Chapter 1 Page 2

kumakanta ito habang naghahanda ng pagkain na hindi niya alam kung anu, Napangiti nalang tuloy siya.
"ang kulit niya, ayon siguro ang dahilan kaya i feel safe, kahit buong gabi ko syang kasama at katabi"nakangiti niyang sabi sa sarili habang nakahiga sa kama nang biglang tumunog ang cellphone nito na nakapatong sa side table.
(kringtok..kring­tok)
"Tsk..ang panget ng ringtone."pabulonh niyang sabi habang nakatingin lang sa umiilaw na phone habang nagbavibrate sa ibabaw ng side table.
"may tumatawag sa phone mo?"tawag niya kay ian.
"pakisagot nalang.."sagot lang nito kaya bumangon na siya at hinawakan ang cellphone, nakita niya ang pangalang xian, kung ganuon ito yung sinasabi ng mama marahil nito kanina.
sinagot niya pero si ian ang gusto kausap.
"ohh, hinahanap ka"sabay abot niya sa harapan ni ian na naggagayat ng patatas saka siya nginitian at inabot ang phone saka inilagay sa tenga na naka ipit sa balikat dahil ayaw paabala sa ginagawa.
"Hello, pare..what? Whose that girl pare sya ba yung kasama mo kagabi? ano may lakad ang grupo kaso your busy i think or isama mo sya."sabi ni xian over the phone saka siya napatingin kay jill na inililibot ang paningin sa kusina niya nila dati.
"Pare, yeah i'm busy right now and take note shes not any other girl si ji-
tot..tot...tot.."
Biglang nawalan ng signal ang phone niya at namatay ang call.
Ibinaba niya ang phone at pinagmasdan si jill na nag mamasid sa maliit niyang kusina saka binuksan ang ref.
"Namis mo ba ang munting kusina nato?!" Napalingon si jill sa nagsalita saka siya ngumite, paano ba niya iyon sasagutin gayong lahat ay bago sa paningin niya kahit ang kaharap niya.
Kung dati ang sinasabi nito, tumira siya malamang sa bahay na iyon, pero bakit hindi niya maalala yun katulad ng kung paano siyang napunta sa kwarto nito.
"Sino ka ba christian cha? Sino ako sa buhay mo at ikaw sa buhay ko?!"tanong ng isipan niya habang kumakain sila sa iisang mesa, ipinagluto siya nito, hinayinan at pinagsisilbihan kahit ang simpleng paglalagay ng tubig sa baso niya ay ito pa ang gumagawa.
"Damihan mo ang kain yung tipong tataba ka!"sabi nito na hindi niya alam kung nang aasar ba ito o totoo ang sinasabi, hindi naman nga kase siya mataba hindi rin naman masasabing payat dahil ay korte ang katawan niya.
Ang cute ng lugar na iyon isang silid na may sariling kusina paglabas ng kwarto may maliit na ref at lutuan, isang table na may dalawang upuan.
Ang pinagkainan nila ay ito na din ang naghugas siya naman ay nakaupo lang at pinapanuod ito sa ginagawa na mukhang natutuwa pa nga!
"I love you baby! And its a quite alright i need you baby!"natatawa sya sa pagsasayaw nito sa may lababo.
"Jillian!"napalingon siya ng pumasok si ian sa kwarto at nagpalit ng damit sa harapan pa niya talaga ito nagtanggal ng t-shirt na ikinaiwas niya ng tingin.
Napangiti naman si ian, saka lumuhod sa harapan ni jill matapos isuot ang black v neck shirt na fitted sa katawan nito mas lumabas tuloy ang abs nito.
"Your shy, sorry nakita mona naman ang abs ko, maiwan muna kita dito, hmm..babalik agad ako ok..dito ka lang sa kwarto!"saka ito tumayo at hinalikan siya sa noo tinanaw niya ito ng tingin saka nagwave sa kanya at inayos ng daliri ang buhok.
Maya maya pa ay muling bumukas ang pintuan, iniluwa noon si ian at nagmamadaling lumapit sa kanya saka hinawakan siya sa kamay.
"Bakit?!"aniya
"Sumama kana lang kaya sa akin baka mamaya pagbalik ko wala kana naman e!"kamot sa batok na sabi nito pero hinawakan niya ang kamay nito.
"Dito nalang ako, hihintayin kita!" Tinitigan siya nito saka ngumite
"Sigurado ka huh baka pagbalik ko wala kana dito!"umiling lang siya saka isinenyas na lumakad na ito, saka palang bumitaw sa kamay niya at paurong na lumabas ng pintuan.
Saka marahan iyonh isinara.
"Saan naman kaya ako pupunta, hindi ko nga alam kung saan ako nakatira!"aniya sa sarili saka naupo sa gilid ng kama.
Dahil sa naguguluhang isip nito ay nagpasya syang lumabas ng bahay at maglakad lakad, exclusive village pala yun at may guardia pa nga ngunit kahit anong gawin niya ay wala siyang maala-ala. Hanggang napadako siya sa lugar ng aksidente, sa intersection ng lugar, napansin niya si ian ngunit agad din nawala sa paningin niya kaya minabuti niyang umalis nalang.
"Haist..grabe talaga ang panahon ngayon, asan nga ba ako kagabi at hindi ko alam ang nangyari samantalang malapit lang pala dito sa amin yun!"pagkausap niya sa sarili habang naglalakad pabalik ng kanyang silid.
Sa kwarto siya agad nagpunta at si jill agad ang hinana ng mga mata niya, napansin niyang maayos na uli kwarto niya nawala na yung mga kalat niyang gamit maging ang damit ay maayos na ulit na nakasalansan sa tokador niya kaya napangiti siya habang nakapamewang.
"mahilig talaga siyang mag-ayos ng silid."nakangiti niyang sabi kaya lang ay wala roon si jillian kaya dinial niya ang number nito para tawagan.
Habang nagriring naman sa kabilng line.
"Mama, bilisan po natin ang sabi ni michael ok naman na daw po si jillian wag na kayo mag-alala ha"pag-alo nito sa ina habang naglalakad papunta sa silid ni jillian,
"paano mo nasasabi wag ako mag-alala, anak ko ang nasa hospital.."protesta nito sa anak na si carol
pagdating nila ay anduon nga si michael at may kausap sa phone.
"Hello, bakit ba ang kulit mo hindi ba sinabi kona wag ka na tatawag kay jillian..tigilan muna siya.''matigas na saad ni michael
''Michael nasan si jillian?''tanong agad ng parating na ginang sabay patay naman nito sa phone ng maulinigan ang mama ni jillian saka isinilid sa bulsa ang phone ng dalaga.
''mama, kausap ko na po ang doctor kanina lang, sinabi po niya stable na ang condition ni jillian hindi pa nga lang siya nagigising.!"paliwanag ni michael
Tila hihimatyin naman ang ginang sa narinig, galit ito kay michael at syang sinisisi sa nangyari.
"Kasalanan mo ito, ikaw ang kasama niya paanong nangyari sa kanya yan samantalang ikaw eto ay nasa harapan ko!"asik ng ginang kay michael
"Im sorry mama, hindi ko kase siya nabantayan, wag po kayo mag-alala babantayan kona po siya ng maayos..pahinga na po muna kayo baka kung mapaano pa kayo.''saad ni michael.
"Sana lang walang masamang mangyari sa anak ko michael!"pahabol pa ng ginang saka tuluyang pumasok sa silid.
Habang nasa loob ng silid ang ina at kausap ang doctor au naiwan namang nag-uusap sila carol at michael sa labas ng silid habang wlang tigil ang tunog ng phone ni jillian.
Si carol ang nakababatang kapatid ni jillian at kasangga sa lahat ng bagay, bestfriend na din.
"Michael, bakit ayaw mong sagutin sino ba yang tumatawag?"tanong ni carol
"si ian, kinukulit padin si jillian"..asar na sagot nito
"Baka nalaman niya ang nangyari kaya gusto lang niya kumustahin..hindi naman siguro masama yon."pagkumbinse ni carol dahil close na nito si ian noon pa man kumpara kay michael
."A big no, carol ikakasal na kami ng ate mo hindi na siya dapat sumasali sa ganitong problema"..asar na sagot nito kay carol na para bang mas kinakampihan pa ni carol si ian kaya naman natahimik nalang naman ang dalaga habang nakatingin sa seryosong hitsura ni michael at hawak ang phone
..
"Haist!"asar na itatapon sana ni ian ang phone nang paglingon niya ay nasa pinto si jillian kaya naman agad niyang ibinaba ang phone at ngumite sa dalaga.
"Ohh, san ka galing? tinatawagan kita..asan phone mo?"tanong agad nito pero umiling lang ang kausap saka pumasok sa loob ng kwarto,,
''Hindi ko alam kung nasaan.''.Sabay upo sa kama
"Jill, tinawagan ko phone mo si michael ang sumagot, nag-aalala ang mama mo tawagan mona siya."mabigat sa loob na sabi niya sa dalaga saka iniabot ang phone na tinanggap naman nito saka nakita sa dial ang pangalan niya saka iyon idinayal para makausap niya ang sinasabi nitong mama niya ngunit kahit ilang beses sila tumawag walang sumasagot.
Sino ba si michael tanong ng isip ni jilliane naguguluhan na talaga siya, napahinto lang ang iniisip niya ng muling magsalita si ian
"Jill, ayokong umalis ka ulit sakin pero ayoko namang nag-aalala sayo ang mama mo, ihahatid na muna kita, halika na." Hindi na siya nakaimik pa ng hinawakan nito kamay niya palabas ng kwarto saka pumunta sa front door ng bahay na malaki, bahay siguro ng mommy niya saka namaalam sa ina na lalabas muna sila ni hindi nito binibitawan ang kamay niya saka kinuha ang rider na motor na naka park sa garahe ng mga ito, noon lang napansin ni jill na malaki pala ang lugar na yun nakinakatayuan ng maliit na kwarto ng binata, kinuha nito ang helmet saka isinuot sa ulo niya at ikinabit iyon.
Saka siya pinasakay ng nakapwesto na ito para umalis,
"Kumapit ka!"paalala nito sa kanya tumango lang naman siya saka sumakay sa hulihan, binuhay nito ang makina saka pinaansar ang motor.
Kaya pala nagmotor sila ay para mabilis at makadaan sa eastwood intersection.
Paglampas nila doon ay nakaramdam ng takot si jillian hindi niya alam kung bakit kaya humigpit ang yakap niya sa likod ni ian, alam naman ng binata na natatakot ang dalga ganito kase ito kapag nag-aalala mahigpit siyang hinahawakan sa kamay kaya naman inalis niya ang pagkakahawak niya ng isang kamay sa manibela at hinawakan ang kamay nito na nakayakap sa kanyang baywang.
"Jill, wag ka mag-aalala ha, andito naman ako..ok!''
"ok.."sagot lang nito na kahit mahina ay rinig na rinig ng tenga niya dahil boses iyon ni jill.
Napangiti si jill nang hawakan ni ian ang kamay niya, mas gumaan ang pakiramdam niya, pakiramdam niya she's always safe being with this man, his warm body makes her comfortable.
Pumikit siya at hinayaang namnamin ang pagkakayakap niya dito.
Ni hindi nga niya alam saan sila pupunta kahit sabihin pang ihahatid daw siya sa mama niya, hindi niya alam kung saan ang lugar na iyon o sino ang taong iyon.
Naguguluhan siya..
Hanggang sa maramdaman nalang niya ang paghinto ng motor nito kaya siya nagmulat ng mga mata at niluwagan ang pagkakayakap sa baywang ng binata saka nito muling hinawakan ang kamay niya na tila ayaw alpasan sabi nga nito ayaw siya nitong umalis ulit pero ayaw din nitong mag alala ang mama niya.
Lumapit sila sa kulay tsokolate na gate at saka nagdoorbell, maka ilang ulit ngunit walang nasagot.
"Naku kuya walang tao diyan umalis sila kanina lang nagmamadali nga eh!"sabi ng isang ginang na nakatira sa kabilang bahay
"Ahh ganuon po ba salamat po!"aniya saka bumaling kay jill na naksandal sa motor niya.
"Mukhang walang tao sa bahay nyo sa tingin ko nagpunta sila sa bahay nila michael, at hindi ako maaring pumunta doon jill..!"aniya sa dalaga na nakatingin lang sa bahay
"Halika na sa bahay kana lang muna tatawagan ko nalang ulit ang mama mo!"muling isinuot ni ian ang helmet sa ulo ni jill saka pinasakay sa motor nito.
Habang nasa biyahe sila pabalik ng eastwood village ay mahigpit pa din ang pagkakayakap ni jill sa baywang ni ian, kaya naman inihinto niya ang motor sandali saka ito bumaba at inalalayan bumaba si jill saka inalis ang helmet na suot nito.
"Jill, wag kang kabahan ok huwag kang mag alala sigurado akong hindi ka mapapagalitan, nag aalala lang sila sayo..!"saka nito hinalikan ulit ang kamay ni jill
Nakatingin lang naman si jill sa lalaking kaharap niya.
"This man, as i look into his eyes those beautiful eyes..masasabi kong mahal na mahal niya si jillian, at ako ang tinatawag niyang jillian..sino ka at sino ba ako? Bakit wala akong maalala!"

Komento sa Aklat (113)

  • avatar
    MalayoMalayo

    The title and blurb is giving me emotional vibes... this story is so amazing that I really feel the emotions depicted by the author. Goodluck with your writing journey po!

    04/08/2022

      1
  • avatar
    Mary Joy B. Bofill

    very nice

    18/07/2024

      0
  • avatar
    LogronioRey

    oklng

    22/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata