Chapter 62

"Success." I glanced at my patient before turning my head to the monitor. I am glad that he's alive, his heart is too weak and I'm so happy that we delivered the operation successfully.
Habang nag tatanggal ng surgical gloves, hindi ko mapigilan ang mag buntong hininga. Siguro dahil sa pagod pero alam ko naman kung bakit. Isa ako sa magagaling na doctor dito sa hospital na pinag ta-trabahuhan ko kaya naman napabilis ang pag bibigay sa'kin ng mataas na posisyon.
Kung naging magaling ba ako noon, magiging maayos ba ang lahat ngayon?
"It was nice to see you again, Avery." Gulat, galit, kirot at sakit ang nararamdaman ko nang makita ko ang isa sa mga taong nanakit sa akin noon.
Pag katapos ng pangyayaring iyon, agad akong umalis dahil pakiramdam ko ay sasabog nanaman ako. Ngayon ko lang ulit siya nakita at hindi man lang ako nakapag handa na dadating ulit siya sa buhay ko. It's been 5 years since we stopped seeing each other. Wala akong balita sa kan'ya, well who cares right? Why would i seek for information about him? What a cheater, ang kapal kapal ng mukhang mag pakita sa akin. After what he did to me? Saan ka kumuha ng lakas ng loob Yvo?
Back then, the world drained me for everything that i had. I suffered breakdowns. I don't have everything when i left our house. My mom avoided me and cut our communication. My brother provided me a home but still i pushed him away. If only i can remove one snap out of these cryings and pain i went through. But damn I can't, it's hard.
All those years I spent, trying to heal. Did i tried to heal? It always haunt me. That scenario always haunt me.
Ako ang nangiwan, ako ang nag pumilit na iwan niya ako...na taposin namin ang lahat pero bakit parang kasalanan ko ang lahat? Kasalanan ko bang magloko siya? Hindi naman.
Our relationship ended since he made that biggest mistake.
Ang lahat ng nararamdaman ko ay biglang napalitan lahat ng galit. Pag kapasok ko ng kotse agad ko itong sinarado at pinaharurot. Nanlaki ang mata ko nang biglang may umabanteng sasakyan sa unahan ko kaya naman agad akong nag preno.
The man spoke. "Di mo ba nakita na may sasakyan ha?" His voice is so sarcastic. Halos malaglag ang panga ko nang makita ko ang taong lumalakad sa harap ng kotse ko ngayon. Kinatok niya ang bintana ko ng paulit ulit. "Hello?" Ang mukha niya ngayon ay naiinis kaya naman mas lalo lang akong nainis.
I rolled my eyes before facing him. I gave him a fake smile. "What now Engineer Santos, how may I help you?" I asked with a sarcastic tone. I raised a brow when he stunned to speak. "Hello?" I mocked.
Napailing nalang siya at hindi ko alam kung bakit ako naaasar sa ngiti niya. "Mag ingat ka nalang Doctora baka kase mag karoon ka ng bagong pasyente kung mabilis ang pag papatakbo ng kotse mo." Inismiran ko muna siya bago ako bumaba ng kotse ko.
"Pinapalabas mo bang hindi ako disiplinadong mag maneho?" Pigil tawa siyang tumungin sa akin at umiling muli, ano ba kaseng nakakatawa?!
"Wala akong sinabi, ang akin lang nama--." Napatigil siya sa pag sasalita nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito at sinagot.
"Hello baby boy!" Ang kan'yang ekspresyon sa mukha ay nag bago. Napalitan ito ng saya. Sino naman yung 'baby boy'? Who cares? Wala naman akong pakealam sa kan'ya! Nag krus ako ng braso at nag babalak na sanang bumalik sa sasakyan ko pero napatigil ako sa sinabi niya.
"Okay, dada will pick you in 5 minutes." Tumiklop ang bibig ko, iyon na ba ang anak nila ng babae niya? Nang tumingin siya sa gawi ko, mas lalo ko lang siya sinungitan. "Aalis na ako doctora."
Nirolyohan ko siya ng tingin. "Bakit ka nag papaalam sa'kin, close ba tayo?"
"Baka kase gusto mo pang makipag usap sa'kin doctora. Bibigyan naman kita ng oras hindi nga lang ngayon." Kapal talaga! Ngumiti ako at dahan dahang lumapit sa kan'ya.
"Asa ka!" Pinanlakihan ko siya ng mata bago ako pumasok ng kotse ko. Bago ko pa ito paandarin pinakinggan ko muna ang sinabi niya.
"Masaya akong makakatrabaho ka doctora. Ingat ka." Iyon lang ang sinabi niya bago ko pa man paandarin ang kotse ko.
Bwiset siya! Nakakainis ang pag mumukha niya! Ilang taon na ang nakakalipas at sa araw na ito hindi ko man lang inaasahan na dadating nanaman siya sa buhay ko. Simula ng tapusin namin ang lahat ng sa'min nag iba na ang pananaw ko sa lahat maging sa pag mamahal.
Nawala ang kunot sa aking noo nang makita ko ang tumawag sa cellphone ko. Bumuntong hininga muna ako bago ko ito sagutin.
[Hi babe! How's your day?] Ang kan'yang tono ng pananalita ay kasingkasalungat ng aking nararamdaman. Masayang masaya niya akong binati at naiisip ko kung ano ang ekspresyon niya sa mukha niya.
"It's fine Achi, why did you call me?" Achilles, my boyfriend. It's been 1 year and a half, i guess when we decided to make our own relationship. Since I and Yvo broked up he's been there with me untill he confessed his feelings again and waited me to love him back. Achilles is a nice friend and i think i love him the way he treat me.
I don't know if this is toxic but sometimes I'm comparing my relationship to my past and present. Yvo and I been together for almost 4 years and a half, walang wala ito sa pinag sasamahan namin ni Achi sa ngayon.
Gaya nga ng sinasabi ko araw araw, tapos na 'yon. Move on na ako, may pamilya na siya at may boyfriend na ako. Everything is now okay. My life now is stable unlike before.
[Can we go out?] Achie asked.
"Yeah sure. You know I'm always making time for you right?"
He chuckled a little before replying. [That's why i love you, you always making time for me.] Ngumiti ako ng tipid bago namin ibaba ang tawag. I'm a Cardiologist doctor while Achie is an Pulmonologist, perfect match nga daw sabi ng mga ka-trabaho ko.
Bago ako makapunta sa venue kung saan kami mag kikita ni Achie, pumunta muna ako sa puntod ng tatay ko. Amoy na amoy ko ang bagong pintura na ginamit sa pag kulay ng gate ng sementeryo. Wala masyadong tao nang makapasok ako.
Tumigil ako at nag taka nang makitang may bagong bulaklak sa lapida ng tatay ko. Hindi naman siguro kay Kuya Rail ito dahil nasa ibang bansa sila ngayon ni Mommy. Itinabi ko ang bagong bulaklak at pinalitan ito ng bulaklak na binili ko. Pinag masdan ko ang lapida at dito tumulo muli ang aking mga luha mula sa aking mata.
Masakit pero nakakasanayan ko na din. Alam kong andito parin ang kirot, sakit at pangungulila at hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nangyare ito sa buhay ko...sa buhay ng pamilya ko.
"Is there something wrong?" Napatigil ako sa pag nguya ng kinakain ko nang bigla akong tanungin ni Achie.
"Everything is fine."
"You look so upset. What's bothering you hmm?" He held my hand and squeezed it.
"Nothing Achie." Tumingin siya sa akin at kinikilatis kung nag sasabi ba ako ng totoo. Ngumiti siya sa akin bago ibahin ang pinag uusapan namin.
Napatawa ako at napailing sa kinu-kwento niya. "See it's so funny right?" Tumango ako at tinigil ang pag tawa sabay ngumiti. Napatigil din siya sa pag tawa at pinag masdan ang mukha ko kaya naman nailang ako dito.
"May dumi ba ako sa mukha? Bakit mo ko tinititigan?" Iniwasan ko ang mga tingin niya at hindi na alam ang gagawin.
"Ruth, what if i ask you to marry me?" Halos manlaki ang mata ko nang makita kong may kinuha siyang maliit na box sa coat niya.
"Achie..."
"I know we're just starting our relationship but you know how grateful i am when you give me a chance to be a part of your life, not just a friend but a boyfriend...a partner." Iniluhod niya ang isa niyang tuhod kaya mas lalo akong nagulat.
"Achie, please stand up."
"We're not teenager anymore Ruth, and i want to change your surname. Are you willing to grow old with me?" Nanuyo ang lalamunan ko at tanging gulat ang nararamdaman ko. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil ganito din ang ginawa niya sa akin noon. Dinala niya ako sa maraming tao at tinanong kung pwede na ba at ngayon nakikita ko nanaman ang sarili ko sa ganitong sitwasyon.
"Will you marry me?" Mabigat ang pag hinga ko at pakiramdam ko ay nag pa-panic na ako...hindi, nag pa-panic na talaga ako! "Ruth?" Unti unting nawawala ang ngiti ni Achie, oh no.
Ilang minuto din bago ako makasagot. "Y-yes.. I'll marry you." Bago pa man isuot ang singsing sa daliri ko, tumayo siya at binigyan ako ng halik. Ang mga tao sa paligid namin ay masayang masaya maging ang tao na nasa harapan ko ngayon. Pero bakit parang hindi ako masaya? Bakit ganito ang nararamdaman ko.
Gusto ko ba talagang pakasalan ka, Achie?

Komento sa Aklat (35)

  • avatar
    Atchel Zeque

    I like the way how you become stronger and brave to go forward to achieve your dreams.I wish to achieve my dreams like how you did.I admire you.

    29/07/2022

      0
  • avatar
    John Jolo Lofamia

    nice

    14/10/2024

      0
  • avatar
    Charlotte Charot

    thank you

    04/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata