logo text

Chapter 61 Eng. Miguel Yvo

Mabilis na lumipas ang taon, natapos ni Avery ang Medschool at nag aral ng fine arts . Maraming mga nangyare at hindi ko inaakala na ganito namin papahalagahan ang pag mamahalan sa pagitan naming dalawa.
We spent Christmas, New years, Birthdays, Monthly events and my Promotions together.
"Bye love," saad ko. Alam kong late na ako pero di ko ba alam kung bakit umiiral ang sakit ko. Napaka harot! Napaka landi talaga ng sarili ko.
Avery smiled at me while waving her hand, a sign of good bye. How could she stand there and smile so beautiful?
Nawala ang ngiti ko nang makarating ako sa kompanya na pinapasukan ko. Narinig ko ang malakas na sigaw sa loob ng opisina ng head engineer namin.
"LINTEK! NASAAN BA SI SANTOS?! ANO BANG AKALA NIYA MAG PAPASARAP SIYA SA BUHAY? BAKIT PARANG DI NIYA INIINTINDI ANG TRABAHO NIYA HA?!" Pumasok ako sa silid at napatingin silang lahat sa akin. Nakatingin sa akin ng masama ang aming head engineer na si Eng. Noel Gallego.
"Good morning sir," respetado kong bungad kahit hindi naman karespetadong karespetado ang nasa harap ko ngayon. Lumakad ako sa kanila at tumingin sa mga ka-trabaho ko na sina Mike at Benedict na ngayon ay namumutla sa sobrang takot.
"Good morning Engineer Santos, may balak ka pa palang pumasok?"
"Meron naman sir," sarkastisko kong saad. Matagal na akong nag titiis sa lalakeng 'to at hindi ko nga alam kung bakit ba galit na galit ito sa akin. Tumingin siya sa dalawang kasama ko at sinenyasan na lumabas. Matagal akong nakatitig sa kanilang dalawa bago sila mawala sa paningin ko.
"ALAM MO BA NA PUMALPAK ANG PROJECT NIYO?!" Nanatiling walang emosyon ang nababalot sa mukha ko nang sigawan niya ako. "AT ANO?! WALA KANG GAGAWIN KUNG HINDI TUMUNGANGA D'YAN?!"
"At ikaw? Hanggang kailan ka aasa? Project ko ba 'to? Project 'ho natin ito sir. Hindi ka pwedeng mag sisigaw lang d'yan porket ikaw ang nakakatataas sa amin lahat." Sinikap ko na maging maayos ang tono ng pakikipag usap lo dahil unang una ayokong maging walang galang sa harap ng matandang ito at saka hindi naman ako tinuruan ng bastos na pakikipag tungo. "Palpak? Bakit pinili niyong sigawan ang mga tao na kasama mo sa gawin kesa sa sulosyonan ang palpak na sinasabi niyo?"
"BAKIT?! AKO BA ANG PUMILI NG MGA MATERYALES?! AKO BA ANG PUMILI NG MGA INUTIL NA MGA TRABAHADOR?! DIBA IKAW?!" Napapikit ako ng bigla niya akong sigawan at murahin. Unang una hindi ako ang pumili ng mga materyales dahil may iba siyang inatasan sa akin at pangalawa magagaling ang mga pinili kong trabahador dahil matagal na silang nag ta-trabaho sa kumpanyang ito.
Huminga ako ng malalim, pakiradam ko mauubusan ako ng laway sa pakikipag usap sa taong ito."Babalik ako sa site at aayusin ang sinasabi mong palpak." Tumalikod ako at bubuksan na sana ang pinto pero napahinto ako sa sinabi niya.
"Bakit sa site? Nasa hospital ang mga palpak mong tao." Gulat na gulat akong tumingin sa kan'ya. "Paano mo aayusin ang problemang ito Eng. Santos? Sa pag kakaalam ko ilalagay nila ito sa kort--." Agad akong lumabas ng silid at umalis ng kompanya. Tinawagan ko si Mang Tope na isa sa mga construction worker namin at mabuti nalang at sinagot niya agad ang tawag ko. Tinext niya sa akin ang lugar kung nasaan sila kaya naman dali dali akong pumunta doon.
Nang makapasok ako sa hospital, agad ko silang pinuntahan.
"Sir.." Nag aalala akong tumingin kay Mang tope nang makita kong naka wheel chair siya at puno ng galos ang binti niya.
"Anong pong nangyare? Bakit hindi niyo po sinabi sa akin kaagad?" tanong ko sunod sunod. Tumingin ako sa mga trabahador ang iba dito ay nakaratay ang katawan sa higaan. Ang iba naman ay nakaupo at puno ng galos ang ibang parte ng katawan.
"Kaninang umaga lang po sir. Hindi naman po namin masabi-sabi."
"Okay po ba kayong lahat? May masakit po ba sa inyo?" tanong ko sa kanila. Lahat sila ay hindi makasagot at hindi makatingin sa akin. "Pupunta lang po ako sa labas at kakausapin ko yung mga doctor niyo." Hahakbang na sana ako palikod pero napatigil ako sa isang ka-trabahador na nag salita mula sa likod ko.
"Sir, totoo po ba?" Tumingin ako sa kan'ya at nag tataka.
"Na ano?"
"Na may pang dadaya? Na kaya ba hindi matibay ang materyales ang kinuha niyo para mura..para sainyo ang kalahati ng bayad." Nanlaki ang mata ko, ano bang pinag sasasabi ng mga taong ito.
"Mang Kanor..hindi ko naman magagawa sa inyo 'yon. Ilang taon na po tayong mag kasama sa trabaho."
"Pero may nakapag sabi po sa amin sir. Kung hindi po ba kami madidisgrasya hindi pa po namin malalaman?"
"Mang kanor..."
"Maliit din po ang pasweldo sa amin Sir. May nakapag sabi na kayo ang nag bibigay sweldo sa amin.. Sir paano niyo po nagawa sa amin yun?" Lumapit ako sa kaniya at umiling.
"Mang kanor hindi ko naman magagawa sa inyo 'yon." Buong sikap akong tumingin sa kanila kahit na naluluha na ako. Para ko na silang tatay, paano ko naman magagawa sa kanila iyon?
"May mga ebidensya po kami sir, ilang buwan po kaming nag titiis sa maliit na pa-sweldo. Mag kita nalang po tayo sa korte."
"Mamatay ang t-tatay ko." Nang malaman ko kay Avery ang balita sa tatay niya parang gusto kong kunin lahat ng sakit sa kan'ya pero wala akong magawa kung hindi pakalmahin at suportahan siya sa ginagawa niya. Nag doctor nanaman siya habang ako naman ay inaayos at nag papaliwanag sa mga katrabaho ko.
Pakiramdam ko napupuno na ako. "Kio hindi ko na alam ang gagawin ko."
"Sabi ko naman sa'yo dapat doon ka nalang sa pinag ta-trabahuhan ko."
"Sa tingin mo ba ganon lang kadaling lumipat Kio? May kaso ako Kio, hindi naniniwala sa akin ang mga katrabaho ko at 'yong bumili ng mga materyales at nag approve dito...nag resign na, wala ng communication at wala ng balita. Ako ang kakasuhan dahil may pirma ako, wala akong naalala na pumirma ako at 'yong kinukuha ko ang kalahati ng sweldo? Hindi ko magagawa 'yong mga 'yon." Napamasahe nalang ako sa noo ko habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Alam ko tol kaya nga nandito ako para tumulong sayo diba? Kakausapin ko si Dad at aayusin natin itong gulong 'to." Nag takip ako ng mukha at umiyak ng tahimik.
Gusto kong mawala, gusto kong lumutang, gusto kong mag laho na parang bula pero paano naman si Avery? Ni saktan siya hindi ko magawa, iwan pa kaya?
"Nag aral ba kayo?! Sobrang mangmang niyo naman!" Ramdam na ramdam ko ang takot ng mga kasama ko sa trabaho, naiintindihan ko naman na ayaw lang nila na makasuhan. Wala pa sa korte ang problema ko pero nararamdaman ko na malapit na.
"Sorry sir," iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko.
"Sus! Isa ka pa Santos. Akala ko ba magagaling ang mga na p-promote! Bukod tangi ka! Napaka kupad mo pa! Lintek, huwag kayong babalik dito nang walang magandang balita ha!" Parang sumakit ang dibdib ko nang itusok tusok dito ang mga salitang binitawan niya.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko, hindi ko alam ang gagawin ko. Ito pala talaga ang reyalidad, masakit.
Pag katapos niya kaming kausapin, para akong pinag bagsakan ng langit at lupa. Nang makalabas ako ng opisina agad na napalitan ng gulat at pangamba ang nararamdaman ko pero hindi ko parin nakalimutan na ngumiti para maipakita sa kan'ya na ayus lang ako. "Hello love," bati ko. "Bakit ka nandito? Kanina ka pa?"
"Kadadating ko lang." Nakahinga naman ako ng malalim dahil hindi niya nakita ang senaryong iyon. Hindi ko alam kung paano ako mag papaliwanag kung malalaman niya, ang iba nga hindi nakikinig sa paliwanag ko...siya pa kaya?
Sa buong mag hapon, nakadikit lang ako kay Avery dito sa ospital. Ni hindi ako nag sasalita sa mga ka-trabaho niya dahil nag sasalita lang ako sa kan'ya.
Hindi muna ako pumasok ngayon dahil palala ng palala ang sitwasyon. Pakiramdam ko parang mapupuno ako kaya kailangan ko munang tumakas pero naiisip ko na kung tatakas lang ako baka sabihin ng lahat na totoo ang mga isinisisi sa aking mga kasalanan.
"How are you?" Tumingin ako sa nanay ni Avery nang mag salita siya. Nandito kami sa bahay nila dahil binibisita niya ang tatay niyang may sakit.
"Okay lang po, kayo po?"
Umiwas siya ng tingin bago mag salita. "I'm fine, nervous I guess. I hope na maging matagumpay ang operasyon niya." Isang ngiti ang pumurma sa labi niya nang tumingin siya sa akin. "Please take care of my daughter, Miguel. I am proud of her.... please don't leave her," seryoso niyang saad.
"Hindi ko po iiwan ang anak niyo, tita. Hindi po ako nangangako pero gagawin ko po."
Bumuntong hininga siya at ngumiti. "Sana huwag mo siyang bigyan ng problema, alam kong hindi niya kakayanin kung dadamihan pa ng ibang taong nag mamahal sa kan'ya."
Ilang araw akong hindi umuwi, ilang araw akong nag iinom para malimutan ang lahat ng problema ko.
"Tol tama na yan, uwi na tayo," rinig kong sabi ni Kio. Uminom ako saglit ng isang baso bago ako tumango. Inalalayan ako ni Kio na mag lakad hanggang sa kotse ko, hindi pa naman ako lasing.
Nakita ko si Avery na mahimbing na mahimbing na tumutulog nang makauwi ako sa bahay at makapasok sa kwarto namin, sinikap ko parin na mag palit at ayusin ang sarili ko. Nang makahiga ako, hinapit ko ang bewang niya at niyakap ito ng mahigpit na mahigpit hanggang sa makatulog ako.
Alas singko ng umaga nang maka alis ako sa bahay, ayokong makita niya ako na ganito. Ayokong makita niya ang boyfriend niya na punong puno ng problema.
"Tito makukulong po ba ako?" Napatingin sa akin ang tatay ni Kio, isa siyang abogado kaya naman nag tataka siya kung bakit madaming ebidensya ang mga ka-trabahador namin sa kompanya.
"Magagawan natin ito ng paraan Migo, huwag kang mag alala hindi kita pababayaan." Kinuha ko ang papeles at nakita kung gaano kalalakas ang ebidensya na hawak nila.
"Wala po akong kasalanan, bakit parang lahat ng tao ay hindi nakikinig sa paliwanag ko?"
Bumuntong hininga siya bago mag salita. "Wala tayong ebidensya, wala tayong laban dahil sa malakas ang pwersa pero alam kong makukuha natin ang hustisya. Mag tiwala ka lang. There's hope Migo and that hope will save you."
Gaya parin nang nauulit sa araw araw, umalis ako ng walang pasabi at uminom ulit. Hindi ko alam kung bakit sumakit ang sikmura ko maging ang ulo ko sa sobrang tapang ng iniinom ko.
"Shit!" sigaw ko. Napahawak ako sa ulo dahil sa sakit.
"Love? Nasusuka ka? Wait ipa-park ko lang sa malapit na gas stati--." Hindi ko napigilan ang masuka at nang mag mulat ako, hindi ko alam ang mararamdaman nang makita ko si Avery.
"Babalikan kita," iyon ang huli niyang sinabi.
Pag kagising ko, nandito na ako sa bahay. Nakonsensya ako sa mga nagawa kong kasalanan ngayong araw. Pag pasok ko sa loob ng bahay namin, agad akong naligo at inayos ang itsura ko.
Nang tignan ko ang larawan ni Avery sa picture frame sa sala, napamura ako saglit habang umiiyak. "Hindi pwede 'to, hindi pwedeng gan'to nalang ako lagi."
Ilang araw bago ko maramdaman ang pag asang dumating sa akin. Kailangan kong ayusin ang problema ko bago pa mawala ang lahat.
Nang makita ko ang text ni Kuya Martin , para akong binuhusan ng malamig na tubig nang malaman ang balita.
Patay na daw ang tatay ni Avery.
Agad akong pumunta sa burol pero pag punta ko dito ay para akong tinusok tusok ng patalikod nang makita kong namumugto ang mata niya dahil sa kakaiyak.
Nang makita ko siya, para akong pinapatay. Paano pa kaya kapag sinabi ko pa sa kan'ya ang problemang kinakaharap ko.
Hindi ako lumapit, pinag masdan ko lang siya buong mag damag. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong kunin ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Para akong aninong duwag na nag tatago sa dilim.
Nang makauwi ako, nakita ko si Razel sa tapat ng bahay namin.
"Razel, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kan'ya.
"Can we talk?" Tumango ako at inimbitahan siyang pumasok sa loob pero ayaw niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Can we just talk to my condo?" Tumingin ako sa bahay namin ni Avery bago tumingin sa kan'ya at tumango.
Iba ang pakiramdam ko nang makapasok ako sa kotse niya. Madami siyang itinatanong sa akin pero sa huli sinasagot ko nalang ng matino,sapat at tapat.
Nang makapasok ako sa condo niya, agad niya akong binigyan ng alak. Wala naman akong nagawa kung hindi ang tanggapin iyon. Makalat ang condo unit ni Razel, sari saring alak ang naaamoy ko. Nang mainom ko ang alak, hindi ko alam kung bakit bigla nalang umikot ang paningin ko na naging dahilan ng pag bagsak ko.
Naalimpungatan ako sa gumalaw sa itaas ko, nang imulat ko ang aking mga mata nakita ko si Razel na palapit ng palapit ang mukha sa mukha ko para bigyan ako ng halik. Kitang kita ko ang pag iyak niya na naging dahilan ng mga pagtulo ng luha nito sa aking pisngi.
"Huwag mong gawin 'to." Napapikit ako nang sabihin ko iyon. "Ganon ba kahirap Razel na intindihin na meron na akong ibang mahal?" Inimulat ko ang aking mata at sa pag mulat ko ay nakita ko ang pag buhos ni Razel ng iyak. Umalis siya sa itaas ko at umupo sa dulo ng kama.
Tanging ang malakas na hikbi niya lang ang naririnig sa loob.
"Mahirap ba talagang piliin ako?" tanong niya. "I always loved too much, isn't enough to choose me?" Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ako nag salita. Umiyak ako dahil masakit din ang nararamdaman ko, iyak lang ng iyak hanggang sa makatulog ako.
"Hindi mo alam ha?! Hindi mo alam!" Umiiyak lang ako sa sakit, lahat tatanggapin ko pero 'yong nakabuntis ako? Sobra na 'to! Hinding hindi ko magagawa iyon
"Avery please. I'm sorry." Nanghihina ako, bakit kailangan umabot sa gan'to?
"Anong nagawa kong kasalanan sa'yo ha?! Anong ginawa ko sa'yo?Ano? Masarap ba ha?! Masarap ba?! Anong kulang sa'kin ha! Anong kulang sa'kin, anong ginawa ko sayo para saktan mo ako ng gan'to?! Anong kulang sa'kin, Yvo?"
"Avery please."
"Kaya ba wala ka sa tabi ko sa mga araw na gustong gusto ko ng taong dadamayan ako dahil nando'n ka sa ex mo ha?!" Mali, nasa tabi mo ako pero duwag lang ako...naduwag ako.
"Huminahon ka, please. Mag papaliwanag ako."
"I don't deserve your explanation. Iiwan kita kung gusto ko," mariin niyang saad.
I deserve to explain! Gusto kong magalit, bakit ba laging hindi ako pinapakinggan ng mga taong nasa paligid ko? May karapatan din naman akong mag paliwanag.
"Huwag naman gan'to, please," pag mama-kaawa ko. Hindi na ako makahinga kakaiyak, ang sakit sakit.
"I'm tired of fighting, fighting with you and fighting for you." Mas lalo akong umiyak, lumaban din naman ako. Ilang beses akong lumaban para sa kan'ya. Para sa sarili ko at para sa relasyong ito.
Napatigil ako sa pag iyak at tumingin sa kan'ya "Ang hirap." I can't let her go, damn no.
"Will this make you happy?" tanong ko sa kan'ya. Tinitigan ko ang mukha niya at mas lalo lang ako nanghina nang makita ko kung gaano siya nasasaktan ngayon. Ramdam ko ang pagod at pangungulila niya, hindi lang sa'kin kung hindi sa mga taong nakapaligid sa kan'ya.
"Papakawalan kita kapag sinabi mong hindi mo na ako mahal," saad ko. Gusto ko ng tapusin ito hindi dahil ayaw ko kung hindi ayokong nakikitang nasasaktan pa siya. "Sabihin mong hindi mo na ako mahal para palayain na kita,"
"Say it again," pag utos niya pagkatapos kong sabihin na mahal ko siya.
"I love you, Avery." Nanuyo ang lalamunan ko bago ko sabihin iyon.
"I don't love you. L-let's end this." Nanghina ang tuhod ko na naging dahilan ng pag bagsak ko. Tinusok tusok ang puso ko at parang ngayon ay ginugusto ko nalang na matapos ang mga nangyayari na ito.
"S-sige, m-mag hiwalay na t-tayo. Umalis ka na."
Nang makalabas siya ng pinto, unti unti kong niyakap ang sarili ko hanggang sa kainin ako ng dilim.
That day, I felt like I died.
Bakit kailangan humantong tayo sa gan'to?
Do we really have to separate without knowing my side?
Do we really have to grow apart?
Do we really have to separate our paths?

Komento sa Aklat (35)

  • avatar
    Atchel Zeque

    I like the way how you become stronger and brave to go forward to achieve your dreams.I wish to achieve my dreams like how you did.I admire you.

    29/07/2022

      0
  • avatar
    John Jolo Lofamia

    nice

    14/10/2024

      0
  • avatar
    Charlotte Charot

    thank you

    04/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata