Kabanata 42

Pinakatitigan ko ang kapatid kong mahimbing nang natutulog. Pinag isipan ko na ang gagawin ko ngayon at desidido na ako at para matapos na ang lahat lahat na itong problema kong ito. Tama si Martha, nadaamay na ang iba dahil sa problema ko. Oras na para tapusin ito.
I kissed the forehead of my brother and whispered to him.
“I love you so much…”
Sinarado ko ang pinto. Madaling araw na at ang tantya ko ay mga nasa 3 na ng madaling araw. Dalawa lang ang kinuha kong baril at maraming bala na nakapalibot sa bewang ko. Naka leather jacket ako at sa loob ay isang sportsbra. Leather din ang pants ko at suot ang combat shoes ko. Nilagay ko ang dalawang baril ko sa magkabilang bulsa ng pants ko sa gilid ng tuhod.
I heavily sighed before I get the key to my motor.
Nagkatinginan kami ng security guard ni tito at sabay tanguan bago niya tahimik na binuksan ang gate ng bahay. I talked to him earlier at sinabi ko sa kaniyang aalis ako ngayon at huwag niyang sasabihin kay tito dahil sa ikabubuti rin nila iyon.
“Mag iingat po kayo, ma’am,” paalam sa akin ng security guard at sumaludo pa.
I chuckled. “Handa mo na explenation mo kung bakit wala ako.”
I’m planning to sneak in Allan’s mansion so I can get the flashdrive tito Zanjo talking about. Hindi ko na sila sinabihan dahil may plano naman na kaming tatlo ang papasok pero hindi ako papayag na madamay sila. Si Roncer ay mag kasintahan na, kailangan ay maibalik ko siya sa girlfriend niya ng buo. Si Calvin ay pulis… at hindi ko hahayaang mapahamak siya ng dahil sa akin. Years had passed but my love for him never disappeared.
I drove fast as I could so I could get to their house as fast as possible.
Nang makapagpark ako medyo malayo sa bahay nila ay tinali ko ang buhok ko sa bun at nilabas ang dalawa kong baril. Maingat akong naglakad papunta sa bahay mismo ni Allan.
Tinignan ko ang malaking bakod dito sa harap ko. Nakita ko sa floor plan na ito ang pinakamalapit na daanan papunta sa opisina ni Allan. Binalik ko ang isa kong baril sa bulsa sa pants ko bago ako sumampa nang tuluyan. Mabilis din akong nakababa at agad na pinagmasdan ang paligid. Madilim at parang walang tao.
I looked up and saw the glass window of Allan’s office. Agad akong sumampa sa mga pwedeng pagsampahan dito para makarating sa taas. Nang nasatabi na ako ng bintana ay halos tumigil ako sa paghinga nang may nakitang dumaan na isang tauhan ni Allan.
Agad kong sinubukang buksan iyon, dahil kung naka-lock naman ay sa isang lagusan na lang ako papasok. Halos manlaki ang mata ko nang mabuksan iyon, hindi na ako nagdalawang isip pa at pumasok na sa loob.
Pagkapasok ko ay hindi ko na sinarado ang bintana para naman may kaunting ilaw ang pumasok dahil sobrang dilim talaga sa loob. Agad kong nilabas ang phone ko at ginamit ang flashlight non.
Hinalughog ko ang buong lamesa niya pero wala akong makita.
Mabilis kong kinuha ang baril ko nang bumukas ang ilaw at nakarinig ako ng palakpak. Nakita ko sa gilid si Allan, tumatawa habang pumapalakpak. Nang gumalaw siya ay gumalaw din ako, tinututukan pa rin siya ng baril.
“Huwag kang gumalaw!” sigaw ko sa kaniya ngunit tumawa lang ito.
Paikot ikot kami at nang huminto siya ay nakarinig ako nang pag kasa ng baril sa likod ko. Napapikit ako nang mariin bago ko tuluyang naramdaman ang baril sa likod ng ulo ko.
“Drop the gun,” sambit ng nasa likod ko.
“Paano kung ayaw ko?”
“Then your blood will stain my whole room! And I don’t want that to happen, you too right?” Si allan na biglang sumingit sa amin ng alalay niya.
I sighed and slowly dropped the can in front of me and raised my both hands.
He chuckled. “Naughty! Kick it.”
Napalabi ko at malakas na binati palayo iyon sa akin. Nakita ko ang pag pitik ng daliri niya bago sunod sunod lumabas ang mga nasa sampung mga tauhan niya galing sa isang pinto. Napalunok ako at pinanood silang luminya sa likod ni Allan.
“Ang galing talaga ni martha! Maaasahan,” tumatanog tanog niyang sinabi.
Umirap ako at medyo binaba ang kamay nang tinulak ng nasa likod ko ang ulo ko gamit ang baril kaya napataas ulit ang kamay ko.
“So welcome to my house, Alexin! Kumusta ka? Hindi tayo nakapag-kamustahan e. Bigla ka na lang kasing sumugod non hays!” sabi niya at umaktong disapointed pa dahil sa ginawa ko.
May sinenyasan siya sa likod ko kaya agad na may kumapkap sa aking lalaki at binato rin ang isa kong baril. Pagkaalis ng isa ay agad akong yumuko bago pumunta sa likod ng nasa likod ko kanina at tinanggal ang baril sa kamay niya. Kinuha ko ang baril niya at pinutok iyon mismo sa kaniya.
Tinaas ko ang baril at tinapat mismo kay Allan. Naalarma ang mga tauhan niya at umambang ilalabas ang baril nang pigilan niya mismo sila.
“Woah! Alexin, drop that gun.” He grinned.
Nagdikit ang kilay ko ay halos mapasigaw dahil sa sakit nang mabaril ang kamay kong may hawak ng baril. Kusa kong nabitawan ang baril at napasigaw ako sa sakit ng kamay ko. Mabilis ang tulo ng dugo noon at halos mamilipit ako.
I looked at my side and saw the twin of Allan blowing the gun he used for me.
“You owe me, twin.”
Nagtawanan silang dalawang kambal at naglakad si Allen papunta sa tabi ni Allan. Agad akong hinawakan ng mga tauhan ni Allan at pilit na tinayo kahit namimilipit pa rin ako sa sakit.
“You know, Alexin, hindi mo ako basta-basta mapapatay. Masamang damo ako!”
Nagtawanan ulit sila kaya matalim ko silang tinignan.
Sumenyas si Allan bago ko naramdaman ang suntok sa akin tiyan galing sa isa sa mga tauhan niya.
Napa-ubo ako at agad na kinulong ni Allan ang pisngi ko.
“Parang nangyari na to, noh?” Tumikhim siya. “Gusto mo remake naman natin ginawa namin sa nanay mo?”
Agad na umakyat ang init sa ulo ko dahilan nang pagdura ko sa mukha niya. Napapikit siya nang mariin at nagulat ako nang nasa sahig na ako at putok na ang labi ko. Sinampal niya ako.
“Hindi ka na talaga natuto ano?”
“Baka gusto niyang matulad sa nanay niya,” sabat ng kambal niya.
“Baka nga. Gusto mong makuha ang flashdrive? E, bakit pa? Gawin na lang namin sayo mismo para hindi mo na kailangan panoorin?” aniya niya at pinatayo ulit ako.
“Mamamatay tao kayo!” bulyaw ko sa mukha nila.
“Oo,” sagot ni Allan at tinutukan na ako ng baril. “Any last word? Naiinip na kasi ako e.”
“Fuck you!”
Napapikit ako nang may pumutok na baril. Napadilat din agad ako nang may bumukas ng pinto kaya napalingon kaming lahat doon.
“Sir! Mukhang may kasama siya! May nakapasok!” sabi ng nagbukas ng pinto at dalidaling sinarado ulit.
Nagkatinginan kami ni Allan.
“Wow! Super hero mo?” natatawang sabi niya at sinenyasan ang mga tauhan na bumaba at tignan kung sino iyon. Nagbalik ang atensyon niya sa akin. “Hintayin mo ako rito ah!”
Tumakbo siya palabas kasunod ng mga tauhan niya. Ang natira na lang ay mga nasa limang tauhan at si Allen.
“Hello! Do you want to know where you mom buried?” Nililinis niya ang baril na hawak sabay lingon sa akin. “Gusto mo itabi kita sa kaniya?”
“E, ikaw? Gusto mo tabi kayo ni mama? Tutal gusto mo naman siya?”
Nanlaki ang mata niya at nakatanggap ako ng sampal.
I grinned and bring back my eyes to him.
“You have a secret love to my mother,” bulong ko at halos matawa. “Bakit hindi mo inagaw sa kapatid mo? Duwag ka?”
Napa-ubo ulit ako nang suntukin niya ako sa tiyan ko. Matalim siyang nakatitig sa akin kaya mas lalo akong nasisiyahan.
“Duwag ka! Ang layo mo sa kapatid mo! Takot ka-” nahinto ako dahil sa suntok niya sa panga ko.
“Shut up!” sigaw niya at naglakad lakad sa harap namin.
“Duwag ka!” bulyaw ko.
“Shut up!” Pinutok niya ang baril at natawa ako roon.
“Inaamin mong duwag ka dahil sa ginagawa mo ngayon!”
He aggressively cupped my cheeks and let them go too.
Tinutukan niya ako ng baril. “Hindi ako duwag. At kaya kong patunayan iyon sayo. Papatayin kita!”
Sigaw niya kasabay ng putok kaya napapikit ako.
“Alexin!”
Napamulat ako roon at nakitang nakahandusay na sa harap ko si Allen. I glanced at the window and saw Roncer pointing his gun where Allen was standing. Agad akong yumuko nang tinapat naman niya iyon sa mga nasa likod ko. Tumakbo ako habang nakayuko sa mas lamesa at pinanood si Roncer na pumasok sa bintana habang pinuputukan ang mga tauhan dito.
“Paano ka nakarating dito? SI Calvin?” aligaga kong tanong at kinuha ang isang baril ng mga tauhan. I cannot use my right hand dahil binaril nga ito, hindi ako makahawak nang mabuti. I used my left hand, even though I’m not used to holding a gun on my left hand.
“Ang kamay mo,” aniya sabay kuha sa kamay ko. “Hindi ka makakahawak nang baril.”
Binawi ko ito sa kaniya. “Okay lang ako. Kaya ko. Paano nyo nalaman na nandito ako?”
He sighed. “Nagkabit ako ng gps sa motor mo dahil alam kong kapag ginusto mo na namang mag isang gumalaw ay ang motor ang gagamitin mo!”
I glared at him.
“Chill! At least nandito na kami! Ako at si Calvin pati na rin ang mga tauhan ko ang nandito ngayon. Ang mga pulis ay tsaka lalabas after 30 minutes.”
“Bakit 30 minutes pa?”
“Si Calvin yon! Ang sabi niya kapag hindi pa raw tayo nakakalabas ng 30 minutes ay tsaka sila papasok!”
Hinilot ko ang sentido at umambang lalabas na ng tawagin ako ni Roncer.
“Saan ka pupunta?”
“Hahanapin ko si Calvin!” sigaw ko at iniwan siya roon.
Narinig ko pa ang tawag niya sa akin pero hindi ko na pinansin iyon. Nagkakagulo sa buong bahay at puro putok ng baril ang maririnig kaya agad akong bumaba at nakisama sa pagpapaputok. Binaril ko ang mga tauhan ni Allan sa living room bago ako nagtungo sa mga silid silid nila. Malaki ito kaya alam kong marami pang mga tauhan ni Allan ang nandito.
Agad kong pinapaputukan ang mga nadadaanan ko at nakikita habang ako ay tumatakbo.
Sunod sunod kong binaril ang limang lumabas ng kwarto ngunit natamaan ako sa kaliwang balikat ko kaya halos hindi ko na matutok nang mabuti ang baril ko sa mga sumunod na kalaban.
Napasandal ako sa dingdin.
“Okay ka lang ba?” si Roncer nang mapatay ang mga kalaban na hindi ko matamaan dahil sa tama ko sa balikat.
“Umalis ka na rito. Kami na ang bahala! Hindi ka na makahawak nang mabuti ng baril!” iritado niyang sinabi sa akin dahil todo iling lang ang sinasagot ko.
“Hahanapin ko si calvin!” sabi ko at tumakbo na ulit.
Wala siyang nagawa kundi pabayaan ako sa gusto ko. Hindi na ako papayag na may mawala pa sa mga mahal ko. Pinaputukan ko lahat nang madaanan ko hanggang sa mangawit na ako at tuluyang namanhid ang kamay ko na pinanghahawak ko sa baril. Napaupo ako sa gilid at naiyak na dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawal si Calvin.
“Where are you?” naiiyak kong tanong sa sarili.
Napatayo ako nang marinig na ingay sa may bakuran kaya agad akong nagtungo roon kahit hindi ko na maramdaman ang baril na hawak ko. Hinigpitan ko ang pagkakahawak doon at nakita na nang tuluyang ang ingay.
Natanaw ko sila dalawa ni Clavin at Allan. Si Calvin ay nakahiga na sa damuhan habang si Allan ay nakatutok ang baril niya kay Calvin habang tumatawa at may sinasabing kung ano. Nawawala na ako sa wisyo at bumibigat na rin ang katawan ko.
Sumandal ako sa pader at kumurap kurap para luminaw ang paningin ko at tinaas ang baril. Gumigewang na ang baril ko dahil namamanhid na talaga ang kamay ko.
Alam kong hindi mo siya kayang patayin Calvin. Ayokong makapatay ka nang labag sa loob mo kaya ako na lang ang gagawa non. Sa isang putok na ginawa ko ay dumiretso iyon sa dibdib ni Allan.
Nagkatinginan kami ni Allan at sabay kaming biglang natumba. Agad na may lumabas na dugo sa bibig ko dahil sa pagtama ng bala sa likod ko. May bumaril sa akin. Napangiti ako nang mapalingon sa akin si Calvin. Nakita ko pa ang gulat at takot sa mukha niya habang nagmamadali siyang pumunta sa akin bago ako tuluyang hinila ng kadiliman.
“Alexin!”

Komento sa Aklat (23)

  • avatar
    Gia Dashna Vigor

    it's a really great story, I love it, specially the plot.

    06/07/2022

      0
  • avatar
    Joan Ablaneda Aguilar

    Hm... Thrilling ng story I like it, maganda Yong story, matagal din akong nag hintay ng update ng chapter hindi ko binabasa lahat kasi gusto tuloy tuloy basa ko, pero kaunting chapter palang ang naiipon so kailangan ko nanaman maghintay, please update po.... Nakakabitin kasi magbasa, excited na akong mabasa ang mga susunod na mangyayare sa buhay ni lex.

    21/05/2022

      0
  • avatar
    Nicolette Valdevilla

    LOVE THISSS

    31/10/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata