Homepage/forever's not enough/
Chapter 17
Page 1
Forever's not enough
Part 17-truth hurts.
***
Tiyak na ang mommy na naman niya ang may pakana ng lahat ng iyon.
Kailangan niya itong makausap ngayon din mismo.
"Come in!" Sagot ni evita sa kumakatok sa pintuan ng kanyang opisina.
Nang tumunhay ito ay si ian ang nasa harapan ng ginang. Pero muli nitong ibinalik ang atensyon sa pagsusulat.
"What brings you here son, may problema ba sa hotel?!"usisa ng ginang habang patuloy sa pagsusulat.
Napahinto lang ito ng tumuon si ian sa mesa na pinagsusulatan niya.
"Mom, sabihin pakana mo ba ang kasal namin ni leanna?!" Tumunhay si evita at nagulat ito nang makita ang sugat sa kamay ni ian.
Tumayo ito at nilapitan ang anak para tingnan ang kamay nito pero iniiwas lang ni ian ang kamay at muling nagtanong sa mommy niya.
Bumuntong hininga ang mommy niya bago nagsalita, sa nakikita ni ian relax lang ang mommy niya sa issue na itinatanong niya ngayon.
"Of course not, ian..why? Hindi ba desisyon mo ang pakasalan si leanna?!"sabi ng mommy niya na kumuha ng bulak at betadine medicine box sa ilalim ng table nito.
"Mom, hindi ngayon ang tinutukoy ko kundi ang naka rehistro na kasal na ako kay leanna?! Nangyari yun 8 palang ako paano yun nangyari?!" Halatang hindi nagulat ang mommy niya sa halip ay pinaupo siya nito at dahil gusto niyang marinig ang sasabihin nito ay naupo siya at hinayaang gamutin nito ang may sagot niyang kamao.
"Yeah! Ikaw ang nagdesisyon noon kayo ng papa mo wala akong alam sa ginawa nyong desisyon kayo at nang mga magulang ni leanna! Teka ano bang problema kung nalaman mong kasal kana, ibig sabihin ikakasal lang ulit kayo..!" Seryoso ang mukha ni ian habang nakatingin sa mommy niya.
"Mom, ayokong magpakasal kay johanna, nasabi kona na may mahal na akong iba!"aniya
"Ian, kailan ka ba magmamature, ganan ka din kay leanna even at your young age, ngayon nagbabago na naman ang desisyon mo ian, kaya nga tutol ako sa ginawa nyo ng papa mo nuon dahil ayokong dumating sa ganitong punto kaya lang kayo pa din ang nasunod at huli na ako ng malaman ko ang ginawa nyong kasalan..!"ani evita saka muling naupo sa tapat ni ian
"Mom, kung alam nyo na kasal na ako bakit inihahanap nyo pa ako noon ng pwede kong pakasalanan?!"put of curiousity na tanong ni ian
"A new wedding is possible if we declare and accept that leanna is already dead but then lumapit ka sa akin ian, sinabi mong hindi ka nawawalan ng pag asang buhay si leanna kaya nga binigyan kita ng pagkakataon na iharap sa akin si leanna, hinayaan kita dahil mahal kita ngayong nakita mona siya and prove she's alive all along ngayon naman kinukwesyon mo ako at pinaparatangan ng ganyan?!" Malungkot sa saad ng mommy niya
His mom was right, desisyon niya ang lahat.
"Christian, hijo for once hayaan mong magdecide ako para sa yo anak, imposibleng maikasal ka kay jillian kung iyon ang balak mo lalo na ngayong buhay si leanna, anak lilipas rin ang nararamdaman mo para kay jillian kailanman ay hindi nawawala ang pagmamahal mo kay leanna nakita ko iyon noon pa man, kalimutan mona si jillian!" Payo ng mommy niya sa kanya habang tinatapik sa balikat.
Siya naman ay nasapo nalang ang ulo at sinabunutan ang sariling buhok.
Tama ang mommy niya mali siyang magdesisyon, ngunit tama din kayang mawawala rin ang nararamdaman niya para kay jillian?
"Ipapa annaul ko ang kasal namin ni leanna mom!" Napahawak sa sentido si evita at tumayo
"Christian, are you out of your mind or what? Ang bagay na yan ay hindi isang laro na kapag ayaw mona maaari mong ihinto at maghahanap ng bagong kalaro, ian that not possible lalo na kung hindi papayag si leanna sa gusto mong mangyari!"
"Kakausapin ko si leanna mom!"aniya, napapailing nalang ang mommy niya sa sinabi niya
Naguguluhan tuloy siya dahil sa lagay ng ugaling johanna mal
Laglag ang balikat na umalis ng opisina ng mommy niya si ian, kung ganuon sya naman pala ang may kasalanan.
Paano na ang gagawin niya kakausapin ba niya si johanna para humingi ng annualment?
Ang gulo tuloy ng isipan niya anong dapat niyang gawin sa ngayon?
Paano niya sasabihin kay jill na ang binalak niyang kasal para sa kasintahan ay mukhang o sabihin nang malayong matuloy.
And he found himself in front of johanna's house.
Ang pagdadalawang isip niyang kausapin ito ay nawala ng pagbuksan siya ng katulong na si mae at papasukin sa loob.
Wala nang urungan, maaaring masaktan niya si leanna pero hindi na niya nararamdaman ang pagmamahal na meron siya para dito noon.
Marahang bumaba si johanna sa hagdanan ng matanaw niyang pababa na ito ay sinalubong niya para alalayan makababa.
"Thank you!"malambing nitong sabi sa kanya saka ito humawak sa baywang niya.
Marahan niyang iniupo sa mahabang sofa ang dalaga.
"Did you miss me?!"nakahalukipkip na tanong nito sa kanya
"Actually, leanna.. May pabor akong hihingin sayo?!"kinakabahan niyang umpisa, kaba na hindi pumayag ang dalaga
"What is it, tell me?!" Nakangiti nitong sabi
"Tungkol ito sa kasal, ang totoo ayokong magpakasal tayo, it sounda harsh pero mas mabuti na iyon kaysa naman magsama tayo na hindi totoo sa nararamdaman natin!"paliwanag niya, nakatingin lang sa kanya si johanna inuusisa marahil ang katotohanan sa sinabi niya.
Ngumite lang ito.
"Umuurong kana ganuon ba?!" Tumango siya
"Ok, hindi kita pipilitin ian, ayoko ring ipilit ang sarili ko sayo, kaya lang hindi mo ba inaalala ang pwedeng sabihin ng ibang taong nakakaalam na ikakasal na tayo, sa kung anong sasabihin nila sayo?!" Tila may lungkot sa boses ni johanna
"Ayokong isipin ang sasabihin nila, dahil hindi yun mahalaga! Leanna, isang bagay ba akong hihingin sayo?!"
"Ok, go ahead and tell me!"
"Ang totoo were already married 20 years ago, leanna i want an annualment!" Napabuntonh hininga nalang si johanna
"Were already married? Gosh..paano nangyari yun?!"tila curious na tanong ni johanna
"Kasunduan ng mga magulang natin, kaya nga humihingi ako ng annualment?!"aniya
"About that? Nagulat ako hindi ko alam ang dapat kong sabihin ian, anu ba dapat?!" Tila naguluhang tanong ni johanna
"Kailangan mo lang pumayag sa annualment, leanna?!" Ngumite si johanna saka tumango
"Ok, just let me know ian!" Nag aliwalas ang mukha ni ian sa narinig mula kay johanna.
"Salamat leanna!"
***
Panay ang tingin ni jillian sa orasan, habang nakatayo sa harapan ng beranda.
Alas singko na ng hapon pero wala pa si ian, saan na kaya ito nagpunta?
"Wag mong ka isipin si ian his fine, im sure of it!"ani kane
"Alam ko kaya lang malapit lang naman ang kapitolyo para sa cenomar niya bakit ang tagal niya.!"aniya habang nakahalukipkip.
"Naku baka nanchichicks pa yun jill? Joke lang!"singit ni xian
"Xian ang bibig mo kung ano anong nalabas?!"ani kane na hinila ito palayo sa kinakatayuan ni jill at sinakal sakal
Napangiti nalang si jillian sa kalokohan ng dalawang iyon.
Panay din ang tingin niya sa phone dahil ni isang tawag ay wala siyang narereceive mula rito.
Padabog na ibinaba ni jillian ang phone sa mesa na ikinagulat ng dalawa na nasa kusina na ngayon at nagluluto.
Kabilin bilinanan kase ni ian na huwag nilang hayaabg magluto si jillian dahil bukod sa kusina na nga ang trabaho nito ay hindi din naman ito marunong magluto.
"Bad shot! Mukhang may naamoy akong giyera mamaya!"pabulong na sabi ni xian kay kane, sinipa lang naman ni kane sa pwetan si xian
"Amg harsh mo talaga sa akin!"
"Ikaw ang harsh xian, bilisan mo na lang ang ginagawa mo ok!"ani kane.
Sa kwarto dumiretso si jillian, kausap sa phone ang mama niya matagal na din kase ng huling bumisita ang mga ito sa kanya.
Namimis niya na ang mga ito, at ang pagkamiss na iyon ay napupunuan ng presensya ni ian, ngunit bakit ganito ang pakiramdam niya ngayon sandali palang na wala sa paningin niya ang binata ay pakiramdam niya ang tagal na nitong wala.
She's missing him so much lalo na at walang paramdam sa phone, nag aalala siya ngunit kung may naging problema naman malamang na hindi makakanali yung dalawang kolokoy.
"Jill?!"napabalikwas siya ng marinig ang pagkatok ni kane sa pintuan
"Andyan na ba siya?!" Bungad niya agad sa pintuan ng silid niya nakangiti lang si kane
"Wala pa kaya lang alas siyete na kumain kana kaya muna kung may naging problema alam mong kami ang unang tatawagan noon?!"napasimangot siya dahil ganuon nga ang senaryo,
"Tara nang kumain jill, gutom na ako ayaw akong bigyan ni kane ng pagkain e..dali na please..?!"ani xian
"Ok sige, lina kayo ipaghahain ko kayo nakakahiya naman kayo na nga nagluto..!"aniya na lumakad na papunta sa kusina.
Para lang madatnan na nakahain na ang hapag at punuwesto na si xian.
Madilim na sa labas at tahimik pa din walang senyales ng parating na sasakyan ni ian.
"Huwag mong isipin yun jill, kain ka lang ng kain alam mo naman di ba layas talaga yun si ian.!"
Nginitian lang niya ang makulit na si xian saka nagsimulang kumain kahit paano ay sinabayan niya ang dalawa dahil nahihiya siya, malamang kase na hindi din kakain ang mga ito kapag hindi siya kumain.
Si xian na ang nag ayos ng pinagkainan kahit palaging pa akmang sisipain nito si kane sa pwetan ay hindi naman maituloy.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (113)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
The title and blurb is giving me emotional vibes... this story is so amazing that I really feel the emotions depicted by the author. Goodluck with your writing journey po!
04/08/2022
1very nice
18/07/2024
0oklng
22/05/2024
0Tingnan Lahat