Homepage/Way back to you/
Kabanata 37
Agad akong bumaba at narinig ko rin ang pagbukas ag sarado ng pintuan niya. Lumitaw siya sa harap ko na punas na ang mga luha at tanging ang namumula na lang niyang ilong, tenga at ang mga mata niya na mamasa masa pa nalang ang proof na umiyak siya.
"What was wrong with me? Why did you suddenly just leave me?"
Suminghap ako at hindi siya makapaniwalang pinagmasdan.
"Can you hear yourself? You're asking me what you have done! Alam mo na dapat iyon!" Bulyaw ko sa kaniya.
"Hindi ko nga alam!"
"E, tanga ka!" Sigaw ko sa kaniya at tinulak siya. "Napaka tanga mo! Gago!"
"Sabihin mo sa akin kung ano ang ginawa ko!" pilit niya sa akin at hinilamos pa ang kamay niya sa mukha niya.
"Ikaw ang nagsabi kay Allan kung nasaan tayo non!" Sabi ko sa kaniya. "Subukan mong magsinungaling! Alam ko! Sinabi sa akin ni Allan! You still have contact with him! Fuck you!" I raised my middle finger at him.
Gulong gulo ang itsura niya na parang hindi maintindihan ang pinagsasabi ko.
"Ikaw lahat ang may gawa ng nangyari sa akin! Ang galing mo naman at nakakaharap ka pa sa akin pagkatapos ng ginawa mo, ha?!" dagdag ko.
Tumalikod ito sa akin at sinipa ang maliliit na bato sa paanan niya. Hinarap niya ako at binasa ang labi.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Hindi ako ang nagsabi niyan kay Allan! Ni hindi ko nga alam numero non!" Paliwanag niya. "Hinding hindi ko gagawin iyon sayo, sainyo! Mahal kita! Mahal na mahal kita!"
"Shut up! Kainin mo yang pagmamahal mo!" bulyaw ko at tinabig ang kamay niyang umambang hahawakan ako.
"Hindi ko gagawin yon, Alexin. Maniwala ka! Pinutol na ni Dad ang lahat ng koneksyon namin sa kanila! Kaya imposible ang mga sinasabi mo!"
"So sinasabi mong sinungaling ako-"
"Hindi-"
"Sinasabi mong gumagawa ako ng kwento?!"
"Hindi!"
"O e ano?!"
Pareho kaming habol ang hininga dahil sa sigawan namin. Open area itong pinaghintuan namin kaya wala masyadong dumadaang tao, maliban sa kotse sa highway.
Pareho kaming matatalim ang tingin sa isa't isa at hindi magpapatalo. Hindi ako pinanganak para lang magpatalo sa kahit kanino! Kahit pulis pa yan!
"Hindi ko magagawa yon, Alexin. Please maniwala ka," pagmamakaawa niya.
Umiling ako at nilagpasan siya bago pumasok ulit sa loob ng sasakyan. Pinagmasdan niya ang pinasukan ko, alam kong tinted ang window nito kaya hindi ako kita sa loob. Bumuntong hininga siya at umikot papunta sa kabila at tsaka siya pumasok, mabigat ang bawat pag hinga.
"Please… totoo ang mag sinabi ko. Wala akong alam," giit niya pa.
"Mag drive ka na. O gusto mong bumaba ako rito at maghanap ng masasakyan? Sabihin mo lang."
Hindi siya umimik at pinaandar na ang makina ng sasakyan. Tahimik kami buong biyahe, walang nagtangkang magsalita dahil sa nangyari lang kanina. Hindi ko lubos maisip na talagang nag mamaang maangan siya sa harap ko. Alam ko ang narinig ko noong panahon na yon! Hindi ako pwedeng magkamali.
Napalakas ang pagsarado ko ng pinto ng sasakyan ni Calvin nang nasa tapat na kami ng bahay ni tito. At sakto namang naglalaro silang dalawa ni Nix sa labas kaya narinig niya ang malakas kong pagsarado. Bumukas at sarado din ang pinto ni Calvin kaya alam kong nakasunod siya sa akin.
"Oh? Bakit ang papangit nyo?" tanong sa amin ni tito dahil para kaming binagsakan ng langit at lupa dahil sa mukha namin. "Kaunti lang naman yung pinabili ko ah." Palipat lipat ang tingin ni tito sa amin.
Bumuga ako ng hangin at hinagkan ang kapatid ko.
"Akyat na ako. Akala ko magiging rest day ko kapag umuwi ako rito, hindi pala." Nilingon ko si Calvin na nakaawang ang mga labi. "Mas nakaka stress pala rito," mariin kong sinabi habang tinitignan siya.
"Oh? O sige. Calvin nasaan yung mga cake?" si tito at si Calvin na ang pinansin.
Naghuling tinginan muna kami ni Calvin bago ako naglakad papasok na nang tuluyan sa loob. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng isang basong tubig. Medyo nawala ang mabigat sa dibdib ko nang mag kasigawan kami ni Calvin kanina. Hindi naman maituturing na usap yon dahil nagsisigawan kami!
Pumasok ako sa kwarto ko at humilata. Mas mabuti talagang hindi na kami mag usap pa. Wala nang kailangan pag usapan pa. Tapos na ang lahat sa amin kaya ano pang dahilan upang kausapin pa siya. At mukhang nagkakamabutihan naman sila ni Martha sa nagdaang taon na wala ako rito.
Kaya ang ginawa ko sa buong isang linggo ay kain, tulog, kain, exercise, ligo, at tulog. Sa tuwing alam kong nariyan si Calvin, hindi ako bumababa. At mukhang alam naman na ni tito ang nangyari sa amin ni Calvin kaya hindi na niya muna ako pinipilit na utusan.
Nasa labas ako ngayon at nag yoyoga. Alam kong hindi darating ngayon si Calvin dahil sabado. Tuwing sabado ay wala siya rito at biglang lilitaw sa linggo. Parang baliktad nga e, dapat tuwing linggo siya hindi pumupunta.
Nakarinig ako ng ingay na mula sa pagbukas ng gate namin at ang pag andar ng kung kaninong sasakyan iyon. Hindi ko iyon pinansin at pinanatili ang kapayapaan sa isipan ko.
Kaya lang, bigla akong nakaramdam ng mainit na titig sa akin ng kung sino. Minulat ko ang isang mata ko para tignan ang buong paligid at halos malaglag ang mata ko nang makita ko si Calvin na nakasandal sa sasakyan niya habang ang tingin ay nasa akin.
"Anong ginagawa mo rito?!" Agad akong tumayo tiniklop ang mat ko. "Sabado ngayon bakit nandito ka?!" Nagtaas siya ng kilay kasabay nang panlalaki ng mata ko. Peste naman! Ngayon pa madudulas!
"So you know my schedule?" Mangha niyang tanong at nakapamulsang lumapit sa akin. Kung makangisi siya riyan parang walang nangyaring sigawan sa pagitan namin noong nakaraang linggo ah!
"Ah, hindi! Alam ko lang! Saturday and Sunday ang free time kaya bakit ka narito!" bulyaw ko sa kaniya at nagpasalamat sa diyos na hindi ako nautal.
Nahinto sa ambang pagsasalita nang pinakatitigan ako, sa mismong mukha ko. Sa paraan ng pagtitug niya bay para siyang natulala at na-guilty.
Agad kong nalaman ang tinitignan niya. Tinakpan ko ang pisngi ko, kubg saan dumaplis ang kursilyi noong nakuha ako nila Allan.
Tumalikod ako sa kaniya
"I'm here because tito Zanjo invited me," nagkibit balikat na lang siya bago ako iniwang awang ang labi. Hindi niya brining up o tinanong kung anong nangyari sa pisngi ko. Dumiretso siya sa loob ng mansyon at sumisipol pa.
"Itong lalaking to!" nagagalaiti kong bulong sa sarili.
Hindi niya ba talaga ako titigilan?! Naiinis na ako sa kaniya! Wala ba talaga siyang bahay?! At dito la sita tumatambay?! Jusko!
Pumasok ako sa loob at nakita siyang prenteng naka-upo sa sofa namin. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig. Naglabas din ako ng ice cream para kainin sa taas.
Narinig ko na ang ingay ni tito kaya alam kong nanjan na siya. Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa kusina at lumabas habang nilalantakan ang pabilog na ice cream. Ramdam ko ang titig nilang dalawa sa akin kaya napa-irap ako.
"Akin to. Binili ko to noong isang araw," saad ko dahil baka magsalita na naman ang tito kong buraot.
"Masyado kang defensive, Alexin." Tumawa si tito kaya ngumiwi ako. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan nang magsalita na naman siya. "Hoy. Maaga tayo bukas. Kasama kita. Mangangampanya tayo."
Huminto ako at hinarap sila. Si Calvin ay nakatingala sa akin at pinalalaruan ang susi ng sasakyan niya. Si tito naman ay nakapamewang at nag iisip.
"Ikaw na siguro roon sa mga t-shirt para di rin hastle." Lumingon siya sa akin at naghihintay nang pag sang ayon ko. "Kayong dalawa ni Calv." Ngingiti niyang dagdag kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Kaya nyo na yan. Malalaki na kayo," sabi ko at pinavpatuloy ang paglalakad.
"Isasama ko si Nix," sabi ni tito na nagpahinto sa akin.
Nakataas ang kilay ko siyang hinarap.
"Siya mismo ang gustong sumama," dahilan ni tito at tinaas pa ang dalawang kamay na parang hinuhuli ng pulis. Ayun oh katabi niya pulis.
"Fine." Tumalikod na ako at tuluyang naka akyat. Narinig ko pa ang 'yes!' ni tito kaya umirap na naman ako sa hangin.
I don't mind na kung kasama si Calv. Hindi naman siguro kami laging magkasama at magkakausap dahil sa sobrang daming tao.
Kinabukasan ay halos matanggal ang ear drums ko dahil sa ingay ngayon sa labas ng bahay. Nandito na kasi ang mga kasamahan ni tito na nakabihis na kulay Orange at may mukha roon si tito. Kami rin ay nakabihis ng ganon.
"Water, Nix!" tawag ko sa Kapatid ko dahil wala pa siyang tubig na dala at baka mapagod. Agad siyang tumakbo palapit sa akin at tsaka ko nilagah sa backpack niya ang tubig at mga snacks niya.
"Alagang alaga," pansin sa akin ni Michael. Silang dalawa ni Martha ay kasama rin.
"Ganon talaga. Para pag laki nito gwapo."
Nagtawanan kami.
"How have you been in canada?" he asked pagkaalis ng kapatid ko. Tumayo ako nang maayos at sinulyapan siya
"Ayos lang. Mas maayos kumpara noong nandito pa ako," sagot ko.
Natanaw namin pareho ang paglabas ng kapatid niya kasama si Calvin sa kusina. Nasa kusina pala sila? Hindi ko napansin.
"Sila? Ano na sila?" tanong ko. Noong una ay hindi pa makuha ni Michael ang ibig kong sabihin pero nang nginuso ko ay nalaman na niya.
"Ah. Calvin went to manila to study there kaya halos hindi rin sila nagkikita noong wala ka."
Tumango tango ako. Napalingon sa amin si Calvin kaya inirapan ko ito at nagtungo sa labas. Mag momotor na lang ako.
Umangkas na ako sa motor ko at pinaandar ito. Nakita ako ni tito kaya pinuntahan niya ako. Inayos niya ang side mirror ng motor ko, nagdikit ang kilay ko at binalik ulit iyon sa ayos niya.
"Hindi ka pwedeng mag motor."
Sinulyapan ko siya gamit ang mapanuring tingin. "At bakit?!"
"Mangingitim ka. At tsaka ang init Alexin," dahilan niya.
"So? May jacket ako," giit ko naman.
Umiling ito. "Hindi. Mag kokotse tayo. Kila Calvin ka sumakay."
"Lah?! Bat bawal sayo?!" gulantang tanong ko. Bakit kay Calvin pa kung pwede naman sa kaniya.
Umamba siyang babatukan ako. "Siraulo ka ba?! May kasama akong body guard at tsaka may kasama kayo!" Umirap siya sa akin kaya napangiwi ako. "Kasama nyo sila Michael at Nix."
Tumango tango ako. May kasama naman pala e. At kasama ko pa ang kapatid ko, mababantayan ko talaga kung magkagulo man.
Naghanda na ang lahat at sumakay na sa mga sasakyan. Pinauna kong pasakayin si Nix para sa gitna namin siya ni Michael. Si Martha, as usual kung saan ang bebe niya doon siya. Nasa harap silang dalawa ni Calvin at Martha.
Pumasok na ako sa loob at sinrado na ang pinto.
"You look like a happy family there," sabi ni Martha habang nakalingon sa akin.
Ngumiwi ako at tumingin na lang sa salamin. "Ayokong magkaroon ng sister-in-law na maitim ang budhi."
Natawa si Nix kaya natawa na rin ako. Sumimangot naman si Martha at umayos na lang ng upo. Dadada ka pa kasi. Akala mo naman close tayo para magbiro ka ng ganiyan.
"Ate, diba hindi naman talaga kayo magkadugo ni kuya Michael?" tanong ni Nix at nilingon kaming dalawa ni Michael.
Nagsimula na kaming umandar. Nagkatinginan kamk ni Michael at nakita ko ang pamumula niya at nag iwas la ng tingin.
"Hindi."
"E, bakit hindi na lang kayo?!" sigaw niya kaya agad kong tinakpan ang bibig niya. Pilit naman siyang kumawala. Naririnig ko na ang halakhak ni Martha. "E, kasi single ka naman ate tapos single din si kuya!"
"Nix shh." Natatawa na kaming tatlo sa likod. "Hindj porket hindi kami magkadugo ay pwede na yan! At baka nga may girlfriend na itong si Michael e," binalingan ko si Michael na umiling.
"I actually don't have a girlfriend," he said.
"Oh, see?!"
"Oo nga! Kayo na lang!" Giit din ni Martha.
"E, bat di kayo?" pambabara ko naman sa kaniya.
Nix giggled. "Family stroke!"
Tinakpan ko ang bibig ni Nix. Kung ano ano na lang ang nalalaman niya. Hays, sabi na nga ba't hindi siya pwedeng sumama kay tito e! Nagagaya niya ang mga salita ni tito!
Natahimik na rin kami at may kaniya-kaniyang ginagawa. Si Nix ay nanonood sa kaniyang phone habang si Michael ay nakikinig ng music habang nakapikit. Hindi siya tulog. Si Martha ay nag f-fb. Si Calvin ay seryosong nagda-drive. At ako ay nakatingin lang sa daan.
Umayos ako ng upo at napalingon sa rearview mirror. Nagkatinginan kami saglit ni Calvin kaya agad na palihim na nanlaki ang mata ko.
Huminto kami sa isang baranggay at nakita kong may mga nakaabang pala roon. Lumabas ang papa ni Calvin at nakipagkamay kay Tito. Nagsilabasan din ang mga kasama mo sa loob nitong kotse, ako lang ang naiwan.
Lumingon lingon kila Martha si tito na naka-shades, paniguradong hinahanap ako. Nagtalakbong ako ng dala kong jacket nang mapansin ang paglalakad pabalik ni Calvin sa sasakyan.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng driver's seat. Bumagal ang paghinga ko at naghintay. Narinig ko ang pagsaradl ulit nito tsaka ko tinanggal ang nakataklon sa akin. Halos atakihin ako sa puso nang makita ang nakapasok na ulo ni Calvin sa bukas na bintana ng driver's seat.
"Tangina mo!" mura ko sa kaniya at natawa siya.
"Akala mo maloloko mo ako? Go. Get out of my car," utos niya at binuksan ang driver's seat para isarado na ang salamin.
"Bakit ka ba nangingialam?"
Sinulyapan niya ako.
"Sumama ka tapos hindi ka lalabas? Ano ka lamok?" Sinarado niya ulit iyon at ang pinto ko naman ang binuksan.
Wala na akong nagawa kundi lumabas dahil binuksan na niya ang pinto ko at nakatingin sila sa amin. Pairap akong lumabas. Si Calvin na ang nagsarado.
Nakangiti si tito habang kausap ang daddy ni Calvin. Parehong naka-shades at pareho ng kulay ng damit, magka-partido.
"Long time no see, Alexin. How are you?" masayang tanong sa akin ni Sean na daddy ni Calvin.
Hindi ako sumagot at nagtago sa likod nila Martha.
Pinadilatan ako ni tito. "Alexin, tinatanong ka."
Nagbuga ako ng hangin. Nakatingin na sila sa akin kaya gustong gusto ko na umirap, kaya lang ay baka masapak ako ni tito.
Peke akong ngumiti. "Okay lang po."
Alam ni tito na peke ang ngiti ko kaya napangiwi ito at kinausap na lamang si Sean. Humalukipkip ako at pinanood ang dalawang magkapatid na nagpipicturan. Pinipicturan ni Michael si Martha. Si Nix ay nasa gitna namin ni Calvin.
Nagsimula na rin ang pangangampanya nila kaya namigay na kami ng shirts. Si Calvin ang may hawak ng tumpok tumpok na naka-balot na damit habang ako ang taga-bigay.
"Vote for my tito po. Fiorell po for governor and kay Hazema po for Senator."
Halos nakadalawang balik kami para kumuha ng mga damit dahil sina Michael at Martha rin ay nagbibigay. Si Nix ay naka-upo sa tabi ni tito at mukhang naeengganyo sa mga nangyayari ngayon.
"Water?" Nilahad sa akin ni Calvin ang bottled water na binigay ng isang staff kanina.
Umiling ako at nagpunas ng pawis sa noo. Matagal bago natanggal ang laningin ni Calvin sa akin. Nilahad niya ulit ang tubig kaya nilingon ko na siya.
Ngumiti siya. "Stay hydrated," sabi nito at nilahad pa lalo sa akin ang tubig.
Pairap kong kinuha iyon at ininom. Natanaw naming dalawa si Tim na naka-uniporme ng pang pulis. Hindi niya pa kami nakikita dahil kararating lang nila.
"Bakit ikaw hindi naka uniform?" tanong ko sa kaniya nang hindi siya nililingon.
"I'm their major. Sila ang pina-suot ko ng uniform."
Tumango tango ako. "Ang ganda ng uniform sa kaniya," puri ko.
Naramdaman ko ang pabigla niyang paglingon sa kaniya at balik kay Tim na nakikipag-usap sa matanda at binalik na naman sa akin.
"Mas maganda uniform ko," sabi niya kaya umismid ako at tumango na lang sa kaniya.
Well, mas maganda nga ang sakaniya kaysa sa uniform nila Tim. Pero syempre hindi ko sasabihin na gwapo siya roon sa uniform niya. Galit ako sa kaniya at hindi kami okay.
Nakita kami ni Tim kaya kumaway ito at naglakad papunta sa kung nasaan kami.
Tinapik niya sa balikat si Calvin na nasa tabi ko lang at sabay baling sa akin.
"Hi, Alexin!" masigla niyang bati.
Kumaway ako. "Hello."
"Nandito kami para magbantay," sabi niya sa akin kahit alam ko naman kung bakit sila naparito.
"Obvious naman," sagot ko kaya natawa siya.
Palipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Calvin kaya agad siyang tumanaw sa mga kasama niya.
"Sige, doon muna ako. See you Alexin," paalam niya at nagmadaling umalis.
I'm not good at creating a conversation.
Nagvibrate ang phone ko kaya agad kong kinuha iyon. At ang katabi ko ay auto silip sa kung sino ang tumatawag sa akin. Si Roncer iyon kaya agad kong sinagot.
"Yow?" sabi ko.
"Your mom is dead."
I froze. Pakiramdam ko parang wala akong makita o maramdaman ang paligid ko dahil sa narinig ko kay Roncer. Nangilid ang luha sa aking mga mata at unti-unting lumabo ang paningin ko.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (23)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
it's a really great story, I love it, specially the plot.
06/07/2022
0Hm... Thrilling ng story I like it, maganda Yong story, matagal din akong nag hintay ng update ng chapter hindi ko binabasa lahat kasi gusto tuloy tuloy basa ko, pero kaunting chapter palang ang naiipon so kailangan ko nanaman maghintay, please update po.... Nakakabitin kasi magbasa, excited na akong mabasa ang mga susunod na mangyayare sa buhay ni lex.
21/05/2022
0LOVE THISSS
31/10/2023
0Tingnan Lahat