Homepage/Unexpected Romance/
Ending
THIS WAS SUPPOSED to be a happy day. I know giving birth is painful, and I was expecting to see Trish in agony, but not this much suffering. Pakiramdam ko maging ako ay bibigay na. Halos mawalan na siya ng malay kanina habang sinusubukang ilabas ang baby. The veins in her neck, the blood in her lips from biting too hard, and her tired eyes say it all. D*amn I thought she will pass out. Nakikita kong hirap na hirap na siya..at labis ang aking awa at takot sa maaaring mangyari. Parang hindi ko na yata gustong maulit ito. Umabot pa sa puntong kailangang mabilis na ilabas ang baby dahil pareho na sila ni Trish na nahihirapan. Nakita ko lahat..Kung gaano na siyang napapagod.
I'm standing outside the NICU now, watching our baby boy cry. My heart was overjoyed to meet our baby, but I couldn't help but worry for my wife. Nasa katabing kwarto lang siya at isang oras na matapos ang operasyon pero hindi pa siya inilalabas. Is she alright? Bumukas ang pinto ng kwarto na nagkokonekta sa NICU at sa delivery room. Lumabas doon ang isa sa mga nurse na nag-assist sa operation at mabilis ko siyang nilapitan.
“Excuse me..H-How’s my wife? Bakit hindi pa siya dinadala sa room niya? Is she alright?”
“Don’t worry sir, your wife is safe. Nasa recovery room pa siya at mino-monitor. Baka mamaya lang ay magising na siya at dalahin na sa room,” paliwanag niya sa akin. Saka lang ako nakahinga ng maluwag.
“Thank you,” aniko habang sinulyapan ang kwarto na kinaroroonan ni Trish kahit pa hindi ko siya nakikita. Naiinip na ako at gusto ko na siyang makita at masigurong ayos lang siya.
“Don’t worry. She will be fine,” pag-aalo sa akin ng babae saka nagpatuloy na sa paglakad.
“Theo!” narinig kong may tumawag sa akin. Nalingunan ko si mommy na papalapit sa pwesto ko. Nagmamadali ang mga hakbang niya at bakas ang pag-aalala sa mukha. Kanina nang makalabas ako ay tinawagan ko agad siya at ipinaalam ang mga nangyari.
“Where’s Trish? Is she alright?” tanong agad niya. Base sa paghahabol niya ng hininga ay batid kong galing siya sa pagtakbo at halata din ang kaba niya.
“She’s fine according to the nurse. Nasa recovery room pa daw siya,” paliwanag ko.
“Thanks God!” Noon lang siya tila nakahinga ng maluwag. Nakita ko din kung paanong nawala ang pag-aalala sa mga mata niya. “Ang baby?” maya-maya ay usisa niya.
Itinuro ko sa kaniya ang glass wall kung saan makikita ang baby namin. Agad siyang lumapit doon at napasinghap pagkakita sa baby na noon ay inaayos ng nurse.
“Oh my God! Theo, he looks exactly like you!” Agad niyang kinuha ang cellphone at kumuha ng mga larawan.
“Yeah..Trish will be mad,” sagot ko. Hindi ko pa rin naitago sa boses ang lungkot at matinding guilt sa tuwing naalala ko ang paghihirap niya kanina. Naulinigan marahil iyon ni mommy. Tinanguan niya ang nurse na noon ay isinara na ang blinds ng glass wall.
“Theo, it’s not your fault. Every childbirth is unique…h-hindi talaga natin masasabi ang mangyayari. Ginawa nyo naman ang lahat para maging safe ang panganganak ni Trish..h-hindi naman natin ginusto na mangyari ito. Ang mahalaga ay maayos ang mag-ina ngayon. Huwag mong sisihin ang sarili mo anak.”
“I can’t help but feel like it’s my fault. Wala naman akong magawa. Siguro kulang pa ang preparations—”
“Walang may kasalanan sa inyo,” putol ni mommy sa sinasabi ko.
Noon naman biglang bumukas ang pinto ng operating room at iniluwa noon ang hospital staff na tulak si Trish habang nakahiga sa bed. Agad kong sinipat ang asawa at nang magtama ang aming mga mata ay nabitin sa ere ang aking paghinga. Lalo akong nakaramdam ng awa sa kaniya. She looks really pale, nangingitim din ang paligid ng kaniyang mata tanda ng matinding pagod na kaniyang naranasan. Kahit sinong tumingin ay masasabing mahirap ang dinanas niya sa panganganak. Mabilis akong humakbang papalapit sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Sinabayan ko ang mga staff na nagtutulak ng hinihigaan niya patungo sa room. Namataan ko din si mommy na nakasunod sa amin. Bakas sa kaniya ang pagkabahala at matinding awa sa nakikitang hitsura ni Trish. Inilipat siya ng mga staff sa hospital bed at noong maayos na siyang nakahiga saka ko siya nilapitan.
“How are you feeling?” Hinaplos ko ang kamay niya na noon ay may IV.
“S-Sorry,” imbes ay mahinang sagot niya at nangilid ang luha sa mga mata. Lalo naman akong nakadama ng awa sa kaniya.
Bakit siya nagso-sorry gayong ako itong pakiramdam ay walang magawa para sa kanila ng anak ko?
“Anong sorry? Ako nga ang dapat mag-sorry sayo.” Mabilis kong pinalis ang luha niya. “Don’t cry, baka makasama sa iyo. I am so proud of you. Ang I am glad that you’re safe.” I leaned down and kissed her forehead, hoping it would be enough to ease her discomfort.
“S-Si baby?” tanong niya.
“He is fine. You just gave birth to a healthy and very handsome baby boy,” nakangiti kong sagot at noon ko nabakas ang pag-ahon ng saya sa mga mata niya.
“Your baby is safe. Dadalhin na lang daw dito ng nurse kapag okay na,” sangat ni mommy sa usapan namin.
Tiningnan ni Trish si mommy at muli ay ramdam ko ang pagkailang niya. Ngunit nang pagmasdan ko si mommy ay napansin kong nangingilid ang luha niya habang nakamasid sa amin. Alam ko na sa mga sandaling ito ay nabura na lahat ng agam-agam niya sa asawa ko. Bahagya akong lumayo sa kanila nang humakbang si mommy palapit kay Trish.
“Trisha, hija. I…I am sorry for everything I’ve said before. Seeing you now, alam kong handa kang ibuwis ang b-buhay para sa pamilya mo..para sa apo ko. I’ve realized that’s how much you love my son. N-Natakot lang ako noon na baka masaktan nyo lang ulit ni Theo ang isa’t-isa. But now, my worries have vanished, all that remains is a feeling of guilt for doubting your love for my son. I apologize. Could you please forgive me?”
Napangiti ako sa narinig. Alam kong darating din ang araw na ito. Sinulyapan ko ang asawa na noon ay lalong napuno ng luha ang mga mata. Tiningnan niya ako at nangungusap ang mga mata niya. Bakas doon ang saya sa mga sinabi ni mommy. Bahagya lang akong ngumiti at tumango sa kaniya.
“O-Of course, m-mom, I forgive you. T-Thank you po,” aniya.
Tuloyan na siyang niyakap ni mommy. “No, hija…ako ang dapat magpasalamat sa iyo. Thank you for loving my son..salamat sa pagbibigay sa amin ng cute na cute na apo. I’ve realized I was so wrong.”
Bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa noon si Doctora. “What is happening here? Mommy Trish, bakit ka umiiyak. You are exhausted at makakasama sa iyo ‘yan,” saway niya sa dalawa bagamat nakangiti.
Pinunas ni Trish ang mga luha ganoon din si mommy.
“Sorry doctora. It was my fault,” hinging paumanhin ni mommy.
“Alam kong nakakaiyak ang nangyari sa iyo mommy Trish. Ipagpasalamat na lang natin na safe ka na at si baby. Probably CS ka na din sa susunod na panganganak mo,” paliwanag ni doctora.
Sinimulang i-check ni doctora si Trish at madami siyang ibinilin sa amin para umano mabilis na maka-recover mula sa panganganak. Matapos iyon ay nagpalaam na ito na kinakabukasan na lang babalik para tingnan kung mapapayagan na kaming umuwi.
“Oh! Your daddy is calling. Sigurado akong excited na iyong pumunta dito! I’ll just answer this,” paalam ni mommy at ipinakita sa amin ang cellphone saka lumabas. Naiwan kaming dalawa ni Trish at agad ko siyang nilapitan at inayos ang bed para makaupo siya ng kumportable.
“I look horrible,” aniya at iniwasan akong tingnan.
“What? That’s not true. You look pretty,” sagot ko pero tiningnan niya ako at batid kong hindi siya naniniwala. “I feel so guilty you have to go through that pain.”
“Wala ka namang kasalanan. Ako nga ang nahihiya dahil hindi ko nakayanang ilabas si baby. A-Akala ko ay malakas ako. Nakakainggit iyong ibang babae na kayang kaya ilabas ang baby nila ng normal.”
Naupo ako sa gilid ng kama niya at pinakatitigan siya. “Walang kaso iyon kung normal o hindi ang panganganak mo. What’s important is that you and our baby is safe now. Habambuhay kong ipagpapasalamat sa iyo ang pagbibigay sa akin ng anak. I promise that I will take care of you and our baby.”
Ngumiti siya at pakiramdam ko ay ilang libong bigat sa balikat ang nawala sa akin. Simula kasi noong mag-labor siya ay hindi ko na nasilayang muli ang ngiti niyang ito. Ngayon lang ulit at dahil doon ay natitiyak kong maayos na siya. Inabot ko siya at hinalikan sa noo. Kung ako ang masusunod ay gusto kong sakupin ang labi niya. Ngunit nag-aalangan ako dahil alam kong nahihirapan pa siya sa sugat niya.
Nakarinig kami ng mga katok sa pinto at nang bumukas iyon ay namataan namin ang nurse na dala ang baby. Biglang lumawak ang pagkakangiti ni Trish at maging ako ay nadadala ng emosyon habang pinagmamasdan ang anak namin.
“Hello mommy and daddy, andito na po si baby,” masuyong paalam ng nurse sa amin. Naririnig namin ang pag-iyak ng sanggol kaya binalingan ito ng nurse, “baby, wag na umiyak, andito na si mommy at daddy mo oh?” Maingat niyang iniabot ang baby kay Trish na kakatwang tumigil sa pag-iyak noong maramdamang nasa bisig na siya ng ina. I watched as Trish’s eyes became filled with love and tears of joy. Tinuruan siya ng nurse kung paano ang paghawak kay baby. Ngiting ngiti si Trish at tila hindi alintana na kagagaling lang niya sa operasyon. At dahil doon ay lalong nadagdagan ang paghanga at pagmamahal ko para sa kaniya.
“Theo, look at our baby. He looks exactly like you,” baling niya sa akin. “Hi baby, your so unfair. Bakit si daddy ang kamukha mo?” kausap niya sa anak.
“That’s okay. That means you’ll have two Theos who will protect you,” sagot ko.
Natatawa niya akong tiningnan saka tumango. “Totoo ba baby?” tanong niya sa anak.
Kakatwa namang titig na titig lang sa amin ang anak namin na bakas pa ang luha sa mga mata dahil sa pag-iyak kanina. Gustong gusto ko siyang halikan ngunit natatakot ako na baka makasama pa iyon sa kaniya kaya nagkasya na lang ako sa paghawak sa maliit niyang kamay.
“Hello little man. I don't like the name Theodore, but your mom does, so she can also call you Theo. Wala kang originality,” kausap ko sa anak namin na noon ay tilos na tilos ang nguso, tulad ng ina niya na ngayon ay nakanguso din sa akin dahil sa sinabi ko. Bahagya niya akong siniko at natawa ako. “Ouch! Mukhang naka-recover ka na yata? Ang lakas mo na ah!” biro ko.
“Akala ko ba okay sa’yo ang Theodore?” tanong niya.
“Okay nga. Binibiro lang naman kita.”
Noon muling bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si mommy at daddy. Kasama din nila ang daddy ni Trish na halata ang kaba na agad ding nawala pagkakita sa anak. At tulad ng inaasahan ay pinagkagulohan nila ang baby namin. Napailing na lang kami ni Trish sa kanila. Dumating din sila Migs at Michelle kasama si Ron kaya lalong napuno ng ingay sa room. Hindi na ako umalis sa tabi ng asawa ko. Kahit sa ganitong paraan ay maiparamdam ko sa kaniya ang suporta ko.
Inilapit ko ang mukha sa tainga niya at saka bumulong. “I love you, wife.”
Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin kasunod ay ang pamumula ng pisngi niya. As usual ay wala na naman akong natanggap na sagot. Gayunpaman ay alam ko na…alam ko na kung gaano niya kami kamahal. The way she blushes whenever I tell her I love her proves to me that she feels the same way about me. And it is enough for me.
It turned out to be a happy day in the end. And I intend to make every day a happy day for us.
- End
Thank you for reading.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (116)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
i enjoying reading the story, hope you will write more beautiful and exciting stories. you are amazing being a writer.
18/12/2021
0done
05/08
0Thumbs up❤️😘
31/07/2025
0Tingnan Lahat