Chapter 41

"Yvo?" pag tawag ko sa pangalan niya.
"Huh? Yvo? Beh hindi ako 'yon!" Napakurap ako ng ilang beses, isang bakla ang nasa harapan ko. Tumalikod na siya sa akin, akala ko si Yvo. Dismiyado akong sumakay ng sasakyan. Nanatili lang akong nakatingin sa labas at malalim ang iniisip.
Nang makababa ako sa sasakyan, iniwan ko nalang ang mga gamit sa loob ng kotse dahil ia-akyat nalang daw ng mga helpers ito sa kwarto ko.
"Hi sweetie! How's your day?" bungad sa akin ni Mommy. Hinalikan ko siya sa pisnge at tumingin sa ginagawa niya. "Is there something wrong, anak? May nangyare ba?" Umiling ako at ngumiti.
"Everything is fine, Mom. I'll just go to my room, i need to rest."
"Okay! Love yah!" Tipid akong ngumiti at umakyat, napatingin ako sa may terrace. Naalala ko kung paano siya umamin sa akin. Hinawakan ko ang labi ko at umiling.
"Paano ko sasabihin na gusto din kita Yvo?" tanong ko sa sarili ko nang makahiga ako. "Yvo."
Kinuha ko ang cellphone ko at nag babalak na i-dial ang cellphone number niya. Ano naman ang sasabihin ko? Sasabihin ko ba na gusto ko din siya? Paano kung sabihin niya na gusto ko lang siya dahil gusto niya ako o kaya naman gusto ko siya dahil naawa ako sa kan'ya. Aish! Ang gulo ko naman.
Sinabunotan ko ang sarili ko. "Pucha namang buhay 'to. Minsan na nga lang mag mahal e."
"Ruth? Ano sasama ka ba bukas?" tanong sa akin ni Kae nang matapos kami sa exam. Tumingin ako kay Achilles na ngayon ay nakangiti kaharap ang cellphone niya. "Bes inlove ata siya ngayon, hayaan mo na! Huwag natin sirain ang moment." Pumunta siya kay Achilles at umakbay dito, sumilip sa cellphone. "Anak ng! Nag bibinata ka na bes! I'm so proud of you." Umakto pa siya na parang naiiyak. Mahina akong tumawa at umiling bago pumunta sa kanila.
"Tara, Starbucks," sabi ko. Pumagitna sa amin si Kae at inakbayan kaming dalawa ni Achilles.
"Kaeana naman, ang bigat bigat mo," reklamo ni Achilles. Nag simula nanaman silang mag asaran, parang bata. Naiwan kaming dalawa ni Achilles sa mesa dahil si Kaeana daw ang mag o-order, sa aming tatlo kase ay si Kaeana ang may taste pag dating sa pag kain.
"How are you?" tanong sa akin ni Achilles. Tumingin ako sa kan'ya, pinag mamasdan ang kabuuan niya. May mga nag bago sa kan'ya, extra siyang busy at extra siyang masayahin...inlove nga siya.
"I'm fine, how about you? May girlfriend ka na?" tanong ko sa kan'ya. Nakita ko naman ang pamumula ng mukha niya. Natawa ako at marahan na umiling. "Sino yan?"
"Hindi ka ba mag tataka na kaka-confess ko lang sa'yo tapos may bago na agad akong gusto?" My brows furrowed, ano daw?
"Why? Ang point mo ba ay madali akong palitan?" tanong ko sa kan'ya. Napatawa naman siya at umiling.
"Hala! Wala akong sinabing gan'yan ha. Basta ako nag move on lang ako."
"So sino nga? Girlfriend mo na ba?" tanong ko, nangungulit.
"Hindi pa, hindi pa ako nag co-confess pero alam ko naman na magiging kami din."
"Wow! Ang kapal ng mukha mo bes! Baka ginayuma mo yan ha!" Sumulpot sa gitna namin si Kae. Umupo siya sa harapan namin at inilapag ang mini cake na nasa harap namin. "Ano? Walang naka tanda?" tanong niya. Litong lito na tumingin sa akin si Achi. "Hay naku ha!" Nag krus siya ng braso at tumingin sa aming dalawa ni Achilles.
"Kaena, May pa ang birthday mo," saad ni Achilles.
"Alam ko! Mukha ba akong ulyanin?"
"April si Ruth tapos march ako. Para saan yan?" Lalong humaba ang nguso niya.
"Hmp! Friendsary kaya nating tatlo ano! Kayo ha!" My lips curve into 'o', acting skill. Sa totoo lang hindi naman ako nag ce-celebrate ng mga gan'to pero simula ng makilaka ko si Kae, nag simula na kaming mag celebrate nito. "O s'ya tutal nakalimutan niyo, kayo ng mag bayad."
Nag usap usap pa kaming tatlo. Pinag usapan kung gaano kahirap ang test namin, kung ano ang idadagdag na subject sa taong ito at kung ano ano pa.
"Namiss ko 'to," saad ni Kae. Nasa loob kami ng kotse ni Achilles, nag prisinta kase siyang ihatid kami. Ako ang may pinaka malapit na bahay kaya naman ako ang ihahatid nila na una.
"Ako din!" hiyang hiya na sabi ni Achilles. Huminto ang kotse at tumingin silang dalawa sa akin. Ngumiti ako sa kanila at binuksan ang bag ko.
"To be honest, hindi ko nakalimutan ang araw ngayon," sabi ko. "Bumili ako ng beads kase gusto kong gumawa ng bagay na pinag hihirapan." Hiyang hiya kong ipinatong sa kanilang palad ang bracelet na ginawa ko. Simple lang naman 'yon at sa palagay ko naman ay magugustuhan nila 'yon. "Happy... friendsar--." Hindi ko natapos nang bigla akong yakapin ni Kae. Sumunod naman si Achilles.
"Namiss ko talaga kayo!" si Kae, umiiyak na siya ngayon. Tumawa naman si Achilles.
"Para ka namang namatayan, Kaeana."
"Manahimik ka nga! Isa ka pa, nakakainis ka."
"O bakit? Bumabawi naman ako sa inyo ah." Tumawa nalang ako at tinapik tapik ang mga balikat nila.
I waved my hand when i get my self out of the car. I step backward when i saw him infront of our house. Our eyes met, my heart beating so fast.
I miss this man.
Our eyes met but he immediately looked away like he didn't saw me. Tatawagin ko sana ang pangalan niya pero napatigil ako nang tawagin ni Kuya Rail ang pangalan ko.
"Ruth!"
"Hey, what are you doing here?" i asked.
"Ahh, i forgot something. I brought Migo. Did you say hi to him."
"Not yet but.." Nagulat ako nang nasa likod na siya ng kapatid ko. Nag tama ang tingin naming dalawa.
"Oh eto ka pala Migo. Okay na ba ang mga gamit? Lahat ba ng mga 'yon kailangan ng kuya mo?" Tumango siya at hindi parin tinatanggal ang tingin sa akin. "Wait, mag papaalam lang ako kay Mom." Iniwan niya kaming dalawa. I bit my lower lip, parang hindi ito ang Yvo na nakilala ko. Tipid siyang ngumiti at umiling.
"Hello Ruth."

Komento sa Aklat (35)

  • avatar
    Atchel Zeque

    I like the way how you become stronger and brave to go forward to achieve your dreams.I wish to achieve my dreams like how you did.I admire you.

    29/07/2022

      0
  • avatar
    John Jolo Lofamia

    nice

    14/10/2024

      0
  • avatar
    Charlotte Charot

    thank you

    04/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata