logo text

Chapter 30 : Corpse on the ceiling

KIARA'S P.O.V
After half hour I slowly went out of my room after I took a bath and groomed myself while there was a wide smile on my face because I felt like everything was back to normal, simula nung isinalba ko nila Andrei sa komplikadong sitwasyon kung baket muntik muntikan na kong mamatay kaya bahagya na lang akong napangiwi dahil hindi ko pa rin lubos maisip na magagawa nila Tita Ariela at Tito Arem ang mga karima-rimarim na bagay kagaya nun.
At higit sa lahat ay hindi ko pa rin talaga maintindihan kung baket bigla na lang humandusay at nanigas ang katawan ni Tito Arem kahapon bago sya makalapit sa 'kin kaya marahas na lang akong napailing iling at nabahiran ako ng pagkalito. Lechugass !! Hindi ko na lang yun inalintana at dali dali ko na lang isinukbit ang bag ko sa aking magkabilang balikat. Napabuntong hininga na lang ako at panandaliang napapikit bago ako nag umpisang maglakad palayo sa kwarto ko. --- Panibagong araw na naman pero kahit ganun ay masigla kong tinatahak ang landas papunta sa sala.
Nagugulumihanan man ako sa mga pangyayari kahapon ay wala pa rin mapaglagyan ang nararamdaman kong kaligayahan ngayon kaya maya't maya na lang akong napapangiti habang patuloy pa rin akong naglalakad. Napatingin na lang rin ako saglit sa kisame habang nakapamulsa ako lalo na't pakiramdam ko ay natuldukan na ang mga pag patay sa mga mamamayan ng CordialWood Town.
Natigil ako sa paglalakad at napakunot na lang ang noo ko dahil bigla na lang ako nakarinig ng mga pamilyar na boses na nagmumula sa sala kaya naningkit na lang ang aking mga mata at lalong rumehistro sa mukha ko ang matinding pagkalito. I feel like there is something they are talking about because I can also hear irritated voices. --- I'll continue walking again because of curiosity that covering my mentality. Lechugass !!
Napahawak na lang ako sa ID lace na nakasabit sa aking leeg habang unti unti ko naman naaaninag ang mga tao sa sala kaya dali dali akong napabalikwas na tila ba'y nasorpresa nang masilayan ko ang mga tinuring kong kaibigan sa Cordial University. Ano naman kaya ginagawa nila dito ? Baket pare parehas silang balisa at hindi mapalagay ? Muling napakunot ang noo ko na mistulang nagtatanong habang pinagmamasdan ko sila sa aking kinatatayuan.
"Oyyy ikaw pala Kiara !!" Masiglang bati sakin ni Stefanie nang mapalingon sya sa direksyon ko kaya unti unting umukit ang malapad na ngiti sa aking mukha habang kasama nya dito sila Andrei , Aeron , Ate Kiana at Auntie Nicole pero kahit ganun ay nagpalingap lingap pa rin ako sa sala na tila ba may hinahanap ?
"Nasan si Lucy ?" Komento ko naman habang naglalakad ako palapit sakanila kaya dali dali akong napaupo sa mahabang sofa habang katabi ko naman si Aeron. -- Napalingon ako kay Andrei, pero nagulat na lang ako nang umiwas lang sya ng tingin sakin na mistulang nahihiya kaya bahagya kong napangiti sa kanya at ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa dalawa.
"May importante daw syang lakad ehh." Seryosong tugon naman ni Aeron kaya napakibit balikat na lang sya habang nakalaylay ang isang braso nito sa likuran ng sofa. Napa cross arm na lang ako at napasandal dito, naibaling ko ulit ang atensyon ko kay Andrei pero kagaya kanina ay wala pa rin kaemo emosyon ang mukha nya. -- Lechugass !! Ano ba problema nito ?
Namayani ang nakakailang na katahimikan dito sa sala kaya muling napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ko silang lima dahil hindi ko maintindihan ang tinuturan nila ngayon habang nagpapalitan sila ng mga tingin. I feel like they have eye contact especially since they understand each other with their eyes. Hindi ko na lang sila pinansin at napabuntong hininga na lang ako habang nangingibabaw ang matinding tension sa kinasasadlakan namin.
Hindi ko alam kung ano yung mga pinaparating nila kaya bigla na lang kumirot ang magkabilang sentido ko. Napasapo na lang ako sa ulo ko at bahagya akong napayuko lalo na't nakakaramdam pa rin ako ng pagkaantok hanggang ngayon kaya maya't maya rin akong napapahikab. Lechugass !!
"Tara na nga !! May importante pa kong gagawin." Anyaya ni Ate Kiana at dali dali syang tumayo sa kinauupuan nya habang nakangiwi ito kaya naibaling namin lahat ang atensyon namin sakanya. Bakas na bakas sa mukha ni Ate Kiana ang pagmamadali kaya wala na kaming nagawa kundi sumunod sa kapatid ko.
"Mag ingat kayo mga bata !!" Pagpapaalala naman ni Auntie Nicole habang umiinom sya ng kape kaya napangiti na lang ako sakanya pagkatayo ko sa mahabang sofa and then dali dali ko naman isinukbit ang bag ko sa aking magkabilang balikat.
"Anyway, Pwede bang kumain muna tayo kila Aleng Rosie ? Hindi pa ko nakakapag almusal eh." Giit naman ni Aeron. Napangiwi na lang sya at dali dali syang napahawak sa sikmura nya --- pero tila binundol ako ng matinding kaba at para ba kong nanigas sa aking kinatatayuan dahil bigla na lang sumagi sa isipan ko ang mga poster na nakapaskil sa school namin kahapon patungkol sa pagkawala ni Aleng Rosie.
Namilog na lang ang dalawang mata ko sa pagkawindang habang unti unti na tumatagaktak ang malamig na pawis sa aking katawan dahil bigla na lang ako natuliro at tila hindi ako mapalagay sa mga possibilities pero pilit ko na lang ikinalma ang sarili ko para hindi nila ko mahalata.
Lechugass !! Natagpuan na kaya sya ?
******
7:10AM
Dali dali kong isinilid sa magkabilang bulsa ko ang dalawang kamay ko, at bahagya ko naman naiangat ang ulo ko nang biglang umihip ang malamig na hangin. Masyado na makulimlim ang kalangitan at kitang kita ko mula dito na nag babadya na bumugso ang malakas na ulan. I just crossed my two arms and kept walking to Aleng Rosie's cafeteria. I just ignored the people we meet here because I just felt hungry too. Hindi pa pala rin ako nakakapag almusal kaya bigla na lang kumalam ang sikmura ko. Lechugass !!
"Oo nga pala. Saan dinala kahapon yung mga bangkay nila Tita Ariela at Tito Arem ?" Basag ko sa nakakabinging katahimikan na nangingibabaw sa kinaroroonan namin kaya nakuha ko naman na agad ang mga atensyon nila at napatingin sila sa direksyon ko habang patuloy pa rin kaming nag lalakad.
"Ahmmmm ... Dinala yung bangkay ni Tita Ariela sa morgue , pero yung bangkay naman ni Tito Arem, inimbistigahan muna ng mga otoridad." Pagpapahayag naman ni Ate Kiana kaya muling napakunot ang noo ko na mistulang nagugulumihanan. Napahawak na lang ako sa likuran ng batok ko at napabuntong hininga dahil hindi ko pa rin makalimutan ang mga pangyayari kahapon. Tila ba isang bangungot na paulit ulit kumikintal sa isipan ko at nag dulot na sakin ng matinding pagkatrauma. Asar !!
"May nakitang pang turok sa jacket ni Tito Arem." Kalmadong giit ni Andrei. Kagaya kanina ay wala pa rin kaemo emosyon ang mukha nito habang naka focus lang ang atensyon nya sa kalsada. Hindi ko alam kung baket napaka lamig ng presensya nya ngayon pero ganun pa man ay napa ngiti na lang ako ng bahagya.
"Hindi ko talaga inaasahang magagawa nila yun kay Kiara !!" Nanggagalaiting sambit ni Ate Kiana at dali dali ko naman napansin na naikuyom nya ang kaliwang kamao nya habang nasa likuran nya ko kaya damang dama ko ang masidhing emosyon na nangingibabaw sa pagkatao ng kapatid ko.
Miski ako ay hindi ko rin alam ang motibo nila kung baket pinagtangkaan nila ang buhay ko ? I still get scared when I remember what happened yesterday. I can't understand how I feel right now because I haven't even talked to them properly para maitanong ko sakanila kung ano talaga ang mga motibo nila sakin ? pero hanggang ngayon ay isang malaking palaisipan pa rin sakin ang pagkasawi ni Tito Arem kahapon kaya napatingin na lang ako sa mga bulok na dahon na nakakalat sa sementadong kalsada.
"Si Tito Are ---" Hindi ko na natuloy ang gusto kong sabihin nang bigla kaming mapadaan sa isang lugar na para bang sinalanta ng matinding trahedya. Namilog na lang ang dalawang mata ko at para ba kong nanigas sa aking kinatatayuan na tila ba'y hindi makapaniwala kaya dali dali akong huminto sa pag lalakad at naibaling ko ang atensyon ko dito.
Napasinghal na lang ako dahil halos hindi na makilala ang lugar na to. Ang lugar na kinamulatan ko. ---- Nawala na rin yung mga bahay na nakatayo dito sa compound namin. Kapansin pansin din yung mga bakod na halos magiba na, may mga malalaking bungkal din sa bawat sulok. Yung ibang mga puno naman ay nabuwal na at nakakalat na rin ang mga sanga nito sa lupa. Lechugassssss !!!! Ano nangyari dito ? Naikuyom ko na lang ang dalawang kamao ko at bahagya kong napayuko. Hindi ko ineexpect na ganito pala kalaki ang dinulot ng massacre nung time na yon sa compound namin.
Nakaramdam na lang ako ng pag dadalamhati at hindi ko na namalayang unti unti na tumulo ang mga luha ko sa mata dahil sa panlulumo. Holy shitt !! Isa lang ibig sabihin nito, wala na kaming mababalikan sa lugar kung saan kami lumaki ni Ate Kiana kaya dali dali ko naman na pinunasan ang mga luha ko sa pisngi at napasinghap na lang ako habang pinag mamasdan ko ang compound namin na hindi ko na halos makilala. Nakakaasar talaga !!!
"Tatlong buwan na ang nakakalipas mula nung naka survive tayo sa massacre diba ?" Nakakuha sa atensyon ko si Ate Kiana habang naglalakad sya palapit sa kinaroroonan ko. May nakakurbang ngiti sa labi niya at dali dali syang napatingin sa lugar kung saan naganap ang karumal dumal na massacre at lumaganap sa bayan namin. "Base sa mga otoridad nung time na yun, may mga nakatanim na bomba daw sa bawat sulok ng compound natin kaya hindi na nakakapagtaka kung baket pina giba na to." Pag sisiwalat pa nya nang makalapit sya sa kinatatayuan ko.
"Ate hindi ko matanggap ..." Napasinghap na lang ako habang pinipigilan ko ang mga luhang nagbabadya nang pumatak muli sa aking mga mata dahil sa matinding paghihinagpis at pag durusa ng kalooban ko.
"Huwag kang mag alala. Nasira man ang lugar na to, hindi naman mawawala ang mga sariwang ala-ala natin nung panahon na mapayapa pa tayong naninirahan dito." Naka ngiting wika ni Ate Kiana habang nakatulala sya sa kawalan pero ganun pa man ay bakas na bakas sa mukha ni Ate ang magkakahalong emosyon na nararamdaman nya. ---- Napabalikwas na lang ako nang bigla syang napaakbay sa balikat ko at napangiti sya sakin ng pilit. Tinanguan nya rin ako at ginulo nya ng bahagya ang buhok ko kaya pinagpatuloy na lang namin ang paglalakad.
Dali dali naman bumungad sa mga mata ko ang mga kasama namin na nakatayo sa tapat ng matandang puno. Napangiti na lang sakin sila Stefanie at Aeron habang nakadantay pa rin sakin si Ate Kiana kaya muli kong pinunasan ang mga luha ko. ----- Hindi ko pa rin talaga lubos maisip ang kinahinatnan ng compound namin, marahas na lang akong napailing iling at iritadong napapikit.
*****
Pagkarating namin sa karinderya nila Aleng Rosie ay bumungad samin dito ang isang babaeng nakatalikod habang nakaupo sya sa monoblock chair kaya dali daling naningkit ang aking mga mata. Kapansin pansin din ang mga nag liliparang papel sa harapan ng karinderya nila at saka halos wala na rin bumibili dito.
"Si Ate Charm yun ahh .." Wika ni Aeron at hindi na kame nag dalawang isip dumiretso sa kinauupuan nito. Natanaw ko naman sa peripheral vision ko ang mga poster na nakapaskil sa mga pader patungkol sa pagkawala ni Aleng Rosie. Lechugass !!
"Ate Charm. May tinda po ba kayo ngayon ?" Pagtatanong ni Stefanie habang naglalakad kami palapit sakanya kaya dali dali itong napalingon samin na ikinagulat ko. Namilog ang aking mga mata nang makita ko syang humahagulgol at paulit ulit syang humihikbi.
"Charm .. baket hindi ka pa naka uniform ?" Pag aalala ni Ate Kiana nang makarating kame sa harapan ng karinderya nila. Halos hindi sya makatingin ng diretso sa kinauupuan nito dahil sa pagkakaalam ko ay magkaklase sila ngayong school year. Napailing iling na lang si Ate Charm habang patuloy pa rin syang humahagulgol. Dali dali naman tinapik tapik nila Aeron at Stefanie ang magkabilang balikat ni Ate Charm na tila ba'y pinapakalma nila ito kaya agaran akong napasinghal na may kahalong pag aalala.
Napakunot na lang ang noo ko nang bigla akong nakarinig ng isang impit na tunog. Hindi ko alam kung saan yun nag mumula kaya hindi ko na lang yun pinansin at ibinalik ko ulit ang atensyon ko kay Ate Charm. Patuloy pa rin syang umaatungal. Nangingibabaw dito ang panaghoy nya at wala kaming magawa kundi pakalmahin lang sya.
"Tumahan kana .. mahahanap mo rin si Aleng Rosie." Wika naman ni Aeron. Punong puno ng pag aalala ang boses nito kaya hindi ko na rin maiwasang maawa kay Ate Charm dahil tatlong araw na rin palang nawawala si Aleng Rosie. Binigyan ni Andrei ng isang basong tubig si Ate Charm habang humahangos ito at bakas na bakas pa rin sa mukha nya ang matinding paghihinagpis dahil sa pagkawala ni Aleng Rosie lalo na't patuloy pa rin lumalagaslas ang mga luha nya sa mata.
"W--wala na n--nawawalan na ko ng p--pag asa para mahanap ko pa si Mama." Wika ni Ate Charm habang paulit ulit pa rin syang humihikbi. Dali dali naman nyang pinunasan ang mga luha nya sa pisngi habang tumatagaktak na rin ang mga pawis nya sa noo.
Napabuntong hininga na lang ako sa hangin dahil kagaya ng inaasahan ko ay hindi pa rin nahahanap si Aleng Rosie hanggang ngayon.  Wala pa rin nakakaalam kung saan sya matatagpuan kaya napahalukipkip na lang ako at iritadong napasinghal na may kahalong pagkadismaya.
"Mahahanap mo d----" Hindi ko na natapos ang  mga gusto kong sabihin nang matanaw ko ang kisame sa bandang kaliwa na unti unting nawawasak at lumilikha ng tunog kaya binalutan kame ng nakakabinging katahimikan at naibaling namin ang mga atensyon namin dito. Napansin ko naman sila Andrei at Aeron na dali daling tumakbo papunta sa lugar na yun samantalang sila Stefanie at Ate Kiana ay napabalikwas sa mga kinatatayuan nila.
"Punyeta !!!" Napamura na lang si Aeron at bakas na bakas sa boses nya ang matinding takot kaya muling namilog ang aking dalawang mata habang nag sisimula na manginig ang mga binti ko sa nerbyos dahil unti unting iniluwa nito ang isang katawan ng tao na nag mula sa kisame at nakapukaw sa mga atensyon namin. Dali dali naman napatayo si Ate Charm habang nangingibabaw ang matinding tensyon sa karinderya nila kaya napa dungaw na lang rin ako dito.
Hindi na rin mapalagay ang mga kasamahan ko kahit si Ate Kiana. Napangiwi na lang rin sila Andrei at Aeron dahil sila ang unang nakakita sa katawan na nahulog mula sa taas ng kisame kaya napatakip na lang rin ako sa aking bibig na mistulang hindi makapaniwala habang naka focus lang ang paningin ko dito kung saan lumagapak at bumungad sa mga mata namin ang inaagnas na katawan ni Aleng Rosie. Halos hindi na sya makilala habang inuuod na rin ang iba't ibang parte ng katawan nito at kapansin pansin din na nabubulok na rin ang mga kamay at paa nya kaya para ba kong nanigas sa pagkakatayo ko sa kinaroroonan namin.
"Mama !!"

Komento sa Aklat (76)

  • avatar
    SalduaAngelica

    super pirdi ku

    01/02

      0
  • avatar
    SerranoMaryfee

    it's so good

    15/06/2025

      0
  • avatar
    ManlanatJinelle

    keep doing that

    02/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata