logo text

Chapter 30 Page 2

"Ganito rin siguro ako nuon natutulog ako sabi nila mama, ni carol at ni papa..kinakausap daw nila ako para gumising na ako kase nag-aalala sila sa akin..ikaw ba, wala bang kumakausap sayo?! Gusto mo friend muna ko..oh kuya nalang kita wala kase akong kuya e..huh kuya..gumising kana para makausap na talaga kita." Sabi nito habang pinagmamasdan ang mukha ng binatang nakahiga sa kama, saka marahang itinaas ang kamay at sinunson ng hintuturo ng daliri ang matangos nitong ilong hanggang sa labi ng binata.
"Kaparehas mo nang ilong at mga labi si yohan, mas matangkad ka lang siguro sa kanya, na mimiss kona siya, asaan na kaya siya ngayon? Ikaw ba may namimiss ka na gusto mong puntahan ka?"ani jillian habang nakatayo sa gilid ng kama
Marahang hinawakan ni ian sa pisngi si jillian, nakangiti ngunit sa kabila ng ngiti nito ay ang pagpatak ng kanyang luha,
"Meron akong hinihintay ngunit andito na siya sa tabi ko, leanna? Bakit hindi ko nalamang ikaw si leanna..jillian! Kaya ba minahal agad kita dahil mahal naman talaga kita? Gusto ko nang bumalik at yakapin ka, yung hindi na kita bibitawan at hahayaang mawala sa tabi ko..!"masaya na may halong lungkot ang nararamdaman ni ian ng mga oras na iyon sa nalaman niya
"Kahit makabalik ka hindi mo pa din siya makikilala tandaan mong katulad niya wala siyang natandaan na nakilala niya ang isang reaper! Ganuon ka din, ganuon din ang mangyayari sayo!"ani chief grim
"Wala bang paraan para maalala ko ang lahat kahit magising ako?!"ani ian, bumuntong hininga lang si chief grim
"Chief grim?!"
"Wala..!"
Marahang hinawakan ni jillian ang kamay ng binata at inilapit sa kanyang pisngi mainit iyon..ang sarap sa pakiramdam..
Napapitlag sya ng biglang bumukas ang pintuan ng silid kaya nabitawan niya ang kamay ng binata at napaurong sa kinakatayuan ng bulto ng lalaki ang iluwa ng pintuan, tila batang nagtatago na nahuli si jillian, naupo ito at yumuko sa kanyang tuhod sapo ng kanyang mga braso ang mukha..at lumaglag sa unahan ang mahabang niyang buhok..
"Jillian,  jillian.. Baby si papa to." agad na lapit ni mr. Ramirez sa anak na nanginginig sa takot.
"Bitawan mo ako huwag mokong hawakan?! Huwag..!"pagpupumiglas nito habang natatakluban ng buhok ang mukha.
Nagugulumihan lang naman na nakamasid si carol at si mrz.ramirez na humahagod sa likod ng dalaga.
"Naku maam nagulat po ata natin sya" ani nurse na kasama nila na kanina pa naghahanap sa dalaga.
Mas lalo lang itong umurong ng makita ang nurse.
Panay din ang iling nito.
"Huwag..ayoko yan? Ayoko nan..!sigaw nito habang nagpupumiglas dahilan para matanggal ang dextrose sa kamay nito at dumugo iyon.
"Jillian..anak ang kamay mo!"nagulumihang lapit ni mariana sa anak.
"Nurse wait lang ako nalang muna sige na!"ani mariana
"Jillian si mama to, at si papa mo?! Huh..!"yakap ni mariana sa anak na halatang natatakot.
"Anak jill, si papa to si papa santi mo ito?!"sabi ni santi sa mahinang boses saka inalis ang nagkalat na buhok sa mukha ng anak niya.
"Pa..papa, ikaw po yan.."nanginginig ang boses na tumunhay si jillian mula sa balikat ng ina.
"Uo anak kami ito ng mama mo at si carol wag ka nang matakot..baby, its ok..its ok..hindi galit si papa..huh!"alo ni santi sa anak
Napasinghap naman si jillian at ng makitang sensero ang ama ay dagli itong yumakap sa leeg ng ama..at sumobsob habang panay ang singhap
"I'm sorry po,.wag po kayo magalit..please!!"hikbi pa nito
"Shhh..its ok.."ani papa niya at marahan syang itinayo, nakayakap parin si jillian sa leeg ng ama at hindi bumibitaw.
"Halika na baby bumalik na tayo sa silid mo?!"sabi ni santi, tango lang naman ang itinugon ni jillian na matamang nakasubsob sa leeg ni santi at panay ang singhap.
"Jillian..anong nangyayari? Anong problema?"ani ian na nakamasid lang..
Napatingin naman si mrs. Ramires sa lalaking nakahiga sa kama at napakunot ang noo ng makilala ito saka namilog ang mga mata at ibinaling ang tingin sa mag ama niya.
It was..
Christian..
Napanganga sya ng masigurong si ian nga iyon, anong ginagawa ng anak niya sa silid ng binata at paanong napuntahan ito, natatandaan kaya nito ang binata..lalo tuloy binalot ng kaba ang dibdib niya..habang nakatingin sa mag-ama na palabas..na  ng silid.
Si carol naman ay nakamasid lang sa pangyayari at naguguluhan.
* * *
"Naka alis na si xian kaya kailangan ko pumunta kay ian, bahala kana sa mga pulis hector!"ani evita saka itinabi ang phone sa dalang handbag.
"Hindi ko dapat ipinagkatiwala kay xian ang pagbabantay kay ian, paano nalang kung anong kalokohan na naman ang gawin ng kaibigan niyang iyon?!"dahil sa isiping iyon ay nagdudumali naglakad si madam papunta sa silid ng anak
"Madam, andito na po pala kayo?!"ani nurse ni ian
"Yes, kumusta ang anak ko?!"usisa ni madam
"Ok naman po madam, tinatanggap naman po ng katawan niya ang gamot na ibinigay ni doc, oras lang po para sa monitor ng dextrose niya ngayon at sa antibiotic na binigay ni doc kanina.
"Good ..!"
Tila nagulat pa nga si madam ng makitang nakabukas ang pintuan ng silid ni ian, dinaklot ng kaba ang dibdib niya na baka kung napano ang anak niya kaya nagmamadali silang lumapit.
"Mama tayo na po?!"ani carol sabay hila sa kamay ng ina.
"Ok tara na! Carol!"
Nang bigla namang iluwa nang ang isang nasa middleage na babae, ang ina ni ian na tila biglang kumulo ang dugo pagkakita pa lamang sa kanila lalo na kay jillian na nakaakap pa din sa ama at patuloy ang paghikbi..
"At anung ginagawa nyo sa silid ng anak ko?!"nagngingitngit nitong sigaw..tila isang leon na nakalabas ng selda, maging ang mga talim ng tingin nito kay jillian ay hindi nakaligtas..
Agad namang pinuntahan ni gng. Ramirez ang anak at sinanggahan.
"Wag..wag kang mag-alala aalis na kami, hindi sinasadya ang pagpunta dito ni jillian..huminahon ka lang, mauna na kayo sa labas, carol samahan mona sila kakausapin ko lang sya.." Marahan namang tumango si carol at humawak kay jillian palabas
"Hindi mo binabantayan ang anak mo mariana, hindi kona palalampasin kapag nakita ko pa ulit siya sa silid na ito naintindihan mo ba?!"asik ng gng. Kay mariana.
"Hayaan mona akong bumalik ngayon chief sige na, pakiusap! Kailangan malaman ni mommy na si jillian si leanna para hindi na siya magalit sa kanya para maging maayos na kaming dalawa!"pakiusap ni ian kay chief grim ngunit umiling lang ito.
"Hindi maari, wala kaming kapangyarihan panghimasukan ang mga bagay na yan, kapag nagpumilit ka pa baka mas lalo mo lang ikapahamak, maghintay kana lang.
Kapwa napalingon sila chief at ian, maging sila mariana at evita
Ng biglang tumunog ang heart machine ni ian its getting down.
"Anong nangyayari chief?!"ani ian
"Sinabihan na kase kita na huminahon ka lang, hindi kapa tuluyang nakahiwalay, ang katawan mo kaya ang reaksyons mo at nararamdaman ay katudugtong pa din ng katawan mo, kung hindi ka magiingat maisasama na talaga kita in no time!"ani chief grim na ikinatahimik ni ian
Patakbo namang lumabas ang nurse para tawagin ang doctor, natatakot na nag aalala si mariana ngayon lalo at nagpapanic ang mama ni ian.
Nagmamadali pagpasok ang doctor nito at saka sinuri ang binata.
Lumabas naman na si mariana ng silid, nang marinig ni jill ang tunog ng monitor ay napatingin ito sa loob ng bubog na bintana, kitang kita niya sa bintana ang nangyayari sa pasyente.
Pero pilit siyang inilayo na nang mga magulang niya sa silid na iyon ngunit lumilingon pa din siya.
"Jill anak halika na..!"ani mama niya
Ngunit ang paghakbang ni jill ay tila naging mabigat na hindi niya mabuhat ang mga paa niya, nahihila ba siya ng gravity kaya ganuon.
Nagulat ang papa niya ng biglang siyang bumagsak mabuti nalang at nasalo siya nito at sa takot ay dali daling dinala sa silid.
Nakuyom nalang ni ian ang kamao habang nanunuod lang sa nangyayari, ang mga kamay niya ay nagiging transparent at bigla ding bumabalik sa normal na hindi niya maintindihan.
"Muntikan kana, mahina pa ang katawan mo kaya kung hindi ka magiingat ikaw din mismo ang gagawa ng ikakapahamak mo, kaya nga kami andito para bantayan ang kaluluwang kagaya mo para hindi matrap sa kung saan saan at muling makabalik sa katawan dahil hindi pa oras ngunit sa kaso mo iba ang ginagawa mo ikaw mismo ang nagdadala sa katawan mo sa ikakapahamak mo!"
"Ok, pasensya na?!"ani ian
"Hindi ka sa akin dapat humingi ng pasensya, dahil hindi ako ang mawawalan kundi ikaw!"
Napabuntong hininga nalang si ian at sumunod kay chief.
"Doc anong nangyari?!"ani evita na kabadong kabado
"His fine, isa lamang iyon abnornal reaction ng katawan dahil sa antibiotic na ibinigay ko kanina, but he is fine..kumalma kana!"sabay tapik sa balikat ni evita
"Salamat doc!" Hindi na napigilan ni evita ang umiyak ng maka alis ang doctor at nurse ng anak niya.
"Ian, please wake up son, sisiguraduhin kong magbabayad ang sinumang may kagagawan nito sayo!"ani evita
* * *
"Doc, anong nangyari sa anak ko?!"ani mariana
"Ok lang siya, since babago palang na nakakarecover ang katawan niya kaya nanghihina pa siya but dont worry she's fine i advice nalang na manatili pa siya rito ng ilang araw.!"ani doc
"Carol anong nangyari at nawala sa paningin mo ang kapatid mo?!"ani santi
"Sorry po papa, nag cr lang po ako hindi ko alam na pagbalik ko gising na pala siya!"ani carol
"Huwag monang pagalitan si carol santi, hindi naman niya gusto ang nangyari at walang may gusto ng nangyari!"ani mariana
"Alam ko mariana, pasensya na anak nag alala lang ako?!"ani santi
"Ok lang po papa!"
"Ang ipinagtataka ko lang sa dinami dami ng silid bakit sa silid pa ni ian siya napunta santi?!" Hindi naman nakaimik si santi sa tanong ng asawa dahil siya man ay hindi alam ang isasagot.
* * *
"Nagising na siya?!"gulat na sabi ni johanna kay michael sa telepono
"Yeah!" Matipid nitong sagot
"Ku..kumusta na siya? Anong sabi niya bakit siya naaksidente?!""ani johanna na kinakabahan sa nalaman.
"Wala siyang nasabi johanna, at kahit gustuhin namin malaman hindi siya makakapagsabi dahil wala siyang maalala sa nangyari! Kaya maari mo siyang dalawin hindi niya maalala ang kalokohan nating dalawa"ani michael, nakahinga naman ng maluwag si johanna mula sa nalaman
"Ok, sige da..dalawin ko rin siya?!"ani johana na mahigpit pa din ang hawak sa telepono
"Paano kung umaarte lang siya? Kailangan kong malaman kung wala talaga siyang maalala!"ani johanna

Komento sa Aklat (113)

  • avatar
    MalayoMalayo

    The title and blurb is giving me emotional vibes... this story is so amazing that I really feel the emotions depicted by the author. Goodluck with your writing journey po!

    04/08/2022

      1
  • avatar
    Mary Joy B. Bofill

    very nice

    18/07/2024

      0
  • avatar
    LogronioRey

    oklng

    22/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata