“I...I just want to consult you. I want to confirm if you feel alright. You doesn't seemed to be ok lalo na nung pauwi na tayo. I was worried big time. Actually, kagabi ko pa talaga gustong pumunta dito, but then I bet you were already on bed lalo na dahil galing ka sa trabaho bago tayo namasyal so that's why...I decided na ngayon ka na lang puntahan. I'm sorry...sorry baby.” Halo-halong ekspresyon ang makikita sa kanyang mga mata nang sabihin iyon. Nagbaba ako ng tingin, nangangapa ng sasabihin sa tinuran niyang iyon. Ang akala ko ay nagtagumpay akong magpanggap na ayos na ayos lang ako nung kasama siya sa katotohan na marami ang gumugulo sa aking isipan. Hindi ako nakapagsalita, ni hindi ako makatingin sa kanya dahil kapag ginawa ko iyon ay paniguradong magkakaroon siya ng ideya kung ano ang gumugulo sa aking isip. Masyado niya na akong kilala, kahapon nga na ginandahan ko ang pagpapanggap ay nahalata niya. Paano pa kaya ngayon na ni hindi nga ako maka-ngiti ni makatingin man lang sa kanya? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Magpapanggap ba akong akala niya lamang iyon at wala siyang dapat na ipag-alala? Pero kung hindi ko aaminin ngayon, kailan? Hanggang kailan ako magtatago sa kanyang mga mata? Hanggang kailan ako magtatago sa sarili kong anino? Unti-unti na akong inuusig ng sarili ko, pati mga kalamnan ko ay naguguluhan na mismo sa'kin. Sa tingin ko ay oras na, ngayon ay kailangan ko munang isantabi ang kaba at takot na baka mapunta lamang sa wala kapag sinabi ko. Ngayon ay kailangan ko munang sundin ang aking puso na sumisigaw ng kanyang pangalan. Kinakailngan ko munang sundin ang isang kaibigan na yumakap sa akin noong mga panahong tinalikuran ako ng saya at pag-asa. Kailangan ko munang pagbigyan ang mga matang nagbibigay sa akin ng iba't ibang klase ng kasiyahan, at hindi ito basta kagustuhan dahil ito'y aking obligasyon simula nang maipanalo niya ang aking puso't buong pagkatao. Kung ano man ang maging kalabasan nito ay bahala na... “Bryle...” Mahinang sambit ko sa kanyang pangalan kasabay ng pagtaas ng tingin sa kanya. ”Baby...it should be 'baby' and not the other way around.” Nakangiti niyang sambit bagaman madadama roon ang halong lungkot. Nakatitig na kami sa isa't isa. “Naguguluhan ako...” Nabasag ang boses ko nang sabihin iyon kasabay ng sabay-sabay na pagpatak ng mga luhang kanina pa nais kumawala. Kahit anong pigil kong hindi humikbi ay wala paring kwenta. Kusang lumalabas ang mga luhang saksi at pruweba sa kung gaano ko siya kamahal, kung gaano ako katakot na mawalan ng isang tulad niya. Nag-iwas ako ng tingin at palihim na pinunasan ang mga luha, nagbabakasakaling hindi niya nakita kahit napaka-imposible. “Baby, sabihin mo naman sakin, oh.” Halos lumuhod na siya sa pagmamakaawa na sabihin ko kung ano man iyon. Namumula na ang kanyang matangos na ilong at malalim na mga mata at alam kong ano mang oras ay hindi niya na mapipigilan pa ang pag-agos ng klase ng tubig na pruweba ng sakit, kalungkutan, at maging kasiyahan. Huminga ako ng malalim sa gitna ng mga maliliit na hikbi, tumingin ng direkta sa kanya. “Nahihirapan na ako, naguguluhan ako.” Deretso kong sambit na naging sanhi upang tuluyan nang tumulo ang butil ng mga luha. Saksi sa kanyang mga mata ang sakit at hirap. “Baby, I don't know what's bothering you, please tell me. I'm also confused and hurt at the same time. I know that something is wrong between us that keeps on bugging you. I can't help but ask if you really love me. It's hurting me knowing that you can't tell me some things. Do I have the right to know? Or is it just because...b-because you don't t-trust me?” Sumisigaw ng pighati ang kanyang tono. Kasalanan bang magmahal? Bakit kailangang masaktan kapag nagmamahal? Hindi ba puwedeng maging masaya na lang hanggang sa walang hanggan? Life is too short, why do we have to suffer like this with the one we love when we don't even have an idea if we could still be with them until the end of tomorrow? “Saksi ang langit at lupa kung gaano kita kamahal. Ako dapat ang nagtatanong niyan, mahal mo ba talaga ako? May tiwala ka ba sa'kin?” I asked in a tone full of regret and sorrow. I don't know what would be the next after this. But one thing's for sure... I can't afford to lose him again. “Hindi ka naman ganoon dati, ah? Wala na yung mga hilig mong isa sa nga minahal ko. Wala na ang mga bagay sayo noon na nakasanayan ko hanggang sa paglipas ng panahon. Noon, wala kang pakialam kung sumama man ako sa mga kaibigan namin lalaki basta't walang malisya, hindi ka naghihigpit sa mga matang nakatingin sa'kin. Pero ngayon? Anong nangyari? Pati saglit na sulyap nila sa akin ay naghuhuramentado ka na! At kahit hindi mo sabihin, alam kung may nagbago na! Bryle, wala ka na bang tiwala sa'kin?!” Tumaas ang boses ko sa mahabng litanyang iyon. Tumataas ang tensyon at hindi ko mapigilan iyon. Sa tuwing naalala ko ang mga nauna naming ala-ala ay hindi ko maiwasang ikumpara ang nakaraan at kasalukuyan. Hindi siya nagulat sa tinuran ko, para bang inaasahan niya na iyon. Muling may tumakas na isang butil ng luha sa kanyang mga mata. Puwede pa kaya? Kaya pa? Huling baraha... “Why? I buried the things that reminds me of you. It was like I'm already at the dead-end seeing the things that keeps on bugging me about our memories. When I left you, I was beyond weakness knowing that I will be the reason of your another tears and heartbreak. Pakiramdam ko ako na yung pinakaduwag na lalaki noong mga panahong iyon dahil mas pinili kong iwan ang pinakamamahal ko dahil lamang sa isang walang kwentang dahilan. Lalaki ang naging rason ng pagkakalayo natin, kaya nang makuha kitang muli ay sinigurado kong wala nang kahit sinong lalaki ang makakahawak man lang sa'yo. Gumawa ako ng isang matatag na pader alang-alang sa sariling hangarin nang hindi man lang napapagtanto na nasasakal ka na. Mahal kita, eh...I'm sorry. I-I really am, baby.” “Naging makasarili ka, ni hindi mo man lang inisip na nasaktan rin ako ng sobra. Naiwan akong puno ng pangamba kung babalik ka pa ba. Ang daya mo.” Mabilis akong tumayo pagkatapos nun. Hindi na kaya pang manatili sa aking kinauupuan at patuloy na marinig ang ang katotohang totoo nga ang aking hinala. Wala na siyang tiwala... How could he be this cruel? Or was it love? Hindi ko mapigilan ang paghagulgol habang papalapit sa aking lungga. Ngayon ay napagtanto ko na kahit gaano ka pa katapang at katatag, kahit gaano pa kadami ang mga pagsubok na naranasan mo ay bibigay at bibigay ka pa rin pagdating sa pagmamahal. I badly want to hug him and pursue our relationship, but then how could I when I'm already off limits? Yes, I have multiple perspectives but I am just a creation as well as a sinner and so I have my limitations. It's not always me who will chase and kneel down to beg for a stay, this time I want it to be him. And if he would not, then I will have no choice but to end this hanging as well as him. Ilang hakbang na lamang ay nasa aking kwarto na ako, at kapag naubos na ang hakbang na wala parin siyang ginagawa ay tuluyan ko nang isusuko ang pagmamahal na siyang bumubuhay sa aking puso. Isa... Dalawa... Tatlo... Tatlong hakbang na, nasa harapan ko na ang pinto ng silid na siyang babasehan sa katapusan ng aming kuwento. Ngunit hindi ko pa man nahahawakan ang door handle ay isang matipunong katawan na ang naramdaman kong nakadiin sa aking likod. Pumulupot ang kanyang malalakas na mga kamay sa aking baywang na siyang pumigil sa akma kong pagpihit sa hawakan ng pinto. Nanginig ang aking mga tuhod, ramdam na ramdam ko ngayon ang hubog at laki ng kanyang katawan. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg, ramdam ko ang maiinit na likido sa aking leeg... probably his tears. Nasa aking leeg ang kanyang matangos na ilong kaya't dama ko ang kanyang mainit na hininga na nagpatayo sa aking mga balahibo. “Hindi ko kaya, baby. Lahat gagawin ko huwag mo lang akong iwan.” Lumukso ang aking puso, napagbigyan. Ngunit hindi ko pinansin iyon kahit pa ang totoo ay gusto ko ring sabihin sa kanyan na hindi ko rin kayang mawala siya. Kung hindi lang ganito ang sitwasyon namin ngayon ay paniguradong nagkunwari na akong magc-cr upang tumalon-talon sa kilig. Nangingiti na ako dahil dun kahit pa puno ng luha ang aking mga mata sa kakaiyak, hindi niya naman nakikitang nakangiti ako kaya ayos lang. Teka, baliw na ba ako? Sariwa parin yung sakit dahil sa sagutan namin kanina ngunit kinikilig parin ako at nangingiti pa sa sinabi niya. Hindi niya daw ako kayang mawala, safe. Hindi ako sumagot kaya hinarap niya ako sa kanya. Tumigil ako sa pagngiti upang hindi niya makita. Nang magkaharap na kami ay tinitigan niya ako sa mata, tumitig rin ako sa kanya sa kabila ng sitwasyon. “Mahal kita, mahal mo ba ako?” Deretso niyang tanong nang sandaling hindi ako nagsalita. A-anong isasagot ko? Sasabihin ko bang 'oo'? Weird na kung weird pero nahihiya talaga akong umamin, kanina lang ay nagtaas ako ng boses at nagmartsa pa paalis tapos ngayon ay magiging marupok? Ugh, how I hate awkward moments. But sabi naman nila ay honesty is the best policy. So, there's nothing wrong with telling the truth, right? Ang importante ay hindi nagsisinungaling. Baka maging lie gone wrong pa, eh. Mamaya sabihin kong hindi tapos huli na ang lahat para bawiin pa iyon. Nasa huli pa naman ang pagsisisi, ika nga nila. “O-oo, maha—” Nanlalaki ang mga mata akong natigil sa pagsasalita nang hindi pa man natatapos ang pangungusap ay agad niya akong siniil ng nangigigil at mainit na halik. Grabe! Hindi ko naman alam na nagmamadali pala ang taong 'toh! Ni hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita, walang modo! Pero syempre mahal ko parin. Tsaka kahit papaano ay pabor din naman ako dun, hehe. Haliparot talaga. Hinihingal kaming pareho nang tumigil siya sa paghalik. Ha! Pakiramdam ko isang siyang sirang oxygen, eh. Imbes na madagdagan ng hangin sa halik ay hiningal pa. The next thing I know is I'm already moaning like a wild animal...
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ótimo
12/04/2024
0napaka ganda ng kwento❤️
04/08/2023
0....
19/07/2023
0Tingnan Lahat