logo text

Chapter 28 Page 2

"Huwag kang matakot at tumayo kana riyan, ngayon lang ako nakakita ng kaluluwang natatakot!" Marahang nagmulat ng mga mata si jillian dahil sa narinig na boses at isang taong nakaluhod sa isang tuhod ang nasa harapan niya, napa urong pa siya ng makitang naka purong itim ito mula ulo hanggang paa.
"Tumahan kana!" Dagdag pa nito
"Si..sino ka? Sinusundo muna ba ako? Patay na ba ako?!"aniya na hindi kumukurap sa kaharap luminga siya sa paligid wala na siya sa kakahuyan nasa isang puting silid lamang silang dalawa at tanging ang kaharap lang niya ang namumukod na itim saka ito umiling.
"Hindi pa sa ngayon!"sabi nito in low yet cold tone.
"Hindi pa ibig sabihin maaring bukas o sa makalawa! Kung ganuon anong kailangan mo sa akin?!" Curious niyang tanong, saka pinalis ang luha sa pisngi.
"Andito ako para samahan at gabayan ka para hindi ka maligaw at makarating sa mga lugar na maaaring hindi kana makabalik, ang mangyayari pag ganuon isa ka nang missing soul.
"Kung hindi pa ako mamatay bakit hindi ako makabalik sa katawan ko?! Gusto ko nang bumalik naaalala kona ang lahat ngayon!"aniya na may sama ng loob
"Iyon dahil hindi pa oras para bumalik ka sa katawan mo dahil hindi pa ito handa, sa oras na bumalik ka magigising kana ngunit tingnan mo ang katawan mo!" Sa isang iglap ay nasa loob na sila ng silid kung saan anduon ang kanyang katawan.
Nakita niyang anduon si michael sa tabi nito at umiiyak.
"Umiiyak ka ngayon, wala ka naman kasalanan sa nangyari!" Bigla siyang napalingon kay grim reaper ng maalala si ian
"Mr. Grim reaper may gusto akong puntahan at makita maaari ba? Sige na gusto ko lang malaman kung kumusta na siya!" Napabuntong hininga nalang si grim reaper
"Ok, asaan ba siya!"sabi lang nito
"Hmm..ang alam ko uuwi na siya sa bahay nila!"
"Ok isipin mo ang hitsura ng loob ng bahay nila o silid at saka sumunod sa akin!" Lumakad ito palapit sa pintuan palabas ng silid niya sa hospital at hinawakan ang pintuan noon saka binuksan
"Teka paano mo nahawakan yan?!" Gulat na tanong ni jillian sa kasama saka sinubukang hawakan din ang pintuan pero lumalagos lang siya kaya napasimangot nalang at sumunod kay grim reaper pagpasok doon sakto nga at kwarto nila ni ian sila lumabas.
"Ganito pa din ang hitsura,kaya lang bakit ang tahimik naman!" Nilibot niya ang buong bahay ngunit walang isa mang taong anduon kahit ang katulong.
"Haist umaga na pala pero walang tao kahit katulong..! Malamang na nasa trabaho na siya hindi na niya ako hahanapin!"nakasimangot niyang sabi saka naupo sa gilid ng kama
"May tanong ako?!"aniya tumingin lang si grim reaper na tila naghihintay ngsasabihin niya.
"Ahmm..kanina i mean kahapon paano nangyaring nakikita niya ako at nakakausap?!"aniya
"Simple lang kapag ang isang tao ay hindi pa aware sa nangyari sa kanya at ang taong nasa isip niya bago siya maging kaluluwa na gusto niyang makasama ay hindi din aware sa nangyari anduon pa din ang tinatawag na connection, spiritual and physical connection lalo na kung mutual ang feeling nila sa isat isa at malakas ganuon ang nangyari sa inyong dalawa!" Nakagat niya ang ibabang labi
"So kaya hindi na niya ako makita dahil naalala ko ang nangyari?!" Tumango lang si grim reaper
"Pero asan na siya ngayon, namimiss kona siya gusto ko siyang makita!"maktol niya
"Asaan ba siya?!"
"Pwede akong pumunta sa mga lugar na sa tingin ko anduon siya?!"curious niyang tanong tumango lang si grim reaper
Napatalon siya mula sa kama sa sinabi ni grim reaper
"Talaga?!" Tumango lang ulit ito kaya naman agad siyang lumakad papunta sa pintuan kaya lang bumaling ulit ito kay grim reaper habang nakahalukipkip
"Bakit?!"malamig nitong sabi
"Pwede akong pumunta oo pero paano ko bubuksan ang pintuan hindi ko naman mahawakan?!"maktol nito napailing si grim reaper
"Simple lang magconcentrate ka para mahawakan mo ang doorknob, kapag hindi mo nagawa edi wala akong magagawa!" Namilog ang mga mata nito
"Aist...!"laglag ang balikat na lumakad ito pabalik sa pintuan maya maya ay bumalik ulit kay grim reaper at akmang hahawakan si grim reaper pero mabilis na iniiwas nito ang mga kamay
"Bakit?!"aniya
"Haist, makulit ka! Hindi mo ako maaring hawakan maliwanag ba? Ano bang kailangan mo na naman?!" Namewang siya sa harapan nito
"Kung ganuon mahahawakan kita?! Pero hindi pwede? Pero bakit?!"tanong ulit niya
"Gusto mo bang tawagin nalang kita sa pangalan mo?!"
"Anong mangyayari kapag tinawag moko sa pangalan ko?!" Napatayo na si grim reaper at akmang aalis
"Wait..wag kang umalis hindi an ako mangungulit promise ayokong maligaw, sige na wag kana magalit please mr. Grim reaper susubukan kona mag concentrate.!"aniya saka muling bumalik sa tapat ng pinto at pumikit saka marahan inilapit ang mga kamay sa doorknob
"Sana magawa ko na, sana sige na please..!"pumikit siya ng hahawakan na niya ang doorknob napamulat siya bigla ng maramdaman niyang nahawakan na niya ito at napangiti siya ng makitang hawak na nga niya iyon, agad niya iyong binuksan at akmang papasok na siya ng magsalita si grim reaper.
"Mag ingat ka sa mga pintong binubuksan mo at pinapasukan mo, siguruhin mong tama dahil pag nagkamali ka at sa maling pintuan ka napapasok, hindi kana makakabalik!" Nagulat siya kaya naman isinara nalang ulit niya ang pintuan
Napangiti si grim reaper saka bigla sumeryoso ulit.
"Haist hindi ako dapat na tumatawa!"
"Ano bakit mo isinara?!" Naka mangot na naman siya saka naupo ulit sa kama
"Paano ako aalis tinatakot moko!"aniya na malungkot na ang mukha
"Hindi kita tinatakot pinapaalalahanan kita magkaiba yun ala mo ba yun?!" Paliwanag ni grim
"Haist bakit ba ako nagpapaliwanag sa kanya!"
Sabi niya sa sarili
"Alam mo ikaw? Haist..! Sige na tumayo kana sasamahan nalang kita!" Tuwang tuwa naman si jill sa narinih kaya agad itong napatayo at sumunod kay grim
"Yes mr. Grim thank you! Ang baet mo pala!" Napatahimik nalang siya ng tumingin ito sa kanya mukha naiinis na sa kanya ang mga mata nito.
Kaya naman sumunod nalang siya pero dahil masaya siya ay hindi niya maiwasan ngumite.
Nakailang lugar sila ng pinuntahan at nang bumalik ng silid ni ian ay laglag ang balikat ni jill na nakatayo sa harap ng pintuan.
"Ano na ?!"sabi ni grim
"Bakit wala lahat ? Asan ba siya?  Asan kana ian? Tinataguan mo na ba talaga ako?!"inis niyang sabi saka lumupagi sa sahig at nagmukmuk.
* * *
"Mariana hebrez, ariana montecillo, evita monreal, hector cha!"napalunok si kane dahil sa larawan na iyon saka kinuha ang picture niya sa wallet niya halos pareho lang ito sa larawang anduon.
"Ate ariana nahanap kona sila, isa nalang ang kailangan ko makita.!" Ani kane
* * *
"Sino ang kasama dito ni madam evita sa litratong ito? Napatuon ang atensyon ni kier sa babaeng nasa gitna nang larawan tinitigan niya mabuti!"
"Parang nakita na kita somewhere, pero imposible dahil sabi nila sixteen years ago namatay na siya, tama kung ganuon tama nga hindi ako nagkakamali siya na nga yun! Tsk..!" Pinitik pitik pa nga ni kier ang litrato na iyon saka napailing
"Pero anong ginagawa ni kane sa school na yun? Siya ba ang pinapakilos ni ian? Tsk..haist their were like brothers huh..! Lets see!" Saka bumuga ng usok mula sa sigarilyong hawak
"Hello!" Sagot ni kier mula sa kabilang linya
"Nahanap mona ba?!"
"Hindi pa po, pero malapit na maghintay kana lang!"ani kier
* * *

Komento sa Aklat (113)

  • avatar
    MalayoMalayo

    The title and blurb is giving me emotional vibes... this story is so amazing that I really feel the emotions depicted by the author. Goodluck with your writing journey po!

    04/08/2022

      1
  • avatar
    Mary Joy B. Bofill

    very nice

    18/07/2024

      0
  • avatar
    LogronioRey

    oklng

    22/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata