Kabanata 38

"Hey! Alexin, what happened?!" habol na tanong sa akin ni Calvin.
Tumutulo na ang luha sa pisngi ko na pilit kong pinupunasan, ngunit napapalitan lang ito ng bago. May mga nakatingin na rin sa amin kaya mas lalong kailangan kong umalis ngayon. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko bago ko hinarap si Calvin.
Punong puno ng pag-aalala ang buong mukha niya. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at sinubukan pang punasan ang luha ko nang tinabig ko ito. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"Amina ang susi mo," seryoso kong sinabi sa kaniya.
Nangunot ang noo niya. "Bakit?"
"Just give me your key!" bulyaw ko. Nahagip ko pa ang paglingon sa amin ng ilan, at ni tito kasabay ng daddy ni Calvin.
"Calm down, Alexin. What happened?" mahinahon niyang tanong, pilit na hindi sabayan ang inis ko.
Huminga ako nang malalim at nakita ang papalapit na si tito.
"Just give me your key, Calvin," I pleaded. That was the first time I said his name sa limang taon na nagdaan.
"Calv, ihatid mo siya sa bahay," si tito na biglang nagsalita at tinignan ako. "Careful. Don't let them know you're there."
Lumunok ako bago tumango. Alam kong alam na rin niya ang nangyari.
Agad na tumango si Calvin sa kaniya at pinatunog ang sasakyan. Agad akong umikot papunta sa shot gun seat. Hinanap ko ang name ni Roncer sa contacts ko, nang makita ito ay tinawagan ko ito. Umandar na kami, tahimik lang siyang mabilis na nagmamaneho.
"Saan ang burol?" deretsahan kong tanong nang masagot niya. Nakita ko pa ang pagbaling sa akin ni Calvin nang marinig ang sinabi ko.
"I will text it to you. I'm sorry, Alexin."
Pinatay ko ang tawag at tumingin na lang sa daan. Nanay ko pa rin siya, dapat ay sinama ko na lamang siya noong nagpanggap siyang hostage ko para makatakas ako. Sabi ko na nga ba ay malalaman din nong hayop na Allan na yon na siya ang nagpatakas sa akin!
Sinuntok ko ang compartment na nasa harap ko kaya nagulat don si Calvin.
"Chill, Alexin. What happened?" tanong niya pa rin.
"Shut up and keep driving!" Sigaw ko.
"Hindi mo ako alipin para utusan, Alexin. Nagtatanong ako nang maayos dito!" Giit niya.
Umirap ako.
Nang makarating kami sa mansyon ay agad akong bumaba mahit hindi pa napapark nang maayos kaya halos atakihin sa puso si Calvin dahil sa ginawa ko. Tumakbo ako papasok at pumunta sa kwarto ko.
Nagpalit ako ng damit. I wore my turtle neck halted top na pinapatungan ng isang leather jacket. Sinuot ko rin ang fitted jeans ko na may lagayan ng baril sa dalawang bulsa sa may binti. Malalim ang bulsa kaya hindi halata. Naglagay din ako ng swift knife sa dalawa kong bulsa. Naglagay din ako ng baril sa tagiliran ko. Naka high ponytail na rin ang buhok ko.
Bumaba ako kasama ang helmet ko. Naririnig ko na ang boses ni Martha na paniguradong sumunod sa amin.
Nagmadali akong bumaba at agad silang nilagpasan.
"Alexin, wait. Where are you going?!" sigaw ni Calvin dahil malayo na ako sa kaniya.
"Calvin, let her. Baka mapahamak ka pa!" pigil ni Martha kay Calvin.
Hindi niya pinansin si Martha at naglakad na lang ngunit agad din siyang naharangan ni Martha. Halata sa mukha ni Calvin ang pagkainis.
"Wait! Alexin! Stop! Where are you going?!" sigaw niya pa rin.
"Calvin! I said let her!"
"Wait-"
"Pabayaan mo na siya!-"
Isang putok na galing sa baril ko ang nagpatigil sa kanila. Gulat silang dalawa at nakahawak sa sariling ulo.
Sumampa ako sa motor ko at nilagay ulit sa tagiliran ko ang baril na pinutok.
"Next time, matuto kayong makiramdam. Huwag nyo akong idamay sa inyong dalawa! Nauubos ang oras ko dahil sainyo!" Bulyaw ko sa kanila bago ko pinaharurot ang motor ko.
Napaka-ingay ng dalawang iyon! Nakakarindi! Ang sarap ingudngud mga pagmumukha nila sa isa't isa.
Alam ko na ang tinext sa akin ni Roncer na location kung saan ginaganap ngayon ang burol ng mama ko. She died without her seing her Nix. Namatay siya nang hindi man lang namin nayakap o nakasama nang matagal.
Mainit na tubig na naman ang dumaloy sa pisngi ko.
Patuloy akong nagpatakbo nabg mabilis hanggang sa may mapansin akong sasakyan na sumusunod din sa akin. Nilihis ko ang motor ko at lumihis din ito senyales na nakasunod lang siya sa akin.
Binasa ko ang plate number nito at halos sumabog na ang ulo ko nang makitang plate number iyon ni Calvin! Agad kong tinabi ang motor ko sa gilid ng kalsada, sumunod siya. Tinanggal ko ang helmet ko at bumaba sa motor.
Bumaba rin siya at nagaalalang nilapitan ako. He hugged me tightly kaya halos kapusin ako sa hangin.
"Masama ang mag patakbo ng mabilis!" sabi nito.
Hindi ko siya nginitian o binigyan ng reaksyon. Blanko ko lang siyang pinagmasdan.
"What do you want?" mahinahon ko pang tanong.
"Susundan kita. Delikado, Alexin! And tito Zanjo told me I should go with you! At hindi ka pabayaan na mag isa pumunta." Binasa niya ang labi.
"I don't need you." Mariin kong sinabi at umambang aangkas na ulit nang hinawakan niya ang helmet ko.
Dala-dala ang helmet ko, bumalik siya sa sasakyan niya at may kinuha. Dalawa na ang dala niyang helmet.
"Sasama ako sayo," pinal na sabi niya at nauna pang umangkas kaysa sa akin.
Bumuntong hininga ako. "Really?" bulong ko sa sarili at hinayaan na lang siyang sumama.
Sinuot ko na ang helmet ko at umangkas na rin at walang ano-ano na pinatakbo ito sa matulin na takbo. Halos liparin na kami sa sobrang bilis ng patakbo ko.
"Slow down Alexin!" Sigaw niya dahil hindi kami masyadong magkarinigan.
"Shut up!" sigaw ko pabalik at binilisan pa lalo. Naramdaman ko ang gulat niya at ang pagpulupot ng kamay niya sa bewang ko.
Binilisan ko pa at nang medyo malapit na kami ay inihinto ko na ito sa lilim at tsaka bumaba. Sumunod sa akin si Calvin, parehas naming nilagay ang helmet sa manibela nitong motor at tinanaw niya rin ang tinatanaw ko.
"Anong meron?" tanong niya, gulong gulo na. Bakit pa kasi siya sunod nang sunod sa akin.
"Shut up and wait here," saad ko at umambang maglalakad na paalis sa kaniya nang bigla niyang hinarang ang katawan niya.
Tinaasan ko siya nang kilay at sinubukan ko siyang itulak ngunit makulit siya.
"Ano ba!" Sigaw ko sa kaniya.
"Hindi kita pwedeng pabayaan na mag isang pumunta roon! Hindi ko nga alam kung anong gagawin mo roon!" sabi niya sabay sulyap sa lugar na yon. "Tsaka patay? May patay ba roon? Burol?" sunod sunod niyang tanong sa akin at binalik sa akin ang tingin.
Tamad ko sitang tinignan. "Tatabi ka o tatabi ka?"
"Sasama ako," sabi nito at nauna pang naglakad sa akin papunta roon.
Hinilot ko ang sentido ko at nilabas na ang pistol ko at sumunod sa kaniya. Napakakulit talaga ng lalaking ito kahit kailan! Nakakainis kaya dapat ako na lamang ang mag isang nagtungo pauwi nang hindi niya ako nasundan.
Nang muntikan na siyang pumasok ay agad kong hinila siya gamit ang braso ko na pinalupot ko sa leeg niya. Nagulat siya roon kaya pinitik ko ang noo niya.
"Huwag ka ngang masyadong ano jan! Ikaw magpapahamak sa atin e!" bulong ko sa kaniya.
"Y-yung baril!" nauutal niyang sabi
Agad kong iniwas sa kaniya ang baril na hindi ko namalayang nakatutok na pala iyon sa kaniya.
Sumilip kami roon, glass ang pinto kaya nakakasilip kami sa loob. Napapalibutan iyon ng mga naka-itim na polo na paniguradong tauhan ni Allan. Nasa gitna sila ng kambal niya at parang umiiyak dahil sa pagtaas at baba ng kanilang mga balikat. If I know lang umaarte lang sila.
Agad kong hinila ulit patago si Calvin nang makita ang bahagyang paglingon ng isa sa tauhan nila. Nang alam kong hindi na nakatingin ay sumilip ulit kami, may sinasabi na sina Allan at Allen sa kanilang tauhan.
Nagtago ulit ako, huminga ako nang malalim at naisip ang mukha ng mama ko. I touched my face, specifically on the scar on my right cheek. Ako mismo ang nagsugat sa mukha ko dahil sa pagkamuhi kong nararamdaman noon sa ina ko. Hindi ko naman alam na hahantong ito sa ganito kaya labis na lamang ang pagkadurog ng puso ko nang malaman ang sinapit ng aking ina. Roncer didn't mention anyone who did this to her. Pero alam ko ng si Allan ang may gawa non.
"Are you alright?" tanong ni Calvin nang mapansin ang pagkatulala ko.
Binasa ko ang labi ko at hinigpitan ang hawak sa baril ko bago tuluyang tumango bilang sagot sa kaniya.
"Delikado ito, Alexin. Kailangan na nating umalis-Alexin!"
Naputol si Calvin dahil tumapat ako mismo sa glass door ng pinagbuburulan ng mama ko at tinutok roon ang baril at pinutok ito. Nakita ko pa ang pag yuko nilang lahat, tila gulat sa nangyari. Ngumisi ako nang makita ang mukha ng kambal, alam kong alam na nila na nandito na kami. Imposible namang hindi sila maglagay ng bantay dito sa labas.
"Alexin!" Agad na humarang sa akin si Calvin at tinaas din ang baril niya at tinutok sa loob. "Move now Alexin!"
"Shut up!" Sabi ko at binunggo ko siya para makapaglakad papasok ngunit agad kong naramdaman ang kamay niya sa sa bewang ko, pinipigilan ako. "Get off your hand on me," mariin kong sinabi kaya kahit ayaw niya ay binitawan niya pa rin ako.
Naalarma ang mga tauhan nila Allan nang tuluyan na akong nakapasok. Pumwesto na agad sila, tinatabunan ang kanilang dalawang amo na mukhang tubol.
"Hey, mother fuckers!" Nakangiti kong sinabi at pinilig pa ang ulo sa kabila at kinindatan ang isa sa mga tauhan nila na nasa harap ko. Napalunok siya at nanginginig na inayos ang pagkakahawak sa baril.
Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Calvin. Lahat sila ay nakatutok ang kanilang mga baril sa amin kaya paniguradong wala kaming takas kaya papatayin ko na muna si Allan bago ako mamatay!
"Alexin," narinig ko pang tawag sa akin ni Calvin.
"Come on, let me see your highness. Your twin highness," ngumuso ako pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon.
Nakarinig ako ng palakpak na galing sa dalawang tinatabunan ng kanilang mga naka-itim na mga tauhan. Tinutok ko ang baril ko nang mariin sa kanila na parang tatagos iyon once I pulled the trigger.
"What a great daughter!" Sigaw ni Allan at hinawi ang mga tauhan na nasa harap nila. Nakita ko ang nakangisi niyang mukha at sa likod niya ang kambal na nakangiti naman sa akin. Palipat lipat ang baril ko sa kanila. "Kaya lang, huli ka na."
"I'm not late," saad ko.
Tumawa si Allen at nilingon ang nasa likod ko. "Looks like our nephew is here… with the lovely daughter of the dead person in the coffin."
"Hey, Calvin! How's Sean?" sipat sa kaniya ni Allan.
"It's none of your business," sagot naman ni Calvin.
Nagtawanan silang dalawa.
Naglakad sila palapit kaya naglakad din ako palikod. Sa totoo lang, pwede ko na siyang patayin ngayon ngunit tila may pumipigil sa aking gawin iyon.
"Buti nakaya mo pang magpakita rito, e ikaw mismo ang pumatay sa mommy mo?" aniya ni Allan na kinahinto ko bigla. I froze and felt like I'm stuck inside a tight room. It's like a coffin and I couldn't breathe properly.
I could feel my legs become weak, causing me to drop myself on my knee. Para akong lantang gulay dahil lamang sa sinabi ni Allan. Agad na nagtawanan ang mga nasa harap ko. Naramdaman ko ang presensya ni Calvin sa likod ko at inalalayan ako. He dropped his gun, which meant one of their staff was given the opportunity to kick it away from us.
Hindi niya inalala ang baril at ako ang dinaluhan. Tuluyan akong napa-upo sa sahig habang naririnig ang mga tawanan nila sa paligid namin ni Calvin.
"Why? You're the reason why she is dead right now! You killed her!" Sigaw ni Allan at sa isang pitik niya, nalayo si Calvin sa akin. He kept on shouting my name so I could get back to my senses, but I couldn't.
Napa-angat ang tingin ko kay Allan nang pwersahin niya iyon gamit ang pagkakahawak niya sa panga ko.
"Look. A lovely daughter but causes her mother to die," ngumuso ito. "Aww nakakaiyak."
Binitawan niya ako at napayuko na lamang ako.
"I told you that you will never get rid of me. Of us. And I told you to hide well, but… you are here! In front of me!" Masigla niyang sabi at tuwang tuwa pa. "Are you surrendering yourself? Your life?!" he asked and pulled my hair so we could look at each other.
"Please! Don't hurt her!" sigaw ko ni Calvin.
Parehas naming nilingon si Calvin na patuloy sa pagpupumiglas.
"Don't worry Calvin, We will never touch you. Kaya lang…" he brought back his eyes at me. "Siya, Oo."
Tumawa silang kambal kaya nagsitawanan din ang iba. Umamba akong babaliktadin sana ang braso niya ngunit agad na may tumutok na baril sa ulo ko kaya nakapahinto ako sa gitna ng kagustuhang gawin iyon.
"Hey!" sigaw ni Calvin.
Mas lalo silang natawa.
"Poor Alexin," saad ni Allan at tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya. Sa isang kurap ay natumba ako at nayakap ko agad ang sahig dahil sa pagsampal niya sa akin. Halos umalingawngaw iyon dahil sa biglang katahimikan.
Mariin napapikit ang mata ko dahil sa tumama sa aking pisngi na halos na mabingi ako.
"You know what… naboboring na ako!" sigaw niya at naramdaman ko na lamang ang pagtayo sa akin ng dalawang lalaki at agad din akong sinalubong ng suntok ng isa sa mga tauhan nila sa tiyan ko.
Umubo ako at tuluyang nabitawan ang baril ko. Rinig na rinig ko ang pagpupumiglas ni Calvin. Nag angat ako ng tingin saa kaniya at nakita ko ang mata niyang naluluha na habang tinitignan ako. Umismid ako at nginitian siya bago ako ulit nakatanggap ng sapak sa tiyan ko.
Ang mga baril na dala ko ay tila naging walang kwenta dahil sa kawalan ko sa wisyo.
Nakatakas sa kanila si Calvin pero agad ding napabalik at napahiga sa sahig nang sapakin siya ng isa. Halos mamilipit ito kaya agad din nilang tinayo. Nanlaki ang mata ko at nagpumiglas ngunit ang suntok ay tuluyang nagpapahina sa akin. Pinahinto ni Allan ang ambang susuntok kay Calvin kaya nakahinga ako nang maluwag.
"Fuck you!" I managed to utter those words.
Sinulyapan niya ako at handa nang sapakin muli ako nang bigla kaming nakarinig ng tunog na parang sumabog. Agad kaming nagyukuan at nabitawan kami ng mga tauhan na nakahawak sa aming dalawa ni Calvin dahil agad nilang prinotektahan ang kambal.
Agad kong naramdaman ang yakap sa akin ni Calvin bago dumilim ang buong paligid, kahit sira na ang pinto ay bigla talagang umitim na sinamahan pa ng itim na usok. Agad kaming tumayo ni Calvin at inalalayan niya akong maglakad. May naramdaman din kaming tumulong na paniguradong tauhan ni Roncer dahil alam niyang pupunta ako rito kaya nagpunta rin siya rito.
Lumiwanag na dahil nasa labas na kami. May mga nakaparada na itim na sasakyan at lahat ng tauhan ay nakayuko habang nakasilip ang kanilang mga baril at handang magpaputok kung sakaling magkaipitan.
Pumasok kami sa isang sasakyan at nadatnan namin si Roncer sa katabi ng driver.
Nilingon kami ni Roncer. "Ayos lang ba kayo?"
Hindi sumagot si Calvin at tinatapik ang pisngi ko. Unti-unti na kasi akong pumipikit at pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay.
"Alexin!" Tawag sa akin ni Calvin. Narinig ko pa ang mura ni Roncer bagk ko naramdaman ang pag usad ng sasakyan na sinasakyan namin. May ilang mga sinabi pa si Roncer ngunit hindi na malinaw sa akin iyon.
"Alexin!"

Komento sa Aklat (23)

  • avatar
    Gia Dashna Vigor

    it's a really great story, I love it, specially the plot.

    06/07/2022

      0
  • avatar
    Joan Ablaneda Aguilar

    Hm... Thrilling ng story I like it, maganda Yong story, matagal din akong nag hintay ng update ng chapter hindi ko binabasa lahat kasi gusto tuloy tuloy basa ko, pero kaunting chapter palang ang naiipon so kailangan ko nanaman maghintay, please update po.... Nakakabitin kasi magbasa, excited na akong mabasa ang mga susunod na mangyayare sa buhay ni lex.

    21/05/2022

      0
  • avatar
    Nicolette Valdevilla

    LOVE THISSS

    31/10/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata