"Please don't forget to come home early anak. Yes, please Rail. Take care, drive home safely, okay?" my mom. Nandito kami sa kusina at gumagawa ng mga desserts para mamaya sa noche buena. Pinag masdan ko ang nanay ko na ngayon ay abala sa pag tawag ng mga malalapit niyang kaibigan para dumalo sa selebrasyong ito. Pinag patuloy ko lang ang pag halo sa gagawing icing sa cupcake na ginawa namin. "Finish ka na ba anak?" tanong niya. Lumapit siya sa akin at tinikman ang ginagawa kong icing. "Hmmm, it's good. Let's put this here in the pastry bag." Kumuha siya ng pastry bag at ma-ingat na inilagay ang icing sa loob nito. Kinuha ko ang toppings na ilalagay at marshmallow na din. Si Mommy ang taga lagay ng icing habang ako naman ang taga lagay ng mga toppings, tutal magaling naman daw ako mag design. "Why don't you invite your friend here," she said. "I already told them, Mom." "How about your boyfriend?" Napatigil ako sa sinabi niya, b-boyfriend? Mukha ba akong may boyfriend? Tumingin ako sa kan'ya, tawang tawa naman siya. "I thought he's your boyfriend." Ngayon lang pumasok sa isip ko kung sinong tinutukoy niya, naramdaman ko nanaman ang pag iinit ng pisnge ko. Bakit ba kase pinaalala niya pa? Hiyang hiya na nga akong mag pakita sa lalakeng 'yon tapos gusto niya pang imbitahan ko? "M-mom! He's not my boyfriend!" "Talaga? Bakit ka namumula?" Agad kong hinawakan ang pisnge ko at itinago sa kan'ya, tawa tawa naman siyang bumalik sa ginagawa niya. "Silly, let's finish this para makapag ayos na tayo ng sarili natin." Ganon nga ang ginawa namin. Habang abala kami sa ginagawa namin ay hindi parin niya maiwasan ang mag kwento. Napapangiti nalang ako at napapatawa sa mga sinasabi niya. Nang matapos kami ay iniligpit na namin ang mga ginamit namin. Sabay kaming umakyat ng kwarto, hinatid niya pa ako sa kwarto ko. Sasaraduhin ko na sana ang kwarto ko nang tawagin niya ako. Tumingin naman ako sa kan'ya, nakangiti lang siya. Hinawakan niya ang pisnge ko hanggang sa bigyan niya ako ng yakap. Niyakap ko naman siya ng pabalik, parang ngayon ko lang ulit naramdaman ito. Kumawala siya sa yakap ko at pinag masdan ang buong mukha ko. Binigyan niya ako ng halik sa pisnge hanggang sa mag paalam siya. Napangiti ako sa ginawa niya, pakiramdam ko ay ngayon lang ulit nangyare ito. Inayos ko ang susuotin ko mamaya, maliligo na sana ako nang mag vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko naman ito at nakitang nag text si Yvo. Parang tumalon naman ang puso ko sa saya. 'Avery!' ✓sent 9:30 'Oh?' ✓seen. Humiga ako ng kama at itinaas ang kamay ko para tignan ang sunod niyang ite-text. Ay ganon? Wala man lang bang Merry Christmas? Kahit kailan ka talaga Avery 'no? ✓sent 9:32 Napairap nalang ako, ti-next niya ba ako para bwisitin ako? Ano ba kaseng kailangan mo? ✓seen Saglit akong tumayo para itabi ang salamin ko. Humiga ulit ako at kinuha ang cellphone ko para tignan kung ano ang reply niya. Ikaw. ✓sent 9:34 Nabitawan ko ang cellphone ko kaya naman nahulog ito sa mukha ko. Hawak ko ang noo ko nang bumangon ako. "Pucha..." Ang sakit! Bakit ba naman kase ganon ang reply niya? Nakakainis! Tinignan ko ang cellphone ko para sana reply-an siya pero nanlaki ang mata ko nang tumatawag ako sa kan'ya. What the hell? Papatayin ko na sana ang tawag nang bigla niya itong sagutin. Nakahiga siya at mukhang walang balak mag ayos, mukhang pagod na pagod siya ah. [Ganon mo na ba ako ka-miss kaya bigla bigla ka nalang tumatawag?] bungad niya, inirapan ko naman siya. Assumero! Mapanglaro siyang ngumiti sa akin, nand'yan nanaman ang nga ngiti niya! Nakaka bwiset. "Napindot ko!" pag dadahilan ko, aba! Tama namang napindot ko. [Ah e di salamat sa daliri mo.] Daliri? E noo ko nga ang dahilan kung bakit napindot! Kasalan niya 'yon! "Oo, your welcome daw kaya naman papatayin ko na." Nawala naman ang ngiti sa labi niya, napabangon siya agad. [Oy teka lang! Grabe ka naman, huwag na muna!] Inirapan ko lang siya at sinunod ang gusto niya, pasko naman kaya isasantabi ko muna ang sama ng loob ko sa kan'ya. [Kamusta?] tanong niya. "Okay, I'm okay. How about you? How's your day?" tanong ko. Nakita ko ang dahan dahang pag kagat niya sa ibabang labi niya, dahan dahan niyang ibinaba ang cellphone niya. Kisame nalang ang nakikita ko sa screen niya, nasaan na 'yon? Naramdaman ko na gumalaw ang cellphone niya, naka poker face na siya ngayon. Baliw ba siya? Halos mapunit na kanina ang labi niya kakangiti tapos ngayon naka poker face. [Okay naman, masaya.] "Talaga? Bakit naman masaya?" [Dahil..] "Hmm? Dahil ano?" Napailing lang siya at itinago ang labi niya sa kumot niya. Alam ko namang nakangiti siya dahil ang saya saya ng mata niya ngayon. Nag usap pa kami ng kaunting minuto, nakakawala ng pagod. Nag kwento siya ng mga nangyari sa kan'ya sa buong mag hapon, kwinento niya kung anong niluto niya. [O s'ya sige na madam, 10 pm na mag ayos ka na,] saad niya, tumango naman ako at ngumiti. Napahinto ako sa pag pindot ng end call button nang tawagin niya ang pangalan ko. [Avery...] "Yes?" [Merry Christmas.] He greeted, his lips curve into genuine smile. I smiled back and greet him. "Merry Christmas too, Yvo." I tap the end call and place my phone in my heart. I closed my eyes with a smile, whenever i talk to him i feel so comfortable. I wasn't that person who always talkative to someone. Not open up person to talk some personal stuffs....but him? Damn his an exception now! I have to do a quick change so i took a shower and do my skincare routine, brushed my teeth and put some light make up. I was wearing a short sleeve plain red dress woman summer lattice skirt partnered with flat sandals. I tied my hair in half then looked myself in the mirror. It's a simple but elegant celebration of us. Tumingin ako sa orasan at pasadong alas onse na. Kinuha ko ang salamin ko at sinuot ito, dali dali akong bumaba at nakitang wala pa namang masyadong tao. Pumunta lang akong sala para hintayin sila, masyado ata akong excited. Kinuha ko ang cellphone ko para mag libang, nakita ko na nag text pala si Yvo. Kakain na kami, kain ka na. ✓sent 10:17 Napangiti nalang ako, and so? Bakit niya ako ina-update? Nag basa pa ako ng mga text, may text ng ibang blockmates ko, ni Kae, Kio at Achilles at marami pang iba. Binuksan ko ang Instagram ko at tinignan ang mga post ng mga kaibigan ko. Nakita kong nag story si Kae ng picture nila ng papa niya pag katapos no'n ay mga pag kain na. Si Achilles naman ay nag post ng wine. Tinignan ko ang notification ko, nakita kong maraming nag nag follow request sa akin kasama na din doon si Kio kaya naman in-accept ko ito, nag follow back na din ako. Hindi ko naiwasang tignan ang profile niya kaya naman nag tingin ako ng mga post niya, puro pag lalaro ng tennis ang nasa post niya. May picture din silang tatlo ni Ray at Yvo tapos ang iba ay sila na ni Yvo. Tinignan ko ang post niya na kasama si Yvo, nakatag siya. Mabuti nalang naka public. Y @mglyvo. __thomasian//tennis player//engr. Post-20 Followers-3,050 Following-300 Tinignan ko ang profile photo niya, naka suot siya dito ng hard hat. Mukha talaga siyang engineer dito. May story siya pero hindi ko nalang titignan, baka lumaki ang ulo kapag nakita niya na tinignan ko ang story niya. Walang pakealam akong nag scroll sa mga post niya, puro buildings, medal, tennis mates niya at silang tatlo ni Razel at Kio. Nag scroll ako pabalik at natigilan ako sa tatlong picture na mag kahanay, ako ba 'to? Pinindot ko ang litrato at nakitang ako nga ito! Yung isang picture ay nasa A.venue kami sa may makati, naka side view ako dito. Ang isa naman ay nakapikit ako, teka bakit blanket niya yung hawak ko. Napahawak ako sa bibig ko, kinuhaan niya ba ako ng picture sa sarili niyang kwarto? Mabuti nalang naka side view ako. Tinignan ko yung huling picture at ito yung nasa pre-concert. Naka side view ako dito, nakangiti. Tinignan ko ulit ng mabuti ang mga picture ko hanggang sa nahagip ng mata ko ang mga caption nito. My view.. With her.. Maybe the night, holds a little hope for us... I blinked my eyes twice, the captions warmed my heart. "My view, with her and maybe the night holds a little hope for u-us," I whispered. Damn his giving me a mixed signal
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (35)
Atchel Zeque
I like the way how you become stronger and brave to go forward to achieve your dreams.I wish to achieve my dreams like how you did.I admire you.
I like the way how you become stronger and brave to go forward to achieve your dreams.I wish to achieve my dreams like how you did.I admire you.
29/07/2022
0nice
14/10/2024
0thank you
04/09/2024
0Tingnan Lahat