"You okay?" Natauhan ako nang bigla akong tanungin ni Achilles. Nandito kami sa isang sikat at magaling mag design lalo na kapag usapang kasalanan na. Ilang minuto na pala akong nakatulala sa isang wedding gown, simple 'yon at isa lang ang masasabi ko 'Elegante' kung tignan. Alam kong hindi maipinta ang mukha ko pero kahit papaano inayos ko ang sarili ko bago ako tumingin sa kan'ya. "Oo naman, okay lang." Binigyan ko siya ng ngiti upang mawala ang pag aalala niya. "Kausapin ko lang 'yong mga designer, ha," pag papaalam niya. Tumango lang ako at ngumiti bilang pag sagot. Umupo ako sa isang sofa at muling tumingin sa wedding gown na tinititigan ko. Habang papalapit ng papalapit ang araw, nararamdaman ko lang ang pag asa na sana balang araw merong paraan para tulungan ako ng pag asa ko sa isang sitwasyon na ayaw kong mangyare... na sana kaya kong solusyonan... na sana kaya kong isalba ang sarili ko sa sariling pagasa na ginagawa ko. I hope someone save me from my hopes. Kasal? Nag sisimula ito sa dalawang tao na nag mamahalan. Dalawang tao na makakahati mo sa saya, lungkot o problema. Dalawang tao na mag sasama habang buhay sa hirap man o ginhawa. Dalawang tao na makakasama mo sa pang habang buhay pero paano kung ang isa dito ay hindi malaman laman kung paano mahalin ang mapapangasawa niya? Matututunan pa ba kayang mahalin? How can I marry him if I don't love him? Paano ako gigising sa umaga na bubungad sa akin ang isang taong ni minsan hindi ko minahal? Paano ako kakain kung ang bubungad sa akin sa tapat ko ay ang taong hindi ko minsan minahal? Paano ko siya magiging kahati sa saya, lungkot, problema kung hindi ko siya mahal? Paano ko siya kakausapin at titignan sa mata ng may ngiti kung hindi siya ang laman ng puso ko? Napakasama ko talagang tao, masamang kaibigan at masamang kahati sa isang relasyon. Wala akong magawa, minsan iniisip ko na tanggapin nalang ang kapalaran ko. Siguro nga ito ang naihandang kapalaran sa akin, ang maikasal sa kaibigan ko na baka balang araw.... mamahalin ko din. "Okay ka lang ba talaga?" nag aalalang tanong ni Achilles nang makapasok kami sa kotse niya. "Masama ba ang pakiramda---" I cut him off. "Mahal mo ba ako?" tanong ko sa kan'ya, hindi niya inaasahan 'yon siguro nagulat lang siya sa tanong ko. Kitang kita ko ang dahan dahan niyang pag lunok bago siya sumagot. "Come on, i love you. Bakit naman hindi, diba?" "Wala lang, gusto ko lang tanungin." Napatawa pa ako ng mahina, siguro nawiwirduhan na siya sa akin. "Ikaw?" Napatigil ako sa pag susuot ng seat belt ng tanungin niya ako. Tumingin ako sa kan'ya at tanging ngiti at saya lang ang nakikita ko sa mukha niya. Kinuha niya ang seat belt ko at isinuot ito sa akin. "Mahal mo ba ako?" tanong niya habang inaayos niya ang seat belt ko. Tila naestatwa ako at para bang nabuhusan ng malamig na tubig sa kan'yang tanong niya, ano ba dapat ang isagot ko? "Ahh... O-Oo naman, papayag ba akong pakasalan ka kung hindi?'' Pilit akong ngumiti sa kan'ya at iniiwasan ang mga tingin niya sa akin. ''Ruth?'' Napatigil akong sa pag aayos nang tawagin ako ni Kuya Rail, pansamantala muna ako matutulog dito sa bahay namin dahil kinabukasan ay mamamanhikan sina Achilles at magaganap ito sa bahay. ''May ginagawa ka ba?'' Umiling ako at ngumiti. ''Wala naman kuya, bakit?'' ''Gusto mo ba kaming tulungan? We're packing things para i-donate sa mga bata sa orphanage na pinupuntahan ni Mom.'' Tumango lang ako at ngumiti, pagkababa naming dalawa...nag kalat ang mga gamit sa sala. Meron ditong damit na pang ibaba, pang itaas. Meron ding laruan, school supplies at syempre hindi mawawala ang mga can foods at tubig. ''Rail!'' my mom, calling my brother's name. Lumingon siya sa amin at nawala ang pag ngiti nang nakita ako na kasama ng kapatid niya. ''Mom, Ruth will help us,'' my brother said. ''We don't need a help Rail, besides we have a lot of yaya out there. Huwag mong utusan ang bisita mo,'' sarkastisko niyang sabi. My heart ached when i heard those words from her, that's too harsh. My brother gave me a apologizing smile but still i keep my smile on my lips. We help our mom , kahit na ayaw niya. Nang makasakay kaming kotse tatlo, sumakay si Kuya rail sa driver seat habang kami naman ni Mommy ay nasa passenger seat. Sa aming tatlo, si Kuya Rail lang ang maingay. Marami naman siyang kinukwento tungkol sa trabaho niya sa kabila. Nakakaramdam naman ako ng inggit nang todo ang puri sa kan'ya ng nanay namin pero sa huli sinasalo ako ng kapatid ko at todo at doble ang pag pupuri sa akin. ''Mom, imagine Medical director agad ang nakuha na posisyon ni Ruth. We have to be proud of her talaga,'' puri ng kapatid ko. Tumingin naman ako sa nanay ko at inaasahan na purihin niya ako pero ang natanggap ko ay pag sisimangot sa mukha niya. Nang makarating kami sa orphanage house, sumalubong sa amin ang mga madre. Natatandaan ko ito, ito 'yong pinuntahan namin ni Mommy na orphange at malapit din dito 'yong pinag laruan ni Yvo. Napatigil ako sa pag iisip tungkol sa orphanage nang maalala ko si Yvo. Simula noong nangyare doon sa restaurant, hindi niya na ako kinulit o pinakealman noong sinusungitan ko siya...nilulubaya niya ako at para sa akin ay sumisikip lang ang loob ko kapag ginagawa niya 'yon. Para akong nangungulila. He hurt me a lot. I wanted and i badly want to get mad at him. When our paths crossed agaid, he just acted like he didn't fool me. Kung pwede nga lang maayos, aayusin ko pero kailangan namin mag hiwalay dahil paniguradong pamilyadong tao na din siya. Natatakot ako na masaktan ulit, takot na takot akong masaktan ulit. Natapos ako sa pag iisip nang may isang batang aksidenteng nadapa, tinulungan ko ito at alalang alalang tumingin sa kan'ya. ''Ayos ka lang?'' tanong ko sa kan'ya, hindi naman ito makasagot kaya naman nag alala ako na baka nasugatan siya. May isang madre na lumapit sa amin. ''Naku namang bata ka.'' Umupo iyong madre para makita kung may galos ba ang bata, nag sign language siya sa bata at tumugon naman ito. Tumayo ang madre at tumingin sa'kin sabay ngiti. ''Ikaw ba si Ruth?' ''Ako nga po,'' sagot ko sabay ngiti. ''Pipi kase 'tong batang 'to kaya siguro no'ng kinakausap mo hindi makasagot,'' pag papaliwanag niya naman. Ngumiti ako at kumaway sa bata, ngumiti din siya at nakipag shake hands pa. Nabitawan niya ang isang paint brush na nasa kaliwa niyang kamay, agad niya naman itong dinampot at kumaripas ng takbo upang pumunta sa isang silid. ''Mahilig kase siyang mag drawing, mag pinta ng mga nakapaligid sa kan'ya,'' sabi no'ng madre. Nag lakad kami sa loob ng silid at nakita ko ang mga nakahilerang bata na nag pipinta, sari sari ang ipinipinta nila. Binabagayan nila ito ng makukulay na kulay na para bang masaya silang ilagay iyon sa pinipinta nila. Pumunta kami sa batang nakilala namin kanina. ''Ang hirap mag karoon ng pag asa lalo na kapag nasa ibaba ka, diba?'' tanong niya sa akin, napatingin naman ako sa kan'ya at nakita ko lang na nakatingin siya sa ipinipinta no'ng bata. ''Iyong mararamdaman mo na...walang pagasa....na ang hirap bumangon kase sarili mo hindi mo matulungan dahil nawalan ka ng pag asa,'' pag papatuloy niya. Bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi niya dahil lahat ng iyon ay nararamdaman ko. ''Siguro balang araw... baka kapag kaya ng panindigan ang pag asa na namumuo sa atin. Balang araw matutulungan natin ang sarili natin na bumangon mag isa na merong pag asa na dinadala kase hindi naman iba ang tutulong sa'tin, diba? Dapat sarili natin. Ikaw, ikaw na gumawa ng pag asa.'' Tumingin siya sa akin at ngumiti. ''Ito kaseng batang 'to, nawawalan siya ng pag asa dahil meron siyang kapansanan kaya naman sinasabi ko sa kan'ya na huwag siyang mawalan ng pag asa.'' Kinagat ko ang pang ibaba kong labi, sapul na sapul ako sa mga sinabi niya. Baka hindi ngayon, baka balang araw kaya kong panindigan ang pag asa na namumuo sa puso ko, balang araw matutulungan ko ang sarili ko kasama ang pag asa. Nang matapos kami sa pag bibigay ng mga gamit, nag paalam na muna ako kay Kuya Rail na may pupuntahan lang saglit. Tandang tanda ko pa ang pag punta sa isang mini playground kung san ako nakita ni Yvo. Nang makaupo ako sa bench dito, pinag masdan ko ang kapaligiran. Maganda parin naman, marami nga lang nadagdagan na puno. Tinanggal ko ang salamin ko at ipinikit ang mga mata ko, hinawakan ko ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay sasabog nanaman ako katulad ng dati. Nanatili lang ako do'n saglit hanggang sa bumalik ako at sakto naman aalis na kami, nang makarating kaming bahay...umalis muna saglit si Kuya Rail para bumili ng pag kain. Nang matapos akong maligo, napag desisyunan kong pumuntang terrace pero napatigil ako nang may nakita akong anino doon, lumapit ako do'n at narinig ko lang ay hikbi. Pumunta ako do'n para malaman kung sino ang umiiyak at nakita ko ang nanay ko. Alalang alala akong tumingin sa kan'ya, agag niya naman pinunasan ang luha niya at nag hahandang umalis. ''Mom..'' She ignored me. ''Mom, can we talk?'' ''Anong pag uusapan natin?'' malamig niyang pananalita. Nanatili lang ako nakatingin sa kan'ya, mugto ang mata niya na diretsong nakatingin sa akin. ''When will you give up? Hanggang kailan mo ko titiisin?'' Nag unahang tumulo ang luha mula sa mata ko.''Anak mo din po ako..'' ''Hindi kita anak! Hindi ko anak ang pumatay sa asawa ko!'' sigaw niya. ''Ang selfish mo! Simula palang, hanggang kolehiyo ako...selfish ka na!'' sigaw ko. ''You said you want me to reach my dreams but look at you...you're so selfish. Anak mo ko, at ako 'tong anak mong sinunod 'yong pangarap na ayaw ko! Then you're saying na sinadya ko na hindi maging successful ang operation, ha? Gagawin ko ba 'yon kung galit ako sa tatay ko? Kaya nga nilakasan ko ang loob ko no'ng oras na 'yon kahit nag b-breakdown na ako, na kahit sasabog na ako dahil sa totoo takot na takot akong bumagsak no'n.'' Habol habol ko ang hininga ko habang nilalabas lahat ng nararamdaman ko. ''Ang harsh harsh mo pero kahit gano'n wala kayong narinig sa'kin dahil nirerespeto ko ang nararamdaman niyo pero 'yong sabihin mong hindi mo ko anak? Tama na 'yon.'' Nananatili lang siyang nakatingin sa akin, walang emosyon sa mukha pero dumadaloy mula sa mata ang pumapatak na mga luha. ''That day, pakiramdam ko pasan ko ang mundo. Ang labo labo na namin ng boyfriend ko which is ex ko na tapos 'yong pangarap ko na mag trabaho sa isang museum nawala na...tapos sinisi ko na 'yong sarili ko sa pag kawala ni daddy kahit hindi ko kasalanan,'' pag ku-kwento ko. Napaluhod ako sa sobrang bigat, malakas ang hikbi ko at ang pag daloy ng luha sa mata ko. ''Wala akong makakapitan no'n dahil wala ka no'n kase ikaw lang naman nag a-advice sa'kin pero tinulak mo ko, sinisi mo ko, pinaramdam mo na ang sama sama kong anak at pinaramdam mo na hindi mo ko anak..na kahit kaunting pag mamahal at malasakit no'ng araw na 'yon..sana binigay mo man'lang kase sasabog na ako no'n...kase wala akong makakapitan no'n Mommy...w-wala akong makakapitan no'n.'' Tumungo ako at hinawakan ang dibdib ko, para akong tinusok tusok palikod nito at binababaon ang sakit sa puso ko. ''Kahit pag mamahal man lang, kahit damayan niyo lang ako. Kahit isang yakap lang para maramdaman kong nan'dyan kayo, para maramdaman kong hindi kayo galit... na parang walang nangyari.'' Ilang minuto pa akong nakatungo at nakaluhod sa may sahig habang umiiyak, palakas lang ng palakas ang hikbi ko pero napatigil ako nang merong humawak sa kamay ko. Tumingin ako do'n at sa nag hawak nito. ''Galit ako sa sarili ko kase sarili kong anak natiis ko, natiis kita. Wala akong mapag sisihan ng galit ko kaya sa'yo ko sinisi ang lahat kahit na ako naman talaga ang may pag kukulang kaya patawarin mo ako anak,'' my mom said while squeezing my handa, lumakas lang ang iyak ko at agad siyang niyakap. Umiyak ako sa kan'ya, parang ang tagal tagal ko inipon lahat ng sakit na ito, ilang taon ko hindi nilabas ang sakit sa puso ko. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa maramdaman ko nalang na niniyayakap na din kami ni Kuya Rail. ''I love you two so much,'' my mom said. ''I love you too, Mom,'' I said, she looked at me and kissed our foreheads while crying. The love of my mother is… so deep, all-embracing, all-accepting, nourishing, nurturing, warm, safe, supportive love that soothes the places inside our hearts that feel scared and lonely and that is endless...uncontidional love.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (35)
Atchel Zeque
I like the way how you become stronger and brave to go forward to achieve your dreams.I wish to achieve my dreams like how you did.I admire you.
I like the way how you become stronger and brave to go forward to achieve your dreams.I wish to achieve my dreams like how you did.I admire you.
29/07/2022
0nice
14/10/2024
0thank you
04/09/2024
0Tingnan Lahat