CHAPTER 16

Amethyst's POV
'Pag gising ko ay agad akong naghanda para sa huling pagpasok ko sa trabaho.
Nakakalungkot pero wala naman akong magagawa.
Nang handa na ako pumasok ay sinilip ko si mama sa kusina.
"Ma, alis na ako," paalam ko kay mama na naghuhugas ng mga plato.
"Sige sige, anak, ingat," Humarap ito sa akin at nginitian.
"Hayst," Bumuntong hininga ako.
Nilapitan ko na ito at saka hinalikan sa pisngi at yumuko naman ako para halikan n'ya ako sa ulo.
"Sorry, nasanay lang," sabi ko rito at saka kami nagka-ngitian.
"Gusto ko rin naman,"
"Osya na, ma. Bye!" At tuluyan ko na itong iniwan.
Hindi na talaga ako masyadong nagtrabaho dahil inasikaso ko na lang ang resigning papers ko.
Gusto ko naman umalis na walang samaan ng loob, mabigat nga lang sa loob.
Walang plastic sa amin kaya masaya lang talaga kami roon ang kaso nga lang aalis na ako.
Kaya nang malaman ng mga katrabaho ko iyon ay nadismaya sila.
Halos iisa lang ang tanong nilang lahat at 'yun ay "Bakit ka aalis?" pero iisa lang din ang sagot ko na "Basta, ano ba kaya n'yo 'yan. Secret na malupet na lang," Nalulungkot din daw sila kasi mababawasan na raw ang mga kalog sa amin.
"Uy, bal," Lapit sa akin ni Bella habang nakanguso.
Nililigpit ko na kasi ang lahat ng mga gamit ko.
Natatawang umiiling naman ako rito.
"Bakit?" painosente kong tanong.
"Bakit din?" Lalong humaba ang nguso nito.
Bumuntong hininga na lang ako.
"Basta ikaw ang una kong sasabihan sa mga nangyayari sa buhay ko. Pero for now sorry pero hindi ko muna kayang magkwento eh," ngiti ko rito.
Bumuntong hininga rin ito.
"Sige sige, kilala naman kita. Kapag ayaw mo ayaw mo," ngitian din ako nito.
"Salamat," Tumango lang ito at saka kami nagyakapan.
"Don't worry, I will text you as soon as p'wede na akong magkwento," bulong ko rito.
"Aasahan ko," sabi naman nito nang kumalas na kami sa yakap namin.
Lakad-lakad ako sa kwarto namin ng kapatid ko para mag-isip ng irarason sa pamilya ko.
Hindi man kalakihan ang kwarto namin ng kapatid ko pero hindi rin naman ito kaliitan dahil may dalawang drawer naman kami at tig-isa kami nito.
"Nandito na kami!" masiglang sabi ni Crystal mula sa sala.
Mas napabilis ang paglakad-lakad ko dahil parang mas lalo akong na-pressure dahil wala pa rin akong maisip na dahilan.
"Amy, lumabas ka na rito. Kakain na," sabi ni mama mula sa labas.
"And'yan na po!" sagot ko naman.
"Amy, isip isip ano ba!" kausap ko sa sarili ko habang nilalaro ko ang mga daliri ko.
Marahan akong pumikit at napabuntong hininga nang may maisip na ako.
'Yun nga lang sana gumana.
'Pag labas ko ng kwarto ay nakahanda na sa mesa ang mga pagkain.
"Oh, upo na tayo," yaya na mama sa amin at umupo na kami sa mga upuan.
"Bumili na lang kami ng ulam sa labas dahil wala na rin oras para magluto saka tinatamad ako," sabi ni mama habang nagsasandok.
Kumakain na kami pero hindi ko pa rin alam paano ko i-o-open ang gusto kong sabihin.
Pinag-uusapan din naman kasi namin sina Crystal at Allen about sa school nila.
Nang saglit na tumahimik ay nagsalita na ako.
"Ma, nag-resign na ako," Agad silang lumingon sa akin lahat.
"May nakaaway ka ba, ate?" tanong ni Crystal.
"Mahirap po ba?" tanong naman ni Allen.
"Anong nangyari?" tanong naman ni tito Arnaldo.
"Pakiulit nga?" kunot noo naman ni mama.
"Woah, sandali, isa-isa!" At nilahad ko pa ang mga kamay ko na parang pinapahinto sila.
"Ok," tumikhim muna ako.
"Hayaan n'yo muna akong matapos magsalita tapos p'wede n'yo na akong batuhin ng mga tanong, ok?" at nag-thumbs up pa ako sa mga ito at tumango naman sila.
"Wala akong nakaaway or nakaalitan sa trabaho namin,
"Mahirap? Oo naman, walang trabahong madali pero hindi 'to 'yung rason ko,
"Uhm, umalis ako kasi gusto ko na lang magtrabaho abroad. 'Yun lang, saka maayos naman akong nakapagpaalam." mahabang lintaya ko sa mga ito.
"Sure ka?" usisa ni mama at tumango ako bilang sagot.
"May plano ka na ba?" tanong naman ni tito.
"Opo," ngiti ko.
"Buti naisip mo na magtrabaho na lang abroad? Anong plano mo n'yan? Buti biglaan? Dapat sana pinaalam mo muna sa akin," sunod-sunod na sabi ni mama.
"Hay naku mama, tiwala lang, alam n'yo naman na kaya ko sarili ko," ngiti ko sa mga 'to.
"Alam namin, pero bakit nga kasi?"
"Bakit naman hindi? Sa tingin ko kasi mas mapapadali ang pag-angat natin if sa ibang bansa na lang ako magta-trabaho. Saka alam ko naman na papayag ka mama," tinataas-taas ko pa ang mga kilay ko habang naka-ngiti.
Bumuntong hininga lang ito.
"Ano ba, kalmahan n'yo lang. Bukas aalis muna ako, aasikasuhin ko mga kailangan ko. Mga one week din siguro ako mawawala,"
"Grabe naman ang one week," protesta ni mama pero inikot ko lang ang mga mata ko.
"S'yempre marami akong kailangan gawin, saka marami naman kami. Hindi ako mawawalan ng kasama ano ba,
"Ok, wala akong hinanakit or ano dahil gagawin ko 'to. Gagawin ko 'to para sa inyo," ngiti ko sa mga 'to.
"Nakakahiya, nak," medyo nagyuko pa ng ulo si mama na ikinabuntong hininga ko.
"Mama ano ba," medyo nag-inis-inisan pa ako.
"Anong 'nakakahiya'?" diin ko.
"S'yempre ikaw na lang lagi ang sumasalo---"
"Shhh," at inilahad ko pa ang daliri ko para patigilin si mama sa pagsasalita.
"Papayag ka mama na mag-a-abroad ako periodt," diin ko sa mga 'to at mabagal na tumango na lang si mama na ikina-ngiti ko.
"Ok, all set. All clear," masayang sabi ko at sumubo na ng kanin at ulam namin na sisig.
"Pero sa totoo lang, hindi ko rin naman nakikita ang dahilan para umayaw kayo eh, ano ba kailangan natin 'to," diretsong sabi ko na walang sama ng loob.
Nagpaalam ako kasi respeto na rin. Hindi naman siguro tama ang umalis ako bigla at mawala ng ilang araw 'di ba?
"Ayos na ang lahat. Umalis na rin ako sa trabaho ko. Makakasama na ako bukas." text ko kay Aivan.
Nandito ako ngayon sa labas ng bahay namin.
Pinagmamasdan ko lang ang kalangitan.
Ang buwan ngayon ay maliwanag at sinasamahan pa ito ng mga magagandang bituin.
Napapakalma ako ng mga ito kahit papaano.
"Ring. ring ring," cute na boses ang ringtone ko.
"Okay good. See me at the same room we rented last night. 7 am sharp." mahina kong binasa ko sa reply nito.
Bumuntong hininga muna ako bago mag-reply.
"Noted."
Agad naman itong reply.
"Have a good night." Inikot ko ang mga mata ko sa reply nito. Hindi ko na lang ito ni-reply-an.
In-off ko muna ang screen ng phone ko saka tinitigan ang mga halaman ni mama. Medyo hindi ko rin sila makita kasi gabi at nakapatay ang ilaw namin dito sa labas.
"Ba't ba nangyayari sa akin 'to?" Pinagsalubong ko pa ang mga kilay ko sa tanong na 'to.
"Ate, hindi ka pa papasok?"
"Ayyy! aswang!" Napaigtad ako sa gulat dahil sa biglang pagtatanong ni Crystal mula sa likod ko.
"Maya-maya," Lingon ko rito. Nakasilip lang ito sa pinto.
"Sige po. Matutulog na ako eh,"
"Sige sige. Good night," Ngiti ko rito at pumasok na ito sa loob.
"Sila pala 'yung sagot," napailing-iling pa ako sa sarili ko.
"Mahal ko sila eh, handa kong gawin para sa kanila---
"Tama! Masama na kung masama pero mas masama si Aivan!" Napapitik ako sa naisip ko.
"Peperahin ko? Ewan, hindi naman masyado. Ata, basta. S'yempre dapat gaganti ako kahit low-key lang. Duhhh, he just ruined my life." kausap ko sa sarili ko.
"Turn out na s'ya pala ang makakatulong sa amin," tumatango-tango kong sabi.
Maya-maya rin napangiwi ako.
"Prosti na ba ako no'n?" medyo nangilabot pa ako sa tanong ko na ito.
"Ayy hayaan na," huh?
Bago pa ako tuluyang mabaliw ay pumasok na ako sa loob at ni-locked ang pinto namin.
In-alarm ko muna ang phone ko ng 5:30 am saka ko na tinabihan ang kapatid ko.
"Ganda mo," Mahinang sampal ko rito. Trip ko lang ba't ba?
Maganda rin naman kasi si Crystal. Sakto lang ang size ng mukha tapos may medyo jawline. Maganda rin ang pagkaka-brown ng mga mata nito tapos maganda rin ang mga pilikmata. Natural din ang pagkakakurba ng mga kilay nito kaya mapagkakamalan mo itongbmasungit pero hindi naman talaga, mabait at kalog din 'to eh. Hindi na n'ya kailangang gumamit ng kung ano-anong lip products dahil maganda na ang pagka-pink ng mga labi nito. Sakto lang din ang tangos ng ilong nito na bagay sa kan'ya. Sakto lang din ang pangangatawan at kung hindi ako nagkakamali 5'6 ang height nito. Between maputi and morena ang kulay ng balat nito. Pantay ang kulay n'ya sa buong katawan.
Mahimbing na agad ang tulog nito kaya alam kong hindi na n'ya 'yun naramdaman.
"Pero mas maganda ako kasi ate mo ako," I said with matching flip hair at saka ko na pinikit ang mga mata ko para matulog. May labanan na naman magaganap sa mga susunod na araw. Nasi-sense ko na.

/W.W/

Komento sa Aklat (81)

  • avatar
    Maddie Dosdos

    Wow! The story is of good quality. I really like this book.😘

    12/06/2022

      0
  • avatar
    GerundioMyries

    highly recommended story to . OMG author hindi ako makatulog sa kakaisip kung kailan ang update sa next episode nang storya nato . mag absent ka muna sa school author para matapos na ang kwentong to 🤣 joke lang author . hehe . willing to wait po ako . sana nga lang hindi matagalan kasi kating kati na mata ko magbasa eh 😍 GOD BLESS po and stay safe 😍😍😍

    12/01/2022

      0
  • avatar
    Lothaire Atticus

    woah! From the title and description itself was already interesting! I can't wait to start reading. welp, the author is also gorgeous. wew send load ’toy HAHAHA

    17/12/2021

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata