logo text

Ang Paglipat ni Jasmin

Si Kent ay nasa meeting ng hapunan sa isang mamahaling restaurant, nang makatanggap siya ng isang tawag mula sa bodyguard ni Jasmin.
"Oh, hello!" Sagot ni Kent.
"Sir, nasusunog ang apartment ni Maam Jasmin!" Sabi ng bodyguard sa kabilang linya.
"What?!!!" Ikinagulat ni Kent ang narinig.
"Excuse me, may emergency lang ako! Sa susunod na lang tayo ulit mag-usap!" Sinabi ni Kent sa kanyang kasosyo sa negosyo.
"Okay, walang problema!" sabi ng kanyang kasosyo sa negosyo.
Kaagad nilang nilisan ang lugar kasama si Willy, sinabi niya sa bodyguard ni Jasmin na asikasuhin muna sila Jasmin at huwag pababayaan ang mag-ina.
Nang makarating sila, hinanap niya kaagad sina Jasmin at Charmaine. Maraming mga firetruck na nakaharang sa kalsada. Iyon ang dahilan kung bakit, hindi sila makakalapit sa mga nasusunog na bahay.
Minabuti na lamang ni Kent na bumaba ng kotse at hanapin si Jasmin sa mga nakatayong mga tao sa paligid ng lugar.
Habang naglalakad siya ay luminga-linga sa paligid para hanapin si Jasmin. Nakita niya itong umiiyak sa gilid ng kalsada, na napapaligiran ng mga bodyguard.
Nakita siya kaagad ni Jasmin ng papalapit na siya dito.
"Kent!" niyakap niya kaagad si Kent nang makita niya ito.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Kent na may pag-aalala.
"Oo, ayos lang ako. Bantayan mo muna si Shasha, may kukunin lang ako sa bahay." Sabi ni Jasmin, subalit pinigilan siya ni Kent sa braso.
"Hindi! Huwag ka nang bumalik doon!" Mariing sabi ni Kent sa kanya.
"Willy, mangyaring alagaan mo muna si Shasha." Sabi ni Kent kay Willy.
"Okay, Sir." Sambit ni Willy habang inalayo muna si Shasha sa dalawa, para makapag-usap sila ng maayos.
Agad na hinawakan ni Kent ang braso ni Jasmin, subalit pilit na kumakawala si Jasmi sa kanya.
"Stop it!" Sabi ni Kent habang nakatingin sa kanya.
"Pero, marami pa akong gamit na naiwan sa bahay, sayang yun! Kaya wag mo na akong pigilan, bitawan mo ‘ko!” Sagot naman ni Jasmin.
"No way! Mga gamit lang yun! Bibilhin ko ang lahat ng gusto mo, pero please… huwag ka ng bumalik doon!" Pakiusap ni Kent at niyakap niya ng mahigpit si Jasmin, para kumalma ito.
"Please... dito ka na lang. Ayokong mapahamak ka." Bulong ni Kent habang nakayakap kay Jasmin.
Unti-unti naman na kumalma si Jasmin at tinanggap na lamang ang sinasabi ni Kent.
"Oh, o-okay..." bulong ni Jasmin.
Nang marinig niyang hindi na babalik si Jasmin sa bahay na nasunog ay agad niya itong kinausap.
"Well, pwede ka naman tumira sa Villa ko, kayong dalawa ni Charmine.”
"Pero..." Natigilan si Jasmin.
"Manatili na lang kayo sa Villa ko, mas ligtas kayo ni Charmine doon." Sambit ni Kent habang pinapahid ang luha ni Jasmin sa pisngi.
Dahil sa wala naman silang ibang mapupuntahan, nagpasya si Jasmin na sumama na lamang kay Kent sa Villa nito. Pagkatapos ay sumakay si Jasmin sa sasakyan at pumunta sila sa Villa.
Ang ibang gamit ni Jasmin ay inilagay sa hiwalay na sasakyan at si Willy ang nag-asikaso ng mga ito.
Pagdating nila sa Villa, namangha si Jasmin ng makita ito. Ito ay isang malaking bahay na may hardin at swimming pool sa labas.
Pumasok sila sa loob, at nakita niya ang makabagong disenyo ng bahay at mamahaling kagamitan.
Umupo muna sila sa malaking puting sofa, habang may dalawang katulong na lumapit sa kanila.
"Good evening Sir... Maam!" Bati ng mga ito nila.
"Paki dala ang kanilang mga gamit sa aking kwarto." Utos ni Kent sa mga ito.
"Opo, Sir." At agad naman itong sumunod.
Maya-maya pa ay nagdala ng pagkain ang ibang katulong sa center table.
"Ano ang gusto mong kainin, baby?" Tanong ni Kent kay Shasha habang nakakarga ito sa kanyang hita.
Pagkatapos ay lumapit si Shasha sa mesa at kumuha ng pagkain at bumalik kay Kent at umupo ulit sa hita niya.
"Kain ka muna." Yaya ni Kent kay Jasmin.
"Ah ok lang, pwede muna ako pumunta ng restroom?" Tanong ni Jasmin.
"Ofcourse, pakisamahan siya sa restroom." Utos ni Kent sa isang maid niya.
"Opo, Sir. Maam, this way please." At sinamahan niya si Jasmin sa restroom.
"Sir, I will go ahead." Paalam ni Willy kasabay ng pagtayo niya.
"Okay Willy, thank you for your help." Sabi ni Kent.
"Walang problema Sir." At umalis na si Willy sa bahay.
Pagkatapos ay naiwan sina Kent at Charmaine sa sofa.
"Baby, simula ngayon, dito na kayo ni Mommy titira. Gusto mo bang dito tumira?" Tanong ni Kent kay Charmaine.
"Opo Daddy!" Ani Charmaine at niyakap siya ng mahigpit.
"Gusto mo bang makita ang kwarto mo?" Tanong sa kanya ni Kent.
"Opo!" Sambit ni Charmaine habang nakangiti siya at pakiramdam ng nasasabik.
"Okay, let’s go." Sabi ni Kent.
Tumayo sila at naglakad sa second floor at pumunta sa pangalawang kwarto sa bandang kanan. Binuksan ni Kent ang pinto at bumungad kay Charmine ang napakagandang kwarto.
Kulay pink ito na may desinyo na mga rosas at ang kama ay kulay pink din tulad ng isang disenyo ng prinsesa. Halos lahat ng mga bagay at kabinet ay kulay pink din. Nakita niya ang isang Big Pink Bear sa sahig at maraming mga laruan ang naka-display sa gilid.
Tuwang tuwa si Charmaine nang makita ito. Agad siyang bumaba sa karga ni Kent at pumunta sa mga laruan at niyakap ang malaking Pink Bear na stuff toy.
"Dad can I play it?" Tanong ni Charmaine.
Lumapit sa kanya si Kent at lumuhod.
"Ofcourse baby, sayo lahat iyan. Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Kent sa kanya.
"Yes Daddy! Gusto ko! Thank you!" Masayang sabi ni Charmaine habang hinahalikan ang pisngi ni Kent at hinalikan din niya ito sa pisngi.
"Naku, ang sweet mo naman baby." Sambit ni Kent habang hinahalikan ulit siya ni Charmine.
Pagkatapos ay naglaro sila ng barbie at iba pang mga laruan na naroon.
Bumalik si Jasmin sa living rooom, subalit nagulat siya ng hindi niya nakita sina Kent at Shasha sa sofa. Tinanong niya kaagad ang katulong kung saan sila nagpunta at agad niyang pinuntahan si Kent sa second floor.
Laking gulat niya nang makita ang kwarto ni Charmaine na kulay pink at puno ng mga laruan.
"Mommy! Come here, tingnan mo ang laruan ko." Masayang sabi ni Charmaine at hiwakan siya sa kamay at hinila siya papasok sa loob ng kwarto. Sa kanyang paglalakad, nakita niya ang iba’t-ibang mga laruan doon.
"Wow! Ang ganda!" Sabi ni Jasmin habang nakangiti.
"Salamat Kent!" Masayang sinabi ni Jasmin kay Kent.
Nginitian naman siya ni Kent.
Pagkatapos ni Charmine maglaro ay nagpahanda si Kent ng kanilang pagkain. Kumain sila ng hapunan sa kauna-unahang pagkakataon na parang isang buong pamilya.
Tuwang-tuwa si Kent sa mismong sandaling iyon, sapagkat ang kanyang mga kahilingan ay nagkatotoo na makasama muli si Ada at ang kanyang anak.
Masaya silang kumakain, tulad ng isang masayang pamilya sa isang hapag-kainan.
~
Kinabukasan ay dumating ang mga magulang ni Ada sa Villa.
Nakaupo si Jasmin sa sala nang dumating sila. Pinakilala ni Kent kay Jasmin sa kanila. Agad siyang niyakap ng Mommy ni Ada nang makita niya si Jasmin na kamukhang-kamukha ni Ada.
"Ada!" sabi ng Mama ni Ada.
At niyakap siya nito ng mahigpit.
Gulat na gulat si Jasmin sa biglaang pag-yakap nito sa kanya, dahil hindi pa nila nakumpirma na siya nga si Ada.
"Sorry... pero hindi po ako si Ada." Pagtanggi ni Jasmin.
"Hindi! Ikaw ang aking anak na si Ada! Nararamdaman ko sa aking puso na ikaw ang aking anak." Sabi nito na maluha-luha.
"Sa gayon, makukumpirma namin na kapag lumabas ang mga resulta sa DNA Test." Ang sabi ng kanyang Papa.
Nagkamustahan at nag-usap sila. Nakita rin nila ang cute na batang babae na si Charmaine na nakasuot ng isang cute na disenyo ng mabulaklak na damit.
"Wow, apo ba natin ito?!" Tanong ng Mama niya.
"Opo! Shasha, kamustahin mo ang lola at lolo mo." Sinagot ito ni Kent.
"Kumusta, lola at lolo!" Bati ni Charmaine.
"Oh, halika ka dito little girl! Ang ganda-ganda mo naman. Ano ang pangalan mo?" tanong ng Mama niya kay Charmaine.
"Ang pangalan ko po ay Charmaine." Ngumiti si Charmaine sa kanya.
"Wow, magandang pangalan yan." sabi ng Lola niya.
"Salamat Lola." Sabi ni Charmaine at nginitian siya.
Matapos silang mag-usap, nagpasya silang kumuha ng DNA test.
Pagkatapos si Jasmin at ang kanyang mga magulang ay kumuha ng isang DNA test.
"Ma, you can stay here at Villa, habang hinihintay natin ang resulta." Sabi ni Kent.
"Okay... anak." Ang sagot ng Mama niya.
Pansamantala, dinala ni Jasmin si Charmaine sa kanyang silid at natulog.

Komento sa Aklat (461)

  • avatar
    gomezmaicy

    ❤️❤️❤️grabe napaka ganda walang tapon super ganda..damig kilig moment nakaka inlove sarap bumalik sa pagka bata dahil sa story n ito..wala akong masabe kung hindi napa ganda simula palang.. highly recommend hindi nyo pag sisihan basahin..thank u author ang galing nyo..this is one of my favorite story..

    16/08/2022

      1
  • avatar
    Floresjhennie

    una palang nagustohan koh nah ang story ang gabda nah nakakakilig❣️❣️❣️💚💚💚🥰🥰🥰 lahat tlga may katapat at makkhanap ng katapat kaya sana wag mcydong magmatapang s lahat ng pagkktaon d purkit nakakaangat kailangan nah magyabang d nio nabbili ang lahat kahit nah mayaman pah kau dhil drting ang panahon nah parepareho tayong mamawwala s mundong ibabaw kaya sana s mga taong akala nila kayang kaya nila ang mga taong nakakaharap nila wag nah wag magmayabanh dhil baka s huli ito ay inyong pagsisihan

    24/01/2022

      2
  • avatar
    Jamela Macapanton Mamatas

    I like the story and i like how the two meet and started their relationship...😊

    17/01/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata