
"Hindi n'yo na raw po si boss," sabi nito at umiling pa ng isang beses kaya napasimangot na lang ako.
"Sayang oras eh. Sige ikot-ikot muna tayo." Nauna na akong naglakad dito at tiningnan ang mga available na mga chocolates.
Para at least mamaya alam ko na saan ako pupunta at anong kukunin ko.
Maya maya pa ay nilapitan na kami nina Aivan kasama ang isang unipermadong lalaki.
"Hello, Ms. Amethyst. I am Mr. Joshua Cruz, manager of this store," sabi ng kasama nilang lalaki sabay lahad sa akin ng kamay.
Nalilito man ay tinanggap ko pa rin ang pakikipagkamay nito.
"A-ano pong meron?" tanong ko rito nang bitawan na namin ang kamay ng isa't isa.
"We will do the legal agreement, ms. Amethyst." Tiningnan ko na lang ito ng puno ng pagtataka.
"Legal agreement po saan?" Ano bang pinagsasabi nitong manager na 'to? Hindi naman ako mag-a-apply ah?
"Mr. Aivan Warren wants to buy this branch of us. He already directly talked to our ceo and our ceo agreed to let mr. Aivan buy this branch." Napalaglag na lang ang panga ko sa sinabi nito.
Inilahad nito sa akin ang isang papeles.
"Pirma n'yo na lang po ang kulang. Sa inyo po kasi ipapangalan ni mr. Aivan itong store na 'to eh. Kayo raw po ang magiging new owner nito." Para akong mabubuwal sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ni Mr. Cruz.
Ano?! Seryoso ba 'tong mokong na 'to?
Limang balot lang ng chocolate ang gusto ko! Hindi isang buong branch!
/W.W/I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (81)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Wow! The story is of good quality. I really like this book.😘
12/06/2022
0highly recommended story to . OMG author hindi ako makatulog sa kakaisip kung kailan ang update sa next episode nang storya nato . mag absent ka muna sa school author para matapos na ang kwentong to 🤣 joke lang author . hehe . willing to wait po ako . sana nga lang hindi matagalan kasi kating kati na mata ko magbasa eh 😍 GOD BLESS po and stay safe 😍😍😍
12/01/2022
0woah! From the title and description itself was already interesting! I can't wait to start reading. welp, the author is also gorgeous. wew send load ’toy HAHAHA
17/12/2021
0Tingnan Lahat