logo text

KABANATA 25.1: Huling Yakap ni Ina; Part 2

Isa isa nilang sinugod ang mga walker at ipinatumba ito.

“I’m so sorry, Jeeez!” Sambit ni Fred habang nasa likuran nila Azlan at John.

“Get your stupid @sS here! You dumbass!” galit na bulyaw ni John habang sinasaksak sa ulo ang isang walker.

Lumapit naman si Fred at binato ng delata ang isa sa mga walker na tinamaan sa mukha, pero natanggal lang ang balat at hindi natinag.

“Die! @ssHole!” sigaw ni Fred sabay sipa dito at nang matumba ay agad niya itong sinaksak sa ulo.

Halos napatay na rin nila Aries, Carum, Vincent, Alfelo, John, Azlan, at Fred ang mga walker at nag umpisa na silang kumuha ng mga pagkain at delata maging ng ilang battery at tubig.


SA LABAS naman ay halos sina Claire, Rajina at Berting lang ang umaatake sa mga walker.

“Jay! Ano ba? Huwag kang duwag!”Asik ni Claire sa binata na bakas ang labis na takot at kaba, nanginginig ito habang hawak ang tubo at sunod sunod na napalunok habang nakatanaw sa mga nakahandusay na walker.

“I-I c-can’t,” nanginginig na wika ni Jay.

Pitong walker na ang napapatay nila at isa na lamang ang hinihintay nilang lumitaw.

Ilang saglit pa ng lumitaw ang isa pang walker. Halos pagsakluban ng langit at lupa si Rajina, pakiramdam niya ay binuhusan siya ng napakalamig na tubig dahil sa nakita. Nanlaki ang mga mata ng ginang saka nanlulumong napaluhod sa sementadong daanan.

“Ma’am Rajina?” tawag ni Claire sa ginang.

Tila napako naman sina Jay, Claire at Mang Berting sa kinatatayuan habang nakatitig kay Rajina.

“A-anak k-ko,” sambit ni Rajina sa garalgal na tinig.

Lalo naman nanlaki ang mga mata ng tatlo sa narinig, muli nilang tinignan ang batang walker na patungo sa kanila. Malalim ang mga mata ng bata at pulang pula, may kagat ito sa pisngi, leeg, at magkabilang braso. May suot itong kwintas na hugis puso na siyang binigay ni Rajina sa anak.

Tumayo si Rajina at akmang tatakbo patungo sa anak upang yakapin ito pero maagap siyang pinigil nila Mang Berting at Claire.

“D-dianne, Anak ko! Dianne!” Sigaw ni Rajina na pilit kumakawala sa yakap nila Mang Berting at Claire.


MULA naman sa loob ng convenience store ay papalabas na sila Aries at mga kasamahan ng narinig nila ang sigaw ni Rajina.

“Si Rajina ba ‘yon?” Tanong ni Carum na napatingin kay Aries.

Hindi naman na tumugon si Aries at agad nang tumakbo palabas. Kasunod naman niya sina Vincent at iba pa.

Nadatnan nila sina Rajina na yakap nila Claire at Mang Berting.

“Anong nangyari?” tanong ni Aries kay Jay na nakatayo lang sa likuran nila Claire.

“Anak ata ni Ma’am Rajina yung batang walker.” Tugon ni Jay kay Aries.

Napahawak naman sa ulo sina Carum, John at Fred habang nagpapalipat lipat ng tingin kay Rajina at sa walker.

Dahan dahan namang lumapit si Aries kina Rajina at niyakap ito.

“Diane, Anak ko! Diyos ko.” Hiyaw ni Rajina sa pagitan ng pag iyak.

“Rajina, listen. Hi di na siya yung anak mo, alam mo yan. Wala na siya.” Sambit ni Aries na nakipag titigan kay Rajina.

Lalo namang napahagulgol si Rajina sa narinig, alam niyang tama si Aries. Naramdaman niyang binunot ni Aries ang baril mula sa tagiliran niya at hi di niya ito pinigil.

Muling tumingin si Aries kay rajina, nangingusap ang mga mata nito, tila naiintindihan naman ni Rajina ang nais sabihin ni Aries. Napapikit nalang ang ginang saka muling napaluhod at napahagulgol.

Itinutok ni Aries ang baril sa bata na isang metro na lamang ang layo sa kanila. Saka pinaputok ang hawak na baril sa ulo ng bata.

Kasunod ng pagbulagta ng bata ay ang mabilis na pagtakbo ni Rajina patungo dito, mahigpit itong niyaka ang patay na katawan nito.

“A-anak, D-dianne patawarin mo ang m-mommy.” Wika ni Rajina sa anak saka muli itong niyakap.

Hindi naman mapigilan nila Claire na mapaluba dahil sa tagpong nakita.

Mula naman sa likod ng convenience store ay nakita nila ang pagsulpot ng napakaraming walker na marahil sinundan ang putok ng baril.

“Rajina, Tara na! Nandiyan na sila!” wika ni Carum na hinawakan ito sa kamay.

“S-sandali lang please!” tutol ni Rajina saka muling niyakap ang walang buhay na anak, kinuha nito ang suot na kwintas na siya mismo ang nagbigay sa anak.

“Rajina, wala na tayong oras, kaya tara na!” Muling sambit ni Carum na labis ang kaba dahil sa papalapit na mga Zombie.

“Tara na!” sigaw ni Alfelo na natanaw sa kanila mula sa pintuan ng bus nasa loob na rin ang lahat at muli na ring binuksan ni Aries ang makina ng sasakyan.

Dahan dahang inilapag ni Rajina ang ulo ng anak sa lupa, saka marahang tumayo at sumakay sa bus. Nang makasakay ay tuluyan na silang umalis sa lugar.

“Ikinalulungkot namin ang nangyari sa iyong Rajina.” Malungkot na wika ni Mang Berting habang nakatingin sa nakatulalang si Rajina.

“K-kasalanan ko ang lahat, hindi ko siya naprotektahan, w-wala akong k-kwentang ina.” Mapait na sambit ni Rajina na hindi na napigilang mapahagulgol muli.

Mahigpit naman siyang niyakap ni Claire at Carum.

“Its not your fault po Ma’am Rajina,” pang aalo ni claire habang yakap ang ginang.

“K-kasalanan ko Claire, iniwan ko siya hindi ko siya hinanap. Kasalanan ko,” patuloy pa ni Rajina na halos maubusan na ng lakas.

Nakayuko naman sina Vincent, Azlan, John at Jay kasama si Alfelo habang nakikinig. Nakatayo naman si Ken sa tabi ng ginang habang may hawak na tubig at pamaypay.

“Tulad po ng sinabi ninyo sa akin, hindi rin po gugustuhin ni Dianne na makita kayong nagkakaganyan.” Saad pa ni Claire habang yakap ang ginang.

“Uminom na po muna kayo,” alok ni Ken na agad pinainom ang ginang.

Ilang saglit pa ay nanaig ang katahimikan, Isa isang nakatulog ang magkakaibigan. Maging si Rajina, tanging si Aries na lamang ang gising at nagmamaneho ng sasakyan.

“I’m sorry that I had to kill your child Rajina. Hindi ko gusto gawin iyon pero wala na akong ibang choice, patawarin mo ko.” Wika ni Aries sa kanyang isip.

Komento sa Aklat (229)

  • avatar
    Luuuuuuucccaaaasss

    Ang ganda ng story at medj nakakaiyak dn HAHA pero sana may update soon susubaybayan k po ito!<3

    08/05/2022

      0
  • avatar
    Gemma Depalan

    High quality and meaningful story! it's not just a horror but it is how people change when having difficult situations in their lives. sacrifices, betrayal and lies. wow! antalino! You Deserve my tip!

    12/12/2021

      1
  • avatar
    Analiza Rivas

    Ilang kabanata pa lamang ang nabasa ko ngunit ngayon pa lang ay masasabi ko na maganda ang nobelang ito. Maayos ang pagkakahabi ng mga pangyayari, malinaw ang karakterisasyon ng mga tauhan at kahit puno ng katatakutan ang mga kabanata ay hindi maikakailang iniugnay ng manunulat sa tunay na buhay ang ilang eksena o tagpo. Aabangan ko ang update ni Author...

    10/12/2021

      6
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata