Homepage/Fieldtrip (Road to Death) [TAGALOG]/
KABANATA 25.4: Pag Alis
SAMANTALA nakarating na si JK sa kasalukuyang tinutuluyan nila at ng mga kasama. Agad siyang sinalubong nila Nikka at Keisha.
“Guys we need to go,” Masayang wika ni JK sa mga kasamahan.
“W-what? But why?” maang na tanong ni Nikka sa binata.
“Basta, nasaan sina James at Lam?” tanong ni JK sa dalawa.
“Nasa loob, but wait lang muna JK, bakit? saan tayo pupunta? And nasaan si Ryan?” Sunod sunod na tanong naman ni Keisha.
Pumasok naman ng kubo si Nikka para tawagin sina James at Lam.
“Basta, sumama nalang kayo sakin, dali guys!” walang pagsidlang saya ni JK
“Saan naman tayo pupunta JK?” bungad ni James habang buhat buhat ang naiidlip na si Lam na walong taong gulang.
“Sakay na kayo ni Lam, James.” Turan ni Jk na binuksan na ang pinto ng sasakyan.
Agad namang sumakay sina James, Nikka at Keisha. Hindi naman na nagranong pa ang tatlo hanggang sa makaalis sa lugar.
Umabot ang biyahe nila ng mahigit dalawang oras. Nakaidlip ang tatlo maliban kay Lam na nagising na sa biyahe.
“Guys, gising na. We’re here.” Nakangiting gising ni JK sa mga kasama.
Pupungas pungas namang bumaba ng sasakyan apat, at bumungad sa kanila ang isang bahay na may kalakihan.
“Kuya Jk, dito na po ba tayo titira?” inosenteng tanong ni Lam sa binata.
“Sa tingin ko oo Lam, nagustuhan mo ba?” Nakangiting tanong ni Jk sa bata.
Tumango tango naman ang bata bilang tugon.
Agad namang lumapit si Jk sa gate at binuksan ito. Tumambad sa kanila ang mga pananim na gulay at ilang mga bulaklak.
“Wow, Ang ganda dito Jk.” Manghang wika ni Nikka habang naglalakad sila patungo sa pinto ng bahay.
Nasa pintuan na sila ng kumatok si Jk, at maya maya lang ay bumukas na ito.
“C-claire.”
Nanlalaki ang mga mata nila Nikka, Keisha at James ng makita si Claire, sa likuran naman nito ay naroon at masayang nakatanaw sina Vincent, Azlan, Ken, John, Jay at Fred mayroon ring ibang tao na hindi naging pamilyar kina Nikka.
“JK..” Tawag ni Nikka sa kaibigan. Hindi naman malaman ni Nikka ang magiging reaksyon sa pagtatagpo nilang muli nakakaramdam siya ng saya, galit at sakit sa pagkikita ng mga dating kasamahan.
“Nikka, I’m glad na oka—” gindi na natapos ni Claire ang sasabihin ng bigla ay tumakbo pabalik ng sasakyan si Nikka.
“Nikka, Wait!” Tawag pa ni JK sa dalaga.
Napatingin naman si Vlaire kay Keisha ngunit nagpukol lang ito ng masamang tingin saka umalis at sumunod kay Nikka sa sasakyan.
“Keish—” Tawag muli ni Jk sa Keisha ng sumunod ito kay Nikka.
“H-hayaan mo na Jk.” Awat ni Claire sa binata saka mapait na ngumiti.
“Hayaan nalang muna natin sila, sa tingin ko dinadamdam pa rin nila yung nangyari dati.” Saad naman ni James na lumapit kay Claire,
Mahigpit naman siyang niyakap ng dalaga. At hindi na napigilang umiyak habang yakap si James.
“I-I’m sorry James, I’m sorry dahil iniwan ko kayo doon at walang nagawa para iligtas kayo.” Umiiyak na wika ni Claire.
“Sssh, tahan na, naiintindihan kita Claire. Alam ko na hindi mo ginusto na iwanan kami doon.” Usal naman ni James na mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa dalaga.
Lumabas naman si Ryan at pinuntahan sina Keisha at Nikka sa sasakyan.
“Nik, Keish..” tawag ni Rayan sa dalawa na pilit pinipigilan ang pagpatak ng mga luha.
“Ryan ano to? Bakit hindi niyo man lang kami sinabihan? After ng ginawa nilang pag iwan satin sa noon. Ano ganon na lang yon?” Galit na sambit ni Nikka.
“Hindi nila kasalanan na makulong tayo doon, naipit lang din sila sa sitwasyon. Sana maisip niyo na hindi nila ginusto na iwan tayo ‘don Nikka. Sobrang mapanganib sa kanila kung mananatili sila don para satin. Pwede silang mapahamak nik sa dami ng walker na nandoon hidi malabong malagasan sila once na manatili pa sila.” Paliwanag ni Ryan
“Ganon lang yon sa inyo Ryan? Na kalimutan na they betrayed us!” Giit pa ni Keisha na tuluyan nang pumatak ang mga luha.
“Please, lets give them a chance Nik, Keish, mas marami tayo mas malakas ang team.” Sumamo pa ni Ryan.
“Okay naman tayo nung tayo-tayo lang ah, nag survive tayo without them, we don’t need them!” Galit pa ring wika ni Keisha.
Lumapit naman si Claire sa grupo at hinarap muli ang dalawa.
“Ryan, gusto ko sana silang makausap ng kami kami lang.” Paalam ni Claire sa binata.
“Are you sure?” nag aalalang tanog ni Ryan sa dalaga na agad namang tumango. Saglit namang sumulyap si Ryan kina keisha at Nikka saka tuluyang umalis.
Pumasok naman si Claire sa sasakyan at tumabi kay Keisha habang si Nikka naman ay nakaupo sa front seat.
“I Don’t know, kung pano ako magsisimula. But I swear to God hindi ko ginusto na iwan kayo sa theatre.” Pagsisimula ni Claire ngunit nanatiling tahimik ang dalawa.
“Gustong gusto ko kayo tulungan I even asked Vincent and John to help me na tulungan rin kayo. Pero sobrang dami ng walker na papunta samin ‘non. At sobrang natatakot si Vincent na baka mawalan nanaman siya ng mga importanteng tao sa buhay niya. He told me na naniniwala siyang kaya niyong mag survived without our help.” Paliwanag ni Claire na hindi tumitingin sa dalawa.
“We don’t need your explanation Claire, you betrayed us! The fact na hindi niyo kami binalikan is enough, not to trust you ever again.” Giit ni Keisha na matamang tinitigan ang dalaga.
“K-keisha,” tanging nasambit ni Claire.
“Claire, please umalis ka na.” Wika ni Nikka na hindi tumitingin sa dalaga.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (229)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Ang ganda ng story at medj nakakaiyak dn HAHA pero sana may update soon susubaybayan k po ito!<3
08/05/2022
0High quality and meaningful story! it's not just a horror but it is how people change when having difficult situations in their lives. sacrifices, betrayal and lies. wow! antalino! You Deserve my tip!
12/12/2021
1Ilang kabanata pa lamang ang nabasa ko ngunit ngayon pa lang ay masasabi ko na maganda ang nobelang ito. Maayos ang pagkakahabi ng mga pangyayari, malinaw ang karakterisasyon ng mga tauhan at kahit puno ng katatakutan ang mga kabanata ay hindi maikakailang iniugnay ng manunulat sa tunay na buhay ang ilang eksena o tagpo. Aabangan ko ang update ni Author...
10/12/2021
6Tingnan Lahat