Homepage/Way back to you/
Kabanata 41
Pahapyaw kong pinapanood ang paglalandian ni Calvin at ni mArtha. Not totally landian, he’s just helping her out because of what I did to her leg. Almost 1 week na pero kung makaasta pa rin ay kala mo kahapon lang naputukan ng baril. At ito namang si Calvin ay akala mo kung sinong mabait!
Alam na nila tito ang dahilan ko kung bakit ko siya binaril pero ayaw niyang maniwala dahil tinatanggi rin naman ni Martha. So ako pa ang nagmukhang masama dahil sa binaril ko siya. Pinakita ko ang phone ni Martha na agad na kinalikot ni Roncer at nakitang katawagan niya nga si Allan.
“Dapat palayasin na yan e!” suhestyon ko kay tito nang nasa loob kami ng study niya. “Baka mamaya ay lahat na tayo tuluyang mapahamak dahil sa kaniya.”
“What about Michael?” tanong ni Roncer.
Kaming tatlo lang ang nandito, wala si Calvin.
“Edi palayasin din!” walang preno kong sinabi. “Kambal sila. Baka parehas lang ng utak yan! Baka silang dalawa ay spy ni Allan dito!”
Tito sighed heavily.
“They will stay here until we get the flash drive. Once we got that fucking flash drive, then they need to get out of my house right away.” Umahon si tito sa pagkakasandal sa swivel chair niya. “Okay ba?”
Umirap ako. “Hay nako! Hihintayin mo pa? Kailan pa natin gagawin iyon? Mag dadalawang linggo na pero hindi pa natin nakukuha iyon! Paniguradong nagbabalita na naman ang Martha na iyon.”
“Yung twin na yon. Pakiramdam ko nasilaw ng pera ni Allan kaya pumanig doon at nagbibigay ng balita,” si Roncer na nakasandal sa isang kabinet habang nakahalukipkip.
“Mukhang pera naman talaga iyong babaeng yon!”
Kaya nandito pa sila hanggang ngayon. Kating kati na ako kuhanin ang flash drive na iyon, pero ang sabi ni tito ay sa biyernes pa kami papasok doon. E, Lunes pa lang! Mag sasayang na naman kami ng araw jusko!
Napabaling ako kay manang na naglapag ng meryende dito sa lamesang pabilog. Nasa hardin kami, naglalaro si Nix at ako ay kung ano ano ang iniisip. Sa dulo naman ay sina Calvin na may sariling mundo.
Now I know na hindi siya ang nagsabi kay Allan na nadoon kami sa beach nayon dati, it was Martha. Pero hindi ko pa rin siya kayang pagkatiwalaan lalo na’t malapit siya riyan kay Martha. Malay ko ba, at baka si Calvin ang boss niya at si Martha ay sumusunod lang at si Calvin pa rin ang nagsasabi kay Allan.
“Done staring?”
Napakurap-kurap ako nang may pumitik sa harap ko gamit ang daliri.
Sinamaan ko ng tingin si Calvin na nakangiti at kumukuha ng tinapay na nasa harap ko. Sinulyapan ko ang likod niya at nakita roon si Martha na nahuli ko agad ang titig sa akin, nilakihan ko siya ng mata kaya agad nag iwas ng mata.
“For your information, I’m not staring at you,” sabi ko at kumuha rin ng tinapay sa harap ko.
Nakita ko pa ang pagtakbo ni Nix papunta rito para kumuha ng pagkain at agad ding tumakbo pabalik sa nilalaro niya.
“Ah-huh?” Nilingon niya si Martha. Nag ngitian silang dalawa bago ulit tumingin sa akin. Kumagat siya sa tinapay niya. “Ayaw mo?” tukoy niya sa tinapay na nasa harap ko dahil hindi pa ako kumukuha.
“Ayoko na. Naunahan na ako ng mga traydor.” Tumayo ako at umalis doon. Nakita ko pa ang pag awang ng labi niya at ang pagsunod ng tingin niya sa akin.
Hindi ko na tinignan sila at sinabihan na lang si manang na bantayan si Nix. Pumasok ako sa kusina at naglabas ng isang yakult at tahimik na ininom doon. Ayaw ko talaga ng tinapay na hinanda ni manang, uminit na naman siguro ang dugo ko kaya nasabi ko iyon.
Napabalikwas ako ng mag ring ang phone ko. Agad kong sinagot iyon nang makita ang name ni Elle roon.
“Hello?”
“Hello Alexin!”
Nagdugtong ang kilay ko.
“Okay ka lang? Hinihingal ka yata? Sabi ko naman sayo huwag kang magpapa-under jan kay Tristan!” biro ko.
Tumawa siya.
“Ano ka ba! Kumusta kayo riyan?” tanong niya at may narinig na parang nagpiprito at sumisigaw pa.
“Okay lang. Sino yung nagluluto?”
“Si Tristan! Napaka-arte! Nagtitili dahil tumatalsik ang mantika!” Humagalpak si elle sa kabilang linya na parang may nasaksihan lang na nakakatawa sa kaniya. “Umiiyak na si Tristan!”
“Ano ba iyan! Ang magkapatid na Hazema talaga ang hihina!” bulyaw ko sa kaniya.
Tumawa siya.
“Sige na, Alexin! Bye bye muwahh!”
“Sige iloveyou.”
Pinatay na niya ang tawag at ako naman ay tinuloy ang pag inom ng yakult. Halos masamid ako nang pag ikot ko ay natagpuan ko sa hamba ng pintuan si Calvin na prenteng pinapanood ako. Napaayos ako ng tayo at pinanood naman siyang naglakad palapit sa akin. Patuloy ako sa pag inom at umaktong walang nangyari habang kumukuha siya ng tubig sa ref at nagsasalin sa baso.
“Mahihina?”
“A-ang alin?” gulantang tanong ko pabalik.
He chuckled and then drank his water.
“Kumusta sila?” tanong niya ulit.
“Sino?” parang tanga kong tanong pabalik at nilingon siya.
“Don’t be stupid.” He glanced at me. "I hate people acting dumb."
Binalik ko ang tingin sa harap at medyo lumayo sa kaniya dahil kaonti na lang ang pagitan ng braso namin.
“Okay lang naman. Mukhang masaya.” I slightly smiled remembering how I want to get married and have a family when I was a child.
“Have it ever crossed your mind?” Nanatili akong tahimik. “Get married and have a family?”
Kinagat ko ang labi ko.
“Lahat naman pinangarap iyon.” Malungkot akong ngumiti. “Pero ngayon, ayoko na.”
Naramdaman ko ang paglingon niya.
“Ako gusto ko pa rin… pero yung taong gusto kong pakasalan, ayaw na.”
Napalunok ako at hindi nagdalawang isip na maglakad palabas sa kusina at bumaba sa training room namin. Ininom ko na parang alak ang yakult bago shinoot iyon sa isang basurahan sa gilid ng pinto ng training room namin.
Mabilisan kong tinap ang finger ko roon at sinabayan din ng tulak ang pinto para bumilis at sinarado iyon. Nanatili ang kamay kong roon at nakita ang pagpatak ng luha ko sa lapag. Nanatili akong ganon, nakayuko at patuloy na tumutulo ang luha ko sa hindi ko malamang dahilan. Nakayuko ako para hindi siya mismo tumulo sa pisngi ko.
Hindi dapat ako umiiyak sa simpleng usapan na iyon, pero iba ang dating sa akin. Parang may kumawala sa aking loob na kung ano para umakto akong ganito. Humagulgol ako at umupo habang nakasandal sa pinto. I hugged my knees and cried out loud. Screaming through my heart. Ngayon ko lang tuluyang nailabas ang hinanakit ko.
Hindi na dapat ako umiiyak dahil sa lalaking iyon!
Nataranta ako nang tumunog ang pinto, hudyat na may nag tap ng finger dito. Dali dali akong tumakbo sa boxing bag at pinunasan ang mga luha. Nagsusuntok suntok ako roon kahit wala akong boxing gloves na suot sa aking kamay.
Si Calvin iyon. Nanatili siya sa may pinto at parang may tinitignan kaya hindi ko siya pinansin at nagsuntok suntok lang sa boxing bag. Anong ginagawa niya rito? Hindi ba siya marunong makiramdam?
“Alexin,” tawag niya sa akin at tuluyang naisrado ang pinto at naglakad papunta sa akin.
Tumikhim ako. “Anong ginagawa mo rito?”
Umikot ako para hindi niya tuluyang makita ang mukha ko.
“Mag usap naman tayo .”
“Nag uusap na tayo.”
“Bullshit!” He cursed. “Umakto ka naman na parang sa edad mo! Ang tanda na natin para sa ganito, Alexin!”
Isang malakas na suntok ang ginawa ko bago ko siya hinarap at binigyan ng isang malakas na suntok sa mukha niya. Mabigat ang paghinga ko habang pinapanood siya na na-out of balance at ininda ang suntok ko.
“Tigilan mo na ako! Pwede ba?!” bulyaw ko sa kaniya. Hinawakan ko ang ulo ko tumalikod sa kaniya.
“Alexin, please, paniwalaan mo lang ako na totoo ang mga pinaramdam ko sayo dati! At mas lalong hindi ako ang nagsabi kay Allan! Hindi ako traydor!”
Nagulat ako sa bigla niyang paghawak sa braso ko kaya napalingon agad ako at agad na binawi ang braso ko.
Magkaharap kami at parehong nakatingin sa isa’t isa.
Ang mukha niya ay punong puno ng pagsamo habang ang akin ay puno ng hinanakit.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tumulo ang luha sa pisngi ko dahil sa paraan ng titig niya sa akin. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang palad ko at hindi na nakayanan at tinuloy ang paghagulgol na naudlot kanina.
"I'm sorry, Alexin. Please, paniwalaan mo lang ako. Kahit huwag mo na ako patawarin," aniya at naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at maingat na hinawakn ang braso ko. "Please, Alexin."
Tinanggal niya ang kamay kong nakatakip sa mukha ko. We stared at each other. I know I look terrible now because of me crying like a monster. His soft face, and gentle pair of eyes staring back at me, make me cry harder.
How could I accused him na siya ang spy dito sa amin!
"Hey..." he slowly pulled me for a hug.
He hugged me while I'm still crying like an idiot on his chest.
"I-I'm sorry... I'm sorry for accusing you." I sobbed. Ang ulo ko ay nasa dibdib niya, ang kamay ko ay nasa gilid ko lang, hindi nakayakap pabalik sa kaniya. "I'm sorry for leaving you."
I finally said it! I finally apologized to him! Ang tagal na hindi tinanggap ng loob ko ito kaya ngayon ay nasambit ko na ang gustong sambitin ng puso ko.
"It's okay," pang aalu niya at hinahaplos ang likod ko para patahanin ako ngunit mas lalo lamang lumalakas ang paghagulgol ko. "It's not your fault."
I shook my head. "I-It's my fault, idiot!"
Natawa siya.
We stayed like that until I stopped crying.
Parehas na kaming nakaupo sa lapag at nakasandal sa pader. Parehas na tahimik at nagpapakiramdaman. Kinagat ko ang labi ko at naalala ang paghingi ko sa kaniya ng tawad. Sincere iyon. Na kahit kailan, hindi ko naisip na balang araw ay hihingi ako ng tawad kay Calvin.
"Kumusta ka? It's been five years..." aniya niya kaya napalingon ako saglit sa kaniya at binalik din agad sa harap ang tingin ko.
"I think... I'm perfectly fine?" patanong kong sagot at mahinang natawa dahil sa sinagot.
Nagkamustahan na kami noong unang dating ko rito, pero parang ito pa lang ang una. Mas maayos ngayon ang kamustahan namin dahil nalinawan na ang isip ko.
"So Ms. perfectly fine... how's your heart after breaking mine?" He chuckled when he realized it was a song he said.
He looked at me.
I glanced at him. Nakasandal ang ulo niya sa pader, hindi niya tuluyang binaling ang ulo niya sa akin, tanging mata niya lang ang tumingin sa akin.
How's my heart after breaking yours?
Do you think my heart didn't break when I left?
My heart was like beating for nothing. Alive but barely breathing because of the chain that surrounds it. It was like a bullet pierced through my heart. It's suffocating. My mind and my heart were confused and at the same time, longing for your presence. I left you because my mind says so.
"My mind and my heart were fighting…Unfortunately, my mind won," I said calmly, almost whispering it.
He chuckled.
"I didn't protect you way back. I couldn't because you pushed me away." Nilipat niya ang tingin sa harap, nakatingin lang ako sakaniya. "Sinarili mo. We promised right? We promised we get through these shits together. I promised. You promised. Pero hindi mo tinupad."
I pursed my lips and hugged my knees, still looking at him.
"Sa training ko... I'd always think about you," he softly said with a sad smile on his face and slightly glanced at me. "I always think about saving you. Protecting you from anyone who would harm you. Always."
He sighed heavily.
Natahimik siya, pinakatitigan lang ako kaya napaiwas na ako ng tingin. Hindi ko kayang makita siyang pinagmamasdana ako.
"I have loved you since we were kids, up until now that your mind is against us." He grunted which made me jump lightly.
"I love you," he said.
Para akong naestatwa sa kinauupuan dahil sa narinig sa kaniya. I didn't expect him to still love me after all those years without me and weeks I've been pushing him away from me.
Napalingon ako sa pinto at niluwa noon si tito na agad kaming natagpuan. Hindi siya nilingon ni Calvin kaya tumayo na ako. Nagbaba ang tingin ko kay Calvin na nakatingala sa akin, admiring me with his hypnotizing eyes.
"Oh? Anong ginagawa nyo rito?" Si tito at naglakad pa para puntahan kami sa pwesto namin. "Calv? You two okay?"
Nagbuga ng hangin si Calvin bago tuluyang tumayo. Pinanood ko lang siyang tumayo.
When he already stood up, he then looked at me before Tito.
"We're fine, I guess," sagot ni calvin sa tanong ni tito. "Thank you for listening to me, Cala.
Papalit palit ang tingin ni tito sa amin dahil magkatitigan lang kami ni Calvin at parang wala kaming pakialam kay tito.
Halos pumalakpak ang tenga ko dahil narinig ko na ulit ang second name ko na siya lang ang tumatawag sa akin non.
Tumikhim si tito kaya napaiwas ako ng tingin.
"Hinahanap ka ni Nix. Movie time nyo raw," sabi niya at sinukyapan kaming dalawa.
Tumango ako at pinunasan ang pisngi ko dahil pakiramdam ko ay nagbakat doon ang mga natuyong luha ko.
"Umiyak ka? Bakit? Inano ka nito?"
"Tito, bayaan mo na kami." Umismid ako at sinulyapan si calvin na nakapamulsa at nag aabang na sa tingin ko. "Una na ako."
Nanonood lang sa amin si tito.
Tumango si Calvin.
Tahimik akong naglakad papunta sa pinto nang mapahinto ako sa narinig mula kay Calvin.
"Do you still love me, right?" nahimigan ko roon ang pag asa sa boses niya. "Welp, you don't need-"
"I will still catch bullets for you."
Pagkalabas ko ay halos ngayon lang ako nakahinga nang maluwag from tha chains that sorround me.
Marahan akong ngumiti at nagtungo na sa kapatid ko para manood kami ng movie.
Habang nanonood kami ay hindi ko pa rin maiwasang isipin ang nangyari sa amin sa loob ng training room namin. Para bang natanggal ang nakadagan sa akin na kung ano dahil narinig ko na si Calvin.
Ito lang ang usapan namin na maayos simula noong umuwi ako galing Canada.
Nakatulog ako dahil sa panonood at nagising na lang ako na lubog na ang araw. si Nix ay nasa tabi ko at tulog na rin, nakayakap siya sa akin paggising ko. Dahan-dahan kong tinanggal iyon para bumaba at magdala na lang ng pagkain dito para hindi na siya bumaba. Dito na rin ako kakain at baka magising si Nix at hanapin ako.
I wore my slippers and get out of the room. Wala akong naririnig na ingay kaya naglakad na ako patungo sa hagdan nang may narinig akong yapak.
I looked at the side where I heard the noise and saw Martha leaning against the wall, crossed arms on his chest, and glaring at me.
Ano na naman ba ginawa ko rito?
Hindi ko na sana siya papansin nang tumikhim ito at naglakad, pero iika ika pa rin naman.
"What do you want?" tanong ko at hinintay siyang makalapit sa akin.
Nang makalapit na siya sa akin ay tinaasan niya ako ng kilay.
"Can't you do it yourself?"
"Huh? What do you mean?" lito kong tanong.
Umirap siya.
"Fight with allan? Bakit mang dadamay kapa? Bakit isasama mo pa si Calvin sa kalokohan mo?"
"Naririnig mo ba ang sarili mo? Kalokohan? Your mom is involved here!" Sigaw ko sa kaniya.
Nakita ko ang paglunok niya at pag iwas ng tingin sa akin.
"Pinabayaan ko na siyang mamahinga! Gayahin mo na lang din ako! Hindi yong pinapakialaman mo pa ang patay at nandadamay ka ng ibang tao para sa sarili mo?!"
Sinampal ko siya dahilan nang pagbagsak niya sa sahig. Dinungaw ko siya at nakita ko siyang namilipit sa sakit, isama pa ang binti niya.
"Para sa sarili ko? Tanga ka ba?! o papansin ka lang kasi walang nagmamahal sayo?!" Tumawa ako. "How pitty, huh? Wake up, Martha. Sa totoo lang ay wala na dapat kayo rito sa mansyon. Nasa kalsada na sana kayo kung hindi lang ako pinakiusapan ni tito na dito muna kayo! Lahat binigay namin sayo! Kahit hindi mo naman deserved! Tapos ganito igaganti mo?!" bulyaw ko sa kaniya.
Gusto ko siya saktan pero hindi ko kaya. Hindi ko siya sasaktan ng pisikal, sasaktan ko siya gamit ang mga salita na magpapagiising sa kaniya at magpapa-realize sa kung ano siya.
"Hintayin mong mapaalis kita rito... hinding hindi kita kaaawaan dahil wala ka namang ginawang tama!" Pinanood ko siya nasa lapag lang. "Ano? Magsalita ka! Tsk! I'm just wasting my time talking to trash like you."
Tinalikuran ko siya.
"Bayaan mo na si Calvin! Akala ko ba mahal mo siya?! Kung mahal mo siya, huwag mo siyang idamay sa kapahamakan na ginagawa mo!"
Kumuha ako ng mga pagkain sa kusina para sa aming dalawa ni Nix.
Nasa utak ko lang ang sinabi ni Martha sa akin kanina habang kumakain ako mag isa rito sa kwarto ni Nix. Tulog pa rin si Nix.
Well, totoo naman ang sinabi ni Martha. Ako ang nagdadala kay calvin sa kapahamakan. Hindi dapat siya kasali rito dahil sariling problema namin itong pamilya, at may sarili din silang problema sa kaniyang pamilya.
Umiling ako at pilit na kinakalimutan ang nangyari kanina sa aming dalawa ni Martha.
"Kain na," anyaya ko sa kapatid nang makita siyang bumangon. Magulo ang buhok at nakanguso pang nakatingin sa akin. Tumawa ako at nagtungo sa kaniya. I kissed his both cheeks. "Big boy na talaga ang baby ko!"
Kiniliti ko siya kaya napuno ng hagikgik at tawanan namin ang kwarto namin.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (23)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
it's a really great story, I love it, specially the plot.
06/07/2022
0Hm... Thrilling ng story I like it, maganda Yong story, matagal din akong nag hintay ng update ng chapter hindi ko binabasa lahat kasi gusto tuloy tuloy basa ko, pero kaunting chapter palang ang naiipon so kailangan ko nanaman maghintay, please update po.... Nakakabitin kasi magbasa, excited na akong mabasa ang mga susunod na mangyayare sa buhay ni lex.
21/05/2022
0LOVE THISSS
31/10/2023
0Tingnan Lahat