logo text

KABANATA 15: Lagusan - Part 1

RUEL’S POV

“Ruel!” Dinig ko ang malakas na tawag sakin ni Jem ngunit wala akong magawa para tulungan siya.
Napapikit ako ng marinig ko ang mga daing niya, isang impit na sigaw muli ang aking narinig mula kay Jem kasunod non’ ay tanging mga ungol mula sa mga nilalang na iyon na lamang ang aking narinig.

“Pwede bang dito ka lang, I feel safe kapag malapit ka sakin, and thank you for saving my life ruel.” Wika ni Jem sakin.
Nginitian ko siya saka marahang hinawakan ang mga kamay at dinampian iyon ng halik.
“Hindi ako magsasawang iligtas ka Jem, I will do it even if saving you sends me to heaven.” Sambit ko sa kanya at nakangiting kinanta ang huling parte. Sandali pa ay napagmasdan ko ang napakagandang ngiti niya.

Muli ay nakaramdam ako ng labis na sakit ng maalala ang mga nangyari. At muli ay napahagulgol ako dahil sa sakit na aking nararamdaman.
“Jem, I’m sorry, I’m so so sorry.” Mahinang sambit ko kasunod ng impit kong pag iyak. Pakiramdam ko nawala na sakin ang lahat, ang bababeng pinaka mamahal ko wala na siya.
Dinig ko rin ang mga mahihinang iyakan ng mga kasama ko. Katulad ko ay alam kong labis rin silang nasasaktan.
Muli ay nakaramdam ako ng labis na galit para sa mga nilalang na pumatay sa babaeng pinaka mamahal ko. Naalala ko ang mga standing machine gun sa labas, gagamitin ko ito at papatayin ko sila.
Bumangon ako at sinimulang gumapang upang makahanap ng maaaring maging daanan palabas, buo ang loob ko na ipaghiganti si Jem.
“Ruel,” dinig ko ang tinig ni Jeric.
Ngunit hindi ko siya pinansin at mas pinili kong bilisan ang pahahanap ng lagusan palabas.


“RUEL,” tawag ni Jeric sa binata ngunit tila bingi ito at nagpatuloy sa paggapang
Bente minutos pa ang lumipas ng tuluyan ng makita ni Ruel ang liwanag mula sa labas ng camp base, mabilis siyang gumapang palapit roon, kasunod naman niya sina Jeric na nakaramdam rin tuwa.
Nang makarating sa lagusan ay sumulyap muna si Ruel sa labas, nakita niya ang mga sundalo mula sa harapan ng entrance na naka formation. Nahulaan niya ang gagawin ng mga ito na tinutok ang mga machine gun sa tapat ng pintuan, narinig niyang sumigaw ang sundalong tinatawag ng mga ito na Sgt.Maroso.
“FIRE!” Sigaw nito.
Natatanaw naman nila Jeric mula sa ibaba ang mga undead na kinakalampag ang pintuan at matitinis na tunog ng tama ng bala sa bakal na pintuan.
“Matagal pa ba yan pre?” tanong ni Paul kay Ruel na halata ang pagka balisa.
Ilang saglit pa ay narinig nila ang isang malakas na tila pagbagsak kasunod ng mga hiyawan na sinundan rin ng mga putok ng bala.
Tuluyan ng nabuksan ni Ruel ang vent at mabilis silang lumabas mula sa rooftop sa likod na bahagi ng camp base. Isa isa silang tumalon mula sa bubong na hindi rin naging kataasan.
Natanaw nila ang dalawang tower mula sa labas ng camp base. May mga sundalo sa itaas nito at abala habang nagpapaputok ng mga hawak baril.
“KILL ALL OF THEM!”
Sigaw na utos ng baritonong boses na siya namang sinunod ng mga sundalo.
Ilang saglit pa ay nakakita sila ng dalawang babaeng tumatakbo patungo sa kanila, alam nilang hindi to mga undead dahil maririnig ang paghingi nito ng tulong.
“T-tulungan niyo kami!”
Sigaw ng isang babae habang magkahawak kamay ng isa pang babae. Akmang tutulungan na sana ito ni Tisoy ng bigla ay nagpaputok ang mga militar sa direksyon nila.
Tinamaan naman ang isang babae sa likod na agad na ikina tumba nito.
“Ate!” sigaw ng isa pang babae
“U-uma-lis k-kana.” Hirap na sambit nito
“A-ayoko p-po, dito lang ako.” Tangging wika naman ng isa pa habang patuloy pa rin sa paghagulgol.
Napadako ang nga mata ni Tisoy sa sundalo na naglalagay muli ng mga bala sa hawak na baril. Mabilis niyang nilapitan ang babae at hinila ito palayo sa lugar.
“Kailangan na nating umalis, kung gusto mo pang mabuhay!” mariing wika ni Tisoy sa dalaga saka hinila ito.
“A-ate,” sambit ng dalaga habang tumatakbo ngunit patuloy pa ring nakatanaw sa kapatid.
Muli ay nakita niyang pinaulanan ulit ito ng bala.
“Hindi! Ate Iza!” Sigaw naman ng dalaga saka tuluyang napahagulgol.
“Kailangan na natin umalis!” Wika naman ni Tisoy na pilit hinihila ang dalaga.

“BILISAN niyo!” sigaw naman ni Garry sa dalawa na naghihintay sa na natatabunang canal pipe ang binata.
Agad na nagtungo si Tisoy at ang kasama nitong babae sa ilalim duon ay sandali silang huminto at nagpahinga kasama ang grupo. At nang makapasok ay ibinalik ni Garry ang mga tuyong sanga at dahon upang maitago ang lagusan, saka dinampot ang isang kahoy at sumunod na sa mga kasama.
“Muntikan na tayo don’ ah.” Sambit ni Tisoy na agad napasandal saka bumaling sa kasamang dalaga.
“Anong pangalan mo?” Tanong ni Tisoy sa babae habang habol ang paghinga
“Isabelle,” matipid na tugon nito sa binata.
“Huwag mo sana masamain yung itatanong ko, may kagat ka ba mula sa mga halimaw na iyon?” tanong naman ni Garry na naniniguradong ligtas sila.
Agad namang kinuha ni Paul ang cellphone at inilawan ang mga braso,likod at binti.
“W-wala.” Wika ni Isabelle
Dinig nila ang mga nakabi-binging sigawan at putok ng mga baril mula sa militar. Nakita rin nila ang pagtakbuhan ng mga tao patungo sa kakahuyan kasunod ang mga undead na pilit silang hinahabol.
Napaupo naman si Isabelle habang hawak ang magkabilang tainga at humagulgol.
“A-ate,” umiiyak na sambit ng dalaga.
Lumapit naman sina Grace at Jane upang aluhin ito.
“Shh, Tahan na. Ang mahalaga buhay ka, at kailangan nating mabuhay.” Wika ni Grace habang hinahawi ang likod nito.
“Kasalanan to ni papa! Kung hindi siya umalis! Kung hindi niya kami iniwan ni ate iza hindi sana mangyayari samin to!” Palahaw ni Isabelle
Nakaramdam naman ng awa sina Grace at Jane sa dalaga kaya’t niyakap nila ito.
“Shhh, tahan na isabelle,” alo ni Jane na awang awa sa dalaga.

Ilang saglit pa ay lumapit sa kanila si Ruel at nagwika.
“Kailangan na nating umalis at maghanap ng lagusan.”
Nagpatiuna ang binata sa paghahanap ng lagusan. Habang naglalakad ay naalala ni Grace ang nobyong si Galan kaya’t hindi niya mapigilang mapaluha.
“Grace, are you okay?” maagap na tanong ni Jane sa dalaga
“Uhm, Yes. Naalala ko lang si Galan.” Tugon naman ni Grace saka marahang ngumiti kay Jane.
“I just hope na we can just turn back the time.” Saad naman ni Kannah mula sa likuran nila.
“Para masabi at paiparamdam pa natin sa kanila how much we love and appreciate them.” Dagdag pa ng dalaga.
“I really wish that too Kannah,” sambit naman ni Grace.
“Life is short, but this situation makes life even more short.” Wika naman ni Kannah na sinundan ng pagak na tawa.

Komento sa Aklat (228)

  • avatar
    Luuuuuuucccaaaasss

    Ang ganda ng story at medj nakakaiyak dn HAHA pero sana may update soon susubaybayan k po ito!<3

    08/05/2022

      0
  • avatar
    Gemma Depalan

    High quality and meaningful story! it's not just a horror but it is how people change when having difficult situations in their lives. sacrifices, betrayal and lies. wow! antalino! You Deserve my tip!

    12/12/2021

      1
  • avatar
    Analiza Rivas

    Ilang kabanata pa lamang ang nabasa ko ngunit ngayon pa lang ay masasabi ko na maganda ang nobelang ito. Maayos ang pagkakahabi ng mga pangyayari, malinaw ang karakterisasyon ng mga tauhan at kahit puno ng katatakutan ang mga kabanata ay hindi maikakailang iniugnay ng manunulat sa tunay na buhay ang ilang eksena o tagpo. Aabangan ko ang update ni Author...

    10/12/2021

      6
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata