Halos wala na akong time sa iba kundi sa kapatid ko lang. Gusto ko punan ang ilang araw na hindi kami magkasama. Isinama na rin namin sina Martha at Michael dito, alangan namang iwan namin. Pero kung may choice ako, iniwan ko itong mga 'to, kaya lang wala. Nalaman kong si Elle ang nagsabi kung na saan ang kapatid ko. She only did it dahil nasa piligro ang buhay nilang dalawa ni Tristan. Hindi ko naman na siya sinisi dahil wala naman nangyari sa kapatid ko. At tsaka todo hingi siya ng tawad kahit hindi ko naman hinihingi. Kahit na hindi naman na kailangan. Kung ako rin ang nasa pwesto niya ay gagawin ko rin 'yun. Hindi kami nagkakaabutan ni Calvin dahil nga sa lagi kaming magkasama ni Nix, si Martha ang lagi niyang naaabutan. Napagalaman ko rin na magkababata pala sila rito, kaya pala grabe kung makakapit, kala mo'y pag aari. Naisipan ni titong magbakasyon muna sa malayo, kaonti ang tao at matibay na seguridad. Noong una nga ay tutol pa ako dahil sobrang bago palang nung nangyari tapos magliligaliw nanaman. "I'll make sure it will be safe." "Gaano ka sure?" Ngumisi siya, "100 percent. Kahit hanggang mamatay ka, sure na sure." Ginawa pang biro ang paninigurado ko. Gusto ko rin namang magbakasyon pero mas gusto kong siguraduhin ang kaligtasan ng pamilya ko lalo na ang kapatid ko. Pero ano pa ba ang magagawa ko sa pamilya kong parang dala na ang buong bahay sa sobrang daming dala. "Nasaan 'yung shades ko?!" Sigaw ni Elle galing taas. Siya na lang ang inaantay namin dito sa baba. Bago pa ang araw na ito ay pinagimpake na agad kami para hindi na raw magkandaugaga ngayon. Pinasakay ko na si Nix sa kotseng imamaneho ko nang makakuha ng tulog. Alas tres pa lang ata ng umaga at paalis na kami. Malayo pa kasi iyon kaya kailangan maaga kami umalis. "Ang burara mo naman kasi!" Reklamo ko habang inaayos 'yung bagahe namin sa likod ng sasakyan. Dalawang sasakyan ang gagamitin. Kasama ko sa akin sina Nix, Martha at Michael. Sa kabila ay si tito, Elle at ang dalawang tauhan daw. May nakasunod na isa pang kotse na puro tao naman ni tito. Ang iba ay naroon na sa lugar kung saan kami patungo. "Ay! Girl! Nasa akin pala," Natatawang sabi bigla ni Martha. Binaba niya sa mata galing sa ulo niya ang hinahanap na salamin ni Elle. "Pahiram muna." Dagdag niya at isinarado ang bintana ng sasakyan. "Aba! Tarantadong 'yon!" "Elle," pagbabanta ni tito at tinignan ng masama si Elle. Nagtatakang tinignan ni Elle ang ama bago siya inis na kumamot sa ulo at padarag na nagtungo sa sasakyan nila. "Pagsabihan mo, Lex. Baka mamihasa at kunin na lang ang kung ano-ano nang walang paalam." Tumango lang ako bago ako nag last look sa bahay. Sinigurado kong wala akong nakalimutan at may dala akong kakailanganin ko. Palakad na ako palabas dahil nailabas na ng guard para daw hindi na raw kami mahirapan. Papasok na ako nang biglang may bumusina. Agad akong napatingin sa pamilyar na kotse. Pinantayan niya ang sasakyan ko, kung nasaan ako. Binaba niya ang bintana at ang mukha ni Tristan ang una kong nakita, sunod naman ang sumungaw na ulo ni Calvin. Kumaway siya na ikinataas ko ng kilay. Kailan ba mawawala ang nakakainis niyang ngiti sa labi? "Naku! Nakakaabala ata ako sa daanan ng paningin nyo." Panunuksong sinabi ni Tristan at isiniksik pa ang katawan sa upuan na parang tatagos siya papunta sa likod. Lumingon ako sa kotse ko bago ulit sa kanila. "Kayo talaga ang nakaharang sa daraanan namin," seryoso kong sabi. Pinilig ko ang ulo ko at itinuro ang daan gamit ang palad. "Kaya pwede?" Winasiwas ko ang palad ko, "tumabi-tabi kayo?" Nagkatinginan kami ni Calvin nang umiwas siya at tumingin sa tumawag sa kaniya. "Calvin! Bakit nandito kayo?" Si Martha at lalo pang binaba ang salamin. Tinulak niya pa ako ng kaunti paurong sa gilid dahil natatakpan ng likod ko ang paningin niya. Umirap ako, nasulyapan ko pa ang paglingon sa akin ni Calvin bago ako nakaikot papunta kay tito. Nakahalukipkip akong hinintay ang pagbaba niya ng bintana. Halos matawa ako nang makita sila pagbaba ng bintana. Pinatong ni tito ang siko sa bintana at nag he-head bang kasabay sa beat ng music nila sa loob. Ganoon din si Elle na nakasalamin pa, nadamay din ang dala nilang tauhan. "Anong problema?" Si tito na sumasabay pa rin ang ulo sa beat. Nagtaas ako ng kilay na parang hindi niya alam kung bakit ako narito sa harap niya. Tinanaw niya ang likod ko at ngumiti. "Nandito na pala si Calvin." Pinahinaan niya 'yung music nila. Nainis pa si Elle pero hindi na lang pinansin ni tito. "Nagpumilit si Tristan sumama, nadamay si Calvin. Pero parang gusto rin naman." Mapaglarong ngumisi si tito at pinalakasan ang music nila. "Bahala ka dyan!" Inis kong sinabi at nagmartsa papunta sa sasakyan. Rinig ko pa ang impit na tili ni Martha at ang pagbukas at sarado ng pinto. Taka kong tinignan siya na nagmamadaling pumunta sa pinto ng sasakyan ni Calvin. Napansin niya ang pagtataka ko kaya bumuntong hininga siya ay pumameywang. "Kay Calvin ako sasakay. Masikip na riyan sa loob," dahilan niya. Pairap siyang nagtanggal ng tingin sa akin at ngumiti kay Calvin na nagbukas ng pinto para sa kaniya. Kaya naman ni Martha pagbuksan ang sarili niya. Para namang may kulang sa katawan niya. "Lex, baka matunaw si Calvin." Pang aasar ni Tristan. Inirapan ko siya at pumasok sa loob. Pasarado nang hawakan at iharang ni Calvin ang kamay sa pinto. Inis akong humarap sa kaniya. Bakas sa mukha niya ang gulat sa inis ko. Ano nanaman ba ang gusto nito? Ayan na si Martha, oh!Ano pa ba ang kailangan niya at pinigil pa ang pagsarado ko?! "Ano?!" Singhal ko. Tinanggal niya ang kamay na nakaharang at nagpamulsa. "Ingat ka... kayo." Binasa niya ang labi at pinasadahan ang buhok gamit ang daliri. "Ako na ang mauuna, sundan mo na lang ako." Umiling ako at ngumisi. "Sina Elle at tito ang susundan ko." Nginuso ko ang naiwang usok sa pag alis nina tito. Peke akong ngumiti at sinarado na ng tuluyan ang pinto. Sinulyapan ko muna si Nix sa tabi ko na nakahiga sa nakababang upuan bago si Michael na tulog na rin. Bumuntong hininga ako at tinanggal ang isang baril na nakasuksok sa tagiliran ko at nilagay sa ilalim ng manibela. Nauna na ako kina Calvin dahil nasa labas pa rin siya, nang makalayo kami ay 'tsaka lang pumasok. Naka black leggings at white hoodie with matching my fluffy slippers na kaka-deliver pa lang kahapon. -- Ilang oras na akong nagdadrive at sinusundan ang sasakyan nina tito. Unti-unti na rin lumalabas ang araw. Ang sakit na ng batok ko, kailangan ko na mag stop over, nagugutom na rin ako. "Ate, gusto ng pagkain." Ngumuso ang kapatid ko at niyakap ang unan niya. Kanina na pa siya gising, pinalaro ko muna sa cellphone ko para hindi maboring. "Saglit lang. Tatawagan ko lang si tito," sabi ko sa kaniya at inilahad ang kamay para sa phone. "Oh?" Sagot sa kabila at narinig ko pa ang hikab niya. Bakit kasi siya pa nagmaneho. "Stop over sa may gasolinahan. Alam ko meron dyan na may malapit ding 7eleven." Sabi ko at bumusina nang may muntik na bumanggang sasakyan. "Gutom na si Nix." "Ok." Pagkapark ko sa gilid ay lumabas na kaming tatlo. Nag unat ako at napadaing na lang sa sobrang sarap mag unat. Ginaya ako ng kapatid ko na natatawa kaya napapatawa rin ako. Mukha kaming tanga na nagtatawanan habang pagewang-gewang sa pag unat. Kinuha ko na ang kamay niya at maglalakad na nang humarang sa harap namin si Calvin na may dalang gummy bears nanaman. "Gusto mo, baby?" "Hindi ikaw, lex. Si Nix." Sabat ni Tristan na parang hindi ko naintindihan kung sino ang tinatawag niya. I made face and he laughed. Si Calvin naman ay ginawa ang lagi niyang ginagawa, hinaplos niya ang leeg at yumuko. 'Yan na ata ang favorite move niya. Hinila ko palayo ang kapatid ko. "Bawal siya sa gummies. 'Tsaka kanin ang kakainin niya ngayon," dire-diretso kong sinabi. Tinapik naman ni Tristan ang balikat ni Calvin bago bumulong. Parang hindi naman bulong dahil narinig ko o baka pinarinig talaga. "Pahirapan 'yan, pre," bulong ni kumag. "Kaya ko 'yan, ako pa." Nakatingin sa akin na sagot ni Calvin. Humigpit naman ang hawak ko sa balikat ni Nix. Hindi ba nila kayang hinaan at ibulong na lang? Parang kasalanan na narinig ko pa 'yun. Pilit na binibigay ni Calvin 'yung gummy bears pagkaalis ni Tristan. Todo hila naman ako sa kapatid ko, ang aga tapos gummy papakain sa Kapatid ko. "Bakit hindi na lang ikaw kumain?" Naiinis kong sabi. "Eh, sa kaniya nga ito. Bayaan mo na, 'tsaka hindi ko naman sinabing kailangan na ngayon na kainin." Dahan-dahan niyang sinabi na parang ayaw niyang maramdaman kong pinagsasabihan niya ako kung ano ang kailangan kong gawin sa Kapatid ko. "Ate, tama na." Si Nix at nakangiting lumapit kay Calvin at kinuha 'yung gummy. "Gusto ko 'to, ate. Mamaya ko na lang po kakainin para 'di ka na gagalit kay kuya Calvin po." Tagumpay na ngumiti at tumingin sa akin si Calvin. Nagyayabang pa na kinuha ng Kapatid ko ang gummy niya. "Hindi mo siya kapatid kaya dapat 'wag kuya lang, kailangan Banggitin mo pangalan niya. Alam mo naman, eh." "Ok po, ate." Humarap siya ulit sa kaniya, "Thank you po kuya Calvin." "Welcome, baby." Nagkunot noo ako. "'Wag mo nga siyang tawaging baby. Hindi siya sayo, baby ko lang 'to." Nag angat ng tingin sa akin si Calvin na parang may naisip nanamang kagaguhan. "Ito naman, ikaw lang naman baby ko. Galit na galit ka na agad, tinawag ko lang baby ang kapatid mo." Nag init slight ang pisngi ko, ramdam ko ang gulat ni Nix dahil bahagyang tumaas ang balikat niya. Matalim kong tinitigan si Calvin na todo ngiti. "Ang epal mo! 'Yung babae mo tinatawag ka," sabi ko nang marinig ang pagtawag ni Martha galing sa kotse niya. Lumingon naman siya roon bago binalik sa akin na nakangiti nanaman. Ano bang meron sa taong 'to? Umayos siya ng tayo at mukhang nagugustuhan ang pagiging mainisin ko. Hindi ko na inantay ang sasabihin niya, kung may sasabihin man. Naglakad na kami ni Nix papunta sa 7eleven para makakain na at makabili ng snacks. "Wala akong babae." "Walang nagtanong." ᥬ🥺᭄
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (23)
Gia Dashna Vigor
it's a really great story, I love it, specially the plot.
06/07/2022
0
Joan Ablaneda Aguilar
Hm... Thrilling ng story I like it, maganda Yong story, matagal din akong nag hintay ng update ng chapter hindi ko binabasa lahat kasi gusto tuloy tuloy basa ko, pero kaunting chapter palang ang naiipon so kailangan ko nanaman maghintay, please update po.... Nakakabitin kasi magbasa, excited na akong mabasa ang mga susunod na mangyayare sa buhay ni lex.
it's a really great story, I love it, specially the plot.
06/07/2022
0Hm... Thrilling ng story I like it, maganda Yong story, matagal din akong nag hintay ng update ng chapter hindi ko binabasa lahat kasi gusto tuloy tuloy basa ko, pero kaunting chapter palang ang naiipon so kailangan ko nanaman maghintay, please update po.... Nakakabitin kasi magbasa, excited na akong mabasa ang mga susunod na mangyayare sa buhay ni lex.
21/05/2022
0LOVE THISSS
31/10/2023
0Tingnan Lahat