kabanata 19

Nakasunod sa akin ang tatlong sasakyan, ang nasa gitnang sasakyan ay ang kina Elle at tito. Alam nila na hindi nila ako mapipigilan kahit ano pa ang gawin nila. Madilim kami bumiyahe para walang traffic.
Naka leather jacket at pants ako na may nakasabit sa mga gilid na baril at mga swiss knife. Malayo layo pa ang tatahakin papunta roon.
Inayos ko ang side mirror ko nang may napansing parang may nakasunod. Kanina pa, hindi ko lang pinansin nung una. Hindi pamilyar 'yung sasakyan, kung sasakyan lang ng kung sino 'yan ay nakakapagtaka pa rin. Dito sa part na ito ay wala na masyadong dumaraan dito at lalo na ngayon na gabi na.
"Kilala mo kung sino 'yung nasa likod?" Tanong ko sa kabila gamit ang earpiece.
"Don't worry, si Calvin lang yan."
Muntik na ako mawala sa balanse sa narinig kay tito.
"Ayos ka lang? Gumewang ka-"
"Bakit kasama 'yan?"
Sumilip ako sa side mirror ulit at nakitang may nakasunod na isa pa pala.
"Ayos na 'yun, dagdag tao."
Umirap na lang ako at mas binilisan pa ang pagmamaneho. Ang dami na nga naming dala, pumayag pa si titong sumama sila. Paano naman napapayag ang papa nitong si Calvin na sumama sa amin?
Kailangan kong malaman kung paano nila natagpuan kung nasaan ang kapatid ko. Hindi kaya may tauhan sila na tauhan ni tito? Kaming tatlo lang naman ang may alam nitong lugar na ito.
"Lex, hinay hinay lang. Ang bilis mo." Narinig ko ang galit na boses ni tito.
Lumingon ako saglit na ikinasinghap niya. Ayos lang naman 'yung layo, at kung magbabagal pa kami baka mamaya bumalik ang mga 'yon.
Pumasok kami sa madilim na daan, palapit na kami dahil kita ko na ang nagiisang ilaw ng bahay sa dulo. Masikip na sa bandang dulo kaya huminto na ako sa gilid kahit  na naka mutor naman ako, huminto na rin sila.
Sunod- sunod ang ingay na narinig ko sa pagbukas at pagsarado ng mga pinto ng sasakyan. Tinanggal ko ang helmet ko at pinatong sa upuan. Tanging mga huni na lang ng ibon ang rinig dito.
Sinenyasan na ni tito ang mga tauhan niya na manguna. Pasunod na ako nang may humawak bigla sa baywang ko, agad akong humiwalay at masamang tinignan si Calvin.
"Dito ka lang, kami na bahala roon." Sinenyasan niya na rin ang dala niya.
Sarkastiko akong tumawa.
"Pamilya mo? Kapatid mo?"
Hindi niya ako pinansin at hinarangan pa ako. Balewala lang pala ang pagpunta ko rito kung wala rin akong gagawin. Kinuha ko agad ang isang baril na nasa hita ko. Pagkatutok ko sa kaniya ay nakatutok din ang baril niya sa akin, nagtututukan kami ng baril kasama ang matatalim naming tingin.
"Putok mo," hamon ko.
Hindi siya natinag at nakatitig lang sa akin, nagmamakaawang 'wag na ako makulit.
Nakaramadam ako ng malamig na bakal sa kaliwa kong sentido, nakita ko ang baril din na nakatutok sa sentido ni Calvin. Nilingon ko si titong may hawak ng dalawang baril na nakatutok sa amin.
"Nandito tayo para pumatay, hindi magpatayan." Sinenyasan niya ang tao niyang nasa gilid na pala namin gamit ang ulo.
Naramdaman ko ang pagbaba ng braso kong may hawak na baril na nakatutok kay Calvin.
Umirap ako at tinahak na ang daang papasok, sinubukan pa akong pigilan ni Calvin nang pigilan din siya ni tito.
Nakakairitang may pumipigil sa gusto ko.
Inililibot ko ang paningin ko habang tinatahak ang loob. Ang nakapalibot na tauhan ni tito rito noon ay kalahati na lang. Tanging yapak nang paikot ikot na mga tao ang maririnig dahil na rin sa mga tuyong dahong naapakan.
Pagkapasok ko ang nakita ko ang mga mata ng kapatid kong puno ng takot. Agad siyang tumakbo sa akin at yumakap sa baywang ko. Akala ko kapag nagkita kami hindi niya ako papansin dahil sa mga nagdaang tawag ko rito ay wala siyang paramdam.
Narinig ko ang maliliit na singhot ng kapatid ko habang nakabaon ang mukha sa tiyan ko. Ngumiti ako at hinawakan ang ulo niya. Sunod kong tinignan si Martha at si Michael na tahimik na nakaupo sa gilid. Sumusunod ang mga mata ni Michael sa pag lakad ng mga tauhan.
Yumuko ako at lumuhod, para magkalebel ang paningin namin ni Nix.
"Hey, I missed you." Hinaplos ko ang pisngi niya na agad niya ring ginawa sa akin gamit ang maliit na kamay.
"I missed you too, ate."
Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan iyon bago ko siya binuhat at nilabas. Nakapalupot ang braso niya sa leeg ko at nakabaon ang mukha sa leeg ko.
Natanaw ko ang paglalakad ni tito papunta sa amin. Hinaplos ko ang likod ni Nix nang makapagpahinga na, masyadong malalim na ang gabi.
"Kumusta? Wala ba siyang galos o ano?"
"Wala po."
Nasuri ko na siya simula napadpad ang paningin ko sa kaniya.
Naramdaman ko ang paghaplos ni Calvin sa ulo ng kapatid ko, inilayo ko ito at masama siyang tinitigan.
"Lex, 'tsaka na 'yan."
Umirap ako at medyo nawala ang atensyon sa kanila nang may nakita akong gumalaw na anino sa may bandang likod ng bahay. Baka tauhan lang?
Umalis saglit si tito, titignan niya raw ang loob.
Nilingon ko si Calvin na nilalaro na ang kamay ni Nix. Wala naman sigurong mangyayari kung ibigay ko muna saglit sa kaniya si Nix.
Nagkatinginan kami, ngumiti siya at binalingan ulit si Nix. Bumuntong hininga ako at binigay na sakaniya ang kapatid ko. Bakas pa ang gulat sa mukha niya kaya medyo nagising si Nix.
"Ayusin mo, babalik ako."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at naglakad na papunta sa likod. Wala akong nakitang tauhan ni tito, siguro nga isa lang siya roon. May napansin akong maliit na black na nakadikit sa isa sa mga bakal na upuan. 
Tinignan ko muna ang paligid bago ako naglakad palapit doon at kinapa. Pabilog siya, kinuha ko ito at napatakip ng bibig nang natantong maliit na camera ito. Agad akong napalingon kung saan nang may naramdamang may gumalaw at parang may tao.
Hinulog ko ito at tinapakan nago ako pekeng tumawa.
"Ayaw pang lumabas. Takot ka-"
Nahinto ako nang may nambatok sa akin dahilan nang pagluhod ko. Sunod kong naramdaman ang pag angat ng ulo ko dahil sa pwersa na paghila niya sa buhok ko. May mga anino na rin sa harap ko.
Yumuko ang nanabunot sa akin at tinawanan ako.
"Kami? Matatakot?" Tanga ulit siyang tumawa.
"Bingi ka ba? Hindi mo kasi ako pinapatapos-"
Napakalmot ako sa braso niya nang higpitan ang pagsabunot sa akin kasabay nang pagkulong niya sa pisngi ko gamit ang palad niya.
"Listen carefully, Cala. Your just waisting your time hiding yourself..."
"Nagtatago pa ba ako nito?"
"Siguraduhin mong handa ka pag nagkita kayo ni kuya. This is the last time I'm warning you and this is the last time you can escape us." He smirked and kissed my cheek.
"Kamukha mo talaga mama mo." Sabi niya na ikinairita ko. Tumawa sila at huminto rin nang huminto si Allen. 
Kapatid ni Allan Demunyo.
Binitawan niya ang buhok ko at tinulak ako dahilan nang pagbagsak ko.
"See you little princess," sabi niya bago tumalikod at naglakad pero hindi pa nakakalayo nang lumingon ulit siya sa akin. "At 'wag mong isama 'yung pamangkin ko."
Gago.
Ito na ang simula ng lahat.

Komento sa Aklat (23)

  • avatar
    Gia Dashna Vigor

    it's a really great story, I love it, specially the plot.

    06/07/2022

      0
  • avatar
    Joan Ablaneda Aguilar

    Hm... Thrilling ng story I like it, maganda Yong story, matagal din akong nag hintay ng update ng chapter hindi ko binabasa lahat kasi gusto tuloy tuloy basa ko, pero kaunting chapter palang ang naiipon so kailangan ko nanaman maghintay, please update po.... Nakakabitin kasi magbasa, excited na akong mabasa ang mga susunod na mangyayare sa buhay ni lex.

    21/05/2022

      0
  • avatar
    Nicolette Valdevilla

    LOVE THISSS

    31/10/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata