ANGER

LACEY'S POV
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa opisina ng Daddy ko. Ang alam ko lang, naglalagablab ang dibdib ko sa galit.
“Bakit niya ‘yon ginawa?” tanong ko sa sarili habang mabilis na tinatahak ang hallway ng executive floor. “Bakit si Kurt?”
Pinilit kong kontrolin ang sarili ko, pero hindi ko kayang hindi maramdaman ‘to—ang sama ng loob, ang pagkabigo, ang selos… at ang hindi maipaliwanag na sakit.
Pagbukas ng pinto ng opisina ni Daddy, hindi siya ang nadatnan ko. Si Kurt.
Nakaupo siya sa harap ng lamesa ni dad. Confident at tila sanay na sanay na sa paligid. Ang kumpiyansa ng pagkaupo niya, ng ekspresyon niya, ng presensya niya… parang sinasampal ako sa katotohanang totoo nga.
Siya na ang pinili ni Daddy. Si Kurt na.
“Where is my dad?” malamig kong tanong, pinipigilan ang panginginig ng boses ko.
“Out for a board meeting. I’m handling this office for the meantime,” mahinahong sagot niya.
Tumawa ako, mapait. “Of course. You’re handling my father’s company. My inheritance. How convenient.”
Tumayo siya mula sa pagkakaupo. “Lacey—”
“You don’t have the right to manage my own company!” singhal ko, di na napigilan.
“I know, ask your father about it.” Kalmado pa rin ang boses niya, parang hindi siya apektado.
Napasinghap ako sa frustration. “You brainwashed him,” mariing tugon ko. “You made him believe you’re someone worth trusting.”
“I would never do that. Not even a chance in hell,” malamig at diretso niyang sagot.
“Oh yeah? But I’m sure you’ll rot in hell!” sigaw ko na, kahit namamaga na ang lalamunan ko sa emosyon.
Lumapit siya, walang takot, at banayad na dinampian ng daliri ang baba ko, pinapatingin ako sa mga mata niya.
“After you, baby.”
Pakiramdam ko'y binuhusan ako ng malamig na tubig.
Hindi lang dahil sa sagot niya, kundi dahil sa tawag niya sa akin—baby—na para bang binabalik niya ako sa mga gabing halos hindi ako makatulog sa kilig. Sa mga sandaling umasa ako na totoo ang lahat.
Pero ngayon? Galit na galit ako.
Bakit ganon kadaling baliin ang lahat?
Bakit ganon siya kabilis na naging kalaban?
“Ano bang ginawa ko sa’yo?” pabulong kong tanong, halos hindi na maintindihan ang sarili. “Bakit mo ‘ko kailangang gawin ito?”
Hindi siya sumagot agad. Tila may bakas ng kirot sa mata niya, pero mabilis ding nawala. Bumalik ang maskara ng katigasan sa mukha niya.
“Wala ka namang ginawa, Lacey. You just happened to be part of the wrong story.”
Halos mabingi ako sa sinabi niya.
So, tama nga. Gusto lang niya akong saktan. Na ginamit lang niya ako. Na parte lang ako ng paghihiganti niya.
“I hate you,” mariin kong bulong, sabay atras mula sa pagkakalapit namin. “You think you won, Kurt? You didn’t. Because no matter what you do, you’ll always be the outsider. You don’t belong here.”
Tumango lang siya, walang bakas ng gulat. “I never intended to.”
“Then leave,” madiin kong sabi. “Umalis ka sa kumpanyang ‘to. Lumayo ka sa pamilya ko. Sa—” napatigil ako. “—sa akin.”
May saglit na katahimikan.
"Dahil ba may boyfriend ka na?"
"It's none of your concern! "Galit na galit ako.
Hindi na siya nagsalita, pero sapat na ang titig niya para bumigat pa lalo ang dibdib ko. Dahil bakit parang nakita ko doon na nasasaktan siya.
At bago pa ako tuluyang bumigay, umiwas ako ng tingin at lumabas ng opisina. Malalakas ang hakbang ko, pero nanginginig ang tuhod ko. Pigil ang luha, pero alam kong sandali na lang ay babagsak din ito.
Bakit mas masakit pa ‘to kaysa sa kahit anong rejection?
Pagdating ko sa kotse, doon ko na hindi napigilan.
Naiiyak ako sa inis, sa sama ng loob, sa pagtataksil ng tadhana. Tinext ko si Shai.
LACEY:
Bakita mahal ko pa rin siya. Ayoko na. Naguguluhan ako.
Wala pang ilang minuto, bumalik ang reply.
SHAI:
Lace… take a deep breath. I’m here. Want me to pick you up?
Hindi ko na nasagot. Ibinagsak ko ang ulo ko sa manibela. Humihikbi ako, hindi ko alam kung para saan—sa galit, sa sakit, o sa kabiguang minahal ko ang lalaking pala’y lalaban sa akin.
Kurt's Pov
Nanatiling tahimik ako. Nakatayo pa rin ako sa pwesto kung saan ako iniwan ni Lacey. Sa wakas, binitiwan ko ang mahigpit na pagkakakapit sa desk.
Tumingala ako,  pilit nilulunok ang bigat sa dibdib.
Nasaktan ako. Dahil si Lacey ang una kong gustong ingatan… pero siya rin ang una kong sinaktan.
Ang hirap magpanggap sa harap niya. Walang kapantay na kaparusahan.
At ngayon, alam kong wala nang babalikan.
Hindi dahil gusto ko.
Kundi dahil ako mismo ang sumira.

Komento sa Aklat (24)

  • avatar
    Bagacina16Ronaldprince

    .ffdgssgfd

    22/06/2024

      0
  • avatar
    LameraSean Ashley

    kyut

    11/06/2024

      0
  • avatar
    VergelEdgar

    great story,thumbs up

    02/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata