"Doctora?" Bumalik ako sa katinuan ko nang tawagin ako ng isa sa mga junior nurse dito sa hospital. Ilang minuto din pala akong tulala at paulit ulit na hinahawakan ang singsing na nakasuot sa aking daliri. "Y-yes?" tugon ko. "Ahh, pinapatawag ka po ni Doctor Cruz." "Ah okay, I'll go, just give me a second." Ngumiti siya bago umalis ng aking silid. Inayos ko ang aking suot at pinag masdan ang pag mumukha sa salamin. Mabilis na nag matured ang aking mukha. I've got long black hair, whiter skin unlike before and new specs. Hindi ko na alam kung nasaan na ang salamin na ibinigay sa akin ni Yvo pero hinihiling ko nalang na nasunog na 'yon. Pag kapasok ko ng elevator, pipindutin ko na sana ang close pero napatigil ako nang biglang may sumulpot. Nag tama ang tingin namin sa hindi inaasahan kaya naman napaatras ako, muntik na akong matumba! "Good morning Doctora!" saad niya. Nag rolyo ako ng tingin bago pa man tumingin sa kan'ya at bigyan siya ng pekeng ngiti, nakakainis talaga siya! How this man acted like we didn't know each other, like we didn't spent our times together. Bakit parang wala lang sakan'ya ang lahat na nangyare? Ang kapal naman siguro ng mukha niya! Ramdam na ramdam ko na masayang masaya siya na iniinis ako. Ano bang nangyayare sa araw ko? Dapat ba talagang makasama ko pa siya dito sa trabaho ko?! Bumukas ang elevator at sumalubong sa amin ang mga tao, merong pasyente dito at merong mga nag ta-trabaho. Pumasok sila sa loob kaya naman napasiksik ako kay Yvo. Nag didikit na ang aming mga daliri kaya naman agad kong pinaghawak ang dalawa kong kamay upang hindi siya mahawakan. Disgusting! Nang makalabas ang lahat ng tao, agad akong lumayo sa kan'ya! Nakakadiri, bakit ba kasama ko siya sa elevator! Tsk! Isang floor nalang at kami na ang lalabas, bago pa man bumukas ito narinig ko ang pag tunog ng cellphone niya. "Good morning, why did you call dada hmm?" he softly asked. Hirap na hirap akong lumunok at tila ba may nakabara sa akin. "Where's mommy? Is she mad at dada?" He chuckled a little when he asked that. I admit, masakit...masakit parin. Like I'm asking 'why?' 'bakit?' Saan ba ako nag kulang? Saan ba ako nag kamali? Anong nangyare sa amin? Ang laki ng dulot sa'kin ng nangyari sa'min. I got trauma for what he did, i got pain for what he did, i got trust issues and I can't control my anger issue. Kung naging iba ba ang kapalaran namin dati, magiging ayos ba kami ngayon? Will our love grow? Agad akong lumabas nang bumukas ang elevator, pakiramdam ko ay sumiskip lang sa aming dalawa ang lugar na iyon. Bumungad sa amin ang nurse ni Doc. Cruz, itinuro niya kung nasaan ito kaya naman ngumiti ako at nag pasalamat. "Good morning, Doctora Jimenez!" bati niya. Ngumiti ako sa kan'ya bago mag salita. "Good morning Doctor Cruz, bakit mo ko pinatawag?" tanong ko agad. Sinenyasan niya muna akong umupo kaya naman umupo ako. "We'll see later, just wait for Engineer San--," hindi siya natapos sa pag sasalita nang bumukas ang pinto. Alam ko na agad kung sino ang taong pumasok sa silid dahil binati niya agad ang Doctor. "Perfect time! Have a seat Engineer." Masayang masaya kaming tinignan ni Doctor Cruz, he is so annoying and I'm annoyed! "So Doctora Jimenez since you are here and you are part of this project, we have a favor...oh not a favor because it's your job....this is your job." "You know doc, just go straight to the point," that's not sound sarcastic. Ngumiti ako at hinihintay ang sasabihin niya. "I want you to go with Engineer Santos, visit the site and observe the project..the workers and of course the land where we will build the hospital." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, ano daw?! "What?!" Tumingin ako kay Yvo at kumunot ang noo, maging siya ay gulat din. "Calm down, Jimenez. You know there's a lot of new doctor's here in the hospital and you are the only one who spent years with us so as a president of this hospital i want you to be with him." Tumingin ako kay Yvo mula ulo at paa. Pasimple ko siyang binigyan ng masamang tingin. Nakakainis! "Wait kunin ko lang yung kotse ko," Yvo said. "I have a car," masungit kong saad. Tumingin muna siya sa'kin bago umiling, meron siyang ibinubulong pero hindi ko nalang ito pinapansin. Sumakay ako sa kotse ko at binusinahan siya. Kita ko naman na nagulat siya kaya naman natawa ako. "Opps sorry! I didn't mean it!" Kitang kita ko ulit na umiling siya bago paandarin ang sasakyan niya. Sinundan ko lang siya sa aming pupuntahan papunta sa laguna. Napakainit ng panahon kasing init ng aking ulo nang makita kong binibilisan ni Yvo ang kan'yang sasakyan, nananadya ba siya?! Kung minsan ay hindi ko makita ang sasakyan niya at sa pag kakataon ay nalilito ako dahil marami siyang kaparehas na sasakyan pero sa huli nakita ko parin siya. Nang tumigil ang kan'yang sasakyan, tumigil na din ako. Nasa isang bakanteng lote kami, maliit na merong madami ang bahay sa paligid nito. Hindi maganda ang daan at maraming mga taong nag kakalat. Nakita ko na nakatingin lahat sa amin ang lahat ng tao. Nang makalabas ako meron siyang kinausap na isang matandang lalake. "Naku sir! Nagagalak ko pong makita kayong muli!" Ang lalake ay gumagamit ng tungkod upang makatayo siya, nangingilig ang kan'yang kamay at kitang kita naman dito na masayang masaya siya. "Mang tope, kamusta na? Mga anak mo po nasaan na? Pumasok po ba?" Dahan dahan namang tumango ang lalake, mukhang hinang hina na siya. "Oo sir pumasok, ayos lang din po ako. Malakas pa naman." Ngumiti ito sa kan'ya hanggang sa tumingin siya sa akin. "Ito po ba sir ang asawa ninyo? Tuloy po ba yung pag papagawa niyo dito ng center sir?" Agad na tumawa si Yvo at tumingin sa akin. "Naku si Mang tope talaga! Ito po si doctora, sila po yung nag hahanap ng bakanteng lote para makapag patayo ng hospital." Dismiyado namang tumingin ang matanda sa aming dalawa. "Bakit po?" "Naku sir! Baka po impossible na mag karoon ng hospital sa aming lugar. Kita niyo naman po na maliit laang po ang bakanteng lote na iyan." Itinuro niya ang lote at malungkot na malungkot na tumingin sa amin. "Kung ipag papatuloy niyo naman po, madaming bahay ang masisira lalo na kailangan niyo pong palawakin ang pag tatayuan niya." May punto nga naman siya, maraming parte ang isang hospital. "Ganon po ba Mang tope? O sige ganto nalang po. Papasukatin ko po itong lugar ninyo at kapag naman po na-approve ng gobyernon na mag patayo dito ng clinic. Mag papatayo po ako." "Naku sir! Paano naman ang hospital na gusto niyo?" "Huwag kang mag alala Mang Tope marami pa namang lugar dito sa laguna!" Ganoon parin ang ginawa namin, sinayang lang ang buong araw sa pag hahanap ng lupa. Ngayon nakikita ko nalang ang sarili ko sa huling pupuntahan namin. Nang huminto siya, huminto na din ako. Nagandahan agad ako sa bakanteng lote, puno ito ng berdeng mga damo, patag ang daan at may malawak na daan. Meron pang nakapaskil dito na 'lot for sale' "Ano sa tingin mo doctora?" rinig kong tanong ni Yvo. "Better, better place. I think this is perfect for our project." Nilibot ko ang buong kapaligiran. May iilan ditong mga nag tatayo ng tindahan, meron ding kabahayan. "What do you think Engineer Santos?" "Hmm, maayos siya. Sabi mo nga perfect. O siya sige, makikipag negotiate nalang kami sa may-ari ng lupa." Tumango ako at pinag masdan ang kalangitan. Kulay kahel ang langit at dahan dahan ng sumisilip ang buwan. Bumalik kami sa aming sasakyan para umuwi na pero bago ko pa man ito paandarin napahawak ako sa aking dibdib nang biglang bumisina ang sasakyan ni Yvo. Masamang masama ko siyang tinignan habang nag pipigil siya ng tawa. "What's your problem?!" I yelled. "Quits na tayo," saad niya. Bumaba siya ng kotse niya at pumunta sa bintana ko. "Tara kain!"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (35)
Atchel Zeque
I like the way how you become stronger and brave to go forward to achieve your dreams.I wish to achieve my dreams like how you did.I admire you.
I like the way how you become stronger and brave to go forward to achieve your dreams.I wish to achieve my dreams like how you did.I admire you.
29/07/2022
0nice
14/10/2024
0thank you
04/09/2024
0Tingnan Lahat