Homepage/The Transfer Student from Public High/
61: Earth and Mars: 05
Angelo
"You are such an idiot Alegre. Sa tingin mo ba ay matatakot ako sa sorpresang sinasabi mo?" sagot ko sa kanya habang lumalapit sa akin sina Ronn at Alfred after joining the fight against the trash students of my school. Nagkibit-balikat lamang si Alegre at nanatiling kalmado kahit pa bagsak na ang mga kaibigan niya.
"Gusto kong makita ang sorpresang inihanda mo para sa akin..." naglakad palapit si Alegre patungo sa kinabagsakan ng mga kaklase niya habang nakasunod naman si Gello sa likuran niya.
"Surround them!" utos ni Alfred na nakatayo sa likuran ko. Kaagad na sumunod ang mga lalakeng estudyante at pinalibutan nila ang grupo ni Alegre. My minions in this room are 15 males at maliban pa roon ay ang nasa sampung kababaihan na grupo ni Lorraine at ilang grupo ni Allysa.
"Masyadong maliit ang kwartong ito, sa dami ninyong gustong manakit sa amin." kalmado pa rin ang tono ng pananalita ni Alegre that keeps irritating me despite my advantage in numbers.
"And so what? Walang ibang lugar na available sa school na ito na mas ligtas para sa mga ganitong gawain." sagot ko sa kanya. Nakakaramdam na marahil siya ng takot at iyon ang gusto ko. Ang unti-unti siyang lumuhod sa harapan ko sa harap ng maraming tao.
"Ito na ba ang sorpresa mo sa pagbabalik ko? Mas matutuwa pa ako sa sorpresa mo kung mapupunta kayo sa school clinic dahil dito sa kalokohan ninyo." sagot lamang ni Alegre while his hands are in his pocket.
"Hahaha, ang yabang mo. Anong akala mo sa amin? matatakot sa sinabi mo?" singit ni Ronn.
"This guy is stupid." dagdag pa ni Alfred at kasabay noon ay nagtawanan ang lahat ng mga estudyante sa paligid maliban sa grupo ni Alegre.
"Ano ba talagng gusto mong mangyari ha?! Bakit hindi ninyo kami tinitigilan?!" sigaw ni Jay-ar. Nakatayo na siya at sunod na tumayo ang iba pa niyang kagrupo maliban sa dalawa na kasama ng Miko kanina na nanatiling nakaupo sa maruming sahig ng kwarto. "Huwag na huwag kayong magkakamaling idamay ang mga kaibigan ko dahil hindi ko kayo titigilan." banta niya habang muli niyang ikinuyom ang kanyang kamao. This guy is tough.
"I don't need those unimportant garbage around Alegre, make them fall and make it sure that they wouldn't be able to stand." utos ko sa mga kasama ko. Kaagad na sumunod ang mga pumalibot sa buong grupo ni Alegre.
"Haaa!!!" magkasabay na sumigaw sina Miko at Jay-ar, kasama ang isa pa nilang kaibigan ay muli silang umatake at nakipagpalitan ng suntok sa aking mga alagad. It's more than five against one sa tatlong lumalaban sa amin kaya naman ang panoorin ng lahat ng kaganapan habang nangyayari ang lahat ay isang magandang entertainment para sa akin.
"Look at him." bulong ni Alfred sa akin mula sa likuran, itinuro niya si Alegre na nakatayo pa rin kasama si Gello sa kabila ng gulong nangyayari sa paligid n'ya. He's not joining the fight and he just keeps standing at the center together with Gello. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng pagkainis sa ginagawa niya.
Bumagsak ang ilan sa mga tagasunod ko dahil kina Jay-ar at sa isa niyang kasama na si Miko habang napaluhod naman na ang isa sa kanila na hindi nagsasalita.
"Matigas ang dalawang iyon." komento ni Ronn na nakatayo rin sa likuran ko. May tatlo pang sumunod sa mga tagasunod ko ang napaluhod at hindi na nagawa pang makatayo matapos sikmuraan ni Jay-ar at sipa naman mula kay Miko. These guys keep on hitting anyone who gets close to them.
Isa sa mga tagasunod ko ang nakahawak ng isang piraso ng kahoy mula sa lumang upuan sa silid at ipinalo ito sa likod ni Miko. Bumagsak si yaat napaubo matapos makatanggap ng atake mula sa likuran and still, Alegre didn't do anything.
"What the hell is this guy's thinking?" hindi ko napigilang maiwika habang nanonood ako sa mga kaganapan. His friends are almost beaten but he still kept his calm composure.
"Nasisiraan na siya." wika rin ni Alfred na marahil ay napansin rin ang kakaibang nangyayari.
Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at kaagad na umurong ang mga tagasunod ko, malalim ang paghinga ni Jay-ar at namumula ang mukha niya liban pa sa putok ang gilid ng mga labi ay may kaunting dugo rin sa kanyang umiporme at mukha.
"Nagsawa ka na?" Alegre asked as if nothing is happening around him.
"Hoy, Cloud bakit hindi mo tinutulungan si Jay-ar?" tanong ng isa sa mga kaklase niya na nakaluhod pa rin kasama si Gary. This idiot didn't even bothered to fight. Tinignan lamang siya ni Alegre, ngunit hindi ito sumagot. Maging si Jay-ar ay hindi rin nagsalita habang pinapahid ang dugo sa kanyang labi gamit ang kanyang braso.
"Hindi na niya kailangan pang tumulong..." sagot ni Jay-ar.
"Hahaha!" humahalakhak na singit ni Ronn. "Ang sabihin mo natatakot lang si Alegre na masuspend, or worse ma-expel!" Naglakad si Ronn palapit kina Jay-ar, Gello at Alegre. Sinipa niya si Gary na napahiga sa harapan nila habang patuloy lang sa pagtawa.
"Sumosobra ka na!!!" Miko angrily yelled at Ronn with his fist tightly clenched. Bago pa makaabot si Miko kay Ronn ay isang kahoy ang tumama sa likuran niya na nagpaluhod muli sa kanya.
Nagtawanan ang ibang mga estudyante sa paligid at kasama nila ay hindi ko rin pinigilan ang sarili kong matuwa sa kinahihinatnan ng mga nangyayari sa aking harapan. Sinubukang pumiglas ng mga babaeng kaibigan ni Alegre mula sa pagkakahawak sa kanila ng mga tagasunod nina Allysa at Lorraine ngunit hindi nila magawang kumawala sa halip, tanging ang pagluha na lamang ang kanilang nagawa sa sitwasyon na kanilang nasasaksihan.
Humakbang palapit si Ronn kay Miko ngunit humarang naman si Jay-ar sa kanya.
"What?" maangas na tanong ni Ronn kay Jay ar. "You wanted t—"
Thug!
Hindi na nakatapos ng sasabihin si Ronn dahil isang headbutt ang ginawa ni Jay-ar sa kanya at sa bilis ng pangyayari ay hindi rin ito napigilan ng mga alagad namin na nasa paligid.
Napaurong si Ronn na hawak ang kanyang noo at paupong bumagsak sa sahig. Our minions quickly blocked Jay-ar from getting close to him and another student hit Jay-ar from the back.
Hindi katulad ni Miko na napaluhod sa pagtama ng kahoy na pamalo sa katawan niya, nanatiling matigas at nakatayo si Jay-ar sa kabila ng lakas ng pagpalo ng kahoy sa kanya.
Nilingon niya ang umatake sa kanya mula sa likuran and a right hook from him quickly connected to one of my minions face. Tumalsik sa kanyang kinatatayuan ang umatake kay Jay-ar but I don't give a damn about the one he hit. This guy is another problem next to Alegre, these vanguards that Gello talked about. Sabay-sabay na namang sumugod ang lahat kay Jay-ar but he keeps struggling and kept on fighting despite the fact that it's impossible for him to win against them all.
"Angelo, tignan mo si Alegre." tinapik ako ni Alfred sa aking balikat saka niya inginuso ang direksyon ni Alegre na nasa likuran lang ni Jay-ar na nanonood pa rin ng pangyayari na tila wala parin sa kanya ang gulo sa kanyang harapan.
"Stop!!!" sigaw ko sa lahat matapos kong makita na hindi nagbabago ang reaksyon ni Alegre sa kabila ng lahat. How could this be?
"Gello, sino ang dalawang kaklase natin na nakaupo lang sa sahig?" I heard Alegre asked Gello in a very calmed tone. I clenched my fist because he's getting into my nerves. This is not the reaction I want from him. I want him to be angry, to get enraged just like the last time... Isang ala-ala ang sumagi sa isipan ko. Tama, noong necrological service ni Valentin Crisostomo ay ang unang pagkakataon na nakita ko ang galit sa mukha niya and I wanted to see it again, now!
"Gary Trinidad at Paul Constantino..." I heard Gello answered Alegre's question.
"Bakit hindi sila tumutulong sa laban?" dagdag pang tanong ni Alegre kay Gello.
Bakas ang pagtataka sa mukha ni Gello sa tinanong sa kanya ni Alegre, it takes a second before he came up with an answer.
"Uh...hindi ko alam." sagot sa kanya ni Gello.
"Hoy!" putol ko sa pag-uusap nina Alegre at Gello. "Anong pinag-uusapan ninyo sa ganitong klaseng sitwasyon?" inis kong tanong kina Alegre at Gello ngunit hindi lamang ako pinansin ni Alegre.
"Kayong dalawa." baling niya sa dalawang nakaupo sa sahig. "Kung hindi ninyo kami tutulungan mas lalo lang tayong magtatagal sa kwartong ito, Gary at Paul ang pangalan ninyo diba?"
"Sobra ka naman, mga kaklase mo kami tapos hindi ka pa sigurado sa pangalan namin?" reklamo ng nagngangalang Paul saka ito tumayo, habang nanatili lamang si Gary na nakaupo sa maruming sahig.
Bumulong si Gello kay Alegre at tumango lamang ito bago magsalita. "Hindi ko kaya, wala akong pera." wika nito.
"Hey! what do you think you're doing?!" asar kong tanong sa kanila. How could they ignore us.
"Hoy! Mga bingi na ba kayo?! tinatanong kayo ni Angelo!" ulit ni Ronn na nakabangon na mula sa pagkakahead butt ni Jay-ar sa kanya at halata ang bukol sa kanyang noo.
"Let me do it..." wika ni Gello saka bumulong kay Paul.
"Kinakausap kayo ni Angelo!!!" bigla na lang sumugod si Alfred patungo kay Gello. Huli na bago pa kami makapag react sa pangyayari dahil isang sipa ang tumama sa dibdib ni Alfred na nagpatalsik sa kanya. Someone kicked him.
"Wag kang bastos ha? kapag may business deal wag kang makikisali sa usapan." wika ni Paul habang nakataas ang kaliwang paa niya at nasa likod niya si Gello na nakangiti.
"Anong ginawa mo?" Alegre asked Gello, marahil ay nabigla din siya sa ginawa nito kay Alfred.
"Gwhaa..." umuubo si Alfred sa sipang natanggap niya mula kay Paul habang inaalalayan siyang tumayo ng iba. "H-How dare you hit a ranker like me! Ipapa-expel kita kay Mommy!!!" sigaw ni Alfred kay Paul.
"Teka, akala ko ba walang makakapasok na teacher at guards dito sa building dahil hawak ng ranker ng grade 10 ang palibot nito, anong pinagsasasabi mo?" tanong sa kanya ni Paul.
"I want him to kiss the floor!" galit na itinuro ni Alfred si Paul at muling sumugod na naman ang mga tagasunod namin but this time, Jay-ar and Paul are fighting, Tinulungan ni Gello si Miko na tumayo habang si Alegre naman ay inalalayan ang isa nilang kasama na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naririnig na magsalita. Mabilis ang palitan ng mga suntok ng magkabilang grupo ngunit ang kakaiba rito ay dalawa lang ang kalaban ng mga taga sunod namin and yet, they're having a hard time bringing them down.
"Five hundred!" Sigaw ni Paul nang bumagsak ang isa sa mga kalaban niya, lumingon siya kay Gello saka nag thumbs up. "Five hundred per student ang exchange rate ha, hehe... malaki ang kikitain ko ngayong araw!"
What the hell is he talking about?
"Tama na 'yan!!! Please!! W—" another girl from Alegre's side screamed but her mouth was shut again before she could speak another words. Halos kalahati na sa grupo namin ang bumagsak at habol hininga na rin sina Jay-ar at Paul ngunit wala nang nagtangkakang lumapit sa kanila dahil sa tibay ng mga ito at walang planong sumuko.
"Anong ginagawa ninyo?" tanong ni Ronn sa mga kasama namin na nagdadalawang isip nang sumugod.
"D-Delikado lumapit kay Jay-ar, Sir Atienza." sagot ng isang grade 10 sa kanya. "H-Hindi niya pinapakawalan ang mahawakan niya hangga't hindi nawawalan ng malay."
"Eh kung kayo ang tanggalan ko ng malay? Mga wala kayong kwenta!" hawak parin ni Alfred ang kanyang dibdib na sinipa ni Paul.
"That one." Itinuro ko si Paul na abala pa rin sa pakikipag-away. "Isn't that a weakling earlier? How could he manage to fight?" I can't help myself but wonder.
"P-Paul Constantino..." sagot ng isang grade 8 student. "Hindi po tao ang tingin sa amin ng isang 'yan, para sa kanya mga produkto kaming ipagpapalit n'ya para sa pera." nanginginig ang tuhod niyang sagot sa amin.
"Useless!" inis kong sigaw sa kanila. "Huwag ninyo sabihing matatakot kayo sa anak ng isang baliw?" tumingin ako sa direksyon ni Alegre. "That son of a psychopathic woman should be kneeling in front of me!!"
Muli nang nakatayo sina Miko at ang kasama ni Alegre na hindi nagsasalita, maging si Jay-ar at Paul ay nakatayo ng maayos na pinapalibutan nila si Alegre, only Gary, Gello and Alegre were the one whose not joining fight.
"Tapos na ba ang sorpresa mo?" nakangiting tanong sa akin ni Alegre, nanghahamak na ngiti at minamaliit ang lahat ng ginawa kong paghahanda. My more than 15 minions of Sacred Morning students are incomparable to these stupid vanguards? Impossible, I wont fall back. Naglakad ako patungo sa kung nasaan ang mga babaeng kaibigan ni Alegre at nakaharang naman ang iba sa mga tagasunod ko upang pigilan ang mga basurang grupo ni Alegre sa pakikialam sa pinaplano ko. I don't care kung sino sa mga babaeng kaibigan ni Alegre ang naabot ng kamay ko ngunit hinila ko ang buhok nito palapit sa akin.
"Aagghhh!!!" daing niya habang mahigpit kong hawak ang buhok nito at sinubsob ko siya pababa sa kinatatayuan ko.
"Roselee!!!" sigaw ng mga babae at ng mga kagrupo ni Alegre.
"Bitawan mo si Roselee!!" sigaw ni Jay-ar, akmang susugod na siyang muli ngunit hinila ko pataas ang buhok ng babaeng nakuha ko na tinatawag nilang Roselee na lalong nagpalakas ng pagdaing niya.
"Subukan mong lumapit Cascante, mas malala ang mangyayari sa babaeng ito!" nakangisi kong hinila pa ang buhok ni Roselee habang nakaluhod ito sa sahig at dinadaganan ng kaliwang paa ko ang kanyang likod upang manatili siya sa kanyang kinalalagyan. Pilit na hinahawakan ni Roselee ang kanyang buhok na may luha sa kanyang mga mata, but I don't give a damn. Dahil sa ginawa ko ay napatigil ang mga kaibigan ni Alegre.
"Now, keep yourself where you are and don't you dare move an inch..." sinenyasan ko sina Alfred at Ronn maging si Lorraine na gayahin ako at kanya-kanya nilang hinila ang iba pang babae na hawak namin. Tatlong babaeng grade 10 ang may hawak sa nagngangalang Elyon na pinaluhod rin siya. Si Alfred naman ang kumuha kay Cindy habang sinasabunutan nito ang maganda niyang buhok, such a waste. Kung nanatili siya sa Earth at Mercury noon hindi sana mangyayari sa kanya ang ganito ngayon.
"Lumuhod ka!" dinig kong utos ni Ronn sa babaeng si Sonja na nagmamatigas sa kanilang lahat. Lumapit ako sa kanila matapos kong tadyakan si Roselee na nagpadapa sa kanya sa sahig.
"Let me." wika ko kay Ronn, binitiwan naman ni Ronn si Sonja at magkaharap na kami sa isa't-isa, she's looking at me without a hint of fear in her eyes.
"You're not afraid huh." I said in a clenched teeth. Alegre's action is already enough, adding Cascante is too much and now, this woman.
"Hindi ang katulad mo ang dapat kong katakutan, nagtatago ka lang sa likod ng anino ng eskwelahang ito." sagot niya sa akin. How dare she talked back. I punched her ugly face and snatched her hair then pulled her left arm and twisted it.
"Hhh..." impit ang boses na inilabas ni Sonja. She's trying not to make a sound.
"Sonja!!" sigaw nina Jay-ar at Miko kasama pa ng iba, the other guy who doesn't speak tried to struggle and get close to us.
"Sige, subukan ninyo kumilos!" sigaw ni Alfred at kasabay ng iba ay mas pinahirapan nila ang iba pang kaibigan ni Alegre.
No one dared to move. Iyan ang gusto ko.
"Everyone." utos ko sa mga natitirang tagasunod namin na nasa loob ng kwarto. "Patumbahin n'yo silang lahat! Itira ninyo si Alegre para sa akin!"
Kaagad na sumunod ang lahat at muling umatake sa kanila. Sinubukan ni Jay-ar na gumanti ngunit sa tuwing kikilos siya ay sinasaktan nina Alfred at Ronn sina Cindy at Roselee kaya naman wala silang magawa kundi ang manatili sa kanilang kinatatayuan at tanggapin ang mga suntok ng aming tagasunod hanggang isa-isa silang bumagsak at nanatili na lang na sina Alegre at Gello ang nakatayo.
★★★★★ITUTULOY★★★★★I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (245)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I really enjoy reading your story, I found myself laughing all the way through it. The story was very enjoyable to read. I don't remember the last time I read something as good as your story, No words can describe this story another then great. My words won't be enough
17/02/2022
10hi po, gusto ko lang po sabihin na ang ganda po ng story sobrang nagustohhan ko po , sana po marelease na po sunud na chapter po, 💙💙
08/02/2022
0Hello po, I really love your story kaya po sinundan na kita dito kasi dalawang pasko na ako naghihintay sa update ng story na to.
08/01/2022
0Tingnan Lahat