Homepage/Chance With You/
Win Her Heart
Aminadong nadismaya si Sunny sa kinalabasan ng pag-uusap nila ng kanyang ex husband. Naiinis pa siya habang naiisip kung paano ito nag-react nang ipagtapat niya rito ang dahilan kung bakit siya nagkainteres na magtrabaho sa bakeshop.
"I see? Iyon lang ang sasabihin niya? Hindi man lang siya naantig? Hindi man lang niya ako pinilit na balikan siya?" panggagalaiti ng inner side niya na gustong kumawala at kalampagin si Chance. Seems like Chance didn't want to reconcile with her and the purpose of his return was purely business. Ganoon naman kasi talaga ang pamilyang nakagisnan nito. She winced at that part. Nasasaktan siya dahil parang may nagbago na talaga kay Chance nang maghiwalay sila. Masisisi niya ba ito? Paniguradong may galit din ito sa kanya dahil iniwanan niya ito nang walang paalam at baka na-brainwash na rin ni Donya Imelda na masakit na ngang magsalita, masakit pang manampal. Napatingin siya sa wrist watch at napagtantong dapat na niyang bilisan ang pag-uwi. Mahaba-haba kasi ang pinag-usapan nina Chance at Mrs. Belen na sa sobrang haba ay hindi na niya inintindi ang ibang topic. She walked as fast as she can, wala nang masakyan na tricycle na dumaraan sa inuupahan niyang apartment kapag alas diyes na ng gabi. No choice.
Hindi pa siya nangangalahati ay may tumigil na white sports car sa gilid. "Hatid na kita pauwi. Gabi na."
It was Chance who smiled at her as if nothing happened. Bumaba kaagad ito sa sasakyan. "Di ba, business partners na tayo? Treat me as your colleague," pormal na sabi nito.
"Kayo lang ni Mrs. Belen ang magkasosyo, huwag mo akong idamay," pamimilosopo naman ni Sunny.
"Na-miss ko 'yan." Lalong lumapad ang ngiti ni Chance. Ano kamo ang na-miss nito?
"Ihahatid kita. Isipin mo na lang na husband duty ito."
Chance held Sunny's wrist as he gently lead her inside the car.
"Husband duty? Sa pagkakaalam ko, hiwalay na tayo," malamig na turan ni Sunny at sa side mirror lang nakatingin.
"Hindi pa napapawalang-bisa ang kasal, ibig sabihin, hindi pa tayo hiwalay," malamig din na ganti ni Chance nang paandarin ang engine ng kotse.
"Ituro mo lang ang daan pauwi sa inyo. Okay?"
"Hindi na. Bababa na ako," iritableng sagot naman ni Sunny.
She attempted to leave but Chance immediately held her as he pulled her closer to him. "Pinagpalit mo na ba ako?"
"Ano naman sa'yo kung ipagpalit kita?"
Rumehistro ang matinding agony sa mukha ni Chance. Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga at mahinang sinuntok ang manibela. Ihininto na lang nito ang sasakyan. "Hindi ko akalain na ang bilis mong mag-move on. At bumalik ka pa rin kay Zed."
Kumunot ang noo ni Sunny. "Ako makikipagbalikan sa may sabit? Hindi ko pa binababa ang dignidad ko Chance."
"Nakita ko kayo, may kasamang baby."
"Teka, huwag mong sabihin na ikaw 'yong may-ari ng asul na kotse?" Sunny asked with all confusion. Ibig sabihin, matagal na pala siyang sinusundan ni Chance. "Nakakahiyang aminin pero oo, at pinagmamasdan lang kita sa malayo."
"Kasal na siya kay Reena, at anak nila 'yong batang karga ko. Okay na ba?"
Chance unconvincedly grinned. "Mabuti naman."
"Anong mabuti doon?"
"Mabuti naman dahil pwede na tayo ulit." Natatawang pinaandar ulit ni Chance ang sasakyan.
"Hindi pa ako handa Chance," pag-amin ni Sunny.
"I'll wait. Kung iyon ang dapat gawin upang maayos na at maipagpatuloy ang kabanatang hindi natapos."
Hindi na umimik pa si Sunny. Ipinaling niya muli sa side mirror ang tingin at hindi ipinahahalata ang kilig na nararamdaman. Pero alam naman niya na hindi gano'n kadali ang hinihiling ni Chance. She wants to test him for the second time.
***
"Saan ka nagpunta Chance?"
Mabilis na nilingon ni Chance ang nanay niyang si Donya Imelda na prenteng nakaupo sa wheel chair nito. As usual, malungkot na naman ang itsura nito.
"Pinuntahan ko si Sunny. Gaya ng sinabi n'yong gawin ko," pormal niyang tugon.
"Anong napag-usapan n'yong dalawa? Nagalit ba siya?"
"Hindi ko po alam eh. Siya nga nga pala, hindi ba nagpunta ang doktor dito para tingnan kayo?"
Sinuri niya ang lagay ni Donya Imelda. She has been illed six months ago. Her health is failing as she gets older. "Sabi ko kay Hope kami na lang ang pupunta sa doktor, tapos ipapasyal niya ako sa puntod ng tatay mo."
Chance finally figured out the reason of his mother's sadness. Na-miss na naman nito si Don Manolo na pumanaw na kahit naging successful naman ang operasyon nito two years ago. Hindi lang pala sakit sa puso ang problema nito, nag-fail na rin pati ang ibang internal organs. Mabuti na lang at naging matagumpay pa rin ng heart surgery ni Chance. After his father's death, he and his mom stayed in US for a year. May mga inasikaso silang negosyo na naiwan nito sa ibang bansa at doon na nagpagaling si Chance. Sina Hope at Valiant naman ang nanatili sa Pilipinas at sinigurong matu-turn over ang mga proyekto ni Don Manolo sa kanilang kompanya. It's not easy to recover because some of their business are failing too. May mga anumalya sa kompanya na masisilip ng gobyerno kaya napagkasunduan ng magkakapatid na bitiwan ang ibang investors. Luckily, nakabawi naman sila sa loob ng kalahating buwan. On the other hand, Donya Imelda finally regret all the wrong things she had done to her children after her husband's death. Sinisikap niyang bumawi sa mga anak lalo na kay Chance. Laking pasasalamat niya na nabuhay pa si Chance kahit inilihim niya ang karamdaman nito. Ngunit kailangan niya ring bumawi kay Sunny.
"Ite-text ko si Ate Hope. Matulog na kayo Ma. Gabi na masyado, huwag n'yo akong pag-alalahanin." Itinulak ni Chance ang si Donya Imelda na nakasakay sa wheelchair nito papasok sa silid. Sinigurado niya munang nakatulog na ang ina bago niya ito iwanan.
He sighed when he reached his room. Mabilis siyang napasalampak sa kama. Sa totoo lang, ang dami niyang iniisip na bagay-bagay. Pero mas iniisip niya kung paano makukuhang muli ang loob ni Sunny. He can't live without her, he can't love any woman if it's not her.
***
"Siya nga pala si Chance Peralejo, dito muna siya sa main branch sa loob ng isang linggo."
Malalapad ang ngiting isinalubong ng mga empleyado ni Mrs. Belen nang ipakilala niya si Chance, maliban kay Sunny.
"Siya ba ang bago nating OIC? Kasi lilipat na si Sunny sa ibang branch di ba?" tanong ni Delly, kahera ng bakeshop.
"Hindi, nandito si Chance upang maging kasosyo ko. Kailangan siyang turuan ni Sunny sa mga sistema ng maliit nating kompanya." Napasulyap ang ginang kay Sunny. Nang mahuli ni Sunny na nakatingin na pala ang kanyang boss, bigla niyang pineke ang mga ngiti.
"Hello sa inyo, sana maging kaibigan ko kayong lahat," masiglang bati naman ni Chance na may panaka-nakang pagsulyap kay Sunny. Bigla namang nagsalita si Roy ang kanilang delivery rider.
"Boss Chance, may girlfriend ka na ba? Irereto ko sana si Sunny sa'yo."
Umingay ang loob ng bakeshop sa panunudyo kay Sunny. Alam ni Roy na single si Sunny dahil naikuwento nito na nito na hiwalay ito sa asawa. At si Sunny lang ang alam niyang natitirang single among them. Siya rin ang mood maker ng kanilang team at mahilig talagang mambuyo ng mga kasamahan. Natawa na lang si Chance at hindi na sinagot pa ang tanong ni Roy.
***
Tanging handbook lang ang binigay ni Sunny kay Chance habang nasa loob sila ng shop. "Basahin mo na lang 'yan," utos niya. She felt so overwhelmed with Chance's presence. Napapansin niyang panay ang sulyap nito kahit binabasa na nito ang handbook na naglalaman ng job descriptions ng mga empleyado ni Mrs. Belen.
"Nakatulog ka ba kagabi nang maayos? Kumusta na ang pakiramdam mo?"
Napahinto siya sa pag-iimbentaryo nang marinig na magsalita si Chance. Nilingon niya pa ang paligid, baka kasi ibang tao ang kausap nito pero bigla niyang naalala na silang dalawa lang ang nasa loob ng maliit na tanggapan ni Mrs. Belen.
"Paano mo nalamang may sakit ako?" she knew the possible answer but still she wants to know if her assumptions are true. Sinabi naman sa kanya kagabi ni Chance na stalker mode ito at tinitingnan lamang siya sa malayo.
"Hinatid kita sa ospital noong mag-collapse ka. Pero hindi na kita nabantayan."
Tama nga ang kanyang hinala. Si Chance nga ang lalaking tumulong sa kanya. No wonder if the feeling he brought is too familiar when he held her and rushed to the nearest hospital that night. "Ikaw pala 'yon. Salamat." Muli niyang ipinagpatuloy ang ginagawa. She acted like it doesn't bother her anymore. Ilang oras pa ang hihintayin niya bago ang uwian at iyon din ang oras na pagtitiisan niyang kasama si Chance sa iisang lugar.
"May lakad ka ba mamaya?" biglang tanong ni Chance ngunit sa handbook pa rin nakatingin.
"Wala. Uuwi na. Ano naman sa'yo?" malamig na sagot ni Sunny. Ilang saglit pa ay tumungtong siya sa bangkito upang maabot ang pakay na box na nakapuwesto sa mataas na kabinet. Agad namang napansin ni Chance na nahihirapan siyang bautin iyon kaya sumaklolo na ito.
"Hindi mo abot 'yan, ako na." Mabilis na naiangat nito ang box ang ibinaba. Napasandal si Sunny sa kabinet nang napagtantong ilang pulgada na lang ang agwat nila ni Chance. They almost kissed! Bigla ba naman itong nawalan ng balanse at muntikan nang masubsob matapos buhatin ang box na naglalaman ng wrappers na gagamitin sa cupcakes.
Her heart skips on beating after that. Mabilis na nakalayo sa kanya si Chance na parang hindi naapektuhan sa nangyari. Muli ay binasa nito ang handbook. Lihim namang napamura sa isip si Sunny.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (111)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
maganda po Ang love story po n chance tatapusin kopa po Ang love story n chance sana making sila n sunny sa bandang huli bagay po sila n chance Buti po ako sa kanila n chance sana mawala nayung Galit n sunny para po maayos napo Ang loob s chance at Mang Elmo
20/12/2021
6Ganda nya Pala pwede Kang kuita
27/08
0perfect
22/10/2024
0Tingnan Lahat