Verranda

CATHERINE BLAIRE POINT OF VIEW
"I want your full attention. I want you to be safe from that m*therf*cker assh*le d*ckhead, and I want you to just stay by my side!" Pasigaw na sabi niya sa akin na hindi ko nalang siya sinagot dahil alam ko naman na nagbibiro lang siya. Tsked! Bakit ba kasi binibigyan niya ako ng rason para mahulog ako sa patibong niya?
Hindi na lamang ako nagsasalita buong byahe hanggang makarating kami sa hotel. Well! Lahat ng PA ay iisa lang ang kwarto kaya lima kami ngayon dito na puro babae lang.
"Cath, bakit ba ang lapit-lapit mo sa boss mo sayo? Ako kasi ang sungit-sungit ng boss ko," nakasimangot na sabi ng isang Personal Assistant na kagaya ko sa akin and she's referring to Mr. Villanueva.  
"Awww! Hindi 'yan siguro nag-aadjust palang si Mister Villanueva. You know bago ka niyang PA, darating din ang araw na maging close kayo. Ganyan ako noong unang sabak ko sa pagiging PA ng boss ko," proud kung sabi habang inaayos ko ang igahan ko dahil gusto ko ng makapag pahinga.
"Sana nga Cath," nakangiting sabi niya sa akin. Saka siya pumunta sa kanyang kama. Ang hotel kasi namin ay naglalaman ng limang kama, malawak kasi like ewan ko ba bakit ganito.
"Ladies, let me remind you that at exactly 9:00 in the evening dapat kumpleto na ang mga kagamitan ng mga boss. Mula sa isusuot hanggang sa matapos ito. Maliwanag ba Cath, Viena, Sansan, Pauline at Yen!" seryosong sabi ng manager nila na si Ma'am Regina. Istrikta siya pagdating sa mga concert ng mga alaga niya, pero mabait naman talaga siya.
"Opo manager," sabay sabay na sabi namin lahat na ikinatango naman niya bago siya umalis sa aming suit dito sa hotel ng Goggins de' Palacio.
Nakahinga ako ng maluwag habang tumitingin sa buong kwarto saka ako pumunta sa kamang para sa akin. Gusto ko kasing magpahinga na, habang inaayos ko ang sarili ko sa kama ay napapa hmm ako ng isang kanta.
Saka hihiga na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nakasimangot kung dinampot ito pero ng makita ko ang caller ay napapailing ako saka ko sinagot ang kayang tawag. 
"Oh problem baby?" tanong ko agad sa kanya pero hikbi lang ang narinig ko kaya napatayo ako sa aking kama saka ako pumunta sa veranda.
"Bakit ka na naman umiiyak honey? May nangyari na naman ba sayo habang wala ako sa tabi mo hmm!" Nag-aalalang sabi ko sa kanya habang pinapatahan ko siya.
"Kasi naman eh, hindi ko na kaya mga ipinakita sa akin ni mama, ewan ko ba kung ano ang mga nagawa kung kasalanan. I admit naman kung bakit nawala si papa sa puder namin," humihikbi na sabi niya sa akin na ikinangiti ko kahit hindi niya nakikita. Well! Paulit-ulit nalang kasi siyang umiiyak ng dahil kay tita Blanca ang mama niya.
"Shhhhh! Tahana, 'wag ka ng umiyak baka nabigla lang si tita sa ginawa na naman niya sayo kaya tama na, hindi kita masasamahan ngayon honey alam mo naman na may concert ang boss ko dito sa Canada," malungkot na sabi ko sa kanya tsaka ako tumunghay sa railings at tumingin sa kalawakan dahil palubog na ang araw dito.
Nandito na kami sa Dawson Creek Canada. Kung saan gaganapin ang kanilang concert. Kung 5:30 Pm dito ay 5:30 naman ng umaga doon sa Pilipinas. Pero kay aga naman na umiiyak ang kaibigan ko.
"Oo na po alam ko, pero nasasaktan lang kasi ako sa mga binibitawan na mga salita ni mama sa akin," humihikbi pa ring sabi niya sa akin kaya napa dighay ako dahil malaki ang pagbabago ni tita Blanca.
"Kay aga naman na pinapaiyak ka ng mama mo. Oh siya tumayo ka na para magliwaliw ka muna sa opisina mo, doon ka muna lumanghap ng hangin," napapailing na sabi ko sa kanya kasi alam ko na naman kung nasaan siya. Ugali niya kasi sumuksok sa side ng kanyang kwarto habang nakaupo tsaka ang mukha niya ay nasa kanyang tuhod.
"Saka 'wag kang magtanim ng galit kay tita, I know pinagsisihan niya ang mga ginawa na naman niya sayo ngayong araw. Ngumiti kana diyan. Sige ka hindi kita bibilhan ng pasalubong," natatawang sabi ko saka ako tumingin sa kaliwa ko dahil nakita kung bumukas ang veranda doon. Pagkakita ko ay kinindatan niya ako.
Tsked! Parang baliw talaga ang boss ko. Kaya sinimangutan ko siya dahil napakapilyo niya talaga na lahat ng ginagawa niya ay biro lang. 
"Fine! I will honey, don't worry alam ko naman na talagang pinapahalagahan ako ni mama kaya niya ako pinagbabawalan na tanggapin ang bagong proyekto ko doon sa Boracay," malamlam ang boses na sabi niya sa akin, napatingin din ako sa kaliwa ko at nakita ko ang boss ko na may kausap din siya. 
Kaya tinitignan ko ang bawat galaw, hakban at pagbukas ng kanyang labi na halata sa mga mata niya ang galit at pagkairita sa kausap niya.
"That's good honey, sige I need to go, call me if there's any problem again, I love you love," nakangiting sabi ko kay Bianca, sumagot naman siya sa akin bago ko pinatay ang tawag.
Ganito kaming magkaibigan, honey, darling, baby, love, babe lahat na yata ng tawagan ay ginagamit naming dalawa. Like nakasanayan na namin.
Nag-stay muna ako doon ng kinse minuto dahil lalanghapin ko muna ang hangin dito sa Canada. Ibang-iba kasi ang hangin dito kumpara sa Pilipinas. 
"Honey, love huh!" Biglang sabi ng boss ko, pero sa cellphone siya nakatingin. Kaya hindi ko nalang siya pinansin malay natin na may ka-chat siya o whatsoever.
"I love you pa nga! Sana all nalang!" dagdag na sabi pa niya. Tsked! Maka pagbasa ng chat o text ay napakalakas pa. Oo na ikaw na ang may ka bebe time. Hiya naman ako sayo!
"F*ck, that honey, love, I love you word! Thats bullsh*t!" Pasinghal na sabi na naman niya. Tsked! Ano ba ang problema niya tang*na naman nito?
"Itulog mo nalang 'yan boss, don't worry mahal ka niya kaya 'wag ka ng magalit diyan!" Pasigawpl na sabi ko sa kanya na ikinangisi niya na para bang may nakakaamaze sa sinabi ko.
"Talaga mahal niya ako?" Natatawang tanong pa niya sa akin na parang bata. Ay kay gago naman.
"Oo naman boss, one hundred one percent kaya 'wag ka ng mag-alala diyan dahil bukas mahal ka pa rin niya," napapailing na sabi ko sa kanya na ikinatawa niya kaya tumingin ako sa gawi niya. Pero napakamot ako dahil nakahawak pa siya sa kanyang flat na tiyan.
"Parang tanga boss, makatawa wagas, hmm! May sinabi ba akong nakakatawa kaya ganyan ka makatawa?" Napapantastikohang tanong ko sa kanya dahil naguguluhan lang naman ako.
"Nah don't mind me," nakangiwing sabi niya sa akin kaya aalis na sana ako ng magsalita siya.
"Okay! Okay! Hindi na ako tatawa just stay for awhile," biglang sabi niya kaya napakamot ako sa aking ulo habang nakatingin sa kanya.
"Bakit ba kasi tumatawa ka boss? I'm confuse lang naman," napapakamot ako sa aking noo na sabi ko pero umiling lang siya.
"Nothing, I'm just happy to know that she loves me too, even if she has that m*therf*cker honey, love, with the word I love you!" naiiritang sabi niya sa akin na ikinangiti ko ng mapait.
"Hay nako boss! Katatapos niyo lang mag-usap pero bakit parang hindi ka sure?" Natatawang sabi ko sa kanya pero tumawa na naman siya. Masakit sa katutuhanan na hindi ako ang rason ng pagngiti niya.
Hallah! Nababaliw na ba talaga ang boss ko dahil tumatawa siya. Nga pala ganyan siya sa tuwing dalawa lang kami pero kapag maraming tao ang nakapaligid sa amin ay napakasungit talaga. Like what the hell! Hindi ko alam pero ang suplado niya talaga sa akin.
"Alam mo boss, kung hindi lang talaga kita kilala, tatawagin kita na nababaliw kana talaga," pagbibirong sabi ko sa kanya na ikinatawa na naman niya.
"Yes nababaliw na talaga ako, I don't know why? But I'm in middle of two fucking woman the one that I love, or the one that I like, damn it I don't know what to do anymore!" frustrated sabi niya sa akin na ikinakamot ko sa aking ulo.
"Enlighten me boss hmm!" natatawang sabi ko sa kanya dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

Komento sa Aklat (76)

  • avatar
    Isabel Cabodoc

    JOHNTHONY

    17/03/2025

      0
  • avatar
    Ronald Moral

    loving affairship

    07/10/2024

      0
  • avatar
    Minmin Manolo

    Very nice!

    13/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata