Homepage/Fieldtrip (Road to Death) [TAGALOG]/
KABANATA 25.3: Dating Kasama
MABILIS pa rin ang pagmamaneho ni Fred sa sasakyan hangang sa umabot sila mataas na pader kung saan nakasulat ang mga katagang END.
Mabilis na nagpreno si Fred ng makarating sa harang na pader. Kasunod niyon ay ang paghinto ng nakasunod na sasakyan sa kanila.
“We are so dead.” Sambit ni Fred saka binuksan ang pinto ng sasakyan.
“what the fuck are you doing!?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Jay kay fred.
Hindi naman pinansin ni Fred ang sinabi ng kaibigan bagkus ay dhan dahan siyang bumaba at itinaas ang mga kamay.
Bumukas naman ang magkabilang pinto ng sasakyang nakasunod sa kanila. Saka bumaba ang dalawang tao na nakabalot ang mga mukha.
“F-fred?” wika ng lalaking nababalutan ang mukha.
Agad namang napatingin si fred sa lalaki. Nagtatanong ang mga mata.
“Kilala mo ko?” tanong ni Fred sa lalaki.
Sa narinig, dahan dahang bumaba si Jay mula sa sasakyan.
Hinubad naman ng lalaki ang tabon sa mukha. At nanlaki ang mga mata nila Jay at Fred ng makilala ito.
“R-ryan?” Sambit ni Fred sa pangalan nito.
“Ako nga” tugon naman ni Ryan na agad napangiti.
Hinubad naman ng isa pang kasama ni Ryan ang suot na tabon.
“John Kenneth?” Turan naman ni Jay na agad niyakap ang binata.
Masayang nagyakap ang apat. Nang kumalas si Fred ay agad siyang nagtanong kay Ryan.
“Oh, my god Ryan, akala namin mga bandido kayo.” Wika ni Fred na napahawak pa sa dibdib.
“Ganun din ang iniisip namin, that’s why we chase you.” Wika naman ni Ryan na natatawa pa.
“Akala namin katapusan na namin, jeeez.” Singit naman ni Jay na napahiga pa sa harapang bahagi mg sasakyan.
Ilang sandali lang ay dumating na sina Vincent at mga kasama nito. Agad na bumaba sina Vincent dala ang armas kasunod ang grupo.
Sinalubong naman sila ng mga nakangiting sina Jay at Fred, sumunod naman sina Ryan at John Kenneth sa dalawa. Sandali namang napahinto sina Vincent, Azlan, at Ken.
“R-ryan, JK.” Sambit ni Vincent. Ngumiti naman sina Ryan at John Kenneth sa mga ito.
Hindi makapaniwalang tumakbo sina Ken, Azlan at Vincent patungo kina Ryan at JK. Saka mahigpit itong niyakap.
“Pare! Buhay kayo.” Manghang nawika ni Vincent sa mga ito.
Nang magkalas ay agad na kinamusta ni Vincent ang mga ito.
“Masaya akong makita kayo ng maayos. Pero paano kayo nakaalis sa lugar.” Tanong ng binata.
“Mahabang kwento pare,” wika naman ni JK
“Oo nga pala sina Aries at Carum. Sila yung tumulong samin para makaalis sa lugar na iyon.” Pagpapakilala ni Vincent sa mga kasama.
“Kamusta pare?” tanong ng dalawa sa kanila na nakipag kamay sa mga ito.
“Ayos lang pare,” tugon ni Ryan sa kanila.
“Mabuti pa umuwi na tayo, matutuwa sina Claire at John kapag nakita kayo.” Wika ni Azlan sa dalawa sabay akbay sa mga ito.
Akmang papasok na sa sasakyan sina Vincent ng bigla silang tawagin ni Jay.
“Vincent, yung sasakyan pala, nasira namin yung disc ng sasakyan di na namin mahinaan yung volume.” Wika ni Jay na napakamot pa sa ulo.
Napapailing na lumapit sina Vincent at Azlan sa sasakyan para tignan ito. At ilang saglit pa ay tumigil na sa pagtugtog ang sasakyan.
HINDI NAMAN MAAWAT si Claire na nagpapabalik balik ng lakad.
“Ija huminahon, nakakasigurado akong ayos lang sila Jay at Fred, lalo na’t naroon na sina Vincent.” Payo naman ni Mang Berting sa nag aalalang dalaga.
“Pasensya na po, hindi ko lang po kasi maiwasan na mag alala para sa kanila.” Wika naman ni Claire habang patuloy sa paglalakad sa loob ng bahay.
“Huwag ka na masyadong mag alala Claire, for sure nasiraan lang yung mga ‘yon.” Singit pa ni John habang nag nagpapatulis ng army knife.
“Claire, mabuti pa umupo ka na muna, at akoy nahihilo na na rin sa pagpapalakad lakad mo,” Turan naman ni Rajina sa dalaga.
“Ba’t kaya ang tagal nilang dumati—” Hindi na natuloy pa ni Claire ang sasabihin ng biglang makarinig ng busina sa labas.
“Oh’ nariyan naman na pala sila e “ sambit pa ni Mang Berting na nagpatiuna na sa pinto at binuksan iyon.
Agad namang sinalubong nila Claire ang mga dumating na kasamahan nang mahagip ng paningin niya sina Ryan at JK.
“Ryan?” manghang tanong ng dalaga na hindi makapaniwala sa nakikita.
Naluluhang ngumiti naman si saka sinalubong ng yakap ang dalaga.
“Oh my God, Akala ko wala na kana, kayo.” Wika ni Claire na napahagulgol dahil sa labis na tuwa.
“Nakaligtas kami sa theatre noong araw ding iyon.” Wika ni Ryan habang yakap pa rin ang dalaga.
“P-pare, totoo ba to?” turan naman ni John na di makapaniwala sa nakikita.
Nagkalas naman sina Claire at Ryan sa pagkakayakap, mabilis namang lumapit si John at hinawakan ito sa magkabilang balikat.
“Totoo ako pare, kamusta kayo?” tanong ni Ryan sa dalawa.
“We survive, salamat din sa grupo nila Aries dahil sa pagligtas samin nung araw na iyon.” Saad naman ni John.
“R-ryan sina Nikka at Keisha okay lang ba sila?” Tanong naman ni Claire sa binata.
“Okay lang sila Claire huwag kang mag alala sa kanila, kinuha na sila ni Jk. For sure papunta na sila dito.” Wika pa ni Ryan.
Nangislap naman ang mga mata ni Claire sa narinig.
“Mabuti pa sa loob na kayo magkwentuhan ijo. Halika pasok ka.” Anyaya ni Mang Berting kay Ryan.
“Salamat po,” wika naman ni Ryan na gumiyak na patungo sa loob.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (229)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Ang ganda ng story at medj nakakaiyak dn HAHA pero sana may update soon susubaybayan k po ito!<3
08/05/2022
0High quality and meaningful story! it's not just a horror but it is how people change when having difficult situations in their lives. sacrifices, betrayal and lies. wow! antalino! You Deserve my tip!
12/12/2021
1Ilang kabanata pa lamang ang nabasa ko ngunit ngayon pa lang ay masasabi ko na maganda ang nobelang ito. Maayos ang pagkakahabi ng mga pangyayari, malinaw ang karakterisasyon ng mga tauhan at kahit puno ng katatakutan ang mga kabanata ay hindi maikakailang iniugnay ng manunulat sa tunay na buhay ang ilang eksena o tagpo. Aabangan ko ang update ni Author...
10/12/2021
6Tingnan Lahat