"Cally, kamusta ang lakad mo?" tanong ni Frederico sa kanyang apo na kadarating lang. "It goes well naman po Lolo, worth it ang maghapon ko," sagot ni Cally at pasalampak siyang naupo sa mahabang sofa ng study room nito. "You look exhausted, young lady. Ano bang nilakad niyo ng kaibigan mong si Ellise at napagod ka?" panguusisa ni Fredrico sa apo. "H'wag niyo nang alamin Lolo, ma-stress ka lang sa life," sabi ni Cally para ilihis sa kanya ang usapan. "Kapag talaga nakakasama mo ang kaibigan mong 'yon ay para kang nagiging jologs kapag kausap kita," pabirong sabi ni Fredrico kaya napasimagot si Cally. "Jologs? Ang ewww naman ng term niyo," angil ni Cally na siyang ikinatawa ng pagak nito. "Ika'y matulog na hija, magpahinga ka na," sabi ni Fredrico sa apo at bumalik na siya ulit sa kaninang ginagawa niya bago pa man ito dumating. "Lolo, ikaw ang matulog na at matanda ka na para magpuyat sa paper works. Ipaubaya niyo na 'yan sa 'kin ako nang bahala diyan bukas," sabi ni Cally ngunit hindi siya nito pinansin. "Palagi mong pinagdidiinan na ako'y matanda na, batang-bata pa nga, kayang-kaya ko pang makabuo ng kapatid ng Mama mo," biro ni Frederico na siyang ikingiwi ni Cally. "Gross!" sabi ni Cally habang nangingiwi niyang tiningnan ang kanyang Lolo Fredrico. "Matulog ka na nga, bi-bwisitin mo lang ako rito," sabi ni Fredrico ngunit hindi siya sinunod ni Cally. "Lo, seryoso kasi ako. Bukas na 'yan gabi na oh, baka magkasakit pa kayo kapupuyat niyo," sabi ni Cally na may pagaalala. "Ayos lang ako kailangan ko itong tapusin dahil sa aking project transaction ito," sabi ni Frederico na siyang ikinakunot ng noo ni Cally at nagtatanong ang mga mata niyang tinignan ang kanyang Lolo. Naalala niya ang nabanggit sa kanya ni Ryan kanina tungkol sa smooth transaction ng kanyang Lolo kaya naman naisipan niyang itanong dito kung anong klaseng transaction 'yon. "Anong transaction Lo? Wala kayong nasasabi sa 'kin, dapat nga palagi niyo 'kong i-inform sa nangyayari kahit pa outside the business na," sabi ni Cally. "Hindi naman ito outside the bussiness, kasama pa rin ito sa pagpapalago natin ng company pero dahil ako ang nag-aayos nito hindi ko na sinabi sa 'yo dahil siguradong makikialam ka," sabi ni Frederico na ikinasimangot ng apo niya. "Soon, ako na ang official na babaeng CEO ng company na pinaghirapan natin kaya bakit pa kailangan niyo 'yang itago?" tanong ni Cally habang pinapanuod niya ito sa ginagawa. "Dahil hindi basta-bastang tao ang kausap ko," diretsuhang sagot ni Fredrico na siya namang ikinatigil ni Cally. "You think I can't handle them? Wala ata kayong bilib sa 'kin," sabi ni Cally na may himig ng pagtatampo sa boses. "I believe in you hija, ang kaso lang hilaw ka pa," tapat na sabi ni Frederico na siyang hindi naman nagustuhan ni Cally. "What do you mean by hilaw? Hindi pa ako ganu'n ka-hulma para humarap sa veterans business men? Ganu'n ba?" may panliliit na tanong ni Cally na siya namang hindi sinangayunan ni Fredrico. "I have no doubts about your skills in bussiness dahil apo kita, kanino ka pa ba magmamana kundi sa 'kin lang? Ang inaano ko ay ibang klase itong tao na ka-transaction ko ngayon dahil miski ako ay nahihirapan na pagdating sa high standards niya," pag-amin ni Federico. "We are selling auto parts and different tools from the high grade materials so, ano pa bang high standard ang hinahanap niya?" sabi ni Cally. Sandaling tumigil si Frederico sa kanyang ginagawa sa harap ng laptop sabay sandal niya sa swivel chair at mataman niya lang pinakatitigan ang kanyang apo na akala palaging madali lang ang lahat. "Hindi lang siya basta bibili ng autoparts, kundi target din ng company natin na maging kaisa natin siya sa bussiness para maging ka-business partner," paliwanag ni Frederico kay Cally. "Base sa ginagawa niyo talagang parang ayaw niyo siyang ma-dissappoint at pilit niyo pa rin iniaabot ang sinasabi niyong pagiging high standard niya," sabi ni Cally na siyang ikinatango ni Frederico. "Ito pa nga ang mahirap dito, wala pang kahit na sinong nakakakilala at nakakakita sa kanya at tanging apilido niya lang ang alam ng lahat," sabi ni Frederico na siyang ikinagulat naman ni Cally. "Seryoso?! Anong klaseng bussiness man ba 'yan? Paano niyo siya nakakausap kung hindi naman pala siya nagpapakita sa inyo?" tanong ni Cally sa kanyang Lolo. "Mayroon siyang isang tao na bukod tanging pinagkakatiwalaan niya at 'yon ang palaging nakakausap ko," sagot ni Fredrico ngunit malabo pa rin para kay Cally. "Pa-mysterious naman masiyado! Paano siya nakakapagpalago ng negosyo niya kung hindi naman nakikita ang mukha niya?" may dudang tanong ni Cally. "No one knows, ang alam lang nila ay ang apilido nito," sabi ni Fredrico at gusto tuloy ni Cally na kilalanin ito. "Sure kayo na totoong business man 'yan?Baka ikapahamak natin 'yan? Anong apilido niya?" sunud-sunod na tanong ni Cally. "They call him, Mr. Delvarra, at parang hindi mo naman ako kilala, alam ko ang ginagawa ko," sagot ni Federico na siyang ikinatigil ni Cally dahil naalala niya bigla si Vin. "Natahimik ka ata? What are you thinking?" tanong ni Frederico kay Cally nang mapansin niyang bigla itong nanahimik. "May naalala lang akong ka-apilido niya Lo, pero imposibleng siya 'yon kasi ang layo ng estado nila sa buhay pati sabi niyo nga ay wala pa namang nakakakita sa kay Mr. Delvarra," sagot ni Cally. "Madaming Delvarra sa mundo hija, kaya tama ka baka ka-apilido lang siya ng kakilala mo," segunda ni Frederico at muli na siyang bumalik sa harap ng laptop. "Goodnight na Lo, nagpapahinga na 'ko bigla na 'kong nakaramdaman ng antok," paalam ni Cally sabay hinagkan niya ang pisngi nito. "Goodnight brat, sleep well," sabi ni Frederico at pataboy niya itong sinenyasan. Naglakad na si Cally palabas ng study room ng kanyang Lolo at tumungo na siya sa silid niya at pagka-pasok na pagka-pasok niya ay pasalampak na siyang nahiga sa ibabaw ng malambot niyang kama. Bigla niyang naalala ang si Vin at ang ibinigay nitong calling card kaya agad niyang kinuha sa bag niya dahil bigla niyang naisipang tawagan ito. Dinial niya ang numero nito sa kanyang cellphone at nagulat siya dahil sa unang beses pa lang na nag-ring sinagot na agad nito sinagot ang tawag niya. "Hello, who's this?" tanong ni Vin mula sa kabilang linya. "It's me," pakilala ni Cally sa kanyang sarili at kaagad naman siyang na-bosesan ni Vin. "It's you, Ma'am Cally! Did you get home safely? I didn't expect na tatawagan mo 'ko agad," sabi ni Vin na tila nabigla talaga siya. "I just got home, safe and sound. Tinawagan kita kasi may gusto lang sana akong itanong," sabi ni Cally kaya naman nagtaka si Vin. "Are you related to Mr. Delvarra? He is now the popular and successful business man in town but no one sees his face and he just remained mysterious," sabi ni Cally na siyang ikinatigil ni Vin. "Bakit mo natanong bigla?" tanong ni Vin. "Nabanggit siya ni Lolo sa 'kin kanina at nang malaman kong ka-apilido mo siya naisipan kong tawagan ka para lang i-confirm kung related ka ba sa kanya?" sagot ni Cally. "Ang akala ko pa naman kaya ka tumawag ay dahil may gusto kang idagdag sa kasunduan," sabi ni Vin. "No, clear na tayo sa contract wala na akong idadagdag do'n. So, ano? Related ka ba kay Mr. Delvarra o hindi?" tanong ni Cally kay Vin. "I don't even know that man, how can we be related?" kunot noong pagtanggi ni Vin. "Natanong ko lang naman," sabi ni Cally sabay napakamot sa ulo. "Anong kinalaman ko sa lalaking 'yun? Bakit ka interesadong malaman kung related ba 'ko sa kanya o hindi?" nagtatakang tanong ni Vin. "I'm just curious kasi same kayo ng surname," sagot ni Cally na mas lalong nagpakunot ng noo nito. "Ma'am, like what I've said to you earlier, maraming magkaka-apilido sa Pilipinas kaya hindi imposibleng may kapareho ng apilido ko," sabi ni Vin. "Yeah, naalala ko ngang kaya imposible nga," pagsangayon ni Cally. "Iniisip niyo po bang ako 'yon?" dudang tanong ni Vin na ikinangiwi ni Cally sabay napahawak sa sariling batok. "Yes?" patanong na sagot ni Cally na siyang ikinatawa ni Vin. "Funny ka rin Ma'am, don't assume na ako 'yang taong tinitukoy niyo dahil malabong mangyaring maging ako 'yan, hindi ako mayaman." Naiiling na sabi ni Vin. "Curiosity can kill me talaga," maarteng sabi ni Cally kaya natawa ng pagak si Vin. "Kung may tiyansa nga na maging ako siya hindi ko pa rin papangarapin ang buhay na meron siya," makahulugang sabi ni Vin. "You said you don't even know him? Then why are talking like as if you know about his life?" dudang tanong ni Cally. "Hindi ba sabi niyo nga business man? Edi mayaman?" balik ni Vin sa tanong. "Yes, I told you that," sagot ni Cally. "Oh, mostly sa mga mayayaman busy sa buhay puro pagpapayaman ng alam so, ako gusto ko enjoy lang. Ayoko seryosohin ang buhay," sabi ni Vin na siyang hindi sinangayunan ni Cally. "Now I know kung bakit hirap ka sa buhay kasi wala kang pangarap," direstuhang sabi ni Cally at imbis na masaktan si Vin ay tinawanan lang siya nito ulit. "Ma'am, mas importante kasing masaya ka kasi doon mo magagawa ang lahat, doon ka may kalayaang gawin ang mga bagay-bagay na gusto mong gawin, kapag focus ka palagi sa salapi malabo mong masulit ang totoong halaga ng buhay," makahulugang sabi ni Vin na siyang nakapagpatahimik kay Cally.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (35)
UnknownKhenzhen
good
12/12/2024
0
zañolhayann
good
03/09/2024
0
MarieMarie
bkit tpos agad nakakabitin nmn,Ang ganda p nmn,Wala n po bang karugtong?
good
12/12/2024
0good
03/09/2024
0bkit tpos agad nakakabitin nmn,Ang ganda p nmn,Wala n po bang karugtong?
01/08/2024
0Tingnan Lahat