“Jenny!” tawag ko kay Jenny ngunit bigo ako na marinig ang tinig nito. “Jenny nasaan ka!?” muli ay tawag ko sa kanya. Ilang saglit pa ay napadako ang aking mga mata mula sa isang malaking puno, nakita ko si Jenny na nakaupong patalikod sa akin tila abala ito sa kung ano mang ginagawa. “Jenny..” muli ay tawag ko Sa kanya, dhan dahan naman itong pumihit paharap sa kanya. “No, Jenny…” ang tanging nasambit ko, nawalan ako ng balanse na siyang dahilan upang mapaupo ako sa lupa. Wakwak ang dibdib ni Jenny, at tuklap ang balat sa kanang mukha marahan itong tumayo habang kagat kagat ang kamay ng isang tao, at naglakad ng pagewang gewang palapit sa akin. “N-no, J-jenny..” Muli ay nasambit ko at hindi ko na nagawang makagalaw sa kinasasadlakan ng ilang saglit lang ay nasa harapan ko na siya. Nang akmang sasakmalin na niya ako ay mariin nalamang akong napa pikit ngunit isang tunog ng baril ang aking narinig. Nang magdilat ako ay nakita kong nakabulagta si Jenny sa harapan ko, may tama ng bala ang ulo niya. Ilang saglit pa ay naaninag ko ang grupo ng armadong militar. Isang malakas na palo mula sa likod ko ang tangi kong naalala saka tuluyang mawalan ng malay. “Kamusta siya?” wika ng isang baritonong boses. “As of now we checked all his vital signs and so far wala naman kaming nakitang any infection.” Paliwanag ng isang babae na nakatayo sa tabi ko. Marahan kong idinilat ang aking mga mata at nasilaw ako mula sa ilaw na nasa uluhan ko. “Oh, You’re awake.” Wika ng babae. “N-nasaan ako?” tanong ko ng maaninag siya sa harapan ko. “Nandito ka sa Military base,” sagot naman ng baritonong boses. Mabilis akong napatingin sa pinagmulan ng tinig, nakita ko ang isang lalaki na marahil ay nasa late 50’s na malaking tao ito at nakasuot ng damit militar nabasa ko ang name tag na Sgt.Maroso. “Pasensya na kung nahampas kita sa likod kanina, akala ko kasi infected ka na rin.” Wika naman ng isang lalaki na nakasandal sa pinto nakasuot rin ito ng pang militar at marahil ay nasa late 30’s na rin. Lumapit ito sa akin at inilahad ang kamay “Lt. Aaros.” Wika nito ng tanggapin ko ang mga kamay. Nang magbitaw ay napadako naman ang aking paningin sa sa babae nasa tabi ko. “Dra. Jolina.” Pakilala naman ng babae na nasa tabi ko na inilahad rin ang kamay. “Paul,” Pakilala ko ng makabawi. “Mabuti pa’t sumama ka sa kanila para makapagpahinga kasama ng mga iba pang survivors.” Pagkaraay turan naman ng ni Dra. Jolina. Tumango naman ako bilang tugon at dahan dahang tumayo mabilis naman nila akong inalalayan, saka sumunod kay Sgt. Maroso na nagpatiuna na. “Maswerte ka bata at nakaligtas ka sa mga nilalang na iyon.” Wika naman ni Lt. Aaros habang naglalakad kami sa pasilyo Napayuko ako ng muli ay maalala ko si Jenny at ang sinapit nito. --+++-- “END” Nakaramdam ng labis na panlulumo sina Jeric at Jane sa nadatnang itsura ng kalsada, nagkalat ang ilang mga patay at nabalot ng dugo ang konkretong daanan. Nasa tapat sila ng pader kung saan mababasa ang salitang “END” “Natatakot ako,”sambit ni Yonie. “Kaya natin to, maging alerto lang tayo.” Wika naman ni Tisoy sa dalaga na tumingin rin sa mga kasama. Tumango naman sina Garry at Jeric at naglakad nang muli. “Trixie,” Tawag ni Kannah sa dalaga. Napalingon naman si Trixie kay Kannah na tila nagtatanong ang mga mata. “For what?” Takang’ tanong ni Trixie sa kaibigan. “For always being there for me.” Tugon ni Kannah kay Trixie na marahan namang napangiti at mahigpit na hinawakan ang mga kamay ng dalaga. Hindi pa sila nakalalayo ng makaramdam si Grace ng kakaiba tila ba ay may kanina pang nakasulyap sa kanila. “Guys,” mahinang tawag ni Grace sa mga kasama na napalingon sa kanya. “I think someone is following us.” Turan niya na inilibot ang mga mata sa paligid . “I feel it too.” Saad naman ni Jem na marahang ring inilibot ang paningin sa paligid. Malikot ang mga mata nila pilit na inaaninag ang kakaiba sa paligid. Ilang saglit pa ay nakarinig sila ng tila malalaking sasakyan. Umupo sila upang makapagtago sa mga sasakyang nagkalat sa daan. “Ano yun?” maang na tanong ni Trixie sa mga kasama. “Shhhh…” saway naman ni Grace sa dalaga. “Sa tingin ko’y mga militar sila,” wika naman ni Jane habang patuloy paring nakasilip. Ilang saglit pa ay nakita nga nila ang ilang mga sundalo, nakaramdam ng pag asa sina Jane at akmang tatayo upang lumapit sa mga ito ng makarinig sila ng mga kasa ng baril. Dahan dahan silang napatingala at nakita ang mga sundalo habang nakatutok ang mga baril sa kanila, “Taas kamay!” sigaw na utos sa kanila ng isa sa mga ito. Mabilis silang sumunod dito at marahang itinaas ang mga kamay nila. “Itapon niyo yang mga hawak niyo!” sigaw na utos muli ng isa sa mga sundalo na agad naman nilang sinunod. Kasunod niyon ay kinapkapan sila ng mga ito at kinuha ang mga kutsilyong pang laban sana nila mula sa mga undead. ---+++--- “Safe Zone,” Mahinang basa ni Paul sa karatula nang marating nila ang area kung saan naroon ang mga survivors. Patuloy lamang sila sa paglalakad. Nang makita ni Paul ang mga taong sugatan at nagsusuka ng dugo at itim na likido, may mga taong nag iiyakan at mga taong malakas na nagdarasal, may iilang tent pero mas marami ang mga nakahelerang folding beds. “Paul!” sigaw ng isang pamilyar na boses. Agad na napalingon ang binata sa pinanggagalingan ng boses at doon ay nakita niya sina Trevor at Gregory. Mabilis siyang lumapit sa mga ito at agad na nagyakap ang tatlo. Agad naman silang iniwan ng mga sundalo. “Pare, Nandito ka, kamusta!?” masayang tanong ni Paul sa mga kaibigan. Napayuko ito at kinuwente ang mga nangyari at kung paano sila nahiwalay sa grupo nila Vincent. “Pare, Tignan mo. Nanghihina na yung mga ilang tao dito.” Maya maya ay wika ni Gregory habang tahimik na pinapanood ang mga tao sa paligid. “Yan din yung napansin ko kanina, I don’t think na safe pa tong lugar na to for us—” Sambit ni Paul ngunit agad ding napahinto nang makarinig ng sigaw mula sa di kalayuan. Tanaw nila ang isang lalaki na tila kinu-kumbulsyon. Kapag daka ay nakita nila ang mga sundalo na mabilis na lumapit dito at isinakay sa rolling bed na agad din namang inasikaso ni Dra. Jolina, nakita nila ang pagtalsik ng itim na likido mula kay Dra. Jolina na halata rin ang pagkagulat. HUMINTO ang sasakyang lulan nila Jeric, Jane, Tisoy, Garry, Grace, Jem, Ruel Trixie, Yonie at Kannah sa isang Military camp base. Nakaramdam sila ng kapanatagan ng mapansin na napapalibutan ng mga armadong sundalo ang paligid at ilang mga matataas na uri ng standing machine gun ang paligid nito. Bago makapasok sa loob ay nakasalubong nila ang isang lalaki at napansin nila ang mabilis na pagsaludo ng mga sundalong naghatid sa kanila sa lugar. “Sgt. Maroso, nakita namin sila while patrolling the 54th area.” Wika ng isa sa mga nagdala sa amin. Isa isa naman kaming sinulyapan nito at humarap muli sa kausap. “No wound bite? Indication of infection?” Baritonong tanong nito sa sundalo na umiling at nag wika “No, Sir. All clear.” Napatingin si Garry kay Jeric, kasunod niyon ay sumenyas si Sgt. Maroso na ipasok sila sa loob habang naglalakad papasok ay nakaramdam ng kaba si Jane ng makita ang mga tao sa loob nanghihina ang karamihan dito na pawang mga sugatan nakakita rin siya ng isang batang babae na edad pitong taong gulang. Nakatingin ito sa kanya habang hawak ang isang manika, sandali siyang kumaway sa bata at ngumiti. Ihininto sila ng mga sundalo at iniwan sa sulok kung saan hindi gaanong naiilawan ang bahagi may mga folding beds din roon na maaari nilang pagpahingahan. Halos libutin ng mga paningin nila ang kabuoan ng lugar nang mula sa sulok na bahagi ay narinig nila ang pamilyar na tinig. “Hindi na safe ang lugar na to' para satin.” Napalingon si Jeric at Jane na agad nahulaan ang taong nagmamay-ari ng boses. “P-paul?” sabay na sambit ni Jeric at Jane, agad namang lumapit sina Paul,Trevor at Gregory sa kanila. “Greg!” sigaw ni Yonie sa binata at mabilis itong niyakap. Agad namang nagyakap sina Paul, Trevor, Gregory, Jeric at Tisoy. “J-jeric, J-jane papanong? Oh my God. Akala ko, wala na kayo.” Sambit ni Paul habang gulat pa ring nakatitig kay Jerica at sa pinsang si Jane. “Mahabang kwento pare, nasan sila Ryan, at iba pa nating mga kaklase?” Tanong naman ni Jeric sa binata at ikinuwento naman ni Paul ang buong pangyayari maging ang nangyari kay Jenny. MALAKAS na napasuntok si Trevor sa pader ng marinig ang nangyari sa kababatang si Jenny. “Binalikan ko si Jenny pare, p-pero hindi na siya yung Jenny na kilala natin.” bakas ang panginginig at kalungkutan sa tinig ni Paul. Napahagulgol naman si Jane ng malamang wala na ang kaibigan. Hindi lubos maisip ni Trevor ang nangyari sa dalaga, bata pa sila ay may lihim na siyang may pagtingin dito. Lumapit naman sina Garry at Jeric upang damayan ito. “Papatayin ko sila,” tiim bagang wika ni Trevor. Marahan namang inaayos ni ruel ang folding bed at sa likod niya ay nakangiting nakasulyap sa kanya si Jem. “Okay na Jem, dito ka nalang magpahinga.” Wika ni Ruel saka marahang pinagpagan muli ang folding bed. Nakangiti namang lumipat si Jem roon at akmang tatalikod na sana si Ruel ng hawakan ni Jem ang kanang kamay ng binata. “Wait!” tawag ni Jem sa binata napatingin naman ito sa kanya. “Pwede bang dito ka lang, I feel safe kapag malapit ka sakin, and thank you for saving my life ruel.” Dagdag na wika ng dalaga. Napangiti naman si Ruel sa narinig at hinila ang isang folding bed para makatabi ang dalaga. Hinawakan ni Ruel ang mga kamay ng dalaga at marahan itong hinalikan.
“Hindi ako magsasawang iligtas ka Jem, I will do it even if saving you sends me to heaven.” Wika ni Ruel na bahagya pang kinanta ang huling parte ng sinabi. Natatawa silang nahiga at magkahawak ang kamay.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (228)
Luuuuuuucccaaaasss
Ang ganda ng story at medj nakakaiyak dn HAHA pero sana may update soon susubaybayan k po ito!<3
08/05/2022
0
Gemma Depalan
High quality and meaningful story! it's not just a horror but it is how people change when having difficult situations in their lives.
sacrifices, betrayal and lies.
wow! antalino!
You Deserve my tip!
12/12/2021
1
Analiza Rivas
Ilang kabanata pa lamang ang nabasa ko ngunit ngayon pa lang ay masasabi ko na maganda ang nobelang ito. Maayos ang pagkakahabi ng mga pangyayari, malinaw ang karakterisasyon ng mga tauhan at kahit puno ng katatakutan ang mga kabanata ay hindi maikakailang iniugnay ng manunulat sa tunay na buhay ang ilang eksena o tagpo. Aabangan ko ang update ni Author...
Ang ganda ng story at medj nakakaiyak dn HAHA pero sana may update soon susubaybayan k po ito!<3
08/05/2022
0High quality and meaningful story! it's not just a horror but it is how people change when having difficult situations in their lives. sacrifices, betrayal and lies. wow! antalino! You Deserve my tip!
12/12/2021
1Ilang kabanata pa lamang ang nabasa ko ngunit ngayon pa lang ay masasabi ko na maganda ang nobelang ito. Maayos ang pagkakahabi ng mga pangyayari, malinaw ang karakterisasyon ng mga tauhan at kahit puno ng katatakutan ang mga kabanata ay hindi maikakailang iniugnay ng manunulat sa tunay na buhay ang ilang eksena o tagpo. Aabangan ko ang update ni Author...
10/12/2021
6Tingnan Lahat