logo text

Family Problem

"Bakit nakalukot ang magandang mukha ng asawa ko?"
Sinalubong ni Chance ng yakap si Sunny nang pumasok na ito sa kinaroroonan niyang ward. Malalim ang hinugot na buntong-hininga ni Sunny at halata ang pamumugto ng mga mata kaya hindi niya matingnan nang diretso si Chance.
"Sunny, anong problema? Anong sabi ng doktor? Hindi naman grabe ang sakit ko di ba?" untag niya. Hindi man lang siya nakarinig ng tugon mula kay Sunny ngunit naramdaman niyang humigpit ang yakap nito.
"Sunny, mahal ko..." he seems worried with his wife's reaction.
"Chance, huwag kang mabibigla." Inilayo ni Sunny nang panandalian ang sarili at tiningnan si Chance. "May sakit ka sa puso. Sabi ng doktor, bata ka pa lang, mayroon ka nang gano'ng sakit. Bakit hindi mo sinabi?"
"Sunny, hindi ko alam." Rumehistro ang pagkagulat sa mukha ni Chance. Now he had an idea why his parents are overprotective, pero bakit hindi man lang nito pinaalam na may sakit pala siya? Kapag nagkakasakit siya noon, tanging mga magulang niya lamang ang nakikipag-usap sa doktor at hindi man lang pinapaalam sa kanya ang resulta. Parang gumunaw ang mundo niya sa sandaling iyon lalo na't nababakas niya ang matinding pangamba ni Sunny. Naihilamos na nga nito ang mga palad sa mukha dahil sa di inaasahang balita. Bakit ngayon pa?
"Huwag kang mag-alala. Gagawa tayo ng paraan upang maoperahan ka agad within two months. Ang mahalaga magkasama tayo." Iniangat ni Sunny ang mukha at ipinakitang hindi siya nawawalan ng pag-asa. Crying in front of him won't solve the problem. Hinawakan niya ang mga kamay ni Chance upang pagaanin ang loob nito. "Kaya natin 'to Chance."
"Sunny, ipangako mo na hindi mo 'to sasabihin kay ate Hope. Please?"
Napakunot-noo siya. "Hindi naman puwedeng gano'n. Karapatan pa rin niyang malaman—"
"Wala nang karapatan ang mga magulang ko sa akin. Intensyon din naman nilang magkaganito ako dahil inilihim nila sa akin." Dumilim ang mukha ni Chance at hindi kumbinsidong tumango si Sunny. Sa ngayon, maiging huwag munang kontrahin ni Sunny ang kahilingan ng kanyang asawa upang hindi na ito mai-stress.
***
"Sabi ni doc, hindi ka muna puwedeng magkikilos. Ako muna ang magtatrabaho, dito ka lang at lagi mo akong i-a-update. Okay?"
Walang imik ngunit tumango naman si Chance sa bilin ni Sunny habang nagagayak na ito papunta sa papasukan nitong convenience store.
"Chance, ngiti na please," untag niya rito at hinalikan sa pisngi. Hindi pa rin siya kinikibo ni Chance pero napapitlag siya nang hawakan nito ang braso niya at biglang niyakap.
"Chance, male-late na ako," sambit niya ngunit tila bingi ang kanyang asawa at hindi pa rin siya nito binibitawan. "Chance..."
"Gusto kitang ihatid sa papasukan mo. Hindi ba pwede?" nagsusumamong tanong ni Chance saka niyakap pa nang husto si Sunny.
"Di ba nga sabi ng doktor hindi ka puwede pang kumilos? Uuwi ako nang maaga. Promise ko 'yan." Hinagkan niya si Chance sa pisngi bago ito layuan.
Ang tanging magagawa lang ni Chance ay sundan ng tingin si Sunny sa paglabas nito sa kanilang bahay. Kahit hindi magsabi si Sunny ng mga saloobin nito, batid naman niya na sobrang hirap na ito para sa kanilang dalawa. He had an idea to help her without breaking a promise to her. Sa ganoong paraan lang niya napagaan ang bigat na kanyang nararamdaman.
***
Nakapatay ang ilaw nang datnan ni Sunny ang kuwarto. Siguro ay mahimbing na ang tulog ni Chance kaya binuksan niya ang ilaw. Nataranta siya nang hindi niya makita sa anumang sulok ng kuwarto ang asawa niya. She immediately thought that Chance followed her or he found a temporary job and left the house. Kinuha niya kaagad ang cellphone upang tawagan si Chance at sumagot naman ito.
"Hello, Chance?" kinakabahang bungad niya.
"Relax, nasa rooftop lang ako," tugon ni Chance na nakuha pa ring tumawa kahit alam nitong nilalamon na siya ng kaba. Pagkaakyat sa rooftop ay inunahan niya ng yakap si Chance. She missed him the whole day, kalahating araw pa nga lang na hindi sila magkasama ay sobrang nananabik na siyang makita ito, paano na lang kung mas matagal pa silang hindi magkasama?
"Pinakaba mo ako doon!" nagtatampong sikmat ni Sunny at mariing napapikit dahil sa paglukob sa kanya ng tensyon.
"Surprise!"
Napaangat din ang tingin niya sa wakas. Nanibago siya sa itsura ng rooftop. Bukod sa mas dumami ang makukulay na led lights ay may mga flower decoration na rin doon. Iyon na nga ang surpresa ni Chance. She was amazed and touched at the same time. Bukod pa doon ay may mga pagkain sa table.
"Dinner date natin Sunny. Alam kong pagod ka sa buong araw, ito lang ang nakayanan ko." Chance smiled brightly, so bright that it could compete with the moon's brightness that made the world beautiful.
"Sabi ko naman sa'yo di ba? Ayaw kong malungkot ka?"
"Paano mo nalaman na malungkot ako?"
"Asawa kita di ba? Iisa na ang puso natin ngayon." Sinelyuhan ni Chance ng halik ang mga labi ni Sunny nang sabihin iyon.
They both enjoyed the dinner date. After that, they got time to talk again. Nakaupo si Sunny sa bangko at nakahiga sa lap niya si Chance na nakatingin sa maliwanag na buwan. "May naisip akong raket para madagdagan ang income natin. Marunong kasi akong mag-bake," pagmamalaki ni Chance. "Oh talaga? Anong ibi-bake mo?"
"Mga cake, bread desserts ganoon. Tapos ilalabas ko sa palengke. Hindi naman mabigat na gawin ang pagbi-bake. Hindi ako mapapagod nyan," Chance explained while still looking at the full moon.
"Sige, gawin natin 'yan bukas agad," pag-apruba ni Sunny. Sa sobrang tuwa ay napabangon si Chance at niyakap muli ang asawa.
"Salamat, ibig sabihin kasama kita bukas."
"Ano pa bang magagawa ko para lang mas makabawi pa ako?" tanong ni Chance na ikinagulat ni Sunny.
"Okay na ako Chance. Hindi mo na kailangang gumawa pa ng kung ano. Sapat na 'yong dinner na hinanda mo para sa'tin." Sinakop ng mga kamay niya ang magkabilang pisngi ni Chance at saka hinagkan ang tungki ng ilong nito.
"Gusto mo kantahan kita ngayong gabi?"
Nakakamot-ulong tinanguan siya ni Sunny. "Marunong kang kumanta? Ang dami mo palang talent," bilib na puna niya sa asawa. Being together as married couple while still getting to know each other is so strange. Ngayon lang sila nagkakakilanlan pero mabuti na lang at hindi nito nasisira ang kanilang pagsasama.
"Kakantahan kita ng isang kanta na narinig ko sa palengke. 'Langit' daw ang title no'n," pagmamalaki ni Chance. He cleared his throat then he looked at Sunny with all sparks through his eyes.
"Sige nga, sample sample!" Sunny cheered him.
"Ang yakap mo, ang kumot ko
Sa mundo kong nanlalamig
Kaya't sana ay laging ikaw ang nasa aking tabi
Kasi ang gaan ng feeling,
Sa tuwing ikaw ang aking kapiling
Oh nasaan? Nasaan na ako?
Oh langit ang nararamdaman, sa piling mo
Sa piling mo sinta
Oh langit ang nararamdaman, sa piling mo
Sa piling mo sinta"
Chance gracefully sing and never break that eye contact with his wife. He wanted to express how much he love her in many ways could. Nang matapos sa pagkanta ay napapalakpak si Sunny na katulad sa paraan ng mga bata kung paano magtawag ng kalapati. Hindi nga sintunado si Chance. Napakalamyos pala ng tinig nito.
"Ang galing ng asawa ko!" bulalas niya at bilang reward ay ginawaran niya ng halik si Chance. "Salamat sa magandang kanta, salamat kasi minahal mo ako."
"No. Salamat kasi pinakasalan mo ako." He grinned as he held Sunny's hand tightly. Tumingala ulit sila sa ulap at pinagmasdan ang liwanag ng buwan.
"Sana ganito na lang palagi. Kasama kita, nakatingala sa ulap at panandaliang nakakalimutan ang mga problema," Chance mouthed.
***
"Ma, nakausap ko ang pinagkakatiwalaan ninyong doktor. They told us na matagal na palang may heart complication si papa. Si Chance din ay may sakit sa puso at hindi n'yo pinaalam sa kanya. Ma! Ano ba 'tong paandar ninyo? Bakit inilihim n'yo ang health condition ni Papa at ni Chance?" nanggagalaiting sermon ni Hope kay Donya Imelda nang dalawin muli si Don Manolo na naka-confine pa rin sa ospital.
"Hope, let me explain. Hindi dapat malaman ng business industry ang kalagayan ni Don Manolo dahil hindi siya magiging board chairman ng asosasyon ng construction firms dito sa Pilipinas kapag nalaman nila na may sakit siya." Nakayuko si Donya Imelda at hindi man lang magawang salubungin ng tingin ang anak.
Napahilamos si Hope at naitapon ang hawak na result documents na kinuha pa niya sa doktor. "Mama naman! Kailan ba papasok sa utak n'yo na hindi na dapat mag-effort si papa at magpataas ng ere niya dahil ang dami na niyang napatunayan? Ano 'to? Feud pa rin between him at ng kumpare niya? Mama!"
Napasabunot siya sa sariling buhok at pakiwari niya'y nanghihina ang tuhod niya kaya napasandal siya sa pader. Nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa nagbabadyang luha at hindi na niya ito napigil sa pag-agos. "Sorry. Pero huwag kang mag-alala, I know many doctors out there, gagaling ang tatay mo. We have plenty of funds—"
"Then? What's the point? Hindi n'yo na mabubura sa isip namin na naglihim kayo!" himutok ni Hope. "And what about Chance? Bakit hindi n'yo pinaalam sa kanya? Paano na lang kung malaman niya na may sakit siya? Mama! Karapatan niya 'yon!" dinig na dinig sa hallway ang pagwawala ni Hope. Napaluha rin si Donya Imelda.
"Kasi we wanted to give him a lesson. Noon pa man siya na ang pinakamatigas ang ulo at curious siya sa lahat ng bagay. At malay ba natin? Baka nga hindi na na-develop ang sakit na 'yon di ba? Look at your brother, mukha naman siyang malusog. We thought that anytime kapag nalaman niyang may sakit siya, mapapasunod namin siya sa mga gusto namin. Pero hindi ko akalaing sa paglayas niya, hindi na siya babalik at ngayon kasal na siya sa isang hampaslupa."
"Shallow reason ma! Hindi yan maju-justify ng pagiging masama ninyong magulang!"
Nanginginig ang kalamnan ni Hope habang nililitanya ang hinanakit. Hindi na niya matagalan na tingnan si Donya Imelda kaya umalis na siya at dumiretso sa parking lot kung saan naka-park ang kanyang kotse. Una niyang tinawagan si Chance upang ipaalam ang lagay ng kanilang ama pero hindi ito sumasagot kaya si Sunny naman ang sunod niyang tinawagan.
"Ate Hope, kumusta?"
"Ayos lang Sunny. Andyan ba si Chance?"
"Opo, magkasama naman kami. Sige po kausapin n'yo muna siya."
"Hello, ate?" si Chance na ang sumagot.
"Chance, nasa ospital si papa."

Komento sa Aklat (111)

  • avatar
    Liza Estopa Mactal

    maganda po Ang love story po n chance tatapusin kopa po Ang love story n chance sana making sila n sunny sa bandang huli bagay po sila n chance Buti po ako sa kanila n chance sana mawala nayung Galit n sunny para po maayos napo Ang loob s chance at Mang Elmo

    20/12/2021

      6
  • avatar
    MenguitaRica Jane

    Ganda nya Pala pwede Kang kuita

    27/08

      0
  • avatar
    Ald Win

    perfect

    22/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata