logo text

KABANATA 25: Huling Yakap ni Ina; Part 1

LUHAANG BUMABA si Keisha ng sasakyan at sinalubong ang mga kasamahan, mahigpit na yakap ang sinalubong nang dalaga sa luhaang sina James at Nikka.

“W-wala na si Sunny, Keisha.” Humahagulgol na wika ni Nikka.

Hindi na rin nila napigilang mapaiyak sa labis na lungkot, napadako naman ang paningin ni Keisha sa batang lalaki na karga-karga ni Ryan.

“Iniligtas siya ni Sunny mula sa mga walker.” Pahayag naman Ryan na nakatingin sa mahimbing na natutulog na bata.

“Ipasok mo na siya sa loob umalis na tayo dito.” Sambit naman ni Nikka kasunod niyon ay pumasok na sila sa loob, kinuha naman ni Keisha ang bata mula kay Ryan at ipinasok na ang batang himbing pa rin na natutulog sa loob, si Ryan naman ang nagmaneho sa sasakyan. Binuksan na ng binata ang makina at pinaandar paalis ng lugar.

Habang bumabiyahe ay binuksan ni Nikka ang mga bag na pinag lagyan ng pagkaing nakuha. Inabutan ng dalaga ng tubig at dalawang biscuit si Ryan.

Ginising naman ni Keisha ang bata at si JK na natutulog.

“Kumain ka na muna JK, para makainom kana ng gamot.” Wika ni Keisha na inalalayan itong sumandal.

Sinubuan naman ni James ang bata na tila gutom na gutom. Napatingin dito si JK at takang napatitig kay Keisha at Nikka.

“Sunny save him sa market kanina.” Matipid na wika ni Keisha.

“Nasaan si Sunny?” tanong muli ni JK na nilibot ang tingin sa sasakyan.

Napayuko naman sila at pigil ang pagtulo ng mga luha, umiling si Nikka bilang tugon kay JK.

“B-bakit ganyan yung mga mukha niyo?” takang tanong ni JK sa mga kasama.

“N-nasaan s-si Sunny, N-nik?” nanginginig na muling tanong ni Jk sa dalaga.

“W-wala na si Sunny, p-patay na s-siya.” Sambit ni Nikka sa garalgal na boses.

“H-hindi, H-hindi yan t-totoo,” mahinang usal ni JK na sinundan ng mahihinang impit ng hagulgol.

Lumapit naman sina Nikka at James para yakapin ang binata. Hindi naman mapigilan ni Ryan ang maluha.


SAMANTALA binabagtas pa rin nila Aries ang City, habang lumalayo ay lumalantad sa kanila ang epekto ng apocalypse. Ang dating masayang lugar ay ngayo’y nabaabalot ng kaguluhan at lagim.

“Kailangan natin makahanap ng gasolina hindi na aabutin yung gas natin ng dalawang araw.” Wika ni Aries na hindi inaalis ang paningin sa daan.

“Mabuti pa huminto na muna tayo at maghanap ng makakain.” Suhestyon ni Rajina ng makita ang ilang stablisyemento sa lugar.

Nang huminto ang sasakyan ay agad nilang kinuha ang mga gagamiting sandata.

“Handa na ba kayo?” tanong ni Carum na naunang bumaba, naiwan naman sina Claire, Rajina, Jay at Berting sa bus para magmasid sa paligid.

Isa isa namang pumasok sina Vincent, Azlan, Ken, John, Fred, Carum, Aries, at Alfelo sa loob ng isang Car Equipment Store.

Nagmadali silang kumuha ng mga gagamiting gamit incase na masiraan sila.

Kumuha si Alfelo at Aries ng apat na gulong para sa bus, sina Vincent, John, at Azlan naman ay kumuha ng mga gasolina at battery, habang sina Ken, Carum at Fred naman ay abala sa pagkuha ng mga tools na gagamitin sa pag aayos ng sasakyan. Mabilis nilang hinakot ang mga iyon at dinala sa bus.

“Bilis ah” bungad ni Rajina sa mga ito ng isa isa nang ipasok ang mga gamit.

“Buti nalang meron pang mga ganyan.”Turan ni Azlan sa babae.

“Tara, sa kabila naman tayo, baka may mga pagkain pa ‘don.” Anyaya naman ni Aries sa mga kasama.

Agad naman sumunod ang mga ito. At sabay sabay na pinasok ang isang convenience store.

Mula naman sa di kalayuan ay natanaw ni Mang Berting ang ilang walker na patungo sa direksyon nila.

“Diyos ko.” Bulong ni Mang Berting habang nakatanaw dito.

“Ano ‘yon Mang Berting?” tanong ni Rajina na napatingin sa tinitignan ng matanda.

“Oh, fvck!” Bulong ni Rajina

“Bakit, ano yu— ay p*tang*na.” Bulong ni Jay.

“Anong gagawin natin?” natatarantang tanong ni Jay kay Rajina.

“Mabuti pa, tawagin natin sina Vincent.” Suhestyon ni Claire na pilit kinakalma ang sarili.

“Sandali lang, Mang Berting sa tingin mo ilan sila?” Baling ni Rajina sa matanda na agad tinantya ang mga walker.

“Nasa walo sila Rajina,” Sambit ni mang Berting.

“Sa tingin ko kaya natin sila.” Wika ni Rajina na dahilan para manlaki ang mga mata nila Jay at Claire.

“Are you serious?” Bulyaw ni Jay sa babae.

“Are you scared? because yes I’m serious.” Naiinis na tugon ni Rajina kay Jay na agad napatayo ng tuwid.

“Of course not, hindi ako natatakot.” Matapang na sagot ni Jay.

“Then prove it.” Seryosong wika ni Rajina sabay hagis ng tubo kay Jay na akma itong sasaluhin ngunit hindi ito nasalo.

Binigay naman ni Rajina ang isang isang itak kay Claire habang kay Mang Berting naman ay dalawang kutsilyo.

Nagsimula na silang bumaba sa bus para maghanda sa pagdating ng mga walker. Agad silang pumwesto habang isa isang lumilitaw ang mga walker sa likod ng mga sasakyan.


SAMANTALA abala sa pagkuha ng mga delata sina Vincent at Azlan.

“Kailangan makahanap tayo ng battery para sa mga flashlight.” Wika ni Carum.

“Tama, Mahina na rin yung liwanag sa flashlight ko.” Dagdag naman ni Ken habang inaalog ang hawak na flashlight.

“How about buksan natin yung ilaw para mas madali nating makita?” Suhestyon ni Fred.

“Wait, Huwa—!” tutol pa sana ni Aries ngunit nabuksan na ito ni Fred.

Nanlaki ang mga mata nila ng bumungad sa harapan nila ang ilang mga walker mula sa kabilang dulo ng convenience store.

“Fvck me,” naibulong ni Fred sa sarili ng makita ang mga walker na kasalukuyang nakatanaw na sa kanila.

“Shit!” anas ni Aries na agad na hinanda ang kutsilyong hawak.

“Humanda kayo, mapapasabak tayo.” Wika ni Carum na inilabas na ang patalim ganun din ang ginawa ng iba pa.

Komento sa Aklat (229)

  • avatar
    Luuuuuuucccaaaasss

    Ang ganda ng story at medj nakakaiyak dn HAHA pero sana may update soon susubaybayan k po ito!<3

    08/05/2022

      0
  • avatar
    Gemma Depalan

    High quality and meaningful story! it's not just a horror but it is how people change when having difficult situations in their lives. sacrifices, betrayal and lies. wow! antalino! You Deserve my tip!

    12/12/2021

      1
  • avatar
    Analiza Rivas

    Ilang kabanata pa lamang ang nabasa ko ngunit ngayon pa lang ay masasabi ko na maganda ang nobelang ito. Maayos ang pagkakahabi ng mga pangyayari, malinaw ang karakterisasyon ng mga tauhan at kahit puno ng katatakutan ang mga kabanata ay hindi maikakailang iniugnay ng manunulat sa tunay na buhay ang ilang eksena o tagpo. Aabangan ko ang update ni Author...

    10/12/2021

      6
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata