logo text

Chapter 59 Eng. Miguel Yvo

"I don't do charity, Avery" sabi ko. Parang ewan talaga 'tong babaeng 'to, anong tingin niya sa'kin taga salo? Taga kupkop ng taong sawi? Eh crush ko nga kase siya dati pa!
"What should i say? Hmm, uh yeah alright.. I like you too." Lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya.
Paano ba yan? Nag mumukhang maangas na ako nito?
"Sometimes, i lean on you more than my friend's," she continued. "You make me feel safe. Y-you're... to be honest, you're a little handsome. I didn't realize it at first, but yeah I'm admiting it now." Hoy Avery huwag naman! Marupok ako! Alam kong gwapo ako pero ayokong bumigay 'no!"Okay ka naman, you're cute but annoying sometimes." Muntik na akong mapatawa sa sinabi niya. Oo, annoying talaga ako...love language ko sayo 'yun e.
"I-i like you but.."
"But?"
"I like you as a friend. I've never felt romantically toward you." Ang ngiti sa labi ko ay biglang napawi. Hindi ko alam kung nag bibiro ba siya o hindi pero mukhang seryoso naman siya.
"Hoy! Sama ka?" Tumingin ako kay Kio at nirolyohan siya ng tingin.
"Ayoko," sagot ko agad. Alam ko naman na pupunta siya kay Kaeana dahil ililibre niya nanaman 'to.
"Sus! Sabi ko naman sayo e, huwag kang aamin ng pabigla." Tumawa siya ng malakas, hindi man lang ako dinamayan! Tsk!
"At ikaw? Huwag ka ng umamin, masisira ang buhay mo." Napatigil siya sa pag tawa at sumeryoso ng tingin sa akin."O ano?"
"Bakit? Nasira ba ni Ruth ang buhay mo?" tanong niya sa akin. Umiwas ako ng tingin at pinag patuloy ang ginagawa ko. Nasira? Bakit niya naman masisira ang buhay ko? Matatag 'to!
"May gagawin ka?" Tumingin ako kay Kuya Martin at gulat na gulat na tumingin nang nakita kong lumabas sa kwarto niya si Doc Rail.
"Wala Kuya, bakit?"
"Hmm may papakuha sana ako sa bahay ni Martin, inaasikaso ko pa kase yung mga pasyente sa hospital. Pwede bang ikaw nalang kumuha?" Ibinaba ko ang libro ko at tumango sa kan'ya.
Ibig bang sabihin nito makikita ko si Avery? Miss na miss ko pa naman siya.
Nanatili lang ang tingin ko sa mga mata niya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, mag aaway ang tuwa at lungkot.
Tuwa dahil nakita ko ulit siya at lungkot dahil sa mga sinabi niya sa akin.
Tipid akong ngumiti at nag aaktong gusto ng umalis pero ang totoo ay gusto ko pang makasama siya. "Hello Ruth." Kitang kita ko kung paano pumurma ng sarkastisko ang kan'yang labi. Nainis na, lagot!
"Happy birthday tol, sana humaba pa ang buhay mo." Binato ko kay Kio ang regalo ko sa kan'ya, muntik na itong tumama sa mukha niya.
Napamura muna siya bago mag salita. Nandito ako sa bahay niya, sa club siya mag ce-celebrate kaya naman wala masyadong a-asikasuhin dito sa bahay nila.
"Napakasama talaga ng ugali mong lalake ka, kapag ikaw hindi humaba ang buhay!" Binuksan niya ang regalo ko at lumaki ang ngiti nang ipakita niya kung ano ang nasa loob nito. "Gags! Paano ka nakabili nito?" Lumapit siya sa akin at binigay ang mamahaling relo na niregalo ko sa kan'ya. Isinuot ko ito sa kan'ya, mukhang batang tingin ng tingin.
"Ipon ko, gusto ko yan diba?"
"Loko loko ka talaga! Baka mamaya wala ka ng allowance d'yan."
"Ayaw mo ata e, sige akin na." Kinuha ko ang kamay niya at umaktong tatanggalin ang relo pero binawi niya ito sa akin at agad na tinago.
"Salamat tol! The best ka talaga!"
"Wow! Migo how are you?" Tumingin ako kay Auri...best friend ni Razel at ex ni Kio.
"Mabuti naman, ikaw? Kamusta ka? Mabuti nakauwi ka."
"Well, pinag bigyan ko lang si Kio kahit may runaway ako sa canada. You look so..." Hindi ko marinig ang sinabi niya kaya naman lumapit ako sa kan'ya. Sa silaw ng mga nag iiba ng kulay na ilaw, pumikit ako. "You look so good, now i know why Razel can't move on." Pag bukas ko ng mga mata ko, nag tama ang tingin namin ng isang pamilyar na babae. Kitang kita ko kung paano kuminang ang mukha niya habang dumalot sa mata niya ang luha. Sinundan ko ang tingin niya nang bigla siyang umalis, hinarang pa siya ni Kio pero nakaalis din siya agad.
"Nice to see you again Auri, i have to go." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Takbo ako ng takbo at hinahanap si Avery. Nang makita ko siya agad kong hinawakan ang kamay niya habang hinahabol ang hininga ko.
Tumingin ako sa labi niya at binigyan siya ng halik. Halik sa labi hanggang sa umabot sa leeg.
I want more, I badly want more..
"Say that you like me too."
"I like you too." Isang ngiti ang pumurma sa labi ko, sabi ko na nga ba.
"Paano yan? Hindi na kita gusto."
"Then why did you kiss me?"
"Because I love you."
Mahal ko siya, Oo mahal ko na siya. I am willing to take all the risk. I want to commit.
Gusto kong matawa, napaka selosa niya tapos andami niya pang nirereklamo. Hindi ko naman sinasadya na tawagin siyang Ruth at saka si Auri? Pag seselosan niya. Ang cute niya talaga.
Nanlaki ang mata niya nang bigla ko siyang binigyan muli ng halik, daplis pa nga. "Baby please calm down." Ha! Ano ka ngayon? Tanggal angas mo 'no?
"So ano na tayo?"
"Likers?" Kitang kita ko ang pag kainis ng mukha niya, ang cute cute niya talagang inisin. Gusto ko siyang pisiin pero syempre huwag dapat.
Hinawakan ko ang kamay niya hanggang sa tumingin sa kan'ya.
I see forever in her eyes.
"Hayaan mo kong ligawan ka ngayon. Mag hihintay ako hanggang sa pwede ka ng mag commit.
Naging maayos ang routine naming dalawa ni Ruth. Hatid sundo ko siya, mas maayos yun kahit na mukha na akong driver niya at least gwapo na driver. At kung mukha naman akong driver sa paningin niya, okay lang. Kahit hindi na niya ako swelduhan, buo naman na araw ko kapag nakikita siya.
Padabog kong nilapag sa lamesa ang mga niluto ko para kay Avery na ngayon ay may kasamang lalake. Sino ba 'tong mukhang unggoy na 'to?
"Hindi mo ba naisip na hindi lang siya interesado sa'yo?" Seryoso akong tumingin sa lalake at ngayon ay napalitan ng kaba ang mukha niya.
Dasurv.
"Tara mahal kain tayo, ikaw? Sama ka?" Utal utal na nag salita ang lalake at kumaripas ng alis.
Dumadamoves ka pa ha!
To: Avery
loveu
Para akong tangang ngumingiti dito sa orientation namin. Inaantok kase ako kaya naman naisipan kong mag good luck sa kan'ya.
"Psst, are you gago ba tol? Sa una lang masaya yan, makinig ka o tatampalin kita." Inilabas ko ang dila ko at mapag larong ngumiti kay Kio. Inggitero!
Bumili akong ice cream bilang prize. Imbis na tanggapin niya ay binigyan niya ako ng yakap, muntik na tuloy mahulog yung ice cream.
Nakahalumbaba ako habang nakikinig sa mga kwento niya. Isang hibla ng buhok ang tumabom sa mukha niya kaya naman maingat ko itong nilagay sa likod ng tenga niya.
"Go on, I'm listening."
"How to make a srotched tulip lips," sabi ko habang nag ta-type sa laptop ko. Sasapit na ang valentine's day kaya naman kailangan kong pag handaan ang ireregalo ko kay Avery.
"Anak ka ng tupa! Oh ito na yung mga yarn mo! Sus maryusep, lintek na pag ibig."
"Ang ingay mo, napaka inggitero mo palibhasa walang jumu-jowa sa'yo."
"Sus di ka lang sinasagot pa eh!" Binato ko sa kan'ya ang unan ko, bakit ko ba 'to pinapunta sa bahay. Tsk!
"Ayan d'yan mo isuot," utos sa akin ni Kio. Ginawa ko naman ang sinabi niya. Hindi din ako nakatulog sa pag gagawa ng crocheted tulip, nakakatuwa dahil ang ganda nito sa paningin ko nang pag sama-samahin ko ito lahat.
Nakita ko ang necklace na niregalo sa akin ni Avery. Parang gusto ko itong itago para di ito mawala. "Wow! Pwede kaya 'to sa mga pawnshop?"
"If you don't want it, just give it back." Tawa tawa ko itong binawi kay Avery, ano ka sinuswerte? Akin na 'to...akin ka na.
"Basta dito ka lang, huwag kang aalis."
"Don't worry I'll always be here."

Komento sa Aklat (35)

  • avatar
    Atchel Zeque

    I like the way how you become stronger and brave to go forward to achieve your dreams.I wish to achieve my dreams like how you did.I admire you.

    29/07/2022

      0
  • avatar
    John Jolo Lofamia

    nice

    14/10/2024

      0
  • avatar
    Charlotte Charot

    thank you

    04/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata