Nakapila na ang lahat at hinihintay na lang ay ang hudyat upang simulan ang graduation march. Sampong tao ang nauuna sa akin dahil na rin C ang simula ng apelyido ko ay medyo malapit lang ako sa unahan. Kapansin-pansin na ako lang ang walang kasamang magulang sa pila, kaya minabuti ko na lang na 'wag nang magpalinga-linga sa kung saan dahil aaminin ko subra akong naiinggit sa lahat ng mga ka batch mate ko dahil nakikita ko kung paano sila ipagmalaki ng mga magulang nila sa araw mismong ito. "Halika ka na Ben." Ikinagulat ko ng biglang sumulpot si Mrs. Tan sa tabi ko at inaaya ako na simulan ang maglakad. "Po?" sa pagtataka ko ay natanong ko ito. "Halika ka na ikaw na sunod na mag-mamartsa," saad niya pa sa akin. Bago ko pa tuluyang maunawaan siya ay napalingon ako sa dulo ng pila kung saan sina Azon, doon ay nakita ko siyang nakatingin sa akin at naka thumbs up pa ang dalawang kamay habang nakangiti. Kitang-kita ko ang saya sa ngiti niyang iyon na para bang sinasabi sa akin na hindi ko kailangan maging malungkot. Siguro ay pinakiusapan nito ang Mama niya sa samahan ako mag march kaya nandito ngayon si Mrs. Tan sa harap ko ngayon. "Paano po si Azon?" tanong ko kay Mrs. Tan, mukhang iniwan kasi nito ang anak sa pila. "Medyo huli pa siya kaya babalikan ko na lang, wala ka raw kasing magulang na kasama kaya pinakiusapan niya ako, halika na ikaw na ang sunod." Hinawakan nito ang kamay ko ng hindi ko inaasahang gagawin niya. Wala akong nagawa upang bumitaw sa mahigpit niyang hawak roon hanggang sa sinimulan naming maglakad na dalawa. Ibang pakiramdam ang idinulot sa akin ng pagkakahawak ni Mrs. Tan sa kamay ko, iyon ang pakiramdam na pinakananais kung maransan sa isang ina, iyong hawak na ipararamdam sa akin upang pagaannin ang loob ko. Ang hawak sa kamay mula sa isang ina na aakay sa akin patungo sa dulo kahit na gaano pa kahirap ang balakid na pagdaraanan ko. Iyong pinakananais kong maramdaman ay sa ibang tao ko pala mararanasan. Saglit na ang lumipas na hindi ko na namalayan ang mga nangyayari at ang sunod na nalaman ko na lang ay nakababa na kami ni Mrs. Tan sa stage. "Masuwerte ang magulang mo na may anak silang kagaya mo, kung ako siguro ang nanay mo ay talagang ipagmamalaki kita, kung wala pang nakakapagsabi sa'yo nito hayaan mong sa akin una manggaling." Nakagiti itong tumingin sa akin at mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko ng dalawang kamay na niya ang ihawak sa akin. "Congratualatios anak, bilang guro mo I'm so proud of you." Wala sa sariling nayakap ko si Mrs. Tan dahil sa mga sinabi niya. Siya pa lang ang unang nagsabi sa akin ng mga salitang iyon na 'proud' dahil kahit isang beses hindi ko narinnig o naranasan sa magulanng kong ipagmalaki kahit na ginagawa ko na lahat ng best ko. "Thank you po," sambit ko bago tuluyang bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya. Nagkaroon ako ng dahilan para kalimutan ang lungkot na nararamdaman ko at maging masaya muna sa mga sandaling ito, dahil kahit paano may naka appreciate na rin sa akin kahit na hindi ko pinagpipilitan ang sarili ko. At kung may mas dapat akong pasalamatan ay si Azon iyon siya ang dahilan ng lahat ng ito, siya ang dahilan upang maranasan ko ang mga bagay na hindi ipinaranas sa akin ng pamilya ko. Maraming salamat sa kaniya na may nanay siyang katulad ni Mrs.Tan. Agad nang umalis si Mrs. Tan upang balikan ang anak nito habang ako naman ay tumungo na sa silyang nakalaan sa akin. Masayang lumipas ang mga sandaling iyon. Si Azon ang validectorian ng batch namin at lubos kong ipinagmamalaki iyon, habang ako naman ay ika-third honor lang. Masaya na ako na kahit paano ay may natanggap akong award at nagawa ko iyon dahil sa pagsisikap ko sa tulong pa rin ni Azon sa akin. Tatlong medalya ang natanggap ko, ang isa ay award mula sa music club, ang isa ay award mula sa pagiging best ko sa math at isa naman ay dahil kasama ako sa honor. Lahat ng medalyang iyon inaasahan kong si Mom ang magssabit sa leeg ko ngunit kahit anino nito ay hindi manlang nagpakita. Hindi talaga siya dumating kahit pa nagmakaawa na ako sa text kanina. Ganoon nga siguro ako kawalang halaga sa kaniya, kahit ngayon lang sana ay hindi manlang nagawang sopurtahan ako. Pilit kong iwinaglit sa isip ko ang galit at pagtatampo, wala nang saysay iyon lahat dahil tapos na binigo na naman ako nang isang taong kailangan na kailangan ko. 'Hey brother, congrats happy graduation.' Message ni Kuya ang nabasa ko nang muli kong mabuksan ang phone ko. Wala pa ring reply galing kay Mom para sana malaman ko ang dahilan nito kung bakit hindi siya nakapunta. Ngunit magtataka pa ba ako, hindi ako si Kuya at hindi ako kailanman mapapabilang sa bagay na mas priority niya. "Wala ka paring kibo." Lumapit si Azon sa akin na may dalang dalawang plato ng pagkain, sunod ay naupo ito sa upuann kaharap ko. Mabilis ko nang naisilid muli sa bulsa ng pantalon ang hawak kong phone, hindi na ako nag-abala na replayan si kuya para magpasalamat. "H'wag mo nang isipin ang Mommy mo baka subrang busy niya lang kaya hindi ka niya napuntahan," aniya. "Okay lang sa akin iyon, tanggap ko namang hindi niya ako priority." Pilit pa akong ngumiti rito. "Let's celebrate tonight, baka ito na ang huling araw na magkakasama tayong lahat pag naging busy na tayo sa college." Tinig ni owenn ang nangibabaw sa palibot ng lugar. Sabay kaming napalingon roon ni Azon. Nakatayo na si Owen habang nakataas ang kamay nitong may hawak na baso na juice ang laman. "Goodluck sa future niyo guys, ang pangarap ko sa buhay ay maginng kapwa kaya kayo na bahala sa akin," sigunda ng isa naming kaklase dahilan para magtawanan ang iba. Sabay-sabay na kaming kumain, kasama naming lahat ang buong section at ang ilan sa mga magulang ng mga kaklase namin. Nasa Cool Cafe kami ngayon kung saan kami dati tumutugtog. Pina-reserved ni Mrs. Tan ang lugar na ito para sa amin upang dito kami magcelebrate tutal ay kaibigan nito ang mag-ari kaya hindi na siya gaano napa-gastos. Ipinahanda talaga ito ng nanay ni Azon upang icelebrate ang pagiginng validectorian ng anak niya. Tamang-tama na rin ang lugar na ito para sa pagpapaalam ng bawat isa, dahil iba-ibang bukas na ang haharapin namin pakatapos nito. Habang ako hindi ko pa rin alam kung ano na nga ba ang gagawin ko pagkatapos ng gabing ito. Matapos kumain ay naghanda sila para magkantahan, subra silang nakakawa panoorinn. Labis kong ikatutuwa na makita sila after 10 years na successful na sa buhay, hindi ko makakalimutan ang araw na ito na minsang may mga taong naging parte at ginawang memorable ang High School life ko. Bigla kong naalala ang regalo na nasa loob ng bag ko, abala ang lahat sa panonood kay Owen habang kumakata kaya walang gaano nakakapansin sa amin ni Azon. Mabilis kong nilabas ang regalo at inabot kay Azon na labis nitong ikinagulat. "Bakit nag-abala ka pa Gummy Bear, nako wala tuloy akong naihandang regalo para sa'yo." Tinanggap nito ang inabot ko. "Hindi ko naman kailangan ng regalo eh, tanging ikaw lang sapat na." Nakita ko ang matamis na ngiti nito, iyon ang isang bagay na hindi matutumbasan ng kahit na anong regalo pa. "Actually, hindi naman talaga sa akin galing ang regalo na 'yan, noong pasko ko pa dapat ibibigay sa'yo kaso nakalimutan ko na... kay Kuya galing 'yan." Tuluyang nawala ang ngiti sa labi nito, nakita ko kanina na bubuksan na dapat niya ang regalo ngunit hindi na nito tinuloy ng marinig niyang galing kay Kuya iyon. Ibinalik niya sa pagkatatali ang laso saka inilapag sa mesa sa harap namin. "Dahil ikaw ang nagbigay, iisipin ko na lang sa iyo galing," saad niya saka naman ako ngumiti. Nagpatuloy ang kasiyahan namin, hanggang sa pagpupumilit ng ilan ay naaya akong kumanta. Mamimiss daw kasi nila ang boses ko. Hindi na rin ako nagpapilit saka ako kumanta para sa kanila. Lumalalim na ang gabi saka namin napagpasyahang umuwi, hinatid ko muna si Azon sa kanila bago ako umuwi ng bahay. Nang tuluyan akong makapasok ng bahay ay hindi ko inaasahang si Mom pa mismo ang bubungad sa akin. Printe ang pagkakaupo nito ng de-kuwatro sa mahabang sopa sa sala habang hawak ang isang wineglass na lagpas kalahati sa baso ang laman na wine. Bumalik sa dating bigat ang pakiramdam ko matapos ang masayang pagdiriwang namin kanina, bakit ganoon na lang lagi ang nararamdaman ko. "Apo! Kumusta ang graduation mo ginabi ka na yata?" tinig ni Lola ang pumukaw sa atensiyon ko. Nakita ko itong nagmamadalinng bumaba sa hagdan suot ang duster nitong pantulog. "Ipaghahanda kita ng makakain, nilutuan kita ng paborito mong spagetti kanina." "Hindi na po kailangan busog po ako La," matamlay kong tugon. Sunod kong nakita ang pagtayo ni Mom at paglapag nito ng wineglass sa center table saka naglakad patungo sa gawi ko. "How was your day Ben?" tanong ni Mom sa akin dahilan para pangisi ako. May lakas ng loob pa talaga siyang itanong sa akin ang araw ko matapos ng hindi manlang siya sumipot sa graduation ko. "Kung alam mo lang Mom kung gaano kasaya ng araw ko tsk, subrang saya Mom..." sarkastikong saad ko rito. "Subrang saya Mom kahit na wala ka. Kahit ilang minuto manlang sana ay naglaan ka para umattend sa graduation ko pero hindi ka dumating, bakit pa nga ba ako magtataka wala naman akong silbing anak 'di ba?" panunumbat ko rito. "Hindi ko a-alam na ngayon ang..." "Hindi mo alam kasi wala ka naman talagang balak alamin, pasensya na po hindi ako kasing talino ni Kuya para ipagmalaki niyo eh." Mabilis kong nakuha ang tatlong medalya na nakasilid sa bag ko at saka ko iyon hinagis sa harapan niya. Nagbigay ingay ang pagbagsak noon sa sahig at pareho nang hindi nakaimik sina Mom at Lola. "Ayan lang ang nakayanan kong makuha eh, na inaasahan ko sanang ikaw ang magsusuot sa akin pero hindi ka dumating." Itinuro ko pa iyong medalya sa sahig. "Thank you Mom, subrang na appreciate ko ang hindi mo pagpunta." Isang ngisi pa ang pinakawalan ko rito bago ko sila tinalikuran. Iyong ngisi na itinatago ang lahat ng kirot sa puso ko. Noong sandaling iyon nagawa kong sabihin kay Mom ang lahat ng bigat na dinadala ko sa loob ko, kabastusan lahat ang ginawa ko ngunit hindi ko na napigilan ang sarili ko upang hindi ilabas ang bigat sa akin at tuluyan nang sumabog.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ang ganda din po nito...
11/07/2025
0thank you
12/12/2024
0good interesting
18/08/2024
0Tingnan Lahat