logo text

Chapter 37 Miguel Yvo

"Migo!" Narinig ko ang pag tawag sa akin ni Kio. Nandito kami sa dapitan at kumakain. "Laguna daw tayo bukas sabi ni Prof."
"Ayoko nga! Init init do'n, kayo nalang! Mag re-recite nalang ako," sabi ko sabay kain ng kalamares na binili ko. Dala dala ko ang T-square at ang plate holder ko. Isinakbit ko ito at nag simula ng mag lakad, ang ingay kase ni Kio.
"Sus! Ang sabihin mo takot ka sa karayom."
"Mamamo! Akin na nga yung calculator ko nang makauwi na ako."
Binuksan niya ang bag niya at ibinigay sa akin ang calculator ko, anak ng tupa may dumi pa. Inis ko tuloy hinila ang buhok niya, nag mura pa nga. "Aray! Ano na naman!"
"May dumi! Linis linis nito no'ng binili ko tapos dudumihan mo lang!"
"Tinawaran mo lang naman yan sa baclaran!" Napatigil ako sa sinabi niya hanggang sa tumawa ako, tumawa kami. Inakbayan niya ako. "Sige na sumama ka na!"
"Ayok--." Napatigil ako nang tumunog ang cellphone ko. Nawala ang ngiti sa labi ko nang makita kong tumatawag si Razel, ex ko. Bumuntong hininga muna ako at sinagot ito.
[Hi Migo!]
"Ray, bakit ka napatawag?" kalmado kong tanong dahil sa totoo lang ayoko siyang makausap.
[Hmm, can you go here tomorrow? Na ho-homesick na ako dito sa hospital eh.]
"Bukas?"
[Yes, bakit? May gagawin ka ba?]
Tumingin ako kay Kio at hinihintay ang sasabihin ko. Anak ng pucha kapag narinig nitong sasama ako sa kan'ya bukas mag lulupasay pa ito sa saya.
"Next time nalang Ray, may red cross program kase kaming pupuntahan sa laguna. Alam mo na mag do-donate, papuntahin mo nalang d'yan si Auri." Narinig ko ang pag buntong hininga niya, bakit ba kase hindi pa siya tumigil? Matagal na kaming tapos, hanggang ngayon hindi parin ba siya nakakapag move on? Sa bagay, hindi niya rin ako masisisi. Iniwan niya ako e, kaya dapat lang at mas tama na maging ganito nalang kami. Lalo na at naka move on na ako sa kan'ya.
Malakas na katok ang narinig ko sa pinto. Inimulat ko ang mata ko, 7:30 na pala. Tamad akong binuksan ang pinto, bumungad sa akin si Kio.
"Kadire ka naman! May laway ka pa sa pisnge! Dalian mo na at mahuhuli tayo." Kinaladkad niya akong patungong banyo, inaantok pa ako kaya pa-pikit pikit ang mata ko. "Baka gusto mong akong mag ligo sa'yo." Nanumbalik ako sa katinuan at diring diri na tumingin kay Kio.
"Bakla ka talaga tol!" Tawa tawa naman siyang umiling at ibinato sa pag mu-mukha ko ang towel ko. Bakit ba kase pinapa-pasok sa loob ng bahay ang asong ulol na 'to!
"Daming cheeks pre! Minsan talaga nasa doctor ang true love."
"Sus! Puro sama lang naman ng loob ang ibinibigay mo sa babae, babaero ka naman!" singhal ko. Tumingin ako sa paligid, kasabayan namin ang mga architecture student at fine arts.
"Migo, tignan mo yun!" May tinuro siyang babae sa isang tent. "Yung naka salamin."
"Ah yung mataba? Yan pala taste mo sa babae ha!" pang aasar ko sa kan'ya. Minura niya naman ako at inakbayan para ituro ang taong tinuturo niya.
"Yung babaeng mapayat na maputi!" Tumingin ako sa babaeng tinuro niya. Nakasalamin siya, payat na maputi, hindi katangosan. Mapula ang labi niya at maganda ang mata. Hindi gaano ka ganda at hindi gaano kapangit kung hindi sakto lang. Sa palagay ko mabait naman siya, hindi naman ata siya nangangain.
"Hindi ko gusto!" saad ko kay Kio.
"Bakit sinabi ko banag gustuhin mo? Gusto ko! Crush ko...crush ko!"
"Crush agad? Di ka papatulan niyan."
"Tanungin mo nga yung pangalan! Nahiya ako e."
"Eh gago ka pala eh! Bahala ka nga d'yan!" Luminga linga ako sa paligid at nag hanap ng mapag tatambayan. Dala dala ko ang laptop ko dahil may tatapusin pa akong thesis. Mabuti nalang at may malapit na seven eleven dito. Pumasok ka agad ako sa loob, andaming reklamo ni Kio! Kumuha ako ng tatlong ice cream at binayaran ito. Umupo kami sa isang lamesa, nilabas ko ang laptop ko at nag simulang mag type.
Narinig ko ang pag ring ng cellphone ko, kinuha ko ito at nakitang tumatawag si Razel. Nakalagay sa screen ang mukha niya kaya naman hindi ko maiwasang maisip ang nangyare sa aming dalawa.
"Let's end this." Hindi ako nag salita at tinignan lang siya. Sinubukan kong huwag umiyak sa harapan niya, lalake ako at dapat matatag ako. "Ayoko na Migo! Ano ba ang hindi mo maintindihan do'n?!"
"Razel.."
"Migo, please," she begged. Her tears started to flow. "Ayoko na, hindi ka pa ba napapagod? Pagod na pagod na ako! Bakit ba ang hirap sa'yong iwan ako ha! Why are you forcing me to stay that i don't want to do. Ang toxic mo na at ang toxic ko na...ang toxic na natin! Hindi pa ba sapat na dahilan 'yon para palayain natin ang isa't isa?" I take a deep breath because i know I'm so close to cry.
"Ganon nalang ba kadali lahat ng 'yon sa'yo? Ang tagal tagal na natin tapos ngayon ka pa susuko? Kung pagod ka eh di mag pahinga ka! Mag pahinga tayo, ikaw lang ba napapagod sa relasyong ito? Eh ako Razel? Ilang beses na akong napagod sa'yo pero anong sinabi ko? 'Ano pa bang magagawa ko kung hindi ang pag pasensyahan ka. Diba?' 'yan lang sinasabi ko kahit lagi kang sorry ng sorry pero lagi mo namang ginagawa. Tapos ngayon ikaw na ang napagod, susuko ka na agad?"
"You're not in my shoes! Fuck it! Let's just stop this please. We ruined everything, we ruined our friendship! Let's just stop it please." Napaluhod na siya ngayon. Tuluyan ng tumulo ang luha ko, ayokong nakikita siyang umiiyak ng dahil sa akin. "Migo ayoko na."
Pinunasan ko ang luha ko at tumingin sa kan'ya. "S-sige...i-itigil na natin 'to." Tumingin siya sa akin at pinag masdan ako ng mabuti. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko mapigilan ang maluha. Kitang kita ko ang pag tayo niya at ang pag kuha ng bag niya. Tumayo na ako at pinag pagan ang sarili ko. Tumingin ako sa kan'ya, hindi ko inakalang dadating kami sa puntong ito.
"Thank you for the memories, good bye." Nag lakad siya patungo sa akin at binigyan ako ng halik. Tuluyan na akong nadurog nang umalis siya.
"Migo! Kumain ka na?" tanong sa akin ni Kio nang pag buksan ko siya ng pintuan. Walang tao sa bahay dahil imbis na sumama ako sa family trip ay nag pa-iwan ako sa bahay. Hindi na din ako pumapasok dahil tinatamad ako. Akalain mo 'yon, isang babae ang nakapag pabagsak sa'kin. "Nag pa drop out ako!" saad ni Kio. Kunot noo ko siyang tinignan. "Aba! Sabay dapat tayong mag tatapos ano!"
Bumuntong hininga ako at bumalik nalang sa kama para humiga. Narinig ko naman ang pag mura niya, napatayo tuloy ako nang paluin niya ako ng unan.
"Ano ba?!"
"Kumain ka na nga! Hindi pwedeng isang babae ang sisira sa'yo 'no!" Nilahad niya sa harap ko ang mini table na may calamares, vanilla ice cream, adobong atay at kanin na marami. "Pre! Umayos ka nga. Dapat nga tapos na tayo ngayon. Favorite ka pa naman ni tito, kuha nalang tayong scholarship sa sunod na taon." Kumalam ang sikmura ko kaya naman sumandok na ako ng kanin, tuwang tuwa naman siya.
"Bakit pa ba kase nag drop out ka? Eh di sana nag re-review ka na ng pang board exam."
"Sus! Sabay nga dapat tayo mag tapos." Hindi ko nalang siya pinansin at kumain na. "Masarap ba? Luto ko 'yan!" Tumango nalang ako at hindi siya pinansin, ang ingay niya naman. "Pre naman! Para kang others, bakit hindi mo ko pinapansin ha?" Mas lalong hindi ko siya pinansin. Natapos ko ng kainin lahat, kinuha niya ito at inilagay sa lapag. Hihiga na sana ako nang kunin niya ang kamay ko.
"Sige ka! Baka mamaya dalawin ka ng ina mo, pagalitan ka no'n!" Tumingin ako sa kabilang mesa at nakita ang picture namin ni mama. Tumingin ako kay Kio, mabuti pa 'to di ako iniiwan. Hindi naiwasan ang maiyak, para akong bata. Marahan niyang tinapik ang balikat ko. "Okay lang yan! Buhay nga naman parang life!" Natawa naman ako sa sinabi niya. Muli pa akong tumingin sa kan'ya ng may ngiti bago ko tapikin ang balikat niya.
"May langaw! Bakit ba kase may langaw sa loob ng seven eleven, siguro di ka naligo," sabi kay Kio at muling sumubo ng ice cream.
"Hoy naligo ako 'no! Tara na nga! Baka mawala pa yung doktora." Wala akong nagawa kung hindi ang bumalik sa labas ng hospital. Kaunti na ang mga tao, pumila si Kio kung saan naka assign yung babaeng sinasabi niya.
"Mag do-donate ka?" tanong sa akin ng isang nurse.
"Opo."
"Punta ka do'n sa babaeng 'yon, tapos itanong mo kung pwede pang mag assist siya." Tinalikuran niya na ako hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Sinunod ko nga ang sinabi niya.
"Doc, pwede pa po ba? Eh kas---." Halos malaglag ang panga ko nang makita ko yung itinuro sa akin na babae ni Kio. Masakit ang pag tusok niya sa akin ng karayom, hindi ko alam kung ganon lang ba talaga kapag tinuturukan o may sama ng loob talaga siya.
Hindi ko alam kung bakit napangiti ako nang tumawa siya, kanina pa kase siyang naka poker face para siyang pinag bagsakan ng langit at lupa.
Nang masagi sa isip ko si Kio, itatanong ko sana kung anong pangalan no'ng doctor kaso tinawag na siya ng iba.
"Lakasan mo naman ng palo!" utos sa akin ni Kio. Mainit, nandito kami sa U.P dahil may susunod kaming laro.
"Kapag ikaw natamaan sa mukha, makikita mo."
"Dami mo namang satsat!" At dahil sa init ng panahon kasabay ang nakakarinding boses ni Kio, pinalo ko ang bola ng tuwid. Narinig ko naman ang pag mura sa akin ni Kio dahil muntik na siyang tamaan. Tatawa na sana ako pero gulat akong napatingin kung saan napunta ang bola ko. Tumakbo ako at pumunta kung nasaan ito. Ngayon ko lang na realize na may natamaan ako!
Nag kalat ang papel niya, nakita ko din ang salamin niya na ngayon ay basag na. Mas nagulat ata ako kung sino ang natamaan nito.
"Ikaw?!"
Patuloy lang ako sa pag sunod sa kan'ya, patuloy na humihingi ng tawad. Pinag saraduhan niya kami ng pinto nang makapasok siya ng banyo. Matalim akong tinignan ng kasama niyang lalake, siguro boyfriend niya.
"Doc ito oh bago pa." Nilahad ko sa kan'ya ang bagong damit ko, hindi 'yon bago dahil bigay sa akin 'yon ng nanay ko.
Halos matawa si Kio nang ihampas nung babae ang white coat niya sa pag mumukha ko.
"Wow, amoy expensive siya pre. Magaling talaga akong pumili ng babae. Masakit ba?" Inirapan ko si Kio, susungalngalin ko talaga bibig ng lalakeng 'to kapag di siya tumigil! Tumigil na kami kakasunod sa kan'ya dahil tinatawag na kami ng coach namin.
"Manang, may sabon ba d'yan na pang laba?" tanong ko sa katulong namin. Itinuro niya naman sa sa'kin kung na saan ito. Ku-kuskusin ko na sana ang damit pero nasugatan ako. Tinignan ko kung anong nakasugat sa akin, name tag niya pala.
"Amoy mayaman," bulong ko.
AVERY JIMENEZ.
'Yon ang pangalan niya, second name niya lang nakita ko kase hindi ko na makita ang first name niya.
"Avery," pag tawag ko sa pangalan niya. Ngayon ko lang siya nakita sa program ng kaibigan ng Kuya Martin ko. Palagi talaga siyang naiinis. Kung nabi-bwiset siya, lalo ko pa siyang bi-bwisitin.
Nag suot ako ng mask at cap pag katapos kong mag training, mahirap na at baka makita pa ako ni Razel. Papunta akong school ni Avery dahil ibibigay ki ang coat niya.
"Ano? Gusto mo yung kapatid ko?" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa sa kan'ya. Si Kuya Martin? Ewan ko nalang, hindi pumapatol sa bata 'yon.
"Okay guys warm up!" utos sa amin ng coach namin.
"Migo, pustahan natin ha! Li-libre mo ko kapag olats ka." Tumango ako at sinenyasan siyang manahimik, kinakabahan na ako.
Pumunta ako sa dulong pwesto at mukhang tangang nakikipag usap sa sarili ko.
"Ano ka ba naman Miguel, para sa scholarship 'to...para sa scholarship." Pag bukas ng mata ko ay ang pag hagip nito sa babaeng tumatakbo sa katapat ng pag lalaruan namin.
"Sama ka nalang kaya sa amin?" pag aaya ko. Hindi ko naman siya ha-hayaang umuwing walang kasama.
"Para di ka kabahan." Hindi ko alam ang gagawin ko nang hawakan niya ang dalawa kong kamay. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Pinag mamasdan ko lang siya hanggang sa maramdaman ko ang pag iinit ng pisnge ko.
Huminga ako ng malalim bago mag serve ng bola. Tumingin muna ako kay Avery, ngayon nag sasaya na siya.
Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko nang makita ko si Razel sa harapan namin. Ang balita ko ay magaling na daw siya, ganon parin naman siya....walang pinag bago.
"Babe, what do you want?" tanong niya sa akin. Kanina pa siya babe ng babe.
"Tubig nalang."
"Come on babe, it's my treat."
"Sige ikaw bahala." Nag order nga siya ng mga paborito ko. Kahit naman paborito ko ito ay natatamlayan akong kainin.
"Babe.."
"Razel, ano nanaman ba 'to?"
"I-i s-still love you. Let's fix this okay? We can fix everything naman diba?" Pinag masdan ko ang mukha niya, desperadang desperada na siya.
"Like what you said back then. Ayoko na. Kung may maibabalik man, friendship nalang nating tatlo ni Kio. Salamat sa treat mo." Tumayo na ako at sinamahan si Avery na umuwi.
Hindi ko alam kung bakit ba ako pumayag na tulungan ang babaeng ito para kay kuya. Pumupunta pa ako sa hospital niya para itanong lang sa kan'ya o kaya sa personal nurse niya kung anong schedule ng mga programs niya.
"Sumunod ka na nga dito! Pupunta pa daw ng bgc," sabi ko kay Kio. Kasama ko si Razel, namamasyal kami habang hinihintay si Kio. Ang sabi niya babagalan niya daw para mag karoon kami ng closure ni Razel. Minura ko naman siya ng ilang beses, lagot talaga sa'kin.
"Anong gusto mong kainin?" rinig kong tanong ni Razel. Tumingin ako sa kan'ya, sasagot na sana ako nang may makita akong pamilyar na tao.
"Razel, hintayin mo nalang daw si Kio. May gagawin kase kami ni Melissa." Hindi ko na siya hinintay na sagutin ako.
Marahan kong niyakap si Avery, hindi ko alam na ganon pala ang sitwasyon niya. Nakonsensya tuloy ako sa pang bi-bwisit sa kan'ya.
Ganon parin naging routine namin, tinutulungan ko siya. Masaya naman hanggang sa nakita ko nalang ang sarili kong nakangiti lalo na kapag nag huhugas ako ng pinggan. Hindi ko alam na nasa tabi ko na pala si Yuri.
"Ma! Pa! Si kuya mag papa uto na naman!" sigaw niya. Kinurot ko naman siya, tawa tawa pa siya.
"Humanda ka sa'kin kapag natapos ako dito," pag babanta ko. Tawa tawa naman siyang tumakbo.
"Dahil gusto kitang makita." Hindi ko alam kung bakit ko sinabi 'yon, basta kinilig ako. Nakita ko na nakatingin si Kio sa akin kaya naman umakto akong nag ta-tanggal ng tinga para di niya mapansin ang kilig na nadarama ko. Nakita ko naman ang pag irap sa akin niya nang ibaba ko ang cellphone ko.
"Mag papa uto nanaman siya. Mang a-agaw ka ng crush ha!"
"Hoy hindi ako mag papa uto ano!"
"Pero nang aagaw lang? Sige sa'yo na siya, mabait ako eh. Para sa'yo mag paparaya ako, uncrush ko siya now na." Binato ko nalang siya ng unan, nakikikain na nga lang siya dito sa bahay tapos ingay ingay niya pa. Muli pa akong napatingin sa cellphone ko. Mag pa-pauto nanaman ba ako? Bakit ba ganon siya? Nagugulo tuloy ako sa nararamdaman ko!
"Hindi naman sa ayaw..." Ang totoo ay ayaw ko talaga! Nag se-selos na ako kay kuya ha! Puro ka kay kuya, di bale siya naman nakakapag pa-saya sa'yo. Hays.
Pinag masdan kong mabuti ang mukha ni Avery sa cellphone ko. Ang ganda niya dito, tumingin ako sa kan'ya. Bwisit na bwisit na siya pero ang cute niya parin.
Bago kumakain ay pinost ko na agad sa Instagram ito, hindi ko siya ma-tag dahil naka private ang account niya at saka ayoko din na makita niya.
Gabi na, tumingin ako sa langit at pinag mamasdan ang mga tala habang nakangiti...parang tanga lang. Tumingin ulit ako sa picture ni Avery.
"Crush ba kita?" tanong ko sa litrato niya. Mukhang asong ulol na akong kinikilig dito sa kwarto. "Oh sige, talo na ako. Gusto na kita."
"Kuya?" Napatingin ako kay Kuya Martin na abala sa pag order ng bouquet flower sa isang online shop. "Para kanino yan?" Ibinaba niya ang Ipad niya at tumingin sa akin.
"Para sa katrabaho ko. Kamusta?"
"Okay lang, ah may tatanong sana ako."
"Ano yun?"
"Kuya may girlfriend ka na ba?" Mahina siyang tumawa at hindi sinagot ang tanong ko. "Ano nga?"
"Hulaan mo."
"Wala."
"Eh di wala ang sagot ko." Nakahinga naman ako ng malalim, para kay Avery naman 'to.
"Ano bang gusto mo sa babae?"
"Simple lang siguro nga hahanap nalang ako ng doctor."
"Mag kaibigan lang sila Avery." 'Yon lang lang ang tangi kong naisagot sa kan'ya. Kapag umiiyak siya, hindi ko malaman laman kung anong mararamdaman ko. Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang naiiyak.
"May gagawin ka ba?" tanong sa akin ni Kuya Martin.
"Wala naman kuya, bakit?"
"Samahan mo nga ako." Ganon nga ang ginawa ko, sinamahan ko siya. Pumunta kami sa isang hospital at pumasok sa isang room.
Dr. Julia Diana Conselasion-Jimenez.
Mabigat ang pag hinga ko nang tumingin kay Kuya Martin.
"Mag po-propose na ako sa tita ni Ruth."

Komento sa Aklat (35)

  • avatar
    Atchel Zeque

    I like the way how you become stronger and brave to go forward to achieve your dreams.I wish to achieve my dreams like how you did.I admire you.

    29/07/2022

      0
  • avatar
    John Jolo Lofamia

    nice

    14/10/2024

      0
  • avatar
    Charlotte Charot

    thank you

    04/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata