Amg harsh mo talaga sa akin!" "Ikaw ang harsh xian, bilisan mo na lang ang ginagawa mo ok!"ani kane. Sa kwarto dumiretso si jillian, kausap sa phone ang mama niya matagal na din kase ng huling bumisita ang mga ito sa kanya. Namimis niya na ang mga ito, at ang pagkamiss na iyon ay napupunuan ng presensya ni ian, ngunit bakit ganito ang pakiramdam niya ngayon sandali palang na wala sa paningin niya ang binata ay pakiramdam niya ang tagal na nitong wala. She's missing him so much lalo na at walang paramdam sa phone, nag aalala siya ngunit kung may naging problema naman malamang na hindi makakanali yung dalawang kolokoy. "Jill?!"napabalikwas siya ng marinig ang pagkatok ni kane sa pintuan "Andyan na ba siya?!" Bungad niya agad sa pintuan ng silid niya nakangiti lang si kane "Wala pa kaya lang alas siyete na kumain kana kaya muna kung may naging problema alam mong kami ang unang tatawagan noon?!"napasimangot siya dahil ganuon nga ang senaryo, "Tara nang kumain jill, gutom na ako ayaw akong bigyan ni kane ng pagkain e..dali na please..?!"ani xian "Ok sige, lina kayo ipaghahain ko kayo nakakahiya naman kayo na nga nagluto..!"aniya na lumakad na papunta sa kusina. Para lang madatnan na nakahain na ang hapag at punuwesto na si xian. Madilim na sa labas at tahimik pa din walang senyales ng parating na sasakyan ni ian. "Huwag mong isipin yun jill, kain ka lang ng kain alam mo naman di ba layas talaga yun si ian.!" Nginitian lang niya ang makulit na si xian saka nagsimulang kumain kahit paano ay sinabayan niya ang dalawa dahil nahihiya siya, malamang kase na hindi din kakain ang mga ito kapag hindi siya kumain. Si xian na ang nag ayos ng pinagkainan kahit palaging pa akmang sisipain nito si kane sa pwetan ay hindi naman maituloy. "Jill, hindi ka pa ba papasok sa kwarto?!"ani kane "Mauna na kayo hihintayin ko muna siya dito..!"sabi niyang naka pwesto sa harap ng t.v at nanunuod si xian naman ay bagong paligo na humihikab pa at dumiretso sa kwarto ni ian. "Goodnight jill!" "Goodnight, xian..!" Alas nuwebe na wala pa si ian, kahit kontakin niya ang binata ay hindi naman nasagot. Nakatulugan na nito ang paghihintay kay ian sa sala, saka palang na alimpungatan sa maingay na tunog ng ulan sa sa labas. Napabalikwas siya ng bangon mula sa sofa, at tiningnan ang oras sa katabing cellphone. Pasado alas kwatro na ng madaling araw at malakas ang ulan sa labas. Idinayal niyang muli ang number ni ian, un attended naman ito ngayon. "Ian, asan kana, pinag aalala mo ko..?!"aniya habang hawak ang phone at panay ang tingin sa labas ng bintana na wala namang makita dahil sa dilim sa labas at lurok ng ulan. Pabalik na siya sa sofa ng marinig ang pagbukas ng pintuan. Paglingon niya ay iniluwa noon si ian, basang basa ito ng ulan. "Gising ka pa?!"sabi lang nito habang nakangiti sa kanya. "Tsk..bakit ngayon ka lang?!"galit niyang sabi saka patakbong nagtungo sa banyo para kuhain ang malaking tuwalya ni ian. Agad niya iyong ibinalabal sa kasintahan na nangangatal na sa lamig. Madali siyang nag init ng tubig sa painitan para ipagtimpla ito ng mainit na kape. Marahan din siyang pumasok sa silid ni ian para kumuha ng damit nito, para lang maabutan ang dalawang kolokoy na nakabalandra ng higa sa kama ni ian. Napakamot siya sa ulo. "Tsk..sinakop na nilang lahat, saan naman kaya hihiga ang isang iyon!" Maktol niya habang kumukuha ng damit ni ian. Isang tshirt na kulay gray at shorts na jershey ang nakuha niya. Aalis na sana siya ng maalalang kulang ang dala niya, kulang ng underwear. "Ahh..anu ba yan?!" Marahan niyang binuksan ang drawer at bumungad ang mga undies ni ian, napakamot siya sa ulo, "Paano ko to kukunin? Dadamputin ko ng kamay ko? Ohh..parang mali naman ata yun! Undies pa din yan jill!"aniya sa sarili Kinuha nalang niya ang brief gamit ang tshirt ng binata. "Bakit ang tagal mo?!"usisa ni ian "Bakit ang tagal ko? Bakit? Bakit nga ba ang tagal mo?!"pagalit niyang sabi saka iniabot ang damit dito. Inabot naman ni ian ang damit pero hinila siya nito palapit dahilan para mapakandong siya sa binata. Nagulat siya at tatayo na pero hinila siya sa baywang ni ian. Nakangiti lang si ian. "Galit ka ba? O nag alala ka?!"nakangiting usisa sa kanya. Naiilang naman siyang nagpilit tumayo kahit sabihin pang magkasintahan sila iba pa din dahil naka tapis lang ng tuwalya si ian. "Baka gusto mong magbihis muna saka tayo mag usap!" Sumimangot lang naman si ian sa kanya at pumunta sa banyo. "OK OK..ms. Sungit!" Sya naman ay nagtungo sa kusina para ipagtimpla ng kape ang lalaking iyon. Ang lalaking mahal na mahal na niya ngayon. Narinig na niya ang bukas na shower malamang na nagdiretso shower ang loko na yun. Dinala na niya sa sala ang kape pero nakabukas na ang pintuan ng banyo, malamang na nasa kwarto na ito at nagbibihis. Napangiti siya ng lumabas ito mula sa silid nito. Nagpupunas ng tuwalya at nagtutuyo ng buhok, hindi ata nagustuhan ang kinuha niyang jershey shorts dahil pajama ang suot nito gray din na pajama, as she looks in him, nag iwas siya ng tingin dahil kinakabahan siya bigla. Paano ba naman ang cool nitong tingnan lalo at bagong paligo at gulo gulo ang buhok, parang ang bango bango nito. "Anu pwede na ba tayong mag usap ngayon?!"umpisa nito siya naman ay taas kilay na tumingin. "Yeah! Ito kape mo!"seryoso niyang sabi habang naka simangot. Napangiti lang naman si ian ng abutin ang kape, "Bakit nakasimangot ka ngayon?!"sabi nito saka humigop ng kape "Nagtatanong ka pa ano ka inosente? Anong oras na bakit ngayon ka lang umuwi? Ganuon ba katagal ang pagkuha ng cenomar na yan? Hanggang madaling araw?!"nakapamewang na sabi niya sa harapan ng nakaupong si ian. Nakakainis pa dahil nakangiti lang ito sa kanya, "Tigilan mo ko sa kalandian ng mga mata mr. Cha, hindi ako madadala dyan?!" Mas lalo lang napangiti si ian maya maya pay ay humalak na ito ng payak. Sya naman ay nainis kaya naman nag martsa sya papunta sa kwarto at palibag na isinara ang pintuan. "Panget, bakit iniwanan muna ako dito, hintay!"habol nito sa kanya pero hindi niya pinansin Napakamot nalanhg si ian sa batok saka inubos ang kape maya maya pa ay kinatok niya ang pintuan nito. "Jill, huwag kana magalit sige na ang lamig dito sa labas..!" Nagtakip naman ng unan si jill "Doon ka sa kwarto mo ayoko makipag usap, tinatawanan mo lang ako!"inis niyang sabi "Sige goodnight!"inalis niya ang unan sa tenga niya at naalalang nakabalandra nga pala yung dalawa sa kwarto ni ian, malamang na sa sofa ito matutulog. Marahan niyang ibinukas ang pintuan at tama nga siya nasa sofa nga ang panget na iyon, nag iinarte pa at walang kumot. Pero napansin niyang naka ayukmot naman ito. "Paawa talaga tong panget na to!"hinawakan niya para gisingin at dagli siyang napahinto ng maramdamang mainit ito kaya naman agad niyang sinalat ang noo nito at noo niya. Nagulat pa siya dahil nilalagnat si ian. "Panget, ok ka lang ba?!" Ungol lang ang isinagot nito sa kanya. Hinawakan niya ang kamay nito at ikinawit sa balikat niya para alalayan papunta sa kwarto niya, ayaw naman niyang abalahin pag tulog ang dalawang kolokoy dahil maghapon na nga siyang sinamahan ng mga ito, pinagluto at kinulit. "Bakit ba kase ang tangkad mo?!"angal niya habang akay akay si ian na mabigat pa sa kanya, muntikan na nga sila matumba kundi lang nakatuon si ian sa pader. Bahagya itong tumingin sa kanya saka ngumite lang, namumungay ang mga mata saka palang tila gumaan ang dala niya dahil lumakad na ito na sarili inalalayan nalang niya papunta sa kama. Marahan niya itong inihiga sa kama. Iniayos niya ang unan nito at kinumutan, aalis na sana siya pero hinila siya nito sa kamay. "I'm sorry, jill..napaghintay kita!" Hinawakan niya pabalik ang mainit nitong mga kamay. "Ok lang, kukuha lang ako ng gamot at termometer para makita ko kung anong temp.mo!"tumango lang naman si ian Naalala niya habang hawak pabalik ang gamot at termometer ang kamay nito kaya nagmamadali siyang bumalik sa loob ng kwarto. Inilagay niya ang termometer sa tenga nito at saka marahang kinuha ang kamay ni ian. Tama nga ang nakita niya kanina may sugat nga ang kamay nito napano naman kaya iyon. Tiningnan niya ang tumunog na termometer. 48 degree.. Mataas nga ang lagnat nito, kaya kumuha siya ng basang towel at tubig saka inilagay sa noo nito. Bigla siyang nag alala para rito, ano naman kaya ang dahilan at nagkasugat ang kamay niya. Nilagyan niya iyon ng betadine. Malakas pa rin ang ulan, walang humpay. ***
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (113)
MalayoMalayo
The title and blurb is giving me emotional vibes... this story is so amazing that I really feel the emotions depicted by the author. Goodluck with your writing journey po!
The title and blurb is giving me emotional vibes... this story is so amazing that I really feel the emotions depicted by the author. Goodluck with your writing journey po!
04/08/2022
1very nice
18/07/2024
0oklng
22/05/2024
0Tingnan Lahat