logo text

Two Years Later

Laylay ang mga balikat ni Chance habang nakatambay siya sa labas ng ward kung saan naka-confine si Don Manolo. Ayon sa doktor, hindi pa raw stable ang kalagayan nito at pinangangambahang humina pa ang vital signs.
Ang tanging nagawa lang ni Sunny ay hawakan ang nanginginig na kamay ng kanyang mister. "Chance, huwag tayong mawalan ng pag-asa."
Tumango-tango lang si Chance.
Unexpectedly Donya Imelda came and she pulled a face. "You're here!" asik ng donya at bigla-biglang sinampal si Chance.
"Ikaw ang dahilan kung bakit nagkaganyan ang tatay mo! Sa sobrang sama ng loob niya nang magpakasal ka sa babaeng 'yan!"
May kung anong sumipa sa puso ni Sunny nang marinig ang paratang ng donya. Napabitiw siya sa kamay ni Chance at umiwas ng tingin. "Ma, huwag n'yo naman sanang pagsalitaan—"
"Bakit hindi? Hampaslupa 'yan at mukhang walang kuwentang babae!"
Naharangan ni Chance ang nagwawalang ina na akmang susugod kay Sunny upang manakit. "Ikaw! Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito! Kapag may nangyaring mas komplikado, hindi kita mapapatawad!" dinuro-duro ng ginang si Sunny. Dahil hindi na matagalan ni Sunny ang pang-aalipusta ng nanay ni Chance, tinangka niyang umalis pero bago pa niya nagawa, nakita niya ang biglang pagbagsak ng asawa.
"Chance!" natatarantang sigaw ni Donya Imelda. "You! What happened to my son?"
Naiiyak na si Sunny at nagtawag ng nurse. Nang masaklolohan na si Chance ay bumuhos nang husto ang kanyang luha.
"May sakit daw po sa puso si Chance, Mrs. Peralejo," hagulgol niya.
Hindi na nakaimik ang ginang at dumapo na lang sa pisngi ni Sunny ang magkasunod na sampal. "At hindi mo talaga ipapaalam? Ngayon lang talaga kung hindi pa pumunta ang anak ko? Kita mo nga naman kung anong klaseng babae ka! Bakit? Kaya mo ba siyang ipagamot? May pera ka ba?"
"Oo wala akong pera! Pagmamahal lang ang kaya kong ibigay kay Chance, pagmamahal na di n'yo kayang ibigay sa kanya!" di patatalong katwiran ni Sunny. Muli na naman siyang sinampal ni Donya Imelda at hindi pa rin siya gumanti.
Ang tanging nagawa lang ni Sunny ay ang dumistansya sa ginang. "Kasalanan n'yo rin kasi hindi ninyo pinaaalam kay Chance noon pa na may sakit siya!" hindi man niya nasampal nang pisikal si Donya Imelda, naisampal naman niya rito ang masaklap at masakit na katotohanan. "At ayaw niyang ipaalam dahil galit na galit siya sa inyo!"
Nanikip ang dibdib ni Donya Imelda at matalim na tiningnan si Sunny. "You know what? Hiwalayan mo si Chance, habang hindi pa kayo nagtatagal! Do it and name your price!"
"Gagawin ko 'yan basta masiguro ko munang ligtas si Chance." Nang masabi ang gustong mangyari ay lakas-loob niyang tinalikuran si Donya Imelda.
***
Hindi naging madali para kay Sunny ang desisyon na layuan si Chance. She already packed her things. Babalik muna siya sa probinsya kung saan nakatira ang ilang kamag-anak. Ngayon din ang araw ng operasyon ni Chance at ng tatay nito.
"Ate Hope, balitaan n'yo pa rin sana ako sa result ng operasyon ni Chance," malungkot na aniya kay Hope na nasa kabilang linya.
"Don't worry, I'll keep you updated. Sorry Sunny, hindi ko intensyon na mag-suffer ka dahil lang sa pag-uudyok ko kay Chance na pakasalan ka. Pero mahal na mahal ka ng kapatid ko. Kapag nagising siya, ipapaalam ko pa rin ang desisyon mo. Ingat ka sa byahe," naiiyak na tugon sa kanya ni Hope.
Mas lalong bumigat ang pakiramdam ni Sunny dahil nanatili pa rin siya sa rooftop ng bahay. Parang noong isang linggo lang hinaranahan pa siya ni Chance, lalong nadudurog ang puso niya sa alaalang 'yon. Pinag-iisipan pa niya kung dapat bang ibenta ang bahay niya o iwanan na lang iting abandonado. She could not afford to lose a life because of her, tama na ang pagkamatay ng kanyang ama. Hindi niya kakayanin kung pati si Chance ay mawala pa nang tuluyan dahil sa sakit nito.
"Sana, mapatawad mo ako. At sana, maging successful ang operasyon ninyo ng tatay mo. I love you Chance, sana makantahan din kita kagaya ng ginawa mo. Sana makabalik pa ako rito sa lugar na 'to, kasama ka."
Isinulat niya lamang ang saloobin sa isang papel at isinuksok iyon sa lamesa.
Two years later…
"Congrats Ms. Sunny, ikaw na ang bagong OIC namin!" walang halong kaplastikan ang mga colleague ni Sunny dahil masaya ang lahat sa kanyang achievement. Simula nang layuan niya si Chance, nag-pursue siya ng ibang career. Sa isang baking industry siya napadpad dahil na-inspire siya sa negosyong dapat ay sisimulan nila ni Chance, hindi naman siya nag-aral bilang pastry chef. Sa katunayan, isa lamang siyang ordinaryong staff ng may-aring si Mrs. Belen pero malaki ang naitulong niya kaya lumago ang negosyo nito. "Salamat sa support. Bawal ang pasaway na employee huh?" payo niya sa mga kasamahan.
"Sunny, grand opening sa kabilang branch. Doon ka pala muna okay?" bilin ng boss ni Mrs. Belen, ang pinaka-humble sa lahat ng humble bosses na nag-e-exist sa mundo para kay Sunny.
"Yes Maam. Salamat po ulit, uuwi na po ako."
Hindi naaalis ang ngiti niya kahit nakalabas na siya sa bakeshop. Ramdam na ramdam niya ang simoy ng hangin dahil sa paghampas ng mga dahon ng punong nakatirik sa kanyang dinaraanan. Napaalis ang ngiti niya dahil naramdaman niya ang pag-ambon. Napasilong siya sa isang puno na may mas makapal na dahon, sa puno ng mangga.
"Wala pa naman akong payong," nanlulumo niyang sabi sa sarili. Napayuko na lang siya habang tinitingnan ang puting sapatos na kanyang suot. Kung kailan iyon ang suot niya saka naman biglang uulan. Talaga yatang nananadya ang panahon. Sa pag-angat niya ng tingin ay nakita niya sa tapat ng kinatatayuan ang humintong kotse na kulay blue.
"Baka naliligaw 'to. Bihira lang may humintong kotse dito eh," puna niya habang pinapasadahan ng tingin ang magarbong sasakyan.
Inabot siguro ng ilang minuto bago umalis sa kanyang tapat ang kotse. Nagtatakang sinundan niya ito ng tingin. Hindi niya maaninag kung sino ang sakay no'n, o baka may ka-text lang ang nagmamaneho at kinailangang ihinto muna ang sasakyan.
"Sabagay, safety first."
Sumalampak kaagad si Sunny sa maliit na higaan nang makarating sa apartment unit. Mas malapit kasi iyon sa trabahong pinapasukan kaya pinili niyang doon mangupahan. Wala siya sa mood na kumain, at ang pangunahing dahilan ay sumagi kaagad sa isip niya na ngayon pala ang wedding anniversary nila ng dating asawa.
She sighed to ease the sudden loneliness. Naalala niya si Chance bilang supportive husband at pinagluluto siya nito ng mga gusto niyang pagkain. They do household chores, watching movies and sharing their thoughts together. Na-miss niya kung paano siya nito yakapin at kung paano nila nagawa ang iba pang intimacy sa dati nilang bahay.
"Chance... Kumusta ka na ba?"
Kung hindi pa tumunog ang kanyang cellphone, hindi siya matitigil sa pagmumuni-muni. Agad niyang sinagot ang unknown number dahil baka may kinalaman iyon sa trabaho.
"Hello?"
"Hello Sunny, kumusta na?"
Napabalikwas siya sa pamilyar na boses mula sa kabilang linya. "Zed, ikaw ba 'to?"
"Yup."
"Paano mo nalaman 'tong number ko?" iritableng tanong niya.
"I just found out na sa Belen's bakeshop ka na pala nagtatrabaho, isa ang shop ninyo sa na-interview ng employee ko for rising business category. Kasama ang shop n'yo sa small business convention. Nakita kita sa booth at hiningi ko sa kasama mo ang number mo."
"Ah, okay so anong problema mo? Bakit ka napatawag?"
"Natikman ko kasi ang cake ninyo, gusto ko sanang mag-order para sa 1st birthday ng anak ko."
Nakahinga siya nang maluwag sa narinig. She's safe, may anak na pala si Zed at natuloy talaga ang kasal nito sa kababata.
"Eh bakit sakin? Doon ka na lang sa may-ari mag-order."
"She told me to inquire na lang sa'yo since you're the OIC. Di ba?" lalong naiirita si Sunny sa pagtawa ni Zed.
"Sige sige, punta ka sa shop namin. Mamili ka doon."
"Sige Sunny, thanks!"
Naunahan pa siya ni Zed sa pag-hang up ng phone. "Akala ko naman si Chance na," reklamo niya pa saka nilagay ang cellphone sa bed side table.

Komento sa Aklat (111)

  • avatar
    Liza Estopa Mactal

    maganda po Ang love story po n chance tatapusin kopa po Ang love story n chance sana making sila n sunny sa bandang huli bagay po sila n chance Buti po ako sa kanila n chance sana mawala nayung Galit n sunny para po maayos napo Ang loob s chance at Mang Elmo

    20/12/2021

      6
  • avatar
    MenguitaRica Jane

    Ganda nya Pala pwede Kang kuita

    27/08

      0
  • avatar
    Ald Win

    perfect

    22/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata