Homepage/The Murder Sealed/
Chapter 12 : Their paths met again
KIARA'S P.O.V
Pagkatapos ng flag ceremony ay dali dali kameng pinauwi ng principal. Bukas pa daw kase mag sisimula ang first day of class namin , dahil magsisi puntahan muna ngayon sa burol ni Ma'am Kristel ang mga teachers ng Cordial University , kaya dumiretso na kami nila Andrei at Stefanie sa main gate.
Hanggang ngayon ay sumasagi pa rin sa isipan ko kung ano talaga yung ikinamatay ni Ma'am Kristel , ang bagong teacher ng unibersidad na pinapasukan namin. Hindi ko alam kung baket nang yari sakanya yon , napaka brutal naman kase ang pagkamatay nya mula nang makita ko ang bangkay nya sa balita na pinapanuod ni Auntie nung isang araw , kaya marahas na lang akong napa iling iling.
Kitang kita ko naman mula dito ang mga estudyanteng nag lilisawan , kaya nagpa lingap lingap ako sa bawat sulok ng eskwelahan na to at nag babaka sakali akong makita ko sila Aeron at Lucy para maka sabay namin sila umuwi.
Naka kuha naman sa atensyon ko si Andrei nang bigla ko syang narinig na napa singhap kaya napa lingon na lang ako sa kanya. "May importante pala kong lakad ngayon , mauna na muna ko." Giit ni Andrei habang naka sabit sa batok nya yung headset na palagi nyang ginagamit para makapakinig ng iba't ibang musika.
"Ako rin. May pupuntahan rin pala ko Kiara. Mauna kana umuwi , pasensya na." Naka ngiting giit ni Stefanie at dali dali na silang nag lakad paalis sa kinatatayuan ko na mistulang nag mamadali , kaya napa kunot na lang ang noo ko habang tinititigan ko sila parehas na naglalakad sa magkaibang direksyon.
I was left alone confused here at the main gate of Cordial University when Andrei and Stefanie suddenly left me where we were standing earlier, so I just sighed and started walking. Nakakapanibago talaga sila at hindi ko alam kung ano talaga ang pinagkaka abalahan nila ngayon , kaya naisipan ko muna dumiretso sa sementeryo para madalaw ko muli ang puntod nila Mama at Papa.
Mabuti na siguro yon para makalanghap ako ng sariwang hangin , at palagi ko rin naman ginagawa yun kapag mag isa lang akong umuuwi , kaya dumidiretso ako sa puntod nila Mama at Papa , kahit hindi ko man lang sila nakilala. Even so, they are still my parents, and they are also the reason why I live here in the world. Kung nasaan man sila ngayon malaki pa rin ang pasasalamat ko sakanila kaya sana maging mapayapa ang kaluluwa nila sa kabilang buhay.
"Kiara , mukhang nag iisa ka yata ahh .." Napa balikwas na lang ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses bago ako makalayo sa main gate ng Cordial University, kaya dali dali akong napa lingon sa kanya.
"Spermcy ? Baket hindi mo kasama si Aeron ? Nasaan ba sya ngayon ?" Sunod sunod at kunot-noong tanong ko sakanya , dahil sya lang naman kase ang nag iisang kasabwat ni Aeron sa mga kalokohan nila kaya nakakapagtaka namang hindi sila magkasama ngayon.
"Ewan ko , nauna na silang umuwi kanina pa." Tugon naman nya sakin kaya lalong napa kunot ang noo ko. ----- Naka agaw naman sa atensyon ko yung magazine na inilabas ni Spermcy mula sa pagkaka ipit nun sa kili-kili nya , kaya napa buntong hininga na lang ako dahil sigurado akong puro mga sexy na babae at mga malalaswang larawan lang yung nilalaman ng magazine na tinititigan nya ngayon. Lechugas !!
"Hindi ka pa rin talaga nag babago. Napaka manyak mo pa rin !!" Iritadong giit ko sakanya pero napa ngiti lang sya sakin ng nakaka loko kaya dali dali ko syang tinaasan ng kilay. I get really annoyed with him when I see this man. I can't understand his personality because I can't really find the word shame in his vocabulary.
"Ano kaba ? Hanggang tingin lang ako sa mga ganitong larawan tsaka nanunuod lang ako ng mga video sa pornhub. Hindi ko naman yon ginagawa in literal." Naka ngiting sambit nya na mistulang pinagmamalaki pa nya sakin ang kalaswaan nya kaya sinamaan ko na lang sya ng tingin.
Nakaka asar talaga tong lalake na to , mabuti naman hindi nahawa si Aeron sa kalibugan nya. Minsan kase may pagka saltik rin tong kaibigan ni Aeron , hindi ko alam kung ilang beses tong inire ng mama nya or baka naman sadyang tinamaan lang ang utak nito nung pinanganak tong si Spermcy , kaya napa buntong hininga na lang ako at napa iling iling.
Patuloy pa rin nyang tinititigan yung mga larawan sa magazine na inilabas nya na walang pag aalinlangan habang may malapad na ngiti sa mukha nito. Lechugas !! Hindi man lang nya inaalintana yung mga estudyanteng nag lalakaran dito sa kinatatayuan namin at para bang may sarili pa syang mundo , kaya napa pikit na lang ako panandalian at napa singhal habang tinititigan ko si Spermcy dahil hindi ko na sya maatim. Bwiset !!
"Nga pala Kiara. Uuwi kana ba ?" Pag tatanong ni Spermcy sakin habang naka tingin pa rin sya sa magazine , at ni hindi man lang nya ko nilingon.
"Not yet. I will visit Mama and Papa's grave again in the cemetery. It's still early to go home." I explained to him while he was still looking at his magazine. Hindi na sya umimik kaya napa buntong hininga na lang ako sa hangin, hindi ko na rin sya inistorbo at pinagpatuloy ko na lang paglalakad.
Mag sisimula na sana kong humakbang paalis nang bigla kong natanaw sa di kalayuan ang grupo ng mga estudyante. Napa kunot na lang ang noo ko nang mapansin kong hindi sila mapalagay sa kinaroroonan nila , at halos magkanda suka na ang mga babae sa gilid ng main gate.
"Ano nang yayari sa kanila ?" Sambit ko nang hindi pa ko nakaka layo sa kinatatayuan ni Spermcy. Damang dama ko ang matinding pressure sa mga estudyanteng nakatayo sa harapan ng main gate kaya unti unti akong dinala ng kuryosidad kung ano ang mga nangyayari sa loob ng Cordial University.
"Baka naman sabay sabay silang nabuntis .." Tugon naman ni Spermcy sakin kaya sinamaan ko na lang sya ng tingin. Shitt !! Kahit sa mga ganitong sitwasyon ay puro kamanyakan pa rin ang nasa isip nito kaya nagpalingap lingap na lang ako sa mga estudyanteng nagkaka gulo at nagsisi labasan sa main gate ng Cordial University at kasabay nun ay ang mga teachers at officers na nagtatakbuhan palabas sa tarangkahan.
"May natagpuang bangkay sa principal office !!!" Bulalas ng isang babaeng naka white pants at white t-shirt habang humahangos ito , kaya para kong nanigas sa kinatatayuan ko at tila ba'y binundol ako ng matinding kaba.
****
Napansin ko na lang ang sarili ko na nag lalakad papasok sa eskwelahan namin para makita ko kung kaninong bangkay ang natagpuan sa principal office na tinutukoy ng babae kanina , hindi ko na rin namalayang naka buntot na pala sakin si Spermcy pero hindi ko na lang sya pinansin at pinag patuloy ko lang ang pag lalakad ko.
"Sino naman kaya yon ? Baka naman ginahasa yun ni Sir Robert." Pabulong na giit ni Spermcy na nasa tabi ko na pala, kaya napa singhal na lang ako sa inis. Lechugas !! Sumasakit lalo ang ulo ko sakanya, kung pupwede lang masampal ko sya para lang matauhan ay ginawa ko na kanina pa.
"Manahimik ka !! Nagkaka gulo na nga dito sa Cordial University puro ka pa rin kalokohan !!" Iritado kong bulyaw sa kanya dahil kanina pa ko hindi makapag timpi sa lalake na to, kaya dali dali naman nya agad itinikom ang bibig nya habang patuloy ko pa rin tinatahak ang landas papasok sa unibersidad na to.
I can see the students whispering on the benches we pass here and the others seem to be uncomfortable with their positions, so my curiosity carried me even more. Hindi ko alam kung baket nagka gulo na lang dito sa Cordial University kaya para kong binalutan ng matinding tension.
Natigil lang ako sa pag lalakad nang makarating na kame sa quadrangle kaya namilog na lang ang dalawang mata ko at hindi na ko nakapag salita dahil sa takot , nang madatnan namin dito ang matandang lalake na naka higa na sa stretcher at naliligo na sa sariling dugo , habang naka dilat pa yung dalawang mata nya na mistulang inatake sa puso.
"Ano nang yari sakanya ?" Naguguluhang tanong ni Spermcy, pero lalo akong kinilabutan at pinag pawisan ng malamig , nang mapagtanto ko na ang matandang naka higa ngayon sa stretcher , ay walang iba kundi yung nakausap ko kahapon sa bahay na inuupahan ni Andrei sa Eminence Village , at sya rin yung matandang lalake na nakita ko sa corridor ng classroom namin kanina.
Sino naman may gawa nyan ? Napa takip na lang ako sa bibig ko nang maaninag ko na para bang ginilitan ang leeg nya upang malagutan lalo ng hininga ang matanda. Lechugas !! Hindi lang ordinaryong tao ang may kagagawan nito kundi halimaw na nag babalat-kayo , kaya napa ngiwi na lang ako habang naka tingin pa rin ako sa bangkay na nasa harapan namin para ba kong naparalisa kaya bahagya na lang akong napaatras dahil hindi ko na rin masikmura ang kahindik hindik na sinapit ng matanda.
"Wag muna kase tingnan." Napa balikwas na lang ako at tila nanumbalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang isang pamilyar na boses sa kaliwa ko kaya dali dali akong napa lingon dito. Naningkit ang aking mga mata habang tinititigan ko sya at kinikilatis.
"Denver ?" Kunot-noong pamungad ko sa kanya habang hindi pa rin napapawi ang nararamdaman kong pangamba hanggang ngayon dahil nanginginig pa rin ang katawan ko , pero nakakuha naman sa atensyon ko yung uniform nya na ikinakunot naman ng noo ko. "Ano ibig sabihin nito ? Dito ka nagpa enroll ngayong school year ?"
"Oo .. baket ayaw mo ba kong makita ?" Naka ngusong sambit nya kaya napa ngiwi na lang ako. Kahit kailan talaga ay hindi ko pa rin sya maintindihan, but I just smiled when we crossed paths again and I saw him at this University.
"Teka nga lang ... magkakilala ba kayo ?" Nagugulumihanang giit ni Spermcy at dali dali syang pumagitna samin habang pabalik balik ang paningin nya sa aming dalawa ni Denver. Napakunot na lang ang noo ko sakanya dahil hindi ko na maintindihan ang tinuturan nya ngayon.
"Baket ? Magka kilala rin ba kayo ?" I spoke to them and I looked again at the corpse lying on the stretcher and being put in the ambulance. Nakakaawa talaga sya !! Napapikit na lang ako at bahagyang napayuko dahil hindi ko na masikmura ang kahindik hindik na nangyari sa matanda.
"Kani kanina lang. Nakasama ko sya sa cafeteria." Tugon naman ni Spermcy kaya ibinalik ko ang paningin ko sakanilang dalawa pero napa tingin na lang ako kay Denver habang nakakunot ang noo ko. Hindi ba sya nairita sa lalakeng to , dahil para sakin makita ko lang ang pag mumukha ni Spermcy ay kumikirot na ang magkabilang sentido ko. Lechugas !! Pano pa kaya kapag nakasama ko pa ang manyak na to sa isang payak na lugar katulad ng cafeteria ? Bwiset Iniisip ko pa lang yun , hindi ko na maatim !!!
"Mabuti naman. Hindi sumakit ang ulo mo sa hinayupak na to." Bulalas ko habang naka cross arm at taas-kilay na nakatingin kay Denver kaya napa ngisi na lang sya sakin ng nakaka loko.
"Grabe ka naman kay Spermcy. Hindi ahh. Nakakatuwa nga sya kasama eh ... Anyway , ano pala section mo ?" Kunot-noong tanong nya, at napansin kong unti unting kumurba ang nakakalokong ngiti sa mukha ni Spermcy , kaya naibaling ko ang atensyon ko sa kanya at sinamaan ko sya ulit ng tingin.
"Grade 10 Section A." Matipid kong tugon kay Denver kaya lalong lumapad ang ngiti sa mukha nya na ikinakunot naman ng noo ko. It made me think a little about what Grade this man was that existed in my life this school year.
"Magkaklase pala tayo." Masiglang sambit nya na ikinagulat ko kaya namilog na lang ang mga mata ko na tila ba'y hindi makapaniwala habang naka tingin lang ako sa kanya. Hindi ko lubos maisip na palagi kameng pinag tatagpo ng kapalaran kahit sa komplikadong sitwasyon, at higit sa lahat ay makakasama ko pa sya ngayong school year. ---- Ang lalakeng naging comfort zone ko panandalian nung nakita nya kong umiiyak sa harapan ng puntod nila Mama at Papa. Nakaka overwhelmed naman !!
I am also very thankful to him at the time he helped me escape from the people who were chasing me yesterday. Akala ko katapusan ko na nun pero mabuti na't dumating si Denver at dinala nya ko sa ligtas na lugar kahit hindi na ko makatakbo ng maayos dahil sa takot kahapon. Napangiti na lang ako at napapikit panandalian.
"Bwiset !! Out of place ako dito." Giit naman ni Spermcy habang naka nguso pa sya pero hindi ko na lang sya pinansin, at napa halukipkip na lang ako.
"So ? Uwi kana ba ? Bukas pa pala mag uumpisa ang first day of class natin. Asar naman !! Naudlot pa." Naka ngiwing saad ni Denver at bahagya syang napanguso na may kahalong pagka dismaya. Hindi na yon nakakapag taka, unang araw pa lang nya kase sa Cordial University tapos naudlot pa ang first day of class.
"Hindi pa. Dadalawin ko muna ulit yung puntod nila Mama at Papa." Tugon ko naman sakanya habang naka tulala lang ako sa kawalan, at hindi pa rin ako makapaniwalang makakasama ko ngayong school year si Denver.
"Tara samahan na kita. Mabisita nga rin ulit yung puntod ng Mama ko." Paanyaya naman nya sakin habang nakangiti sya at tinanguan ko na lang sya bilang tugon ko.
"Sama na rin ako. Wala rin naman akong gagawin , at saka ayoko muna marinig yung bunganga ng ate ko." Giit naman ni Spermcy kaya hindi na namin maiwasang matawa sa manyak na to.
Sa kabila ng lahat ay hindi ko pa rin lubos maisip kung sino ang pumatay sa matandang yon. Lechugas !! Feeling ko may isang halimaw na nag babalat-kayo dito sa CordialWood Town , dahil sa mga kahindik hindik na krimen na nang yayare ngayon dito sa bayan namin.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (76)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
super pirdi ku
01/02
0it's so good
15/06/2025
0keep doing that
02/09/2024
0Tingnan Lahat