She wanted to rub out that crinkle. Bigla din niyang binawi iyon kaagad nang marealize ang krimen na nagawa niya. She needs to leave. Baka anong kagagahan na naman kasi ang pumasok sa sistema niya. Mahirap na. Dahan-dahan siyang humakbang paatras. Maingat na maiwasang magising at maistorbo ang pagtulog nito. Muli siyang napangiti. Ayaw man niyang aminin pero kinikilig siyang makita ito ng malapitan. Kinagat niya ang labi at huminga ng malalim upang kahit paano ay tumino-tino ang pagtibok ng puso niyang nagpe-pyesta na sa saya. Ang babaw niya, nakakainis lang. Ngiting-ngiti siyang bumalik kay Jia. Nagtataka itong natagalan siyang nakabalik. Ang sabi niya, nakipagkwentuhan lang siya sandali kina Nanay. Ngunit sa itsura nito, hindi naman ito naniniwala sa sinasabi niya. “Yung totoo, Sierra, saan ka galing?” “Diyan lang sa likod ng kusina niyo.” Tinaasan siya nito ng kilay. “At sa tabi-tabi.” Dugtong niya. Hindi nito inalis ang itsura nitong nagdududa. “Fine. I came from your garden.” “At bakit naman aber?” “Namiss ko yung puno niyo.” Natatawang sagot niya. Namiss naman talaga niya. Pati na yung lalakeng mahilig matulog doon. Ipinagpatuloy na nila ang paglilinis. Matapos iyon, ay nagpaalam si Jia na maliligo lang at magpapalit. Nanlalagkit na daw ito sa itsura nito. Kaya siya namang naiwan ay ibinalik na ang mop sa likod ng kusina nang mga ito at pilyang bumalik muli sa garden. Masama bang magbakasakaling tulog-mantika si Jei? Malay ba niya kung na-stiff neck na ito roon. Pupunta lang siya roon upang tingnan kung hindi pa bali ang leeg nito. Nagpapaka-matulunging kababayan lang siya. Napahagikgik siya. Neknek mo, Sierra. Pagdating niya roon, ang ngiting-ngiti niyang mukha ay napalitan ng pagtataka. Nagpalinga-linga siya paligid ngunit wala ni anino ni Jei roon. Hala! Nasaan na yon? Lumapit pa siya sa puno kung saan niya ito iniwan lang kanina. Naroon lang ito kanina e. Nasaan na nagpunta iyon? Hindi naman nila ito napansing dumaan sa sala. Hindi rin niya ito nakita sa kusina. Hindi naman pwedeng nagtatago ito sa ilalim ng lupa. Hindi naman ito engkanto. Nang-eengkanto lang. Kasi, kung bakit siya ganoon nalang kung mahumaling rito, kahit pa sinusungitan siya nito ay walang dudang naeengkanto nga siya. No doubt, she was under his spell. Sa huli, napabuga nalang siya ng hangin at napatingala roon. Muntik na siyang mapasigaw nang makita roon sa itaas si Jei. “J-Jei!” Bulalas niya. Nakatingin lang ito sa kanya na may halong pagdududa. “Bakit nandyan ka?” “Ikaw? Bakit nandyan ka?” Balik tanong nito. Bigla siyang napadiretso ng tayo at naglilikot ang paningin. Humalukipkip pa siya upang ipakita ritong balewala ang presensya nito at hindi siya kinakabahan. “N-nauna akong magtanong. Saka ginulat mo ko.” “Tinakot mo naman ako. Akala ko kung sinong dwende yang nasa baba. parang may hinahanap ka pa.” Nagpanting ang tainga niya. She pursed her lips. Namaywang siya ritong nakatingala. “Well, akala ko may kapre na diyan sa puno ninyo. Wala akong hinahanap. At kung may hahanapin man ako, siguradong hindi ikaw yun. Kaya wag ka nang mapraning diyan na sa tuwing nakikita mo ko e, parang pipikutin kita.” “Wala na kong sinabi.” Maikling sagot nito. Dumaan ang katahimikan matapos iyon. Agad na gumana naman ang isip niya nang kahit anong mapag-uusapan. Nakakailang kasi kung magtitigan lang sila doon. Baka bigla siyang mapaamin na hinahanap nga niya ito. “May bunga pa ba ng mangga diyan? Pakipitas naman ako. Tutal naman nandyan ka na sa taas. Hindi ko na kailangang umakyat. Saka kapag umakyat ako diyan, baka isipin mo na naman, sinusundan kita—“ “Wala na.” Putol nito sa malanobela pa niyang script. “Ha?” “Wala ng bunga.” Napangiwi siya. Halata naman kasing ayaw siya nitong kausapin o ang kahit makinig sa bibig niyang hobby ang gumawa ng ingay. “Okay. Pero marunong ka palang umakyat ‘no? Akala ko kasi, kaya parang laging galit ka sakin, bukod sa iniisip mong rapist ako, manyakis, o kahit na anong salitang related doon sa mga nabanggit ko, akala ko naiinggit ka lang sa akin kasi marunong akong umakyat ng puno. Baka kako, kahit pinakamababang sanga niyang puno, hindi mo pa maabot—“ “I can climb. Hindi lang talaga ako tulad mong hobby ang umakyat sa kung saan-saang puno. I’m not a monkey, afterall.” Maa-amaze na sana siya sa mahabang linya nito kung di lang sana siya nito pinaringgang unggoy siya. “Nang-iinsulto ka ba?” Tumaas ang kilay niya. “Saan banda kita ininsulto don?” “Somewhere between, hindi mo ko katulad na hobby ang umakyat sa kung saang-saang puno at hindi ka monkey afterall. Judgemental mo naman Mr. Romano.” Sumimangot siya. “You misinterpreted.” Sagot nito at nagkibit-balikat. Inirapan naman niya ito. “Palusot pa.” Bulong niya. Nang sulyapan niya ito ay parang satisfied pa itong nainis siya sa pinagsasabi nito. Kung ito naman kaya ang inisin niya? Walang sabi-sabing umakyat siya sa puno ng manggang iyon na ikinagulat nito. Tila bigla itong nagpanic at nawala ang composure. She sticked her tongue out to him. Bahala itong mapraning sa kanya. “What are you doing?” Natatarantang tanong nito. “Climbing.” Sagot niya. Nang malapit na siya rito ay tumigil siya sandali rito at tumingin. “May problema ka ba don, Eijiro?” “Matutumba itong puno, bumaba ka nga.” Inis na wika nito. Hindi niya ito sinunod bagkus ay umakyat pa siya’t lumapit sa kinauupuan nitong sanga. Bago pa niya maabot ang kinaroroonan nito. Kusa na itong bumaba sa kabilang sanga, sabay talon paibaba. Kahit paglanding nito, perpekto. Ang sarap lang batuhin ng bato. “O? Ba’t bumaba ka na? Natatakot ka na naman bang pipikutin kita? Hello! Wala naman kaya akong gusto sayo! Hindi nga ikaw ang type ko, remember?” “You can keep the damn tree, for all I care.” Akmang tatalikuran siya nito nang muli niya itong tinawag. She doesn’t want him to leave, yet. Gusto pa niya itong kausapin. Gusto pa niyang titigan ang gwapong mukha nito. Basta wag lang silang mag-a-eye to eye at baka mawala na naman siya sa tamang huwisyo. “Aalis ka na agad? Takot ka sakin ‘no?” Tukso niya rito. Hindi siya nito pinansin at pinagpag lang ang mga kamay habang nakatalikod pa rin sa kanya. “Siguro may crush ka sakin ‘no? Kaya ganyan ka nalang magsungit. Ako lang pala, type mo, Jei a.” Binuntutan pa niya iyon ng nakakalokong tawa. Nakasimangot na nilingon siya nito. Tiningala siya nito mula sa kinatatayuan niyang sanga. “Dream on.” Hahaha. Tagos yun pre. Sa itsura nito mukhang napikon na talaga ito sa kanya. Kaya naman siya naman itong nataranta. “Uy, uy sandali! Joke lang. Pikon agad!” Sigaw niya dahil sa itsura nito ay mukhang hindi talaga nito nagustuhan ang sinabi niya. Hindi ito nagsalita. Nang tatalikuran siya nitong muli ay muli rin siyang nagpanic. Umayos siya ng tayo at humablot ang kamay niya sa isang tangkay upang makapagbalance. Hala! Galit na naman sa kanya si Jei! “Uy, Joke lang! Jei, joke—Aaay!” Napasigaw siya nang maputol ang hinahawakang sanga. Oh shet. Naramdaman niya ang pagbagsak niya. Nauntog din ang noo niya. Nakarinig pa siya ng napaigik nang dahil doon. Na-déjà vu ata siya nang sa pagdilat ng kanyang mga mata ay tumambad sa kanya ang nakapikit na mukha ni Jei. Nakadikit ang noo niya sa noo nito at ang ilong nila ay halos magkadikit na. Napatitig siya sandali sa nakapikit na mga mata nito. Mariin ang pagkakapikit niyon. Malakas na napasinghap siya at natauhan nang mapansin ang nangyayari. She fell right into Jei. Again.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (217)
camaracharlen
the story is good and the author is very talented in writing stories.
the story is good and the author is very talented in writing stories.
20/01/2022
0nice
12/09/2025
0nice
12/09/2025
0Tingnan Lahat