Wakas

Nakarinig ako ng ingay habang naglalaro ako ng toys ko na sasakyan sa labas ng bahay ng tita ko.
Nagdugtong ang kilay ko at ngumuso bago tumayo galing sa pagkakasalampak sa lupa. Dala dala ang isa kong laruan ay naglakad ako sa bandang may umiiyak.
"Hoy bata! Anong ginagawa mo riyan?" kuryoso kong tanong sa isang batang babae. Nasa taas siya ng puno at umiiyak doon.
She looked at me with her teary eyes and big eyes.
"Naglalaro ka ba riyan?" Nagkamot ako ng ulo nang todo iyak lang siya at hindi ako sinasagot. "Bahala ka nga riyan!"
Ambang aalis na ako nang may tumama sa likod ko na kung ano. Lumingon ako at nakitang masamang nakatingin na sa akin ang bata. Nagbaba ang tingin ko sa harap at nakita ang tsinelas niya. Ito ata ang tumama sa likod ko.
"Ano ba gusto mo?!" iritado kong tanong.
"T-tumawag ka ng tulong!" She looked away. "H-hindi ako makababa…"
Nanliit ang mata kong tinignan siya.
"Ano?!" pagbibiro ko.
Matalim niya akong tinignan ulit.
"Ang sabi ko hindi ako makababa!" sigaw niya.
Humagalpak ako sa tawa dahil doon pero agad ding humupa nang binato niya ulit ang tsinelas sa akin.
Hindi naman masyadong kataasan ang puno kaya ko naman siguro siyang saluhin kapag pinatalon ko siya.
"You can jump?"
She pouted, wiping her tears and taking a look at the ground.
"Yes."
Tumango ako at puwesto sa baba niya.
"Talon ka papunta sa akin. Sasaluhun kita," I said and winked at him.
She pursed her lips and slowly got in the position.
Humanda ako sa pagtalon niya at binigay lang sa kaniya ang paningin. She closed her eyes then jumped. Nasalo ko siya pero masyado siyang mabigat kaya natumba rin ako. Agad siyang tumayo mula sa pagkakaibabaw sa akin at aalis na sana nang magsalita ako.
"Wala man lang thank you?" Pinagpag ko ang damit ko at tinignan siyang nakataas ang kilay na lumingon sa akin.
Her face now is not scared anymore. Her face is so strong and fierce kaya medyo natatawa ako sa isipan.
"Aakyat akyat ka tapos hindi mo kaya bumaba?" Nilapitan ko siya at pinagpag ang dress niya. "Saan ba ang inyo?"
"Bakit? Makikikain ka?" tanong niya sa akin.
Ang mukha niya ay maganda. Mahaba rin ang maalon niyang buhok na sa tantya ko ay hanggang sa puwetan niya ito.
"Bakit ano ba meron?"
Tinuro niya ang medyo malayo na bahay dito. Mansyon iyon kulay puti! At napapansin ko nga na maraming tao ang naroon.
"Birthday ni Elle."
"Sino si Elle?"
Nilingon niya ako. "Pinsan ko!"
Tumango tango ako.
"Bawal akong lumayo e. Sige punta ka na roon, papanoorin na lang kita."
She made a face before starting to walk. I watched her until she was in front of their gate. She waved her hand so I waved mine too.
That was the first time I saw her and how dumb I was na hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. After that incident, everyday I would always go to my auntie's house to see her. Pero sa nagdaang araw ay hindi ko siya nasilayan.
Nagpunta ako one time sa kanila at tinanong kung nasaan ang batang yon at ang sabi sa akin ay tuwing may occasion lang daw sila nagpupunta rito.
Kaya nang mag pasko ay naisipan kong sumama kay papa para puntahan si tita pero halos lumukot ang mukha ko nang hindi ko pa rin siya nakita.
"Ang laki na pala nitong anak mo!" Sabi ng isang gwapong lalaki na nakatira kung saan pumasok ang babaeng nakilala ko noon.
I was in senior highschool when I stole her picture on their table. Nakita ko ang picture niya noong dumalas ang pagbisita ni papa sa mansyon nila kaya kinuha ko na lang ang picture niyang naka frame doon.
"Tol, sino ba yan? Lagi mo na lang tinitignan yan bago ka matulog! Anak mo ba iyan?!" Ang kapatid ko one time nang pumasok siya sa kwarto ko at nadatnan akong tinitignan ang picture niya.
I couldn't ask tito Zanjo about the name of this girl kasi isusumbong niya ako kay papa ko!
"Ito yung sinasabi ko sayong nakita ko noon!"
"E, ang bata pa niyan oh!"
I kept my eyes on the picture. Bata pa nga iyon, di bale kukuha na lang ulit ako bukas sa bahay ni tito Zanjo kung may makita akong medyo recent na picture!
Kaya nang sumunod na punta namin ay halos punitin ko ang picture nilang dalawa kasama si Elle dahil ang mukha lang naman ni Alexin ang pakay ko. Ngayon alam ko na ang name niya! Papa asked him kung sino ito kaya buti na lang talaga tinanong ni papa!
"Pa! We will go to tito Zanjo's house!" paalam ko dahil paalis na siya papunta sa city hall.
Tumango lang siya bilang sagot sa amin.
College na ako at gustong gusto ko na talaga makita si Alexin! I tried to search for her on any social media pero the heck! Hindi ko siya makita! Mukhang hindi siya gumagamit ng social media!
"Bakit ba sinama mo pa ako?!" iritadong sambit ni Tristan sa tabi ko habang nagmamaneho ako.
"E, sumakay ka naman!" Tumawa ako. "At tsaka nandon yung Elle my loves mo!"
"Tumigil ka nga!"
Ngumisi ako at nagmaneho na lang dahil mukhang bad trip na ang mukha niya.
Nang makababa na kami sa sasakyan ay nanghiram ako ng suklay kay Tristan. Siya naman ang nag doorbell. Walang nagbukas kaya ako na ang nag doorbell. Pinindot pindot ko iyon hanggang sa may marinig ako sumigaw.
"See. Dapat dinadamihan mo para mainis!"
Nagtawanan kami.
Umurong ako palikod at nagsuklay pa ng buhok nang bumukas ang maliit na gate.
"What the fuck?!" sigaw ni Tristan kaya napalapit ako sa kaniya ag tinignan ang tinitignan niya.
"What the fudge?!" bawi ng babae sa harap naming dalawa.
Nanlaki ang mata namin. Tinignan niya kaming dalawa at nagkatinginan din kaming dalawa ni Tristan. I can't believe it! The woman I want to see everyday is now in front of me with her annoyed face.
"Sino ba kayo?!" Nagtaas pa ako ng kilay. "Minumura nyo pa ako!"
Hindi kami nakapagsalita kaya umirap siya at umambang isasarado nang pinigilan ko iyon at hindi sinasadyang nalakasan ang pagtulak doon.
"Aray! Makatulak. Bahay mo?!" Masungit niyang sigaw at umirap pa.
"Pasensya na," tanging nasabi ko at pinasadahan siya ng tingin.
Ang laki na niya… Bumaba ang mata ko sa dibdib niya at halos pinitik ko ang mata ko dahil kung saan saan tumitingin!
"We'll wait."
Kaya ang ending ay nasa labas kami magdamag para maghintay. Pinapasok lang kami nang dumating na mismo sila tito.
I like the nickname she gave me when we first met. Mister suklay. She loves eating at ang favorite niya ay ang ice cream.
Lagi akong bumibisita sa kanila kaya lagi ko ring naririnig ang iritado niyang boses at nakikita ko rin ang iritado niyang mukha. Until Elle’s birthday, I confessed to her. Alam kong ayaw niya sa mga Hazema dahil sa step brother ng papa ko na si Allan.
“Manliligaw ako.”
Doon nagsimula ang lahat. Gusto kong baguhin ang pananaw niya, kahit sa aming pamilya lang. Hindi kami tulad nila tito Allan at Allen dahil hindi naman sila tunay na magkapatid.And I also heard, Axel and Alexin was in a relationship.
Wala na akong pakialam kung ayaw niya at naiinis pa siya sa akin, handa akong saluhin lahat ng galit niya hanggang sa wala nang matira.
Ang araw namin ng baksyon ay iyon ang pinakamasayang araw sa buhay ko dahil sinagot na niya ako. Pero kasunod naman non ay ang pagpapadala ng mga tauhan ni tito Allan. We survived that night pero nang umaga doon na nagsimula ang pagkamiserable ko,
Iniwan niya ako. We promised to each other na gagawin naming magkasam ito. Lalagpasan naming magkasama ngunit hindi siya tumupad sa pangako na iyon.
“Bro, stop drinking!” Kinuha sa akin ni Tristan ang nasa harapn kong inumin. “Maybe she just wants to be alone for the meantime, right?”
“No! Nawawala siya! May kumuha sa kaniya!” sigaw ko at tinbig lahat ng mga inumin na nasa harap ko.
Naalarma ang mga tao kaya agad na umiwas at baka matuluan sila nang tapon na inumin. Humingi nang tawad si Tristan habang ako ay humahagulgol at hindi alam ang gaagwin at kung saan ko hahanapin si Alexin.
Alam kong ginagawa na ni tito Zanjo ang lahat para mahanap si Alexin.
“What if si tito Allan ang kumuha sa kaniya?” Nasa harap ko ngayon si Tito Zanjo at nakikinig sa akin. “Ako na ang pupunta sa kanila at hahanapin ko roon si Alexin!” aniya ko at umambang tatayo nang tumawa si tito.
Nilingon ko siya.
“Paano ka nakasisigurado? Mamaya ay sumugod ka nga roon, paano kung pati ikaw ay hindi makaalis? Ng buhay?” sabi niya na agad na nakapagpaisip sa akin.
He’s right, my mind is nt working well dahil sa pagkawala ni Alexin pero kailangan ko siyang iligtas. I want to protect her at all costs. If getting shot or dying would protect her, then I would willingly catch bullets for her.
Walang maibigay si papa sa akin na numero ni Allan, dahil kahit siya ay wala na ring contact sa step brother niya. Kahit kay Allen.
Nasa sala kami ng bahay ni tito nang mag ring ang phone niya kaya nahinto kami sa usapan kung paano hahanapin si Alexin.
“Hello?” si tito at agad na nanlaki ang mata
Nagkatinginan kami at agad niyang ni-loud speaker ang katawagan niya. Walang pangalan, tanging numero lang kaya nalilito ako kung sino ba itong kausap ni tito at bakit ganiyang ang reaksyon niya.
“Hi. It’s me, Alexin.”
My lips parted when I heard her voice again. Sa ilang linggo kong pagkabaliw dahil sa paghahanap sa kaniya ay narinig ko na ang boses niya! Nagtanong tanong si tito pero hindi pumapasok sa utak ko iyon dahil malapit na sa amin si Alexin!
"Tito, calm down. Please, pakiayos po ang gamit ni Nix ngayon at uuwi po kaming Canada."
Agad na nagdugtong ang kilay ko dahil sa narinig sa kaniya. Nagkatinginan kami ni tito Zanjo kaya mas lalo akong naguluhan. Anong gagawin niya roon? Bakit biglaan?
“Bakit biglaan? Saan iyon?” tanong ko kay tito habang sinusunda siyang inaayos ang gamit ni Nix. Kahit si Nix ay naguguluhan na rin. May tuyo pang luha sa mukha niya dahil sa pagkamiss niya sa ate niya.
“Hindi ko alam, Calvin. Bayaan mo muna si Alexin.”
“What? Wala siya ng ilang linggo tapos aalis na naman siya?! Paano na ako?”
I watched Alexin and Nix hugging each other. Inoobserbahan ko siya at agad nakita ang mga pasa niya sa mukha at sa katawan, nakita ko rin ang tumutulong dugo sa lapag galing sa braso niya. Napalunok ako at pinipigilang maluha dahil sa itsura niya. I should protect her pero paano kung mahilig naman siyang gumawa ng kapahamakan na hindi sa akin pinapaalam!
When our eyes met, agad na namuo ang luha sa mata ko. I want to hug her pero parang hindi ako makagalaw sa aking pwesto tila nakadikit ag dalawa kong talampakan sa sahig.
“We need to go now!”
"Go? Saan kayo pupunta, Alexin?" Agap ni Calvin. Lahat sila ay napalingon sa akin dahil sa sinabi ko.
"It is none of your business." She exclaimed
Nagdugtong ang kilay ko at hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang umalis ngayong nandito naman na siya.
"What? Anong none of my business? You are my girlfriend!" Katwiran ko. Naglakad ako palapit sa kaniya. Ngunit natigil din nang makita ko ang paghakbang niya paatras.
Binuka ko ang bibig ko para magsalita pero walang lumabas na salita roon kaya tuluyan ko itong sinarado.
The moment she pointed her gun at me, I know she hates me. Pero wala na akong pakialam kahit iputok niya pa mismo sa dibdib ko ang baril. Kung iiwan din naman niya ako, mas mabuti nang hindi na tumibok ang puso ko!
"I love you, Cala..." I softly said.
Tumutulo na ang luha sa magkabilaan kong pisngi.
"I hate you."
Paulit ulit na tumatak iyon sa akin kaya hanggang sa training ko ay naaalala ko pa rin ang pagkakasabi niya sa akin noon. Hindi niya mismong sinabi na mag break na kami pero sa paraan ng pagsabi niy ng ‘I hate you’ mas lalo akong nandurog. Mas lalong tumatak sa akin na iiwan na niya talaga ako.
I spend my years focusing and keeping myself busy on the training so I could be a policeman. So I could at least protect people here. And so I could protect Alexin kahit malayo siya sa akin.
When I finally saw her for almost 5 years, my heart ache on the sight of her. She grew so much. Mas lalo siyang gumanda at naging fierce ang mukha. May peklat siya sa may pisngi na mas lalong nagpatapang sa mukha niya. Ang buhok niya noong nagkakilala kami ay ganon kahaba ang buhok niya ngayon.
"I will still catch bullets for you."
Nang marinig ko iyon ay mas lalo ko siyang kailangan protektahan. Misundertanding made us separate ways for almost 5 years, kaya ngayon hindi na ako papayag na mangyari pa ulit iyon. Hindi ko siya hahayaang iwan ulit ako.
Inuuhan ko ng putok ang mga nakakasalubong ko. Ayaw kong pumatay na lang basta pero kung hindi ako papatay, ako naman ang mamamatay!
Hindi ko alam kung nasaan na si Alexin kaya wala akong choice kundi ang halughugin lahat ng pasikot sikot dito. Napunta ako sa bakuran sa likod at nadatnan ko si Allan na tumatakbo.
“Hinto! Wag kang gumalaw kundi ipuputok ko ito!” Sigaw ko dahilan nang paghinto niya sabay taas ng dalawang kamay. “Ibato mo ang hawak mong baril!” dagdag ko pa.
He heavily sighed before throwing his gun.
“Asaan si Alexin?” I desperately asked.
Marahan siyang sumulyap sa akin bago sumilay ang ngisi sa labi niya.
“Nasaan?!” sigaw ko.
Tuluyan na siyang humarap sa akin at tumawa. “Baka patay na?”
Naglakad siya palapit sa akin kaya mas lalo kong tinutok ang baril ko sa kaniya.
“Huwag kang gumalaw sabi!”
Ngumisi siya. “Calvin, masama ang pumatay. Lalo na kung wala naman kayong pinanghahawakan para barilin ako.”
Tinapat niya mismo ang baril ko sa dibdib niya kaya napakurap-kurap ako. He’s still my uncle pero hindi ako papayag na nakalalaya siya habang ang mahal ko na si Alexin ay patulong na nakakulong sa kamay niya.
“Babarilin kita!”
“Go On!” sigaw niya at dikidikit pa ang baril ko sa dibdib niya.
Hindi ko pa rin napipindot ang baril kaya mabilis niyang nahablot sa akin ito.
“Hays! Napaka bagal mo!”
“Sumuko ka na lang! Hindi ka namin sasaktan doon kapag sumuko ka!”aniya ko at panay ang sulyap sa baril na hawak niya.
“Mukha ba akong tanga sayo? Bakit ako susuko e wala nga akong kasalanan!” sigaw niya at winasiwas ang baril kaya napalunok ako.
“Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ni Alexin! At in-abuse mo rin siya!”
Tumawa siya kaya nagkaroon ako ng paraan para yakapain siya sa bewang niya at tinumba siya. Tinanggal ko at binato ang baril na hawak niya pero bago ko pa siya maposasan ay agad niya akong sinuntok at tinulak dahilan nang pagkaalis ko sa ibabaw niya.
“Lintek!” he hissed and get the gun taht close to him at pumamewang. “Napakakulit mo talaga eh no? Ang hina mo! Hindi tulad ni Alexin.”
Huminga ako nang malalim at umambang tatayo nang tinutukan niya ako ng baril.
“Don’t. I won’t hurt you if you just turn yourself in!” aniya ko.
Umiling siya. “Sabing wala nga akong kasalanan.”
“Meron!”
Alam kong mahina ako pero magaling ako magsalita para bumaliktad siya at kusa siyang sumuko.
“Hinde! Tumahimik ka!”
Tinutok pa niya lalo sa akin ang baril.
“Ano kayang magiging reaksyon ni Alexin kung magkita kayo sa impyerno?” Tumawa siya. “Pasensya ka na. Ikamusta mo na lang ako kay dad, sa lolo mo.”
Napakurapkurap ako at napapikit nang may marinig na putok ng baril. Halos mapasigaw ako nag pagmulat ko ay bumagsak sa akin si Allan at may tama siya sa dibdib niya. Agad kong nilingon ang pinanggalingan noon at nagmadaling tanggalin ang katawan ni Allan sa akin.
I saw Alexin, standing weakly, holding her gun. At halos liparin ko ang pagitan namin nang makita siyang bumagsak kasabay na g pagputok ng baril kung saan. Natanaw ko ang pagbagsak ng isang tauhan na nasa likod ni Alexin kanina at paglabas doon ni Roncer.
Agad kong kinuha si Alexin habang nanlalabo ang paningin ko. I looked at my hands with her blood on it.
"Alexin! Wake up!” nanghihina kong sambit habang patuloy na tumutulo ang luha sa akin mata.
“Calvin! Kailangan na natin siyang dalhin sa hospital. Mawawalan siya ng dugo!”
Agad kong binuhat si Alexin at nagtatatakbong lumabas. Nandito na ang mga pulis at may nakaabang na rin na ambulansya kaya mabilis kong nalagay doon si Alexin at sumama pa sa lob habang hawak ang kamay niya.
“Please… don’t leave me again… please!”
Pinakatitigan ko ang hawak kong bulaklak na binili naming dalawa ni Tristan. Naaalala ko pa rin ang duguan na si Alexin sa kamay ko. Ang sabi ko poprotektahan ko siya pero bakit ako pa ang naprotektahan niya at siya ang naipunta sa hospital? Napakatanga ko! Totoo nga ang sinabi niyang ang hina ko para maging pulis.
Huminga ako nang malalim bago ako pumasok sa isang room na purong punti ang kulay ng loob. May mag fruits sa lamesa bago ko nadatnan si alexin na nakatingin na rin sa akin. Lumabas na ang iba para bigyan kami ng oras na kaming dalawa lang. It’s been two weeks since that incident happened.
“Hey…” Lumapit ako sa kaniya at binigay ang bulaklak sa kaniya. Nakasandal siya sa headboard at marahang inamoy ang bulaklak na dala ko.
“Anong mayron?” she asked.
Pinakatitigan ko siya.
She’s really a strong woman. Hindi ko malaman kung paano niya ako nabihag nang ganito dahil lamang sa katapangan niya at pagmamahal niya sa pamilya niya.
Binuksan ko ang pulang maliit na box sa kamay ko at pinakita iyon sa kaniya. Napaawang ang labi niya at sinulyapan ako bago ulit ang singsing sa box.
“I want to marry you. Please marry me…” Marahan kong sinabi at hinaplos ang buhok niya.
Ngumiti siya. “Ikaw ha! Desisyon ka!”
“I know you love me,” mayabang kong sinabi. “So you should marry me before someone would propose to me.”
Nagtawanan kami.
“Mahina nga ako para maging puli dahil hindi pa tayo kasal,” sabi ko sa kaniya kaya ngumiwi siya sa akin.
“Mahina ka talaga!”
Sumeryoso ang mukha ko at lumuhod sa gilid niya kaya halos mamula ang buong mukha niya dahil sa ginagawa ko ngayon.
“Ano ba! Tumayo ka nga riyan! Mukha kang tanga!”
I shook my head and looked into her eyes. “Marry me, Alexin.”
Tumulo ang luha niya at marahang tumango.agad akong tumayo at sinuot sa kaniya ang singsing na binili ko.
I kissed her ring finger.
“Wala ka nang takas. At kung tatakas ka man, I’m always on your way. You're always way back to me.”
Nagtawanan kaming dalawa.
Thank you for reading this story and for giving me the opportunity to express my rollercoaster imagination. I hope you like it.

Komento sa Aklat (23)

  • avatar
    Gia Dashna Vigor

    it's a really great story, I love it, specially the plot.

    06/07/2022

      0
  • avatar
    Joan Ablaneda Aguilar

    Hm... Thrilling ng story I like it, maganda Yong story, matagal din akong nag hintay ng update ng chapter hindi ko binabasa lahat kasi gusto tuloy tuloy basa ko, pero kaunting chapter palang ang naiipon so kailangan ko nanaman maghintay, please update po.... Nakakabitin kasi magbasa, excited na akong mabasa ang mga susunod na mangyayare sa buhay ni lex.

    21/05/2022

      0
  • avatar
    Nicolette Valdevilla

    LOVE THISSS

    31/10/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo