Homepage/Fieldtrip (Road to Death) [TAGALOG]/
KABANATA 25.5: Paktorya
Napasinghap si Claire saka pinahid ang mga luha.
“Please, stay here mas safe dito. I’ll try my best to win you back, hindi ko kayo susukuan, hangga’t hindi niyo ako napapatawad.” Sambit ni Claire sa dalawa na tahimik lang na nakikinig sa kanya, saka inayos ang sarili at bumaba na ng sasakyan.
Nang makababa si Claire ay agad siyang kinamusta ng mga kasama, mapait na ngiti ang pinukol niya kasabay ng pag iling. Agad naman siyang niyakap ni Rajina at Ken.
“Its okay Claire, its okay.” Alo ni Rajina sa dalaga.
SA SALA AY AGAD namang nagkwentuhan ang dalawang grupo. Napansin nilang wala si Sunny. Habang abala sa pakikipag laro sina Rajina sa batang si Lam.
“Nasaan pala si Sunny pare?” tanong ni Ken kina Ryan at JK.
Napayuko naman ang tatlo ng marinig ang pangalan ni Sunny, agad namang naintindihan nila Vincent ang reaksyon ng mga ito.
“Anong nangyari sa kanya?” Mahinang tanong ni Azlan kay Ryan.
Sandaling tumitig si Ryan sa masayang nakikipag laro na si Lam.
“Nagsakripisyo para iligtas ang bata.” Tugon ni Ryan na bahagya pang itinuro ang bata.
Napatingin naman sina Jay, Fred at John sa bata saka hindi mapigilang mapaluha bg maalala ang kaibigan.
“Sinubukan namin maghanap ng mamakain ‘non, kaya pumasok kami sa isang convenience store, we heard him crying sa corner (Lam), and Sunny immediately open the light, and nakita namin na sobrang dami pala ng walker pero hindi nagpatinag si Sunny, he grabbed Lam and saved him, pero nakagat na siya, sinabi niya umalis na kami and he locked the door para iligtas na rin kami.” Kwento pa ni Ryan habang nakahawak sa batok pilit na pinipigilan ang daloy ng mga luha.
Napahagulgol naman si Claire at James habang magkayap.
“Sobrang proud kami sa kolokoy na ‘yon.” Wika pa ni James
“Akala ko puro kalokohan lang alam non, para tuloy siyang may anak na iniwan satin.” Pabirong saad naman ni Fred.
“Po-protektahan natin si Lam, no matter what happens.” Tyran naman ni John habang nakatanaw sa bata.
KINAGABIHAN.
Agad na hinatdan ng makakain ni JK ang mga kasama sa sasakyan, naabutan pa niyang naiidlip ang mga ito. Kaya’t marahan niyang ginising ang dalawa.
“Nik, Keisha. Gising na maghapunan na muna kayo.” Wika ni Jk dala ang dalawang mainit na mangkok ng special na lugaw na nilito ni Mang Berting.
Nang magising ang dalawa ay agad nilang kinuha ang mangkok.
“Babalikan ko kayo mamaya ihahanda lang namin ni James yung kwartong tutulugan natin.
Hindi naman sumagot sina Nikka at Keisha, dahan dahan nilang hinigop ang lugaw at nagkatinginan pa ng malasahan ito.
“Ang sarap,” nakangiting wika ni Keisha.
“Sobra, pakiramdam ko ngayon nalang ulit ako nakatikim ng totoong pagkain.” Dagdag pa ni Nikka na muling nilantakan ang hawak na mangkok.
Maya maya pa ay binalikan na sila ni JK para dalhin sa kwartong ihinanda nila ni James. Nag aalalangan man ay sumunod na lamang sina Keisha at Nikka sa binata.
SA LOOB ng bahay ay nag uusap sina Aries para sa planong gagawin para bukas.
“Bukas pupunta tayo sa food factory, sigurado marami pang mga naiwang pagkain doon.” Wika ni Aries
“Ang ikinakatakot ko baka meron pang mga bandido doon,” Nag aalalang sambit ni Claire.
“Nilusob nang napakaraming walker ang factory sa tingin ko wala na sila doon.”
“Maghahanda pa rin tayo para sigurado.” Wika naman ni Aries
“Kapag nakuha natin yung mga nakatago sa storage room, pwede iyong tumagal hanggang isang taon.” Dagdag pa ni Ryan sa mga kasama, kita niya ang pagka mangha sa mga mukha nito.
“Sige kung ganon, magpahinga na tayo paea makapaghanda pars bukas.” Turan ni Aries na tumayo na at nagtungo sa kwarto ganun din naman ang mga kasama nito.
Naiwan naman sa sala sina Ryan, Vincent, Jay, Fred at Azlan.
“Sigurado ba kayo sa desisyon niyo bukas?” tanong ni Jay.
“Oo Jay, kailangan natin yun para magsurvive tayo sa buong taon.” Saad ni Vincent.
“Mabuti pa’t magpahinga na tayo, maaga tayong aalis bubukas.” Turan ni Ryan at tumayo na. Sumunod naman din sa kanya sina Azlan, Vincent at Jay.
KINABUKASAN maaga silang gumising para maghanda sa kanilang pag alis.
Ihinanda naman nila Fred, Jay, at Jk ang mga gagamitin nila sa pag alis. Agad nila itong inilagay sa bus.
“Sige ho, Aalis na ho kami.” Paalam ni Aries.
“Mag iingat kayo mga ijo.” Paalala naman ni Mang Berting
“Sige po, Mang Berting.” Paalam nila Ken na sumakay na sa bus.
Magkakasama sina Aries, Carum, Alfelo, Ryan, John, Vincent, John Kenneth, Ken, Azlan, Fred at Mang Berting.
Habang naiwan naman sina Jay, Claire, Rajina pati na sina Nikka at Keisha na na hindi alam ang pag alis nila Ryan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (229)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Ang ganda ng story at medj nakakaiyak dn HAHA pero sana may update soon susubaybayan k po ito!<3
08/05/2022
0High quality and meaningful story! it's not just a horror but it is how people change when having difficult situations in their lives. sacrifices, betrayal and lies. wow! antalino! You Deserve my tip!
12/12/2021
1Ilang kabanata pa lamang ang nabasa ko ngunit ngayon pa lang ay masasabi ko na maganda ang nobelang ito. Maayos ang pagkakahabi ng mga pangyayari, malinaw ang karakterisasyon ng mga tauhan at kahit puno ng katatakutan ang mga kabanata ay hindi maikakailang iniugnay ng manunulat sa tunay na buhay ang ilang eksena o tagpo. Aabangan ko ang update ni Author...
10/12/2021
6Tingnan Lahat