logo text

The Mad Encounter

Lacey's Pov
“Hoy, buti nandito ka na,” bungad sa akin ni Shai sa pintuan ng room. 
“Bakit? Anong meron?” tanong ko at tuluyan nang lumakad patungo sa aking upuan.
“May dumating na memo this morning lang, it said, di raw makapasok si Miss Vera after lunch sa drafting subject natin kasi mukhang marami daw siyang inaasikaso kaya doon daw muna tayo pansamantala pumasok sa klase niya sa mga engineering students sa alas tres ng hapon,” mahabang paliwanag nito.
“Meaning, isabay niya tayo dun sa klase ng mga ‘yon?” may pagtatakang tanong ko.
“Yes, gurl," sagot nito. "At hindi lang ‘yan, narinig ko doon daw mismo sa klase nina Kurt, sabi daw para naman daw may maitutulong yong mga engineering students sa atin.” Mahabang balita nito.
“Pwde ba yon?” di makapaniwalang sagot ko.
“Ito naman, di ko alam, parang di excited, ah?” may himig pangungutyang sabi nito.
Natatawa ako sa sinabi ng kaibigan. Siyempre sino ba naman ang hindi excited sa balitang iyon. Ito na nga , tumutulong na ang pagkakataon na magkakalapit kami ni Kurt, tatanggihan ko pa ba iyon?
Ang tagal nang alas tres. Gusto ko nang hilahin ang oras. Kitang-kita ko na hindi lang yata ako nag-iisa na nasasabik sa balita. Halos lahat ‘ata nag look forward sa pangyayaring iyon.
“Huwag masyadong atat, girl! Baka magbago ang isip ni Miss Vera, mauunsyami yang plano mo sa buhay. Kilos kilos din diyan!” sabi nito sa akin nang mapansin na wala na akong ibang ginawa kundi panay tingin sa orasan.
Alas tres na agad. Hindi ko alam pero para talaga akong lumulutang sa hangin nang papunta na kami sa room nina Kurt. Malaki naman ang room kasi isa ito sa mga drafting space ng boung engineering building. Nang tuluyan na kaming pumasok , isa-isang naghahanap ng bakanteng mauupuan ang mga kaklase ko. At nakita ko si Sheena na lumapit sa bandang kinauupuan nina Kurt at mga kaibigan nito.
Wala kaming mahanap na upuan ni Shai. Pinagtitinginan na kami ng boung klase.
“Girls, dito na kayo” narinig kong sabi ni Miss Vera sabay turo nito sa upuan sa mismong likod lamang nina Kurt at kasamahan niya. ”At kayo dun kayo lipat sa banda dun sa likod katabi ng mga architectural students ko” tukoy nito sa mga estudyanteng nakaupo sa likod ni Kurt kanina.
Nagsitayuan naman ang mga ito at lumipat sa upuang sinabi ni Miss Vera. Sabi ko sa sarili ko, isa na ba itong blessing? Sinadya talaga ng pagkakataon ang paghaharap namin. At sobrang lapit pa. Pakiramdam ko parang gusto kong sugurin ng yakap si Miss Vera.
Nagsimula nang magsalita si Miss Vera sa harap. Wala akong masyadong naintindihan sa mga sinabit nito kasi ang mga mata ko’y doon lang nakatuon sa likod ni Kurt. Tahimik na tahimik lang ito na ultimo pagtingin sa amin ay di man lang nagawa. Kahit sa lapad ng balikat niya ay nababaliw ako. Ang kapal pala ng buhok nito. He is so damn attractive.
Napansin ko na lang na umalis na palabas si Miss Vera.
“Saan ang punta ni Miss?” tanong ko sa katabi kong si Shai.
“Di ka nakikinig, girl?” bulong na sagot nito.
“Nakikinig naman pero hindi masyado” simple kong sagot alam kong iba naman ang iniisip nito.
“Sabi, gawin daw natin ito” pinakita nito sa akin ang isang page ng libro. “At maghanap tayo nga engineering student na makakatulong sa atin. So it's gonna be by pair." 
“Ah, okay,” tiningnan ko agad si Kurt. Shai rolled her eyes at umiling-iling. Alam na na alam niya kung ano laman ng bituka ko.
“Hmmm, Excuse me,” kalabit ko sa may likod ni Kurt. Dagli naman itong lumingon.
“What?” his usual word.
"Can you help me with this?" I said, pointing at the book while looking straight into his eyes.
Umiiwas ito ng tingin. "Find somebody to help you," bumaling ito kay Omar. "Dude pakitulungan si ahm… siya.” Turo nito sa banda ko.
“No, Thanks," sabi ko kay Omar. "I want you,” I said na doon nakatingin kay Kurt.
Nagkatinginan ang mga tao sa paligid namin, 
“But I don’t want to,” may diin na sambit nito.
“What’s your problem with me?” There's a slight irritation of my voice. Alam kong nakikinig ang iba sa sagutan naming iyon lalo na nag mga kaibigan niya.
“Ask yourself,” sabi nitong hindi ako tiningnan.
“Why don’t you look at me?” paghahamon kong tanong nito.
“And why should I?”
Lumingon na ito at biglang nagkatagpo ang mga mata namin. Gusto kong matunaw sa paraan ng pagtitig niya sa akin kahit na may halong galit at inis ang mga tingin na iyon. Makausap ko lang siya sa kahit anong paraan ay mistulang ako na ang tanging pinagpapala sa lahat. 
Matagal-tagal din ang titigan naming iyon. Medyo balisa na ang kasamahan niya. Sa Palagay nila baka may mangyayaring world war 3. 
"Hey, stop that!" dinig kong saway ni Sheena sa aming dalawa. "Lacey, si Omar na lang ang tutulong sa'yo okay? magaling din naman 'tong buang na to," medyo natatawang sabi ni Sheena sa akin to lessen the tension burning around. 
"Okay, thank you. I won't force anyone who is not willing to help even if he can," matigas kong sabi.
Bahagyang tumawa sa inis si Kurt. "Did I not tell you I don't want to help?" lumingon muli ito sa akin.
"Why? Are you afraid you might fall in love with me?" Di ako nagdadalawang isip na isiwalat iyon. Dinig na dinig ko ang mga singhap ng ibang tao sa room.  Medyo malakas kasi ang pagkabigkas ko ng mga salitang yon.
Tumatawa ito ng malakas. Malakas na malakas na parang yayanig sa boung sangkatauhan. Pero ang paraan ng pagtawa nito ay nakakainsulto na talaga.
"I've fallen for you...." Biglang kanta ni Jex na agad naman binatukan ng ibang kaibigan nito.  Nagtatawanan lalo ang mga tao sa paligid namin.
"Look at yourself, tingin mo ba'y ikaw ang tipo ng babaeng gugustuhin ko?" malakas na sambit ni Kurt.
Naulinigan ko ang isang 'whew" sa isa sa mga kaibigan nito na siya namang tinipunan ng masamang tingin ni Shai.
"Hindi ba? Tell that to the marines. You're lying," boung tapang na sagot ko.
"World war 3 na ba?" Sigaw ni Sheena. Nagsitawanan sila. 
"Not even a chance in hell, understand?" sabi nito sa akin nang nakabawi. Nagpipigil sa sarili. 
"We'll see." nakangiti kong sagot. At inaalala yung gabing tinext ko ito sa phone niya. Di niya alam kung paano ko nakuha ang number niya. I'll do everything to make him want me.
"Yes, we'll see!" ulit ni Shai sa sinabi ko habang nakatingin dun sa kaibigan nitong nagsabi ng 'whew' kanina.
Natahimik na kaming lahat. Masayang-masaya pa rin naman ako na at least nagkakausap na naman kaming dalawa ni Kurt. Kahit nag-aaway nga lang.
Tinulungan na ako Ni Omar. In fairness mabait at magaling din naman ang isang yon. Medyo naiilang lang ito sa akin kaya ginawa ko ang maging extra friendly para di naman niya masabing maarte ako at mapili.
Pero nagawa ko pa ring tingnan si Kur  pa-minsan-minsan kahit nag explain si Omar sa gagawin. Ang mga mata ko'y doon pa rin nakatingin sa banda nito.
Tinutulungan nito si Sheena. Pakiramdam ko ang haba ng oras na iyon. Ito na yata ang pinaka-mahabang pagtatagpo namin sa ngayon.
Sisiguraduhin kong may susunod pa.

Komento sa Aklat (24)

  • avatar
    Bagacina16Ronaldprince

    .ffdgssgfd

    22/06/2024

      0
  • avatar
    LameraSean Ashley

    kyut

    11/06/2024

      0
  • avatar
    VergelEdgar

    great story,thumbs up

    02/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata