Homepage/Chance With You/
The Closure
"Sunny!"
Pakaway-kaway si Zed sa tapat ng bakeshop kung saan nagtatrabaho si Sunny. Hindi maipinta ang mukha nito habang nakatanaw sa kanya. Hindi na siya naghintay ng go signal nito at dumiretso na sa loob kahit hindi pa nagbubukas. Makikita naman kasi sa glass window na abala pa ang lahat maski ang may-ari na si Ms. Belen. Bukas naman ang entrance door kaya siya nakapasok agad.
"Sir, hindi pa kami nagbubukas," bungad naman sa kanya ni Sunny sa pormal nitong tinig as if hindi sila magkakilala noon. Mukhang matindi pa rin ang galit nito sa kanya.
"Pasensiya na kung pumasok ako kaagad. Kailangan ko kasi ng birthday cake para sa first birthday ng anak ko. Ako 'yong tumawag," pormal ding pagsagot ni Zed.
"Entertain-in mo muna Sunny, baka urgent na ang cake na gusto niya," sabi pa ni Mrs. Belen saka pumanhik sa ikalawang palapag ng bakeshop.
"Wait lang Zed, bibigyan kita ng catalogue kung anong gusto mong design ng cake." Maski sa bahaging iyon ay di pa rin ibinababa ni Sunny ang formality. Inilapag niya sa lamesita ang catalogue at muling nag-alis ng mga agiw sa bintana.
"Galit ka pa rin ba?"
"Ikaw lang makakasagot niyan," Malamig pa sa yelong sagot ni Sunny. Actually, after her marriage with Chance, the anger she felt for Zed is really over. Pero nang makita niya muli ang lalaki, naiinis na naman siya ulit. Dahil siguro sa disappointment na imbis na si Chance ang makikita niya, iyon pang tao na unang nagparanas sa kanya ng matinding heartbreak.
"Sunny, I'm sorry. Sincere na akong humarap sa'yo ngayon. I took this opportunity because I feel that I should reconcile everything." Apologetic ang mga mata ng lalaki. Mukhang hindi na nga nagsisinungaling.
"Kumusta nanay mo? Anong nangyari after ng party?"
"Luckily, buhay siya at nalabanan ang cancer." Naging maliwanag pa sa sikat ng araw ang ngiti ni Zed. Natuwa naman si Sunny, kahit pa ba may galit siya sa ina ng dating nobyo, tao pa rin iyon na dapat ipagdasal sa Diyos.
"Tell your mom na ngayong nabigyan siya ng bagong pag-asa, dapat huwag na siyang magpakabruha." She meant those words. Paki niya ba kung masaktan si Zed?
"Siya nga ang nagsabi na makipag-ayos ako sa'yo eh."
Bigla siyang nagpamaywang at ngumisi. "Akala ko ba bibili ka lang ng cake? Bakit kailangan pa nating magdramahan dito? Tungkol sa nakaraan, ayos na. Matagal ko na kayong napatawad. Magpasalamat ka kay Chance, sinabi niya sakin lahat ng napag-usapan ninyo sa party."
"Chance is such an angel. After that, anong nangyari sa inyo?"
"Nagpakasal tapos naghiwalay. Gano'n lang."
Zed found it weird how Sunny kept a smile while telling him about what happened. Gusto niya tuloy hagilapin si Chance at suntukin ito hanggang sa malagutan ng hininga.
"Sabi ko na nga ba, hindi ka pa talaga niya mahal at nalilito lang siya," pakikisimpatya ni Zed.
Itinirik ni Sunny ang mga mata dahil hindi niya gusto ang part na 'yon.
"Kung hindi ako mahal ni Chance, hindi niya isasakripisyo ang marangyang buhay niya para pakasalan ako. At least siya may paninindigan at pinaglaban ako, hindi katulad ng isa dyan. Hindi naman ikaw ang tinutukoy ko," sarkastikong pahayag niya pa at napasimangot lang ito. "Akala ko ba napatawad mo na kami ni mama?"
"Napatawad na kaso ikaw lang naman 'tong nag-o-open pa ng nakaraan. Sige na mamili ka na dyan para maipagawa na." Umismid siya at itinutok na sa mukha ng ex ang catalogue na kanina'y inilapag lang niya sa lamesita.
"Nga pala, lalaki ba anak mo?"
"Yup. And I need to find a cake design na bagay sa theme ng birthday party niya," sagot naman ni Zed na nakatuon sa bawat pahina ng catalogue.
"Ano bang theme? Baka makatulong ako."
"Jungle theme? Not sure kung iyon ang term basta may mga hayop tapos parang gubat ang background, tapos ang kids mag-a-animal costume," paglalarawan naman ni Zed.
"Wow, effortless ka na niyan kasi ‘di mo na kailangang mag-costume."
"Sabi ko, kids lang magsusuot ng costume." Na-gets naman ni Zed ang pang-aasar ni Sunny. He just laughed. "By the way Sunny, nandoon sa loob ng kotse ang asawa ko, kasama ang anak namin. Gusto mong makita?"
"Ang kotse mo?"
"Grabe na talaga ‘yang pang-aasar mo sakin," may himig pagtatampong sabi ni Zed. "Naku naman, di ka na mabiro. Sabagay lagi ka namang seryoso dati. Sige, ano kaya kung papasukin mo dito ang asawa mo? Kaysa naman andun lang sila sa loob, ang init na kaya sa labas."
***
"Puwede ko bang kargahin?"
Hindi na nag-hesitate ang asawa ni Zed na si Reena sa request ni Sunny nang makita nito ang cute na supling. Maingat na kinarga iyon ni Sunny at hindi niya maiwasang panggigilan. "Ang cute naman ni baby boy, maging mabuti kang baby paglaki ha?"
"Hindi na siya baby kapag lumaki na," singit naman ni Zed at sinamaan naman siya ng tingin ni Reena. "Ang pilosopo mo talaga kahit kailan."
"Naku ayos lang, basta maiging subaybayan n'yo sa paglaki itong bata. At Reena, siguraduhin mong hindi magmamana sa tatay huh?" ganting pambubuska ni Sunny.
Reena chuckled. Lihim na napahanga si Sunny sa pagtawa ng kabiyak ni Zed. Pati ba naman sa pagtawa, classy pa rin ang dating. Hindi niya tuloy alam kung talagang masaya ito o nagkukunwari lang.
"Zed, di ba makikipag-usap ka pa kay Sunny? Usap muna kayo sa labas. Titingnan ko lang ang brochure para makapili agad."
Zed winced. "Reena, okay lang kahit dito na kami mag-usap."
"Sige na." Itinaboy niya ang asawa palabas habang natatawa saka binalingan si Sunny. "Go ahead, gusto ka talaga niyang kumustahin pa." Malapad ang ngiti ni Reena, iyong tipong pang-beauty queen kaya napanganga na lang si Sunny. "Sure ka huh? Di ka galit?"
"Bakit naman? Ikaw nga 'tong nagparaya eh. Utang ko sa'yo to, nagkaroon ako ng masayang pamilya dahil sa'yo. Natutunan din akong mahalin ni Zed. Kaya salamat," sinserong pahayag ni Reena. "Sige na Sunny, mag-usap na kayo."
Napilitang lumabas si Sunny at di niya namalayang karga pa niya ang cute na bata. "Zed, kunin mo na pala si baby. Hindi ko naibalik kay Reena."
Tumalima naman ang lalaki at maingat na kinarga ang bata, baka kasi umiyak pag nagising.
"Ang cute mo baby, sana huwag kang magmana sa tatay mo," bulong niya sa bata. Bahagyang napangiti si Zed. "Kapag lumaki siya, hahayaan ko siya sa gusto niyang gawin pero hindi mawawala ang guidance ko. Tapos, hahayaan ko siyang mag-decide kung sino ang gusto niyang makatuluyan."
"Good, huwag mo nang iparanas sa anak mo ang pangit mong childhood."
"Balik tayo sa'yo Sunny, bakit kayo naghiwalay ni Chance?"
Mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Sunny. "Nagkasakit siya sa puso tapos nagalit ang nanay niya, noong time na 'yon, naospital din ang tatay niya eh. Ako ang sinisi, na-disappoint daw ang tatay ni Chance kasi nagpakasal kami kahit wala silang basbas. At yung kay Chance naman, ako pa rin ang sinisi kasi hindi ko naipagtapat kaagad ang sakit ni Chance sa mga magulang niya. Eh ang hiling naman kasi ni Chance, huwag ko nang ipaalam. Basta, masakit lang kapag naalala. Kinakalimutan ko na nga 'yon."
Napaiwas siya ng tingin upang ikubli kay Zed ang pagrehistro ng kalungkutan sa kanyang mukha. Sa pagpaling niya ng tingin, isang pamilyar na kotse na naman ang nakita niya. Kung hindi siya nagkakamali, iyon din ang kotse na huminto sa tapat niya kahapon lamang.
"Zed, kotse mo ba ‘yong kulay blue?"
Lumingon naman si Zed sa direksyong itinuro ni Sunny. "Not mine, hindi blue ang kotse ko at sa kabilang street naka-park."
"I see."
Ilang saglit pa ay umalis na ang kotse. Iba ang vibes ni Sunny sa sasakyang iyon. Hindi maipaliwanag kung creepy ba to the point na dapat siyang mag-ingat. On the other hand, hindi naman siya natakot talaga. Siguro, coincidence lang na nakita niyang muli ang kotseng iyon.
"Siguro kung hindi kami naghiwalay kaagad ni Chance, may anak na rin sana kaming cute."
Napaalis ang ngiti ni Sunny nang makalayo na ang kotse ng mag-asawang Zed at Reena. She enjoyed talking to them about everything. Mabait si Reena at hindi matapos-tapos ang pagpapasalamat nito sa kanya.
"Sunny, hindi ka na pala matutuloy doon sa kabilang branch. Mayroon tayong bagong business partner, willing siyang mag-invest at mag-share ng ideas para sa paglago ng business."
Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses ni Mrs. Belen, bigla siyang nagbalik sa ulirat.
"O-okay Madam. Sino naman po siya?"
"Isa siyang lalaki na balikbayan, I think same age lang kayo. Tapos may iilang business na rin siya. Noon pa man kasi interested na siya sa pastries, kapag nag-work ang proposals niya, malaking tulong 'yon sa'yo at sa iba mo pang kasamahan. Matataasan ko na ang sahod ninyo." Sa ngiti pa lang ng ginang, alam na niyang sobra pa sa good news ang hatid nito.
"Ang mahalaga, uunahin n'yo ang negosyo ninyo. Iyon ang mahalaga," sagot pa ni Sunny.
"Sa'yo naman talaga ako may utang na loob Sunny. Hindi ka sumuko at talagang in-advertise mo ang negosyo kong 'to. Muntikan pa ngang magsara di ba?"
"Wala po 'yon. Naranasan ko nang mahirapan Madam, gaya nga ng kuwento ko dati sa inyo."
"Oo nga pala, lalo na 'yong naghiwalay kayo ng asawa mo."
Napaalis nang bahagya ang ngiti ni Sunny. Sa lahat ba naman kasi ng ibinahagi niyang kuwento ng kanyang paghihirap, iyon pang hiwalayan ang naalala ng kanyang amo. So epic.
"Hindi naman po sa part na 'yon, ang tinutukoy ko 'yong struggle ko sa iba't ibang part time jobs," katwiran niya na may kalakip na ngiting hilaw.
"Ah, Madam? Pwede bang umuwi na ako kahit hindi pa uwian? Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko. Naulanan kasi ako kahapon eh." Napahilot siya sa kanyang sintido at naupo saglit. Hinipo naman ni Mrs. Belen ang noo ni Sunny. It's hot, seems like she has a fever. Dali-daling kumuha ng gamot sa medicine kit ang ginang.
"Naku, magkakasakit ka na nga. Agapan mo. Inumin mo 'to," pag-aalala ni Mrs. Belen.
Sunny nodded. "Thanks po. Uuwi na ako."
"Maglalakad ka lang?"
"Opo, malapit lang dito ang unit na inuupahan ko di ba?"
"Ingat."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (111)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
maganda po Ang love story po n chance tatapusin kopa po Ang love story n chance sana making sila n sunny sa bandang huli bagay po sila n chance Buti po ako sa kanila n chance sana mawala nayung Galit n sunny para po maayos napo Ang loob s chance at Mang Elmo
20/12/2021
6Ganda nya Pala pwede Kang kuita
27/08
0perfect
22/10/2024
0Tingnan Lahat