KABANATA 25.6: Salubong

NAGISING naman sina Keisha at Nikka, agad nilang hinagilap sina Ryan at JK ngunit wala ang mga ito.

Nakita naman nila si Claire na naghahanda sa lamesa na agad silang napansin.

“Ay, umalis pala sila Ryan at ang iba pa. Pumunta sila sa food factor—” Wika ni Claire.

“Ano!?” Gulat na turan ni Nikka

“Pero bakit? Masyadong delikado.” Dagdag pa ni Nikka

“Nik, chill marami sila and may dala rin silang armas. Kaya huwag ka nang mag alala, mabuti pa halika na kayo at kumain na tayo.” Paliwanag ni James habang sinusubuan si Lam.

“Gusto ko po ng egg” turan pa ng bata na itinuro ang itlog.

“Ay here, sure.” Nakangiting iniabot ni Rajina ang itlog sa bata.

“Dito na kayo umupo,” wika naman ni Rajina sa dalawa na pinaunlakan naman nila Keisha at Nikka.

Tatabi pa sana si Claire kina Keisha ng bigla ay tignan ito ni Keisha kaya’t mabilis ring lumipat si Claire sa tabi ni James. Ramdam pa rin ang tension sa pagitan nila Keisha.

Ilang saglit pa ay tahimik na silang nag-umagahan.


MAHIGIT LIMANG oras na nang makarating sila sa food factory. Tahimik na ang lugar, bakas pa rin ang nangyari nang huling makasagupa nila ang mga bandido.

Isa isang bumaba sina Ryan sa bus at alertong nakikiramdam sa paligid. Agad silang pumasok sa factory nakita nila ang ilang mga walker na nasa loob.

Halos masuka naman si Fred at Ken dahil sa nakakasulasok na amoy mula sa mga nabubulok na patay.

Dahan dahan silang lumapit sa mga walker st pinagsasaksak ang mga ito sa ulo nang masiguradong patay na ang mga ito ay agad silang dumeretso sa storage room at doon ay tumambad sa kanila ang napakaraming karton ng pagkain.

“Yes!” impit na sigaw ni Fred ng makita ang mga ito.

“Napakarami,” Di makapaniwalang sambit ni Alfelo.

Masaya namang nagkatinginan sina Ryan, Aries, Vincent at Carum. At ilang sandali pa ay isa isa na nila itong hinakot patungo sa bus. Halos abutin din sila ng 4 na oras sa pag hahakot ng mga pagkain. Nang makuha ang mga ito ay saglit silang nagpahinga at kumain ng mga Biscuit.


ABALA NAMAN SA paglilinis sina Keisha at Nikka ng lapitan sila ni Rajina.

“Kamusta kayo?” bati ni Rajina sa dalawa.

“Ayos naman po ma’am.” Tugon ni Nikka na ngumiti pa sa ginang.

“Nalulungkot ako sa nangyari sa inyo before at sa pagka wala ni Sunny. Pero you know Claire is a very good friend, maybe nung time na yun wala siyang choice kundi gawin ang desisyon na iyon na sinubok yung pagkakaibigan niyo.” Saad ni Rajina.

Tahimik naman na napayuko sina Keisha at Nikka saka napasulyap sa bintana kung saan naroon sina James at Claire na abalang nakikipag laro kay Lam.

-

“TIBA TIBA na tayo dito.” Wika ni Mang Berting habang nakaupo sa labas ng isang sasakyan.

“Tatagal talaga ito ng isang taon.” Saad pa ni Carum na kumakain ng biscuit.

“Mabuti pa magready na tayo madilim na.” wika pa ni Aries na agad na ring tumayo.

Akmang maglalakad na sila patungo sa bus ng makarinig sila ng sigaw sa di kalayuan.

“T-tulong! Tulong!” sigaw ng isang lalaki.

Mabilis silang napatingin sa direksyon nito, nagpapalakad takbo ang ginawa nito. Hindi nila makita ang mukha nito dahil madilim na at tanging liwanag mula sa buwan na lamang ang tanging naging ilaw nila.

“Tulungan natin siya” turan ni Alfelo na agad na naglakad patungo sa lalaki.

“Alfelo sandali!” Tutol pa sana ni Aries ngunit hindi na nakinig pa si Alfelo.

Nang makalapit si Alfelo sa lalaki ay napayakap ito agad sa kanya.

“Ayos ka lang ba?” tanong ni Alfelo sa lalaki.

Lalapit rin sana si Carum sa dalawa ng mapansin niya ang kaluskus sa paligid.

“Oo Ayos lang ako.” Wika ng lalaki saka bigla na lamang sinaksak si Alfelo ng maka ilang ulit. Halos manlaki naman ang mga mata ng ginoo sa ginawa ng lalaki. Bumulwak naman ang mapulang dugo sa bibig ni Alfelo at ilang saglit pa ay bumulagta na ito sa lupa.

“Alfelo!” Sigaw ni Carum sa kasamahan.

“Takbo!” sigaw naman ni Carum sa mga kasamahan sabay takbo pabalik kina Aries, kasunod ng sigaw ni Carum ay ang paglabas ng iba pang kasama ng lalaki. Nagpaputok ang mga ito sa direksyon nila Aries at Vincent.

Mabilis namang nagtago sina Vincent sa likod ng mga sasakyan.

“Fuck!” sigaw ni Aries

“Kailangan nating makabalik sa bus.” Turan naman ni Ryan.

Narinig nila ang sasakyan mula sa grupo ng mga armado. Agad na sumilip si Mang Berting at nakita ang katagang “LOOTERS” sa sasakyan nito.

“Looters!” Sigaw ni Mang Berting sa mga kasama ngunit kasunod niyon ay ang pagtama ng bala sa mata nito. Na tumagos pa at tumama sa balikat ni John. Agad na bumulagta si Mang Berting sa lupa.

“Mang Berting!” sigaw ni Aries na mabilis na lumapit sa walang buhay na matanda.

“Aries halika na!” tawag ni Vincent sa lalaki.

“halika na pare!” tawag naman ni Carum na hinila ang braso ng lalaki.

“Mang Berting,” muling tawag ni Aries sa pangalan ng matanda habang hila siya ni Carum.

Mabilis na gumapang ang grupo patungo sa bus.

Isa namang ka grupo ng mga looters ang dahan dahang lumapit sa pinagtataguan nila Aries. Dala ang armas ay agad niyang itinutok ang hawak na baril ngunit wala na ang mga ito roon at tanging patay na katawan na lamang ni Mang Berting ang nakita.

Maya maya pa ay binuksan na ni aries ang makina at mabilis na pinaharurot ang bus paalis. Patuloy parin silang binabaril ng mga armadong lalaki. Hanggang sa tuluyan silang makalayo sa lugar.


“BOSS SUSUNDAN BA NATIN?” tanong ng isa mga armadong lalaki sa lalaking nagmamaneho ng sasakyan.

“Hindi na.” tugon ng lalaki na mataman pa ring nakataw sa papalayong bus.

SAMANTALA gigil namang pinagsusuntok ni Aries ang manibela ng bus.

Habang dahan dahan namang tinatanggal ni Vincent ang balang bumaon sa braso ni John.

“Arghh!” daing ni John dahil sa labis na sakit.

“Fuck!” galit na sigaw ni Carum na hindi napigilang mapaluha dahil sa labis na galit sa pagkawala nila Mang Berting at Alfelo.

“Nakuha nga natin ang mga pagkain pero, nalagasan naman tayo ng dalawa.” Turan ni Ken nanakatanaw sa bintana. Halos lugmok ang mga mukha ng lahat dahil sa labis na panghihinayang sa pagkawala nila Alfelo at Mang Berting.

NAKARATING NA SILA SA BAHAY NANG salubungin sila nila Jay, Claire, Rajina, Nikka at Keisha.

Nakayukong bumaba ng sasakyan ang mga ito, nakaramdam naman ng kaba sina Rajina ng makita ang dugo sa mga ito at sa akay akay ng mga ito na si John. Agad rin niyang napansin na wala sina Alfelo at Mang Berting.

“N-nasaan sila Mang Berting at Alfelo? Tanong ni Rajina bagamat alam na niya ang posibleng sagot ng mga ito.

Luhaang nagpailing naman si Carum sa ginang saka deretsong pumasok sa loob ng bahay. Napaluhod naman si Rajina kasunod ng impit nitong pag iyak. Agad namang lumapit sina Keisha at Nikka upang aluhin ang ginang.

Habang mabilis naman na umagapay si Claire ng makita si John na duguan.

“A-anong nangyari?” tanong ni Keisha kina Ryan.

“Nagkaroon ng engkwentro sa factory, naroon ang mga bandido at pinaputukan kami.” Pagki-kwento ni Ryan na napaupo sa tabi ni Rajina.

“Wala na talagang humanity, wala ng sinusunod na batas, naging praktikal na ang mga tao, handa na silang pumatay at wala ng kinikilalang diyos.” Mariing wika ni Vincent ng makalapit ito.

“Humanda sila, sisiguraduhin kong mapapatay ko sila pag nag krus muli ang landas namin.” Galit na sambit ni Aries.

Komento sa Aklat (228)

  • avatar
    Luuuuuuucccaaaasss

    Ang ganda ng story at medj nakakaiyak dn HAHA pero sana may update soon susubaybayan k po ito!<3

    08/05/2022

      0
  • avatar
    Gemma Depalan

    High quality and meaningful story! it's not just a horror but it is how people change when having difficult situations in their lives. sacrifices, betrayal and lies. wow! antalino! You Deserve my tip!

    12/12/2021

      1
  • avatar
    Analiza Rivas

    Ilang kabanata pa lamang ang nabasa ko ngunit ngayon pa lang ay masasabi ko na maganda ang nobelang ito. Maayos ang pagkakahabi ng mga pangyayari, malinaw ang karakterisasyon ng mga tauhan at kahit puno ng katatakutan ang mga kabanata ay hindi maikakailang iniugnay ng manunulat sa tunay na buhay ang ilang eksena o tagpo. Aabangan ko ang update ni Author...

    10/12/2021

      6
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo